Modyul 5 Akademik

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 24

11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 5:
Sintesis
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5: Sintesis

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

2
BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat : Jaynard J. Hernandez, MAEd

Tagamasid Pampurok : Mary Joy C. Agsalon, EdD


Tagapag-ugnay : Virginia C. Urbano, P-I
Mga Tagasuri : Melchora N. Viduya, EdD
Joselito D. Daguison, MAEd
Mga Tagaguhit : Wilson A. Cayabyab
Jay C. Visperas

MANAGEMENT TEAM:

OIC, Schools Division Superintendent : Sheila Marie A. Primicias, CESO VI


Asst. Schools Division Superintendent : Ely S. Ubaldo, CESO VI
: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Chief Education Supervisor, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Education Program Supervisor, LRMDS : Rustico P. Abalos Jr., EdD
Education Program Supervisor, Filipino : Melchora N. Viduya, EdD

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Schools Division Office I Pangasinan
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

3
11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 5:
Sintesis

4
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)


na tuon sa araling Sintesis. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa publiko at pribadong institusyon upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pambansa at
pandaigdigang hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong, at/o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral. Bilang

tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)


na tuon sa araling Sintesis. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

5
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksiyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa dulong bahagi ng modyul.

Isaisip
Naglalaman ito ng mga tanong o pupunan ang
patlang sa pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong mataya o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

6
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot at/o rubrik sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa dulong bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanang materyal sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Narito naman ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa paggamit ng modyul:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.


6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay, tatay, nakatatandang kapatid, o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na nakaaalam sa aralin at tunay na makatutulong sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

7
Ang pagbuo ng isang akademikong sulatin ay nagsisimula sa matiyagang pagtalunton
at pag-unawa sa mga batayang elemento at/o bahagi nito na siyang nagtatakda sa ipinagkaiba
ng isa sa iba pang akademikong sulatin.
Makaraang sumangguni sa mga mapagtitiwalaang hanguan ng impormasyon ay
nakalap ang makabuluhan at napapanahong mga konsepto na mabisang tumatalakay at
naglalarawan sa kaligiran, katangian, at pamamaraan ng sintesis bilang akademikong sulatin.
Ang sintesis na isang tagpuan ng sari-saring dalumat at talino na karaniwang
naitatampok sa paglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ng mga sulating
pananaliksik ay mahalagang matutuhan at kasanáyan ng mga mag-aaral sa academic track
sapagkat nakatakdang magsagawa ng isang komprehensibong pag-aaral kung saan
pangangailangan ang mahusay na pag-uugnay-ugnay ng iba’t ibang kaisipan.
Sa gayon, higit na pagpapahalaga sa nilalaman ng modyul na ito ang kailangan upang
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto o MELC sa pagsulat ng
sintesis ay malinang ng/sa bawat mag-aaral at magawang isalin at gampanan sa realidad:
1. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; at
2. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

Subukin

A. Tukuyin kung kaligiran ng Sintesis o Analisis ang konsepto.

1. Pagsama-sama ng magkakaibang idea upang makabuo ng bagong kaisipan.


2. Paghihimay sa komposisyon ng isang kongkretong entidad o awtput upang mas
maunawaan ito.
3. Pinag-uugnay nito ang antitesis at tesis upang magkaroon ng bagong panukala.
4. Inaalam nito ang kaligiran ng isang penomenon at inilalapit sa iba pang penomena.
5. Inaalam nito ang sanhi at dahilan ng tiyak na penomenon sa pag-aaral.

B. Isulat ang Tama kung wasto ang nakasaad na hakbang sa pagsulat ng sintesis. Mali
naman ang isulat kung hindi angkop.

1. Simulan ang tesis sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa


pinakapaksa ng teksto.
2. Gumamit ng Sintesis Grid upang matiyak na maayos at sistematiko ang daloy ng
impormasyon sa pagsulat.
3. Hindi na mahalagang suriin kung may ugnayan o wala ang mga inilalahad na idea.
4. Sa pagsulat ng sintesis, opsiyonal lamang ang sitasyon o pagbanggit sa pinagkunan ng
impormasyon.
5. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata na naglalahad ng paksa ng talata.

C. Tukuyin kung Pagbubuod (PB), Paglalahad ng Dalawa o Higit Pang Halimbawa


(PDHH), Paghahambing na Nagsasaad ng Pagkakatulad (PNPT), o Paghahambing na
Nagsasaad ng Pagkakaiba (PNPK) ang teknik na ginamit sa pagsulat ng sintesis.

8
1. “Kung inalam nina Almachar (2000) at Solis (2000) ang impluwensiya ng wikang
Ingles sa wikang Filipino, ito rin ang tinuklas sa natapos na pag-aaral.” -Sipi mula sa
Macaranas, Mary Ann C. 2007. Mga Uri ng Salitang Gamitin sa mga Tabloyd: Batayan sa Pagbuo ng
Glosari, Di-Nailathalang Tesis, Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan.

