Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAG-AGRI TAYO PRODUCTION INTERVIEW [DRE]

1. Nasaan na tayo sa proyekto?

Ang kabuuang layunin ng IMEMS project ay bumuo ng isang Single Integrated National
Marine Environment Monitoring System na may kakayang palakasin ang mga programa ng
ahensya upang labanan ang illegal na pangingisda.

Bago matapos ang taon, sa pamamagitan nitong proyekto, target ng BFAR-IMEMS na


makapagkakabit sa liman-libong (5,000) komersyal fishing vessels ng VMS-100
transceivers Electronic Reporting System (ERS), makapagpatayo ng labin-limang (15) Port
and Coastal Monitoring System (PCMS) type 1 towers, at makapagkabit ng isang daan-
labing pitong (117) Port and Coastal Monitoring System (PCMS) type 2 towers.

Ang lahat ng mga transmission ay naka-encrypt at tatanggapin sa pamamagitan ng mga


coast stations at satellite at muling ilalathala o ibabalik ang mga nasabing impormasyon sa
data center. Kalakip din nito ay mga tablet PCs na may naka-install na GeoVS-CONNECT
application na kukonekta sa data center upang suriin ang vessels at catch impormasyon.

2. Ano ang kaibahan ng Phase 1 at Phase 2?

Simula 2004, ang Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang-tubig ay patuloy sa pagkalap ng


impormasyon upang mapagbuti ang Monitoring. Control, at Surveillance (MCS) programa
ng bansa.

Ang implementasyon ng Phase 1 nitong VMS ay alinsunod sa iba’t-ibang international


international fishery laws at conservation and management measures ng Regional
Fisheries Organizations gaya ng Western and Central Pacific Fisheries Commission
(WCPFC), Indian Ocean Tuna Commission (IOTC), Indian Ocean Tuna Commission (ICCAT)
at iba pang kasunduan kasama ang ibang Coastal states. Nabigyan nitong kapangyarihan
ang kawani upang imonitor at itrack ang mga operasyon ng Philippine flagged fishing
vessels na nag-ooperate sa High Seas Pocket Number (HSPI) at sa iba pang coastal states
gaya ng Papua New Guinea.

Noong 2016-2017, ang kawani ay nagpasyang lalo pang palakasin ang kapasidad at
palakihin ang sakop ng VMS Phase 1. Kinailangang iupgrade ang VMS Phase 1 at sakupin
ang commercial fishing vessels na nagooperate hindi lamang sa high seas pati na rin sa mga
nag-ooperate sa Philippines Exclusive Economic Zone (EEZ). Nakapasaloob na sa Phase 2
ang iba’t-ibang komponents sa wala sa Phase 1 na kung saan kapag ito na ay operational ay
makapagbibigay ito ng karagdagan impormasyaong pandagat at makatutulong sa ating mga
mangingisda.
3. Ano ang kaugnay ng IMEMS sa FAO 260 at FAO 266?

Ang FAO 266 ay limitado lamang sa commercial fishing vessels na tumatarget at


bumabalangkas sa loob at labas ng karagatan ng Pilipinas. Ang proyektong IMEMS ay
alinsunod sa ilalim ng Saligang Batas No. 8550 bilang pag- amenda sa umiiral na Saligang
Batas No. 10654. Ito ay naglalayong magpatupad ng isang makatuwiran at patuloy na
umuunlad na pamamahala sa yamang tubig.

Ang pagsasama-sama ng iba’t-ibang database kabilang ang fishing vessel registry, ocean at
weather data, stock assessment data, IUUF records at iba pang impormasyon tungkol sa
mga regulasyon ay ilan lamang sa tampok nitong proyekto. Isa rin sa mga layunin nito ay
ang pagbuo ng isang Integrated Operational Fisheries Monitoring Center sa Pilipinas na
naglalayong masubaybayan ang mga fishing vessels at palakasin ang kasalukuyan MCS
Program upang labanan ang mga illegal na gawaing pangisda.

4. Timetable/way forward

Sa kasalukuyan, ang BFAR-IMEMS ay nakapagkakabit na ng 957 VMS-100 transceivers


Electronic Reporting System (ERS) sa mga komersyal fishing vessels, nakapagpatayo ng 9
Port and Coastal Monitoring System (PCMS) type 1 towers, at makapagkabit ng 43 Port and
Coastal Monitoring System (PCMS) type 2 towers.

Kapag ang lahat ng komponents nitong proyekto ay naisagawa, ito ay makapagbibigay


lakas at magpapatibay ang vessel monitoring system ng BFAR kung saan maaring ma
monitor ng ahensya ang mga position, aktibidad ng pangingisda, dami ng huli at iba pang
impormasyon na may kinalaman sa pangisda ng mga commercial vessels.

5. Message for fisherfolks

Sa gitna ng nararanasang pandemya ng bansa, saludo ang DA-BFAR sa malaking


kontribusyon ng ating mga bayani sa palaisdaan sa pagbibigay ng tunay na serbisyo-
publiko tungo sa pagtataguyod ng kasapatan sa pagkain ng bawat Pilipino.

Patunay ang pagyabong at pag-unlad ng sektor ng pangisadaan sa malawak na oportunidad


na maaaring matamasa sa loob at labas ng bansa. Kaugnay nito, amin na ring inaanyayahan
ang lahat na lumahok sa patuloy na pagpapasigla sa takbo ng pambansang ekonomiya. Sa
pamamagitan ng IMEMS project, ating maisasakatuparan ang pagpapabuti at
pagpapalawak ang umiiral na mga kakayahan at operasyong pandagat.

You might also like