Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat NG Talumpati
Pagsulat NG Talumpati
Pagsulat NG Talumpati
Ang talumpati ay maaari ding mang-aliw. Halimbawa nito ang mga pagpapatawa sa mga comedy bar o pagbibigay-pugay sa
isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakakatawa niyang karanasan. Ang mga okasyonal na talumpati
naman ay isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa.
Bagaman may mga manunulat na pinaghahalo-halo ang iba’t ibang uri ng talumpati sa isang piyesa, umaangat ang isang layunin kaysa
iba.
Maaari ding uriin ang talumpati ayon sa kahandaan. Madalas na pareho ang pakahulugan ng mga diksiyonaryo at batayang
aklat sa talumpating impromptu at extemporaneous: talumpating may kaunti o walang kahandaan. Ngunit para sa mga guro ng
pagtatalumpating pampubliko, malinaw ang kaibahan sa dalawa. Sa talumpating impromptu, halos walang paghahanda sa pagsulat at
pagbigkas ng talumpati. Halimbawa nito ang biglaang pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling talumpati. Ang
talumpating extemporaneous naman ay nagmumukha lamang walang paghahanda. Sa katotohanan, pinaghahandaan ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas.
May ibang nagtatalumpating binabasa ng kanilang sinasabi upang walang makaligtaang mahahalagang impormasyon. May
iba namang kinakabisado ang kanilang talumpati. Sa binabasang talumpati. Sa binabasang talumpati, may tendensiya ritong mabagot
ang tagapakinig dahil limitado ang eye contact at walang gaanong kilos sa bahagi ng nagtatalumpati. Sa kinabisadong talumpati, may
ginagawang magaan ng mga mananalumpati ang wika at tono ng talumpati upang hindi mahirapan ang mga tagapakinig. Inaayos din
ng mananalumpati ang organisasyon sa paraang lohikal upang madali niyang maalala ang teksto.
Pag-unlad. Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat, siguraduhing nakatutok ang
atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga
tayutay at mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.
Kasukdulan. Ito ang pagkatataong narrating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bunsok. Sa bahaging ito, inilalahad ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon.
Pagbaba. Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Paano bai to tatapusin? Maaaring ibuod ang mahahalagang
puntong tinalakay sa talumpati. Maaari din namang mag-iwan ng mga tanong.anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang
mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati.
Basahin ang “Para sa Bayan: Dangal at Husay” Valedictory Address ni Jose Maria L. Marella sa mga nagsipagatpos sa
Unibersidad ng Pilipinas – Diliman noong 2004.
Freshman pa lang ako noon nang ipamulat sa akin ng UP ang masaklap na katotohanan na patuloy pa ring nananaig sa ating
bayan – kahirapan, korapsiyon sa pamahalaan, at kawalan ng tunay na pag-unlad. Simula noon, nag-iwan ang pangyayaring ito ng
Ang kuwento ng aking kaibigan sa Kalayaan dormitory ay hindi bagong kuwento sa ating pamantasan at lalo na sa ating
bayan. Ang magiting na bayaning si Apolinario Mabini, ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan” ay kamuntik na ring hindi
makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Bagaman at umabot na sa kanyang ikalimang taon sa kanyang kurso, hindi siya pinalad na
magtapos dahil hindi kaya ng kanyang pamilya na ipunin ang halagang P29 para sa kanyang final examination fee. Inabot pa ng
dalawang taon bago tuluyang nakapagtapos sa kolehiyo si Mabini dahil kinailangan niyang magbanat ng buto upang makaipon. Ang
kanyang karanasang ito ang nagtulak kay Mabini upang magpursige hindi lamang para sa kanyang sarili, ngunit lalo na para sa
inaasam-asam na tunay na kasarinlan at pag-unlad ng Pilipinas.
Marami din sa atin ang nakaranas sa hirap na pinagdaanan ng aking kaibigan sa Kalayaan dormitory at maging ng mapait na
karanasan ni Apolinario Mabini. Naaalala niyo pa ba ang mga panahon na kailangang magtiis muna sa chocnut o mainit na monay
dahil hindi pa nagpapadala ng allowance ang ating mga magulang? Naaalala niyo pa ba ang pagtitiis na maglakad sa kainitan ng araw
mula AS hanggang Math o mula AS hanggang CHK, tagaktak ang pawis, para hindi na sumakay sa IKOT o TOKI? Ilang fish balls,
chicken balls, at squid balls na nga ba ang ginawa nating agahan, tanghalian o kaya ay hapunan? Ilang beses ba tayong pumila sa
Vinzons para makapag-apply ng STFAP, scholarship o student loan o kaya ay pumila sa OUR para sa late payment of ma triculation?
