Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Name: Christine Andrea C.

Lima 10- Cooperation


Bilang may kalayaan, ano ang dapat mong gawin?

Article link: https://www.nbcnews.com/news/us-news/new-jersey-family-sue-school-


district-after-12-year-old-n788506

Ang babaeng ito, si Mallory Grossman, ay isang estudyanteng tinapos


ang kanyang sariling buhay matapos ma-cyberbully ng kanyang mga
kaklase. Ang kaniyang pamilya ay naghain ng demanda sa paaralan
na nagkulang sa paghahadlang o pag-iwas sa mga bullying na naging
sanhi din ng pagkamatay ng kanilang anak. Sinabi ng ina ng biktima
na nilapitang niya ang isa sa mga magulang ng isa sa mga sinsabing
bully ngunit hindi ito nakinig sa kanyang hiling na patigilin ang
pangbubully ng batang ito at tinawag pang “big joke” ang sitwasyon
ni Mallory noong nabubully palang ito.

Si Mallory ay na-cyberbully sa pamamagitan ng Instagram at


Snapchat. Maraming beses na siya ay tinawag na “loser” at “had no
friends”. Nasabihan din siya na, “why don’t you kill yourself.”

Tinapos niya ang kanyang buhay noong Hunyo ngunit nagsimula na


siyang magdusa sa mga harassment at bullying noong Oktubre pa
lamang. Umabot sa punto na ayaw na niyang pumasok dahil pati sa
paaralan ay nabubully na siya. Nagkaroon sya ng chronic headaches,
stomach aches at bumaba ang kanyang mga marka. Napansin ng
kanyang mga magulang na ang kanilang paaralan ay nakatuon
lamang ang pansin sa academic status ng isang mag-aaral at hindi
nag-aalala sa emosyonal na kalagayan ng kanilang mga ito.
Nakita na may tatlo o apat na mga studyante ang sinasabing nagbully
kay Mallory, hindi na nila inilabas pa ang mga pangalan nito.

Nakakalungkot na hindi lahat ang may alam o “aware” sa kung ano


ang bullying at ang mga magiging epekto nito, lalo na ang
cyberbullying. Ang cyberbullying ang pinakadelikado sa panahon
ngayon, dahil madalas nating kaharap ang mga gadgets at lagi tayong
gumagmit ng social media. Si Mallory ay isang bata pa lamang at
nakakalungkot isipin na sa murang edad, naranasan niya ng ang
ganitong abuso. Pinapatunayan ng sitwasyong ito na walang
pinipiling edad ang bullying, at madalas lang natin itong nakikita sa
mga estudyante pa. Nalulugod ako ng malaman na may ginawnag
hakbang ang knayang mga magulang para mapigilan ito, dahil sa
ibang mga kaso na Nakita o narinig ko, madalas ay kulang sa suporta
ng kanilang mga magulang at buti na lang na hindi isa dito si Mallory.

Bilang may taglay na kalayaan, ang unang-una kong gagawin kung


ako ang nasa sitwasyong ito ay ang sabihan ang aking mga magulang.
Aaminin kong hindi malakas ang aking emosyonal na aspekto kaya
hindi ko hihintayin na magtagal pa ang kanilang pangbubully. Kapag
sasabihan ko ang aking mga magulang, sila mismo ang tutulong sa
akin maghanap ng paraan kung paano ito maiwasan. Halimbawa,
maaari nila akong patigilin sa paggamit ng social media at kung ang
bullying na aking nararanasan ay umaabot hanggang sa paaralan,
sigurado akong maaari nila akong patigilin o ilipat. Hindi man ito
madaling pakinggan ngunit ako ay may tiwala sa aking mga magulang
at alam kong handa silang gawin kung ano man ang nakakabuti para
sa akin. Hindi biro ang dumaan sa ganitong paghihirap. Sa sitwasyon
ni Mallory, alam ng kanyang mga magulang at sinubukan ng mga
itong lumapit sa paaralan ngunit walang aksyon na ginawa o hindi
naging sapat ang aksyon na ginawa ng paaralan. Kung nasa pareho
kaming sitwasyon, na hindi gagawa ng hakbang ang paaralan, pipiliin
kong lumipat nalang.

You might also like