2. “Magkatulad ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturong MTB-MLE


sapagkat sa pananaliksik nina Garcia et al. (2014) pangunahing suliraning natukoy sa
isinagawang unstructured interview ang mismong guro ng MTB-MLE. Napag-
alamang hindi ganap ang kaalaman ng guro sa wikang ginagamit sa paaralan.
Gayundin, sa isang semi-structured in-depth interview sa pag-aaral nina Lartec et al.
(2014) natuklasan na kulang o limitado ng bokabularyo ang mga guro sa wikang
katutubo.” -Pinagkunan: Hernandez, Jaynard J. 2020. Suliranin ng mga Guro sa Pagtuturong MTB-
MLE

3. “Ginamit ni Yumul (2001) ang dalawang kolum ng pahayagang Bandera at Abante sa


pagtatala niya ng mga salitang bulgar at pino. Sinuri naman sa isinagawang riserts ang
tabloid na Abante ngunit apat na artikulo ang pinag-aralan dito. Mas marami naman
ang bilang ng tabloid na pinasadahan ni Aguila (2003)…” -Sipi mula sa Macaranas, Mary
Ann C. 2007. Mga Uri ng Salitang Gamitin sa mga Tabloyd: Batayan sa Pagbuo ng Glosari, Di-
Nailathalang Tesis, Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan.

4. Nagkakasundo sina Roxas (2016), Binay (2016), at Duterte (2016) na isang seryosong
dambuhalang suliranin ang illegal na droga sa Filipinas kung saan may malaking
kontribusyon ang korupsiyon sa patuloy na paglala nito. Nangangailangan ito ng
agaran at mabisang solusyon na naaayon sa batas at hindi lumalabag sa karapatang
pantao upang hindi na dumami pa ang bilang ng mga nabibiktima nito. Nagkakaisa rin
sila sa paniwala na ang paglaban sa droga ay hindi lamang gampanin ng pamahalaan
at ng kapulisan kundi ng sambayanan.

5. “Sa mga isinagawang pag-aaral nina Magdaraog (2018), Villonez (2018), Garin et al.
(2017), Huevos (2015), Malik (2012), Boso (2011) at Boumova (2008), mariin ang
pagsusulong sa paglilinang ng mga makabagong pamamaraan upang tuluyang baliin
ang mga hindi na mapakikinabangang tradisyonal na estratehiya sa pagtuturo. Pare-
parehong napagtibay sa kani-kaniyang resulta ng kani-kanilang pag-aaral ang
kaangkupan at bisa ng mga modernong estilo at gawi na tugon sa kahingian ng iba’t
ibang sitwasyon at suliranin sa prosesong pagtuturo-pagkatuto.” -Sipi mula sa Hernandez,
Jaynard J. 2019. Bisa ng Pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto sa mga Mag-
aaral ng Tech-Voc sa Asignaturang Filipino, Di-Nailathalang Tesis, Unibersidad ng Luzon.

Balikan

A. IQ-nek (IKONEK): Ilista ang tatlong estilo o teknik sa pagsulat ng abstrak na maaaring
gamitin sa pagsulat ng sintesis.

1. n.
Tuklasin

9
A. GAANO MO AKO KILALA: Bilang pagtáya sa antas ng kasanayang sumuri o
kumilates, isa-isahin ang mga elemento o sangkap na bumubuo sa sumusunod na entidad:
1. Pakbet o Pinakbet
2. Adobo

Suriin

Ang Sintesis ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng sari-saring magkakaugnay na


kaisipan mula sa iba’t ibang sanggunian upang makalikha ng bagong kaisipan
(https://writingcenter.ashford.edu/synthesis).
Ang salitang “sintesis” ay mula sa salitang Griego na syntithenai (syn = kasama;
magkasama; tithenai = ilagay; sama-samang ilagay). Sa larangan ng pilosopiya, bahagi ito ng
metodong diyalektal ni Georg Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran. Mula sa
tesis o argumento, iniuugnay ang antitesis o kontra-argumento, at, sa huli, ang sintesis o
rekonsilasyon ng mga idea na nakapaloob sa naunang dalawa. Ang buong proseso ay
nakabubuo ng bagong tesis.

Aralin Kaligiran ng Sintesis at Paggamit ng Sintesis


1 Grid
Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring idea o datos mula sa iba’t ibang
pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo
sa isang malinaw na kabuoan o identidad. Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa
sentralisasyon ng mga idea, makabubuo ng bagong idea.
Kabaligtaran ng analisis ang sintesis. Ang analisis ay tulad sa proseso ng deduksiyon
kung saan mula sa paksa o punong kaisipan ay hinihimay ito sa maliliit na detalye o konsepto
upang lalong maunawaan (http://www.differencebetween.net/science/difference-between-
analysis-and-synthesis/). Kung ang una ay paghihiwa-hiwalay ng mga idea upang suriin ang
huli, ang sintesis naman ay pagsasama-sama ng mga idea tungo sa isang pangkalahatang
kabuoan. Gayunman, magkaugnay at bahagi ng isa ang isa pa sa proseso ng mapanuring pag-
aaral at pagsulat. Mula sa paghihimay ng mga idea (analisis) tutungo sa isang pagbubuo
(sintesis):
Narito ang isang talahanayan upang tuluyang maunawaan ang kaibhan ng sintesis sa
analisis:

SINTESIS ANALISIS
-Inaalam nito ang kaligiran ng isang -Hinihimay ang komposisyon o maliliit na
penomenon at inilalapit sa iba pang detalye o elemento na bumubuo sa isang
penomena. entidad.
-Pinag-uugnay nito ang antitesis at tesis -Tinatalakay ang sanhi at bunga ng isang
upang magkaroon ng bagong panukala. pangyayari o penomenon.
-Pagsasalo ng mga matatalinong kaisipan -Inaalam ang kahinaan at kalakasan o
tungo sa imbensiyon ng natatanging bentaha ng isang bagay.