Paulit-ulit din natin itong naranasan, at ika nga nina Ely Buendia, ilang ulit pa ba ang uulitin?
Kung hindi mo naranasan ang mga paghihirap na ito, marahil ay mapalad ka sa iyong katayuan sa buhay. Ngunit hindi ka rin
naman nakaligtas sa ilan pang mga pagsubok sa loob ng unibersidad. Ilang gabi rin ang hindi mo itinulog para mag-aral sa midterms at
finals at para matapos ang iyong mga requirements. Marami rin sa atin ang naranasang mag-apply sa isang organization at
pinagdaanan ang butas ng karayom bago maging ganap na miyembro nito. Marami rin sa atin ang naranasang mabigo sa pag-ibig at
ma-“friend zone.” Hindi ako kabilang dito.
Ngunit, siguro ay naaalala niyo din ang mga hapon kung kailan pauwi na tayo at naglalakad sa Academic Oval, ramdam ang
simoy ng hangin at binabalikan ang lahat ng pinagdaanan natin sa araw na iyon. Ninanamnamn natin ang munting tagumpay na isang
araw na naman sa UP ang ating nalusutan; at pinaghahandaan na natin ang mga pagsubok na taglay ng kinabukasan.
Mga kapwa ko magsisipagtapos, tunay na mas matamis ang tagumpay kapag ito'y pinaghihirapan. Maliban sa mga
karunungan na napulot natin sa mga libro at lectures ng ating mga propesor, hinubog din ng ating mga mapapait at mahihirap na
karanasan sa UP ang ating pagkatao. Sa mga panahong iyon, higit nating nakilala ang ating mga sarili lalo na ang ating mga lakas at
mga kahinaan. Sa mga panahon ding iyon, natuklasan natin kung sino ang mga tunay na kaibigan at iyong mga nagpapanggap lamang.
Sa mga mabibigat ding oras na iyon ay nasubok ang ating katatagan, pilit tayong hindi sumuko dahil mas ninais nating abutin ang
ating mga pangarap! At higit sa lahat, napagtanto natin kung ano ang mahahalaga sa ating buhay. Ngayong araw ng ating pagtatapos,
hindi tayo mangangamba na harapin ang susunod na kabanata ng ating buhay dahil pinanday tayo ng ating mga naging karanasan dito
sa UP!
Ngunit hindi lamang tungkol sa ating mga sariling tagumpay at sariling paghubog ang kahulugan ng ating pagtatapos ngayon
dito sa UP. Alalahanin natin na kaya tayo tinaguriang mga Iskolar ng Bayan ay dahil bawat isa sa atin ay mapalad na tinustusan ng
buwis ng bayan, buo man o bahagya. Ang pagiging national university ng UP ay nangangahulugan din na may tungkulin tayong mag-
ambag sa ikabubuti ng bayan at ng kanyang mamamayan. Ito ang tradisyon ng UP na hindi natin kailanman maaaring maikala - na
tayo ay pinaaral ng sambayanan at walang ibang magandang paraan upang masuklian ito kung hindi ang paglingkuran ng buong puso
ang mga mamamayang Pilipino! Ngunit, alalahanin din natin na walang monopolyo ang Iskolar ng
Bayan pagdating sa pagsisilbi sa sambayanan. Kasama natin sa layuning ito ang marami pang bilang ng mga magsisipagtapos ngayon
sa iba't-ibang kolehiyo at unibersidad sa buong Pilipinas.
Ito samakatuwid ang natatanging papel ng Unibersidad ng Pilipinas sa ating lipunan Ito ay ang pagsulong sa kabutihan ng
lahat, ng nakararami, at hindi sa pansariling inten o interes ng iilan lamang. Ito nga ang tinatawag nilang tatak-UP: bayan muna bago
ano sarili!
Ayon kay Mabini, isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang rebolusyon ng mga Pilipino noong 1896 ay dahil na
rin sa kasakiman sa yaman at kapangyarihan ng ilang mga namumunong Ilustrado. Imbes na interes ng inangbayan ang isulong, ilan
raw sa mga naging lider ng rebolusyon ang nagmalabis at nakalimutan ang layuning maabot ang inaasam-asam na tunay na kalayaan
para sa Pilipinas.
