Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang hapon sa mga magulang at sa lahat ng dumalo lalo na ang mga guro

mula sa paaralan na ito. Ang talumpating ito ay aking inihahandog sa mga taong
nakapalibot sa aking buhay, naging parte, parte, o magiging parte palang ng aking
buhay, kayo ang nagbigay inspirasyon upang mamuhay ng maligaya. Hindi
maikakaila na kayo ay ang pangalawang magulang naming mga estudyante. Hindi
ko rin maiwasan, na hindi bangitin sa kabilang panig ng pagiging dakila ng ating
mga guro. Kung ano kami ngayon ay utang namin sainyo. Kayo ung guro na
nagtiyaga na turuan kaming magbasa, magsulat, at magbilang, at matuto. Akam ko
na hindi madali o hindi biro ang inyong napagdaanan upang kami ay maturuan ng
ayos at madisiplina ng tama, mahabang pasensya ang inyong tiniis para sa amin. Sa
aking mga naging guro, at guro sa ngayon, alam ko ang hirap at sakripisyo na
nakadikit sa inyong propesyon. Ngunit ganunpaman, laking pasasalamat ko at
kaming lahat na estudyante niyo, dahil kayo ang tumayong pangalawang magulang
naming upang gabayan kami sa lahat. Tinuruan nyo kami ng tama at mali. Lalo na
kung paano maging isang maresponsableng estudyante. Kailanman ay hindi nyo
kami binigo,araw araw namin kayo hinahangaan dahil kami ay hanga sa inyong
kakayahan, kailanman ay hindi nyo sinira ang aming tiwala pati tinawala ng aming
mga maugulang dahil alam namin na kaya nyo kami tiisin at turuan upang matuto.
Laking pasasalamat ang inihahandog ng bawa’t estudyante at bawa’t magulang na
dumalo. Nais ko pasalamatan ang mga guro ng Biblica La Delle Academy. Hindi
lamang sa school naming kundi sa lahat ng guro. kayo ang walang ibang hinangad
kundi ako ay ihanda para sa kinabukasan o sa aming kinabukasan. Kayo na siyang
nagtitiyagang ipaintindi ang mga di maintindihan, ang mga bagay na aming inakala
ay hindi namin kayang manamnam. Hindi kayo tumitigil sa kakasabi na “kaya nyo
yan” hindi din kayo napapagod magtiwala sa amin na maabot namin ang aming
mga pangarap balang araw. Hindi niyo kami hinahayaang mapalampas ang
pagkakataon na mapunan ang aming isip ng mga kaalaman, kaalaman na siya ring
aming gagamitin para sa kinabukasan. Kailanman ay hindi nyo kami binigo,
tinuring na bilang nanay at anak. Kailanman ay hindi nyo kami hinayaang maging
malungkot. Lagi kayo nanjan kapag may problema at kapag takot mag sabi sa
magulang ay sainyo na lamang kami nag sasabi dahil alam namin na
napagkakatiwalaan namin kayo. Kayo ung guro namin na gagampanan ang
kanyang maharlikang tungkulin na hindi naghihintay ng kapalit. Kayo ung guro na
tumatayong ama at ina sa loob ng paaralan, na nagmamahal at nagmamalasakit
kahit alam niyo na kami ay makakasama lamang niyo ng panandalian. Guro
naming na napupuyat sa kakahanda ng kanyang mga leksiyon, napupuyat sa
kakaisip kung paano niya ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa munti at inosente
naming isipan. kayo ang nagbukas sa aming mga mata sa katotohanan. At hindi
niyo lamang ipinakita sa amin ang riyalidad kundi inihanda niyo rin kami para
harapin ang tunay na mundo. Mahal naming guro, utang namin ang lahat ng ito
sainyo. Utang naming ang aming pagkamulat sa katotohanan. kayo ang siyang
naglagay ng mga salita sa aming mga bibig, kayo siyang naglagay ng mga letra sa
aming lapis. kayo ang nagturo sa aming mga-isip, ang lahat na laman ng aming
diwa ay saniyo nagmula. kayo ang siyang nagsabing, kaya ko o kaya namin ang
mga gusto naming gawin, kayo ang nagbigay samin ng tiwala sa sarili. Kayo ang
nag papatanggal ng takot sa tuwing kami ay naduduwag. Hindi nyo lamang kami
tinuruan maging estudyante, hinubog mo rin kami maging isang tunay na tao.
Hinding-hindi namin mababayaran ang matindi naming pagkakautang saniyo.
Salamat sainyong pag-aaruga. Sa aking mga kaibigan, salamat. Maraming bagay
ang ating pinagkakaunawaan, ngunit may mga bagay din tayo na hindi
pinagkakasunduan. Pero andyan pa rin kayo sa aking tabi kayo ang naging
tagapakinig ko sa tuwing ako’y masaya, nakakatawa, o nakalulungkot na kwento.
Ang tanging hangad ko lang ay sana hanggang sa ating pagtanda, tayo pa rin ay
magkakaibigan. Sa aking guro, Salamat sa pagiging inspirasyon. Salamat at
nagkaroon ako ng mga guro na katulad niyo. Salamat, kayo ang nagging
guro namin.

You might also like