10
kaisipan. Pinagkunan:
-Dinidisenyo sa dulo ng isang pag-aaral o https://writingcenter.ashford.edu/summary-vs-
analysis
makaagham na pag-alam

Narito naman ang ilustrasyon ng proseso:

Gamitin ang Sintesis Grid (halaw sa 2000 Learning Center, University of Sydney)
upang matiyak na maayos at sistematiko ang daloy ng pagkuha ng impormasyon.

Sintesis Grid para sa Panayam


Pamagat ng Programa: _________________________ Network: ____________
Paksa: _________________________________________ Petsa: _______________
Host (s): ________________________________
Kinapanayam: 1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento
1.
2.
3.

Sintesis Grid para sa Pananaliksik


Sanggunian / Petsa ng Paksa Pangunahing Idea
May-aka Pagkalimbag
1.
2.
3.

11
Narito ang isang napunang Sintesis Grid para sa panayam:

Pamagat ng Programa: Pilipinas Debates 2016 Network: GMA 7


Paksa: Problema sa Droga ng Pilipinas Petsa: Enero, 2016
Host (s): Jessica Soho, Mike Enriquez
Kinapanayam: 1. Mar Roxas, Presidential Candidate /
Former DILG Secretary
2. Jejomar Binay, Presidential Candidate /
Vice President (2010-2016)
3. Rodrigo Duterte, Presidential Candidate /
Former Davao City Mayor
Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento
Walang pamilya sa bansa ang …‘yung tinatawag Mahalaga na lalong
hindi tinatamaan ng problema nating lambat- paigtingin ang Drug
sa droga dahil na rin sa di- sibat. Sibat, Education Program
masawatang operasyon ng hahabulin natin kung saan maaabot
mga kartel ng droga. yung mga cartel ang bawat tahanan.
Mahalaga ang pagtutulungan tulad ng ginawa
Roxas ng lahat ng sektor kabilang na namin sa PNP
ang pamahalaan, pulisya, nung ako po ay
paaralan, tahanan at iba pang DILG (kalihim).
bumubuo sa lipunan upang Mahigit 20,
malutas ang matagal nang mahigit dalawang
suliranin sa droga na isa rin sa bilyon ang halaga
mga implikasyon ng ng droga na nahuli
malawakang korupsiyon. nung kapanahunan
ko. Yan ang mga
cartel.
Mahina ang pagpapatupad ng (Walang tiyak o Kailangang
batas laban sa droga. Hindi kongkretong datos lubusang pairalin
“decisive” o tuwiran at mabisa na ibinigay.) ang sistema at
Binay ang paraan ng paglaban sa pagpapatupad ng
illegal na droga ng mga mga batas kontra-
namamahala kaya hindi nila droga gaya ng
ito mapigil-pigil. Pero hindi Republic Act No.
isang marahas na gawi na 9165 o
tulad ng death penalty ang Comprehensive
kailangan upang tuluyang Dangerous Drugs
matuldukan ang problema sa Act of 2002
droga.
Kambal na suliranin ang (Walang tiyak o Malinaw sa
korupsiyon at problema sa kongkretong datos naturang pananaw
droga na matagal nang na ibinigay.) na kadikit na ng
Duterte ipinagsasawalambahala. Sa bawat nagdaang

12
paghahari ng korupsiyon, henerasyon at
imposible ang kapayapaan at maging ng
tuluyang pag-unlad ng bayan. kasalukuyan ang
problema sa droga
at korupsiyon na
kapag hindi
nasolusyunan ay
lalong magiging
pasakit sa mga
susunod pang
salinlahi sa
Filipinas.

Aralin Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis


2

Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga idea dahil nanggaling ang mga ito sa
iba’t ibang batis ng impormasyon. Halimbawa, sa interbiyu sa isang tao, iba-iba ang
itinatanong ng nag-iinterbiyu gaya ng tungkol sa pamilya, propesyon, opinyon sa paksa, at
iba pa. Sa panel discussion naman, iba-iba ang taong nag-uusap tungkol sa iisang paksa kaya
iba-ibang opinyon naman ang maririnig. Ang pagbubuo at pagbubuod sa mga ito ay
nangangailangan ng sistematikong proseso. Narito ang ilang hakbang at mungkahi sa maayos
na pagbuo ng sintesis (www.jan.ucc.nau.edu):

I. Panimula o Introduksiyon. Simulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o


magtutuon sa pinakapaksa ng teksto. Banggitin ang pangalan ng may-akda, pamagat, at/o
impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa.
A. Paksang Pangungusap
B. Pinakapaksa ng Teksto
C. Pinagkunan

II. Katawan
A. Pagdevelop ng Paksa sa pamamagitan ng Pagsusuri sa Ilang Kaugnay na Idea at
Paggamit ng mga Salitang Pantransisyon. Makatutulong ang sumusunod:
1. Gamitin ang mga inilatag na impormasyon sa sintesis grid.
2. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing idea.
3. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang pangungusap
o katagang paksa ng talata.
4. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-
ibang paksa o opinyon sa isang paksa.
5. Gumamit ng angkop na mga transisyon (halimbawa: gayundin, sa kabilang dako,
gayunman, at iba pa) at paksang pangungusap. Banggitin din ang pinagkunan
(halimbawa: “na ayon sa Daluyan Journal, Vol. VI, 2009”).
6. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba
ng mga idea, opinyon, paniniwala, reaksiyon, at iba pa.

