Module 4 Akademik

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 25

11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 4:
Abstrak
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4: Abstrak

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

2
BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat : Jaynard J. Hernandez, MAEd

Tagamasid Pampurok : Mary Joy C. Agsalon, EdD


Tagapag-ugnay : Virginia C. Urbano, P-I
Mga Tagasuri : Melchora N. Viduya, EdD
Joselito D. Daguison, MAEd
Mga Tagaguhit : Wilson A. Cayabyab
Jay C. Visperas

MANAGEMENT TEAM:

OIC, Schools Division Superintendent : Sheila Marie A. Primicias, CESO VI


Asst. Schools Division Superintendent : Ely S. Ubaldo, CESO VI
: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Chief Education Supervisor, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Education Program Supervisor, LRMDS : Rustico P. Abalos Jr., EdD
Education Program Supervisor, Filipino : Melchora N. Viduya, EdD

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Schools Division Office I Pangasinan
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

3
11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 4:
Abstrak

4
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)


na tuon sa araling Abstrak. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa publiko at pribadong institusyon upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pambansa at
pandaigdigang hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong, at/o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral. Bilang

tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)


na tuon sa araling Abstrak. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

5
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksiyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa dulong bahagi ng modyul.

Isaisip
Naglalaman ito ng mga tanong o pupunan ang
patlang sa pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong mataya o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

6
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot at/o rubrik sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa dulong bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanang materyal sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Narito naman ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa paggamit ng modyul:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.


6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay, tatay, nakatatandang kapatid, o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na nakaaalam sa aralin at tunay na makatutulong sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin

Ang pagbuo ng isang akademikong sulatin ay nagsisimula sa matiyagang pagtalunton


at pag-unawa sa mga batayang elemento at/o bahagi nito na siyang nagtatakda sa ipinagkaiba
ng isa sa iba pang akademikong sulatin.
Makaraang sumangguni sa mga mapagtitiwalaang hanguan ng impormasyon ay
nakalap ang makabuluhan at napapanahong mga konsepto na mabisang tumatalakay at
naglalarawan sa kaligiran, katangian, at pamamaraan ng abstrak bilang akademikong sulatin.
Ang abstrak na karaniwang nababasa sa mga dahong priliminari ng mga sulating
pananaliksik gaya ng tesis at disertasyon ay mahalagang matutuhan at kasanáyan ng mga
mag-aaral sa academic track sapagkat nakatakdang magsagawa ng isang komprehensibong
pag-aaral kung saan rekisito kalaunan ang pagsulat ng abstrak.
Sa gayon, higit na pagpapahalaga sa nilalaman ng modyul na ito ang kailangan upang
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto o MELC sa pagsulat ng
abstrak ay malinang ng/sa bawat mag-aaral at magawang isalin at gampanan sa realidad:
1. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; at
2. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

Subukin

A. Tukuyin kung Tama o Mali ang nakasaad na hakbang sa pagsulat ng abstrak.

1. Binabalangkas ang abstrak bago pa man isagawa ang pananaliksik.


2. Hindi kinakailangang bumanggit ng anumang reperensiya sa pagsulat ng abstrak.
3. Maaaring ilagay ang layunin sa dulong bahagi ng isang abstrak kasunod ng
metodolohiya.
4. Ang abstrak para sa sulating IMRaD ay binubuo ng 1-2 talata na tinatayang may 120-
500 salita.
5. Tiyak na detalye ng resulta ng pag-aaral ang inilalahad sa isang abstrak.

B. Tukuyin kung Wasto o Di-wasto ang paghahambing sa iba’t ibang uri ng abstrak.

1. Pinupuna ng kritikal na uri ng abstrak ang proseso ng pag-aaral samantalang nakatuon


sa layunin, kaligiran, at paksa ang uring deskriptibo.
2. Ang deskriptibong abstrak ay binubuo ng 300 salita samantalang 100 salita o mas
kaunti pa ang uring haylayt.
3. Kapuwa sinusuri ng uring kritikal at haylayt ang baliditi at reliability ng isinagawang
pag-aaral.
4. Higit na angkop ang deskriptibong abstrak sa isang qualitative na pananaliksik.
Impormatibo naman ang akma sa quantitative na pag-aaral.
5. Karamihan sa mga nasusulat na abstrak ay nasa uring kritikal sapagkat kinaaaliwan
ang mga lahok na komentaryo dito.

8
C. Tukuyin kung Dapat o Hindi Dapat ang estilo at teknikal na pangangailangan alinsunod
sa mga batayang hakbang sa pagsulat ng abstrak.

1. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.


2. Huwag maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
sulatin.
3. Paulit-ulit na parirala at pag-uulit ng impormasyon.
4. Punuin ito ng detalye upang maunawaan ng babasa ang pangkalahatang sulatin.
5. Gumamit ng imahen, ilustrasyon, pigura, o talahanayan.

Balikan

A. TATAK NG ABSTRAK: Tukuyin kung TATAK o HINDI ng abstrak ang konsepto.

1. