Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LAILANIE MAE N.

MENDOZA

BSED-FIL 2A

A. Gawin ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Maliban sa mga nabangit na magagandang katangian ng isang guro, ano pa sainyong palagay

ang isang katangiang nararapat na taglayin ng isang guro? Bakit?

HANDANG LAGPASAN ANG LAHAT

-Isa pa sa katangiang dapat na taglayin ng isang guro ay kinakailangan nilang maniwala sa kanilang
kakayahan na makakaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin upang gumawa ng pagbabago o
direksyon sa buhay ng kanilang estudyante. Umaasa ng mataas upang mapukaw at mag udyoksa
kanilang estudyante bilang isang halimbawa.

2. Sa pamamagitan ng isang simbolo, iguhit mo ang para sa iyo ay pinakamabuting katangian na

dapat taglayin ng isang guro. Bigyan ng paliwanag.

Para saakin isinisimbolo ng isang mabuting guro ang susi na ito sapagkat sila ang nagiging susi upang
matupad ng kanilang mag aaral ang mga pangarap sa kanilang buhay. Tulad ng susi na ito ang guro
ang dapat siyang nagbubukas ng isipan ng mga estudyante na paglinangin pa ang kanilang mga
kakayahan at magbigay sakanila ng lakas ng loob upang pagtibayin ang kanilang isipan sa mga
kinakaharap nilang problema bilang isang estudyante.

3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makausap ang dati mong guro sa Elementarya o

Sekundarya, paano mo sasabihin sa kanya na siya ang pinakagusto/pinakaayaw mong guro noon dahil
sa katangian na nakita mo sa kanya?
Kung mabibigyan ako ng isang pagkakataon upang maka usap ang isa sa aking mga guro noong ako’y
nasa elementarya man o sekondarya ay sasabihin ko sila kung gaano ako lubos na nagpapasalamat
sakanila sa pagiging isang mabuting guro hindi lamang saakin kundi pati na rin sa lahat ng kanilang
estudyanteng tinuruan. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko nakikita ang aking sarili na tumapak
ngayon bilang estudyante sa kolehiyo kaya labis na lamang ang aking pasasalamat sakanila sapagkat
ginabayan at tinuruan nila ako upang maging isang mabuting estudyante.

4. Pagdating ng panahon at ikaw ay naging guro na rin, anu-anong kaparaanan ang gagawin mo at

magagandang katangian ang iyong tataglayin upang ang mga mag-aaral mo ay mapalapit sa iyo?

Pag dating ng panahon at ako’y magiging isang ganap na guro narin gagawin ko ang lahat ng aking
makakaya upang makuha ko ang tiwala ng bawat estudyante na aking tinuturuan. Makikinig ako sa
kanilang mga problema at tutulungan ko silang masolusyunan ito sa abot ng aking makakaya,
ipaparamdam ko sakanila na andito ako bilang pangalawa nilang magulang na m ag gagabay sakanila
sa tinatahak nilang direksyon sa buhay.

B. Saliksikin, aralin ang mga sumusunod na mga batayang legal at opisyal na paggamit

ng Filipino bilang wika ng edukasyon, itala ang mga iportanteng detalye sa bawat

panahon at bigyan ng sariling reaksiyon pagkatapos ikonek ito sa hinaharap.

1 1.1 DECS Order 25, s. 1974

2 1.2 DECS Order No. 50, s. 1975” Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Bilingual

Instruction at Tertiary Instruction.”

4 1.3 MEC Order No. 22, s. 1978, “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level.”

6 1.4 DECS Order No. 52, s. 1987

7 1.5 CHED Memo Order 59, s.1996

8 1.6 CHED Memo 04, s. 1997

9 1.7 CHED Memo Order 11, s. 1998

C. Pagpapaliwanag: Ibigay ang mga hinihingi

1. Palawakin at ilahad ang inyong personal na pagkakaunawa tungkol sa kasabihang ito.“Lalong

Makabuluhan Ang Pagkatuto Kung Mararanasan ng mga Mag-Aaral ang Aralin”


Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na may partikular na estilo ang
pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagkatuto ang pag-
gamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang
matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang
pagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng
pagkatuto na nais niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa
kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.
Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at
estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa
kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham. Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa
kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang
salik ang maaring maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas
nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya
ayon sa napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga makabagong gamit.

2. Saliksikin at analisahin ang tungkol sa ASSURE Model, Paano ba masasabing malaki ang

kinalaman ng modelong ito para sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

3. Saliksikin ang iba’t ibang uri ng graphic organizer at gawan ng power point presentation ito.

4. Iba’t ibang uri ng estratehiya na magagamit sa aktibong pagtuturo at gawan ito ng power

point presentation

You might also like