13
7. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti ngunit may laman,
lalim, at lawak.
8. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon.

III. Kongklusyon. Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksiyon ng


iba-ibang pinagsamang idea. Maaaring magbigay komento dito o kaya’y magmungkahi
(halimbawa: mas malalim pang pananaliksik, pag-aaral, obserbasyon, diskusyon, at iba pa
tungkol sa paksa).
A. Pangkalahatang Koneksiyon ng Iba-iba Pinagsamang Idea
B. Panapos na Komento at/o Suhestiyon

Isinasagawa ang sintesis para sa sumusunod:


a. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal.
b. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, kumperensiya, o panel discussion.
c. Ribyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o idea ukol sa isang paksang
may maraming may-akda na sinangguni para sa sinusulat na tesis o disertasyon.
d. Report ng dokumentaryo ukol sa isang paksaa na may iba’t ibang taong kinapanayam.
e. Maikling ribyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na
paksa.

Narito ang halimbawang dayagram ng isang sintesis:

Narito ang halimbawang napunang balangkas ng sintesis:

I. Panimula o Introduksiyon

14
A. Paksang Pangungusap: Ang droga ay nananatiling isang malaking salot sa lipunan at
hadlang sa pagsulong ng bansang Filipinas.
B. Pinakapaksa ng Teksto: Pangunahing isyu ng mga kabataan sa Mindanao ang illegal
na droga, at sa buong bansa ay tinatayang 1.7 milyong katao ang lulong sa paggamit
ng ipinagbabawal na gamot.
C. Pinagkunan: Pulse Asia Survey na inilahad ni Nery (2016)

II. Katawan
A. Pagdevelop ng Paksa (rosas ang haylayt) sa pamamagitan ng Pagsusuri (dilaw ang
haylayt) sa Ilang Kaugnay na Idea (asul ang haylayt) at Paggamit ng mga Salitang
Pantransisyon (berde ang haylayt)

Ang naturang survey ay pinatotohanan ni Roxas (2016) sapagkat wala


diumanong pamilya sa bansa ang hindi tinatamaan ng problema sa droga dahil na rin
sa di-masawatang operasyon ng mga kartel ng droga. Mahalaga diumano ang
pagtutulungan ng lahat ng sektor kabilang na ang pamahalaan, pulisya, paaralan,
tahanan at iba pang bumubuo sa lipunan upang malutas ang matagal nang suliranin sa
droga na isa rin sa mga implikasyon ng malawakang korupsiyon.
Sa gayon, mahalaga na lalong paigtingin ang Drug Education Program kung
saan maaabot ang bawat tahanan. Kung sa loob pa lamang ng tahanan ay
naipauunawa na ng mga nakatatanda sa mga kabataan ang peligro at perhuwisyong
dulot ng ipinagbabawal na gamot ay magagawang ilayo ang kabataan sa pagsubok ng
droga at sa halip ay matutuon sa paggawa ng mga makabuluhang aktibidad. Sa
katuparan nito, mabibigyang-katwiran pa rin ang tinuran ni Rizal na, “Kabataan ang
pag-asa ng bayan,” sapagkat makatutuwang sa pagsugpo laban sa droga.

