Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: Jenecelle C.

Encierto

GE12 Philippines Popular Culture

Section U M-W-F 8.00-9.00 am

KABANATA I

PAGSASANAY

Gawain #1

Panuto: Sa mga kulturang Pinoy, alin sa mga ito ang labis mong pinahahalagahan at isinasagawa pa rin sa
inyong tahanan. Gawan ito ng maikling sanaysay na may 2-3 talata. Pansinin ang sumsusunod na
krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing pagmamarka.

Sagot:

Maikling sanaysay tungkol sa" Paggalang" na isinasagawa parin hanggang ngayon.

Ang paggalang ay isang mahalagang pag uugali. Ang isang individual na marunong gumalang ay
nasusuklian din ng paggalang mula sa mas nakakatanda sa kanya o kahit sa mas nakakabata sa kanya.
Ang indibidwal na lumaki sa pamilyang puno ng paggalang karamihan sa kanila ay malambing at
mapagkumbaba.

Isang uri ng katangian na dapat tularan nino man. Kinakailangan itong maituro sa mga mag-
aaral sa panahon ngayon dahil sa karamihan sa bagong henerasyon ito ay kanila ng nalilimutan
at hindi na nabibigyan ng halaga kung kaya't marami na sa kanila ang walang modo at bastos.
Kailangan ng mga kabataan ngayon ang patnubay at paggalang upang ito ay kanila pang
maipasa sa kanilang susunod na henerasyon.

PAGTATAYA

I. PAGKILALA

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa inilaang
patlang bago ang bilang. (5pts.)

Kulturang Popular 1. Ito ay isang paraan ng tao para maramdaman ang pagtanggap sa kanila
ng nakararami.
Kultura 2. Ito ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o
komunidad.

Arnis 3. Ito ang pambansang laro sa Pilipinas

Pakikisama 4. Ito ay kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at


mabuting pakikitungo.

Luksong tinik 5. Ito ay isang napakasikat na laro sa mga kabataang Pilipino na kung saan
kailangang lumundag sa tinik at tumawid sa kabila upang hindi masaktan.

II. PAGPAPALIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod . ( Limang puntos bawat bilang na may kabuuang 20
puntos).

1. Bakit mahalagang mabatid at pag-aralan ng ilang estudyanteng kagaya mo ang mga Kulturang
Pinoy at Kulturang Popular? Ipaliwanag.

Sagot: Dahil ito'y ating kultura na dapat malaman at pahalagahan sapagkat tayo ang
nagpapalaganap rito.

2. Makikita paba sa kasalukuyang panahon ang mga Kulturang Pinoy na natalakay? Patunayan.

Sagot: Oo dahil ang kulturang Pinoy ay kailanman hindi magbabago.

3. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa Kulturang Pinoy? Patunayan.

Sagot: Ang kultura ay nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan, at


kasabihang nagagamit mula pa noon hanggang ngayon.

Mahalaga ang kultura dahil ito ay nagiging daan para ating itanghal ang mga tradisyon ng
nakaraan. Mula noon hanggang ngayon, ang mga aral, kaugalian, at tradisyon na kasama sa
ating kultura ay patuloy pa rin na nagbibigay sa atin ng gabay. Dahil dito, dapat itong bigyang
halaga.Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa aking kultura sa pamamagitan ng:

1. Pagrerespeto sa watawat ng Pilipinas.

2. Pagrespeto sa mga paniniwala ng aking kultura o lugar na kinabibilangan.

3. Pagrespeto sa relihiyon ng aking lugar na kinabibilangan.

(ang pagrespeto ay ibig sabihin ay gumalang, hindi ibig sabihin na susundin mo ito pero
depende sa sitwasyon. Kung ang paniniwala ng iyong lugar ay hindi iyong paniniwala, hindi mo
kailangan sundin ito pero kailangan mo lang respetuhin ito at hindi bastusin.)
4. Ano sa palagay mo ang sinasalamin ng kultura?

Sagot: Ang kultura ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may
angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot
pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kaniyang ispesipikong kakayahan.

KABANATA II

PAGSASANAY

Gawain # 1

Panuto: Magtala ng limang (5) awiting Pinoy na naging popular at tinangkilik pa rin hanggang ngayon.

Mga awiting Pinoy

1. Leron- Leron Sinta

2. Bahay kubo

3. Atin Cu Pung Singing

4. Manang Biday

5. Paruparong Bukid

PAGTATAYA

Panuto: Ipaliwanag ang mg sumusunod. (Limang puntos bawat bilang na may kabuuang 10 puntos).

1. Para sa iyo, tunay bang makabuluhan ang mga sagisag na ito sa kulturang Pilipino? Bakit? Patunayan.

Sagot: Para sakin, ang mga sagisag ng Kulturang Pilipino ay tunay na mahalaga. Dahil ang mga sagisag
na ito ang ating pagkakakilanlan. Hindi tayo matatawag na isang malayang bansa kung wala ang mga
sagisag na ito. Hindi tayo matatawag na mga Pilipino kung wala ang mga sagisag ng Kulturang Pilipino.
Kaya tunay ngang makabuluhan ang mga ito.

2. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagtangkilik at pagpapahalaga
sa mga sagisag ng kulturang Pilipino? Patunayan.

Sagot: Sa pamamagitan ng patuloy na paggunita sa mga nakasanayang gawin ng ating mga ninuno.
Bilang isang mamamayang Pilipino, isang karangalan ang panatilihin ang ating pagpapahalaga sa mga
sagisag ng Kulturang Pilipino. Ito ang mga sagisag na nagpapatunay kung ano ang pinagdaanan ng ating
mga ninuno at ang nagpapakita kung ano tayo ngayon bilang mga Pilipino nang dahil sa ating mga
ninuno. Halimbawa, ang paggalang sa watawat ng Pilipinas at sa pambansang awit, kung marinig natin
na tumutugtog ang ating pambansang awit, tayo ay hihinto para magbigay pugay at igalang ang
pagkakakilanlan ng ating kalayaan. Sa simpleng gawain na ganyan,naipakita na natin ang pagpapahalaga
natin sa mga sagisag ng kulturang Pilipino.

TAKDANG ARALIN

Panuto: Ano ang mga natutunan mo sa leksiyong ito? Isalaysay.

Sagot:

Ang natutunan ko sa kulturang Popular ay masasabi kong isang paraan ng mga tao para maramdaman
ang pagtanggap sakanila ng nakararami . Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga
tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga
kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang
kulturang popular ay maaaring teknolohiya , pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit
ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili.

You might also like