Kung susuriin, napapanahon pa rin ang mensaheng ito sa atin ni Mabini. Bagaman at nagtagumpay tayo sa EDSA I at EDSA
II, at ngayon nga ay patungo na tayo sa matuwid na daan, nananatiling walang tunay na pag-unlad sa Pilipinas dahil malaking bahagi
pa rin ng yaman ng bansa ay sadyang kontrolado lamang ng iilan. At sa ating pamahalaan naman, nagagawa pang pag-nakawan ng
ilang mga pulitiko ang kaban ng bayan. Dulot ito ng kanilang kawalan ng pagmamalasakit sa kapakanan at interes ng mga
mamamayan. Dahil na rin ito sa kawalan ng katapatan sa kanilang sinumpaang tungkulin na paglingkuran ang sambayanan.
Kanina ay nagbalik-tanaw tayo sa ilan sa ating mga mapapait ngunit makabuluhang naging karanasan bilang mga iskolar ng
bayan. Sa mga panahon na nahihirapan tayo, may option tayong sumuko na lamang. Ngunit hindi natin ito pinili marahil dahil nais
Ngunit higit pa sa naisin nating magsilbi, naniniwala akong may dalawang mahahalagang aral na kailangang tumatak din sa
bawat isipan ng isang UP graduate. Ito rin ang piniling mga aral ng UP College of Law, ang aking future college, partikular ang
kanilang Bar Operations Commission, para sa malaking tagumpay na kanilang nakamit sa 2013 Bar Examinations. Ito din ang mga
salitang matatagpuan sa cover leaf ng ating mga Blue Book. Honor and Excellence. Dangal at Husay. May magandang dahilan kung
bakit nauna ang salitang dangal bago ang husay. Samakatuwid, una at higit sa lahat ay dangal. Ito sa kasamaang palad ang matagal
nang nawala sa maraming bilang ng ating mga lider sa pamahalaan. Kailangan nating isulong ang accountability at transparency sa
lahat ng hanay ng naninilbihan sa pamahalaan. Dangal. Honor. Integrity. Ito ngayon ang hamon sa ating mga bagong graduates ng
UP. Ipalaganap natin ang pagsisilbi ng may karangalan sa bayan. Huwag nating kalimutan ang mahahalagang aral na natutunan natin
sa loob at labas ng classrooms sa UP. At higit sa lahat, isaalang-alang natin sa bawat gawain natin ang kabutihan ng lahat, ang
kabutihan ng bawat Pilipino at hindi ang pansariling interes lamang. Saan man tayo mapapunta, balik tanawin natin an g mga aral na
ito, tungo sa tapat at mahusay na pamamahala!
Maraming salamat.
Mabuhay ang Unibersidad ng Pilipinas!
Mabuhay tayong lahat!
Tuon
Bakit ako magsusulat ng talumpati?
Ano ang paksa?
Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig?
Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?
Tagapakinig
Sino ang aking mga tagapakinig?
Bakit sila makikinig sa talumpati?
Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?
Pagsulat
Paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?
Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
Ano ang tono ng aking talumpati?
Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
Pagsasanay
basahin mo ng malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural at madulas ang daloy ng wika.
Basahin sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.
Mahalagang Ideya
Masasabing kahit na gaano pa kahusay ang isinulat na talumpaati, kung hindi naman nagsasanay sa pagbigkas nito sa harap
ng madla, hindi magiging matagumpay ang talumpati.
Iilista ang mga sagot sa mga tanong at ibuod ang mga ito. Ang mga ito ang magsisilbing ideya o tesis na gagabay sa pagsulat
ng repleksibong sanaysay. Kapag malinaw na ang tesis, tukuyin ang mga argumento o ideyang susuporta dito. Ilahad ang mga ito sa
talata na siyang bubuo ng papel. Gumamit ng mga ebidensya o makatotohanang pahayag sa mga talata upang mapatatag ang mga
inilalatag na opinyon. Mahalaga ito dahil ang nagbibigay ng bigat at sustansya sa repleksyon.
Sa kongklusyon, ibuod ang pangunahing ideya o tesis ng sanaysay. Maaaring mag-iwan ng mga tanong, halimbawa, tungkol
sa kung ano ang pananaw ng iba sa paksa. Maaari ding hamunin ang mga mambabasa, tulad ng paghimok sa kanilang pakaisipin ang
mga nasabi tungkol sa paksa o kaya naman ay tanungin nila ang mga sarili.
Kapag tapos na isulat ang papel, balikan ang mga unang itinanong sa sarili. Ito ba talaga ang pakiramdam ko sa paksa? Ito ba
talaga ang nagging epekto nito sa akin? Naapektohan ba talaga ako ng aking isinulat? Kung hindi, bakit kaya? Ang mga pagtatanong
na ito ay paraan upang masiguro ang katapatan sa pagsulat ng replesibong sanaysay. Maging tapat sa naiisip o nararamdaman habang
isinusulat ito. Kung hindi, nawawalan ng saysay ang pagsulat nito.