III. Kongklusyon
A. Pangkalahatang Koneksiyon ng Iba-iba Pinagsamang Idea: Sa kalahatan,
nagkakasundo sina Roxas (2016), Binay (2016), at Duterte (2016) na isang seryosong
dambuhalang suliranin ang illegal na droga sa Filipinas kung saan may malaking
kontribusyon ang korupsiyon sa patuloy na paglala nito. Nangangailangan ito ng
agaran at mabisang solusyon na naaayon sa batas at hindi lumalabag sa karapatang
pantao upang hindi na dumami pa ang bilang ng mga nabibiktima nito. Nagkakaisa rin
sila sa paniwala na ang paglaban sa droga ay hindi lamang gampanin ng pamahalaan
at ng kapulisan kundi ng sambayanan.
B. Panapos na Komento at/o Suhestiyon: Sadyang mahirap tuldukan ang isang suliraning
tumanda na sa sistema ng isang lipunan gaya ng problema sa droga na totoong
napabayaan. Magagawa lamang itong pagtagumpayan sa kooperasyon at
pagmamalasakit ng bawat mamamayan. Simulan ito sa matapat na pagbalangkas at
pagpapatupad ng mga polisiya sa kampanya laban sa droga nang may aktibong
pakikisangkot ang lahat ng sektor ng lipunan upang matiyak na mabisa at mabuti para
sa lahat, hindi lamang sa iilang nasa kapangyarihan.
Ang droga ay nananatiling isang malaking salot sa lipunan at hadlang sa pagsulong ng
bansang Filipinas. Sa survey ng Pulse Asia na inilahad ni Nery (2016), natuklasan na
Narito
pangunahing
naman angisyupinal
ng mga
na sintesis:
kabataan sa Mindanao ang illegal na droga, at sa buong bansa ay
tinatayang 1.7 milyong katao ang lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang naturang survey ay pinatotohanan ni Roxas (2016) sapagkat wala diumanong
pamilya sa bansa ang hindi tinatamaan ng problema sa droga dahil na rin sa di-masawatang
operasyon ng mga kartel ng droga. Mahalaga diumano ang pagtutulungan ng lahat ng sektor
kabilang na ang pamahalaan, pulisya, paaralan, tahanan at iba pang bumubuo sa lipunan upang
malutas ang matagal nang suliranin sa droga na isa rin sa mga implikasyon ng malawakang
korupsiyon.
15
Sa gayon, mahalaga na lalong paigtingin ang Drug Education Program kung saan
maaabot ang bawat tahanan. Kung sa loob pa lamang ng tahanan ay naipauunawa na ng mga
nakatatanda sa mga kabataan ang peligro at perhuwisyong dulot ng ipinagbabawal na gamot ay
magagawang ilayo ang kabataan sa pagsubok ng droga at sa halip ay matutuon sa paggawa ng
mga makabuluhang aktibidad. Sa katuparan nito, mabibigyang-katwiran pa rin ang tinuran ni
Rizal na, “Kabataan ang pag-asa ng bayan,” sapagkat makatutuwang sa pagsugpo laban sa droga.
Naniniwala naman si Binay (2016) na mahina ang pagpapatupad ng batas laban sa droga.
Aniya, hindi “decisive” o tuwiran at mabisa ang paraan ng paglaban sa illegal na droga ng mga
namamahala kaya hindi nila ito mapigil-pigil. Gayunman, aniya, hindi isang marahas na gawi
tulad ng death penalty o parusang kamatayan ang kailangan upang tuluyang matuldukan ang
problema sa droga.
Ibig sabihin, kailangang lubusang pairalin ang sistema at pagpapatupad ng mga batas
kontra-droga gaya ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na
sisimulan sa reorganisasyon o reoryentasyon sa mga tagapagpatupad nito lalo na sa hanay ng
kapulisan kung saan pinaniniwalaang talamak ang korupsiyon gaya sa mga napauulat na
pagreresiklo ng mga nasasabat na droga. Kailangan din na maging aktibo ang isang lokal na
gobyerno sa kampanya laban sa droga upang maiwasan ang pananamantala gaya ng pagpuslit ng
droga.
Samantala, sa paniwala ni Duterte (2016), kambal na suliranin diumano ang korupsiyon
at problema sa droga na matagal nang ipinagsasawalambahala. Sa paghahari ng korupsiyon,
imposible ang kapayapaan at tuluyang pag-unlad ng bayan.
Malinaw sa naturang pananaw na kadikit na ng bawat nagdaang henerasyon at maging ng
kasalukuyan ang problema sa droga at korupsiyon na kapag hindi nasolusyunan ay lalong
magiging pasakit sa mga susunod pang salinlahi sa Filipinas. Nangangahulugan na ang pagsugpo
sa droga ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan kundi ng buong sambayanan na dapat maging
tapat sa sarili, kapuwa, at sa bayan kung ibig na madanas ang pangmatagalang kapayapaan at
totoong kaunlaran.
Sa kalahatan, nagkakasundo sina Roxas (2016), Binay (2016), at Duterte (2016) na isang
seryosong dambuhalang suliranin ang illegal na droga sa Filipinas kung saan may malaking
kontribusyon ang korupsiyon sa patuloy na paglala nito. Nangangailangan ito ng agaran at
mabisang solusyon na naaayon sa batas at hindi lumalabag sa karapatang pantao upang hindi na
dumami pa ang bilang ng mga nabibiktima nito. Nagkakaisa rin sila sa paniwala na ang paglaban
sa droga ay hindi lamang gampanin ng pamahalaan at ng kapulisan kundi ng sambayanan.
Sadyang mahirap tuldukan ang isang suliraning tumanda na sa sistema ng isang lipunan
gaya ng problema sa droga na totoong napabayaan. Magagawa lamang itong pagtagumpayan sa
kooperasyon at pagmamalasakit ng bawat mamamayan. Simulan ito sa matapat na pagbalangkas
at pagpapatupad ng mga polisiya sa kampanya laban sa droga nang may aktibong pakikisangkot
ang lahat ng sektor ng lipunan upang matiyak na mabisa at mabuti para sa lahat, hindi lamang sa
iilang nasa kapangyarihan.

16
Aralin Mga Teknik sa Pagsulat ng Sintesis
3

Narito ang ilang gamiting teknik sa pagsulat ng sintesis:


1. Buod (Summary). Ito ang pinakapayak na paraan sa pagsulat ng sintesis. Isinusulat ang
sintesis pagkatapos ihanay sa paglalahad ang mga kaugnay na impormasyong nakalap.
2. Paglalahad ng Dalawa o Higit pang Dahilan (Two or more Reasons). Inilalahad muna ang
tesis o panukalang pahayag saka pinagtitibay ito ng dklawa o higit pang katuwiran mula
sa mga nakalap na kaugnay na datos.
3. Paghahambing o Komparatibo. Sinusuri dito ang kaligiran o pamamaraan ng dalawang
paksa o impormasyon.
a. Pagkakatulad. Inilalahad ang pagkakapareho sa tiyak na aspekto ng dalawang paksa.
b. Pagkakaiba. Haylayt dito ang pagsasalungatan ng dalawang paksa o impormasyon.

Pagyamanin

A. SINTESIS o HINDI: Tukuyin kung kaligiran ng sintesis o hindi ang konsepto. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Pinagsama-sama ng/sa sintesis ang magkakaiba o magkakaugnay na idea upang


makabuo ng bagong kaisipan.
2. Ang sintesis ay sumusunod sa balangkas na IMRaD.
3. Ginagamit ang Sintesis Grid upang matiyak na maayos at sistematiko ang daloy ng
impormasyon sa pagsulat.
4. Paghihimay sa komposisyon ng isang kongkretong entidad o awtput upang mas
maunawaan ito.
5. Kinikilala sa pagsulat ng sintesis ang mga pinagkunan ng impormasyon.

