Midterm

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Name: AJ N.

CAPUNGGAN
Yr/Course/Sec: 2BEED – C
SC – FIL 211
Midterm Examination

1. Ipaliwanag ang ibig sabihin nang Teorya.

- Ang teorya ay isang salitang maraming kahulugan katulad na rito na


ang teorya ay maaaring isang magkakaugmang pangkat ng nasubukan nang
panglahatang mga mungkahi, na itinuturing bilang tama o tumpak na
maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon o hula
para sa isang uri ng kababalaghan. Ang teorya ay ang masusing pananaliksik
sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ginagamitan ng siyentipikong paraan
upang mahanap ang sagot sa isang katanungan, o mapatunayan ang isa pang
teorya. Ito rin ay isang pag aaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari
at ginagamitan ito ng siyantipikong pamamaraan upang matuklasan pa o
masaliksik pa ang isang bagay o pangyayari.

2. Anong Batas Pangwika ang kasalukuyang umiiral sa bansa? Ipaliwanag.


- Ang Batas Pangwika na kasakulukuyang umiiral sa ating bansa
ngayon ay ang Saligang Batas ng Biak ng Bato kung saan ang wikang ito ay
wikang opisyal ng katipunan ay tagalog na naging midyum sa mga paghatid-
sulat at dokumento ng kilusan. Umiiral rin sa ngayon ang Saligang Batas ng
1935, Arikulo XIII, Seksyon kung saan ang Pambansang Asemblea ay dapat
gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
komong wikang nabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. At ang
Kautusang Pangkagawarang blg. 1 at ito ay iniutos ng Kalihim ng
Pampublikong Instruksyon Gorge Bocobo na ituro sa lahat ng Paaralan ang
Pambansang Wika na base sa Tagalog, taong Panuruan 1940-1941.
3. Ipaliwanag ang limang Markong Kasanayan.

- Ang Limang Markong Kasanayan ay Panonood, Pakikinig,


Pagsasalita, Pagbabasa, at Pagsusulat. Una ay ang Panonood, ang Panonood
ay ang kakayahang unawain ang mga imaheng biswal o visual images at
iugnay ang mga ito sa sinasalita o binabasang teksto , ang panonood ay ang
kayahang lumikha ng mga imahe upang mabisa itong mapaunawa sa iba
Depinisyon ng panonood. Pangalawa ay ang Pakikinig, ang Pakikinig ay isang
proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa tunog o salita na narinig. Ang
prosesong ito ay nagaganap sa pamamagitan ng auditory nerve at utak.
Nagsisilbing stimuli ang tunog na napakinggan, ito ay dadaan sa Auditory
Nerve papunta sa utak upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri.
Pangatlo ay ang Pagsasalita, ang Pagsasalita ay ang kahalagahan ng
Paglinang ng Kasanayan sa mabisang Pagsasalita, ito ay ang pagbibigay,
pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na
ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang
malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan. Pang apat ay ang
Pagbabasa, ang Pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita at isa ring saykolingwistiks na panghuhula kung
saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe hango sa tekstong
binasa. At ang pang huli ay ang Pagsusulat, ang Pagsusulat ay pagsasalin sa
papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.
4. Ano - ano ang gampanin ng guro sa paglinang ng Edukasyon.

- Ang mga Katangian ng Epektibong Guro ay sa meta-tesis na


nakapokus sa emperikal na pag-aaral ukol sa kalidad at kwalipikasyon ng
mga guro, ito rin ay Karanasan Paghahanda ng programa at kursong natapos
Uri ng mga Katibayan Mga Gawaing natapos bilang paghahanda sa
profesyon Mga Marka ng Guro sa Pagsusulit, Eksperto sa lahat ng saklaw ng
pagtuturo, gaya ng paksang-aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo
at dayagnostiks sa pagtuturo. Isang may personal na pilosopiyang
pangedukasyunal na nauukol sa mga paniniwala, mithiin at kumbinasyon
nang naaayon sa kanyang papel bilang guro, at may digring post-graduate, at
kung maaari y may digring masteral sa alinmang tiyak na larangan. May
magkahalong utak yaong taong ang lohikal at malikhaing hemisphere ng utak
ay nagagamit nang sabay. Isang modelong tao na may personal na atribyut,
virtues at paraan ng pagtuturo na magbubuo sa sinasang-ayunang relasyong
guro-mag-aaral.
5. Ipaliwanag ang mga alituntunin sa Pagtuturo ng Wika.

- Sa pagtuturo ng wika may sampung alituntunin na pakatandaan sa


mas lalong ikabubuti sa pagtuturo ng wika. Ang mga guro na magtuturo
ng wika lalo na sa elementarya ay kinakailangang maging malaman ng
mga sumusunod: Halaga ng Tunog kung saan ito ang unang yugto sa pagtamo
at pagkatuto ng wika, Pagbuo ng Pangungusap kung saan ang lahat ng wika
ay may kanya-kanyang paraan at estilo sa kung paano binubuo ang
pangungusap, Paggaya kung saan bilang guro ng wika, nararapat na
magaling ito sa pagbabago-bago ng boses ayon sa paraan ng binabasa,
halimbawa Kapag ang binabasa ay masaya, malungkot, nakakatakot at
iba pang emosyon marapat ang guro ay maalam sa kung paano niya baguhin
ang kanyang boses sa kadahilanang mas mabilis na maunawaan ng mga-aaral
ang binabasa, Padron sa Wika kung saan Sa pagkatuto ng wika,
kinakailangang ang mag-aaral ay matutong magmemorya ng patern nito at
kinakailangang maging aktibo ang kanyang pag-iisip na madaling
matandaan ang mga salita na gagamitin, Bokubolaryo, at Pagturo ng Pattern.

You might also like