B. PAGSUSURI NG SINTESIS: Suriin ang tampok na sintesis sa pagtiyak sa mga batayang


bahagi at elemento nito.

17
I. Panimula
A. Paksang Pangungusap: _________________________________________
B. Pinakapaksa ng Teksto: ________________________________________
C. Pinagkunan: ____________________________________________________
II. Katawan
A. Pagdevelop sa Paksa
Idea 1: _________________________________________________________
Idea 2: _________________________________________________________
Gamit na mga Salitang Pantransisyon: __________________________
III. Kongklusyon
A. Pangkalahatang Koneksiyon ng mga Pinagsamang Idea: _________
B. Panapos na Komento at/o Suhestiyon: __________________________

Bagaman likas na mapamaraan at malikhain ang isang guro, hindi pa rin maiaalis
na sa sandaling maharap sa isang programa o polisiya na bago sa kaniya ay hindi siya
agarang makaaangkop at makatutupad nang ganap at buo. Ang implementasyon ng
programang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) ng Kagawaran
ng Edukasyon (DepEd) ay nananatiling isang malaking hamon at masalimuot na sistema
sa sangkaguruang Filipino.
Sa palarawang pananaliksik na isinagawa nina Garcia et al. (2014) sangkot ang
mga guro sa mga pribadong paaralan sa Lungsod Baguio na di-kinagisnang wika ang
gamit sa pagtuturong MTB-MLE, pangunahing suliraning natukoy sa isinagawang
unstructured interview ang mismong guro ng MTB-MLE. Napag-alamang hindi ganap
ang kaalaman ng guro sa wikang ginagamit sa paaralan. Nangangahulugan lamang ito
na hindi naituturo nang maayos ang wikang Ilokano sa mag-aaral sapagkat salat ang
kaalaman ng guro sa wikang ito.
Sa isang semi-structured in-depth interview sa pag-aaral nina Lartec et al. (2014)
sangkot ang 12 guro ng Kindergarten - Baitang 1 mula sa pilot schools ng programang
MTB-MLE sa Lungsod Baguio, natuklasan na kulang o limitado ng bokabularyo ang
mga guro sa wikang katutubo. Walang malawak na mapagsalukan ng mga salita o
pahayag ang mga guro sa unang wika kaya hindi mahimay-himay ang mga aralin.
Bagaman tubong Baguio ang mga guro ay naniniwalang hindi sapat ang kanilang
kabatiran sa iba’t ibang wika ng lungsod kaya hindi sasapat upang mabisang maituro
ang mga aralin sa MTB-MLE. Hindi nila masabi kung nasasapat ang kanilang
bokabularyo lalo pa’t ang kanilang mga estudyante ay hindi matatas sa lingua franca at
hindi lahat ng salita sa target na wika ay may katumbas sa unang wika.

Sa mga inilahad na pag-aaral nina Garcia et al. (2014) at Lartec et al. (2014),
malinaw na guro ang pangunahing suliranin sa pagtuturong MTB-MLE kung saan
pasanin din ng guro ang lumilitaw na mga suliranin sa mag-aaral at maging sa
instruksiyong materyal. Sa gayon, maituturing ang guro bilang siyang pangunahing salik
na nagtatakda sa tagumpay o kabiguan at kaganapan o kawalang-saysay ng programa
sang-ayon sa tinuran ni Calinawagan (2016) na ang tagumpay ng MTB-MLE sa Filipinas
ay sadyang nakasalalay sa husay at pagiging inobatibo ng mga guro sa kanilang larangan
gayundin ang kanilang aktibong pakikibahagi sa pagsusulong ng naturang programa.

18
C. PAGBUO NG SINTESIS: Gamitin ang bilang 1 hanggang 5 sa matamang pagsusunod-
sunod ng mga bahagi at/o elemento ng sintesis upang ganap itong mabuo.

_____Sa taya ng World Bank (2005), may limampung bahagdan ng mga batang nahinto
na sa pag-aaral o ang mga tinatawag na out-of-school-youth ang nakatira sa mga
pamayanang ang wikang panturo ay hindi ang wikang ginagamit nila sa tahanan.
_____Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga mag-aaral na naturuan sa wikang hindi nila
unang wika ay nakararanas nang mas maraming bilang ng dropout o paghinto sa pag-
aaral o kaya’y pag-uulit sa antas (Pinnock, 2009; Lewis & Lockheed, 2006; Benson,
2005b; Hovens, 2003, Klaus, 2003; Patrinos & Psacharopoulos, 1997; Steinberg, Binde,
& Chan, 1984). Nangangahulugan ito na mahina o sadyang hindi kinatututuhan ng mga
estudyante ang mga aralin sa paaralan na itinuturo gamit ang wikang di-kinasanayan at
iba sa midyum loob ng tahanan.
_____Sa mga inilahad na pag-aaral, pinupunto ang mariing ugnayan ng wika at
pagkatuto. Nagkakasundo ang mga ito na mauuwi sa higit na malalang suliranin tulad ng
malaking antas ng dropout ang patuloy na paggamit ng “wikang banyaga” sa pagtuturo sa
mga kabataan sa isang pamayanan na may sariling “wikang katutubo.”
_____Si Pinnock (2009) naman ay naglabas ng isang nakagugulat na puntos; 72% daw
ng mga out-of-school-youth sa buong mundo ay nagmula sa mga bansang “highly
linguistically fractionalized” o may mataas na pagkakahati-hating panlingguwistika.
Malinaw na maraming kabataan ang napagdaramutan ng edukasyon at pagkatuto dahil
banyaga sa kanila ang gamit na wika sa pagtuturo. Kaya, dapat na bigyang-diin sa
edukasyon ang kahalagahan ng paggamit ng mother tongue sa paglinang ng kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral lalo sa mga bansang kanlungan ng maraming wika at
wikain gaya ng Filipinas.
_____Ang mother tongue, inang wika o unang wika, ay susing midyum tungo sa lalong
pagkatuto ng isang tao. Ayon kina Ducher at Tucker (1997), mahalaga ang unang wika sa
panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na
pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Ang hindi paggamit sa kinagisnang wika
sa pagtuturo sa isang lumalaking bata ay nauuwi sa sari-saring problema.

Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang ipinagkaiba ng sintesis sa analisis?
2. Ano ang sintesis grid at paano ito ginagamit?
3. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi at elemento na bumubuo sa isang sintesis?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng iba’t ibang saligan sa pagsulat ng isang sintesis?
5. Bakit maituturing na pinakamadaling paraan ang pagbubuod sa pagsulat ng sintesis?

19
Isagawa

A. PAGGAMIT NG SINTESIS GRID: Gabay ang sintesis grid, mangalap ng impormasyon


tungkol pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa TV
network na ABS-CBN.

Pamagat ng Programa: 24 Oras Network: GMA 7


Paksa: Pagkapaso ng Prangkisa ng ABS-CBN at Petsa: Mayo 5 at 6, 2020
Pagpapatigil NTC sa Operasyon nito
Host (s): Atom Araullo, Vicky Morales, at Jessica Soho
Kinapanayam: 1. DOJ Sec. Menardo Guevarra
2. UP College of Law Prof. Rowena Daroy
3. NTC Deputy Comm. Edgardo Cabarios
Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento
(ng Mag-aaral)
Kalihim Guevarra
Propesor Daroy
Komisyoner Cabarios

B. PAGBALANGKAS NG SINTESIS: Taglay ang napagtagumpayang Sintesis Grid,


balangkasin ang sintesis.
I. Panimula
A. Paksang Pangungusap: _________________________________________
B. Pinakapaksa ng Teksto: ________________________________________
C. Pinagkunan: ____________________________________________________
II. Katawan
A. Pagdevelop sa Paksa sa pamamagitan ng Pagsusuri sa Ilang
Kaugnay na Idea at Paggamit ng mga Salitang Pantransisyon: ___
III. Kongklusyon
C. PAGSULAT NG SINTESIS:
A. Pangkalahatang Taglay
Koneksiyon ngang
Iba’tnapagtagumpayang balangkas, isulat ang isang
Ibang Idea: _________________
komprehensibong sintesis gamit ang angkop na teknik.
B. Panapos na Komento at/o Suhestiyon: __________________________

Tayahin

A. Tukuyin kung kaligiran ng Sintesis o Analisis ang konsepto.

1. Paghihimay sa komposisyon ng isang kongkretong entidad o awtput upang mas


maunawaan ito.
2. Inaalam nito ang sanhi at dahilan ng tiyak na penomenon sa pag-aaral.
3. Pagsama-sama ng magkakaibang idea upang makabuo ng bagong kaisipan.
4. Inaalam nito ang kaligiran ng isang penomenon at inilalapit sa iba pang penomena.
5. Pinag-uugnay nito ang antitesis at tesis upang magkaroon ng bagong panukala.

20
B. Tukuyin kung Pagbubuod (PB), Paglalahad ng Dalawa o Higit Pang Halimbawa
(PDHH), Paghahambing na Nagsasaad ng Pagkakatulad (PNPT), o Paghahambing na
Nagsasaad ng Pagkakaiba (PNPK) ang teknik na ginamit sa pagsulat ng sintesis.

1. “Sa mga isinagawang pag-aaral nina Magdaraog (2018), Villonez (2018), Garin et al.
(2017), Huevos (2015), Malik (2012), Boso (2011) at Boumova (2008), mariin ang
pagsusulong sa paglilinang ng mga makabagong pamamaraan upang tuluyang baliin
ang mga hindi na mapakikinabangang tradisyonal na estratehiya sa pagtuturo. Pare-
parehong napagtibay sa kani-kaniyang resulta ng kani-kanilang pag-aaral ang
kaangkupan at bisa ng mga modernong estilo at gawi na tugon sa kahingian ng iba’t
ibang sitwasyon at suliranin sa prosesong pagtuturo-pagkatuto.” -Sipi mula sa Hernandez,
Jaynard J. 2019. Bisa ng Pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto sa mga Mag-
aaral ng Tech-Voc sa Asignaturang Filipino, Di-Nailathalang Tesis, Unibersidad ng Luzon.

2. “Kung inalam nina Almachar (2000) at Solis (2000) ang impluwensiya ng wikang
Ingles sa wikang Filipino, ito rin ang tinuklas sa natapos na pag-aaral.” -Sipi mula sa
Macaranas, Mary Ann C. 2007. Mga Uri ng Salitang Gamitin sa mga Tabloyd: Batayan sa Pagbuo ng
Glosari, Di-Nailathalang Tesis, Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan.

3. “Magkatulad ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturong MTB-MLE


sapagkat sa pananaliksik nina Garcia et al. (2014) pangunahing suliraning natukoy sa
isinagawang unstructured interview ang mismong guro ng MTB-MLE. Napag-
alamang hindi ganap ang kaalaman ng guro sa wikang ginagamit sa paaralan.
Gayundin, sa isang semi-structured in-depth interview sa pag-aaral nina Lartec et al.
(2014) natuklasan na kulang o limitado ng bokabularyo ang mga guro sa wikang
katutubo.” -Pinagkunan: Hernandez, Jaynard J. 2020. Suliranin ng mga Guro sa Pagtuturong MTB-
MLE

4. “Ginamit ni Yumul (2001) ang dalawang kolum ng pahayagang Bandera at Abante sa


pagtatala niya ng mga salitang bulgar at pino. Sinuri naman sa isinagawang riserts ang
tabloid na Abante ngunit apat na artikulo ang pinag-aralan dito. Mas marami naman
ang bilang ng tabloid na pinasadahan ni Aguila (2003)…” -Sipi mula sa Macaranas, Mary
Ann C. 2007. Mga Uri ng Salitang Gamitin sa mga Tabloyd: Batayan sa Pagbuo ng Glosari, Di-
Nailathalang Tesis, Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan.

5. Nagkakasundo sina Roxas (2016), Binay (2016), at Duterte (2016) na isang seryosong
dambuhalang suliranin ang illegal na droga sa Filipinas kung saan may malaking
kontribusyon ang korupsiyon sa patuloy na paglala nito. Nangangailangan ito ng
agaran at mabisang solusyon na naaayon sa batas at hindi lumalabag sa karapatang
pantao upang hindi na dumami pa ang bilang ng mga nabibiktima nito. Nagkakaisa rin
sila sa paniwala na ang paglaban sa droga ay hindi lamang gampanin ng pamahalaan
at ng kapulisan kundi ng sambayanan.

C. Sa sagutang-papel, isulat ang Tama kung wasto ang nakasaad na hakbang sa pagsulat ng
sintesis. Mali naman ang isulat kung hindi angkop.

1. Gumamit ng Sintesis Grid upang matiyak na maayos at sistematiko ang daloy ng


impormasyon sa pagsulat.
2. Sa pagsulat ng sintesis, opsiyonal lamang ang sitasyon o pagbanggit sa pinagkunan ng
impormasyon.

21
3. Simulan ang tesis sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa
pinakapaksa ng teksto.
4. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata na naglalahad ng paksa ng talata.
5. Hindi na mahalagang suriin kung may ugnayan o wala ang mga inilalahad na idea.

Karagdagang Gawain

A. REAKSIYON SA POSISYON: Magkomento sa paninidigan ng isang tao tungkol sa


isang isyu/paksa. Mangyaring magharap ng patunay o ebidensiya upang suportahan ang
sariling reaksiyon.

Isyu Posisyon ni Sen. Grace Poe Reaksiyon o


Komento
“Maraming magsasaka ang baon po “Importante po para sa ating
sa utang pagkatapos ng anihan dahil magsasaka, intindihin natin kung
____________
sa kakabayad sa hiniram nila na magkano ang kinikita nila, P17,000
pambili ng abono, pag-upa sa lupa, yung magtatanim ng palay for every ____________
pag-upa sa sasakyan, para maibaba one hectare. So kung 3 ang binigay sa
____________
ang kalakal nila. Patuloy naman ang kanila sa agrarian reform, kikitain nila
pag-angkat natin ng mga mas siguro mga P152 a day. Talagang
murang bigas at mas murang gulay, napakaliit. Dapat libre na ang
na lalong nagpapahirap sa mga irigasyon, dapat may crop insurance,
magsasaka. May plano ba kayo para pero hindi lamang iyon. Dapat
matulungan ang ating mga magkaroon ng agro-industrial zones,
magsasaka na hindi nadedehado kung saan magkasama ang DTI
naman ang mga mamimili?” –Sipi (Department of Trade & Industry)at
mula sa ang DA (Department of Agriculture)
https://www.rappler.com/nation/politics/ele para naman ma-market ang products
ctions/2016/126034-transcript-first-
presidential-debate-cagayan-de-oro
ng mga magsasaka.” –Sipi mula sa
https://www.rappler.com/nation/politics/electi
ons/2016/126034-transcript-first-presidential-
debate-cagayan-de-oro

Mga Sanggunian

Constantino, Pamela C. at Galileo S. Zafra. 2016. Filipino sa Piling Larangan

22
(Akademik). Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Prieto, Nelia G. et al. 2017. Practical Research 1. Quezon City:
Lorimar Publishing, Inc.
Accessed May 20, 2020. https://saylordotorg.github.io/text_exploring-perspectives-a-concise-
guide-to-analysis/s04-01-the-nature-of-analysis.html
Accessed May 20, 2020. https://writingcenter.ashford.edu/summary-vs-analysis
Accessed May 20, 2020. http://www.differencebetween.net/science/difference-between-
analysis-and-synthesis/
Accessed May 20, 2020. https://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/126034-
transcript-first-presidential-debate-cagayan-de-oro

23
1

You might also like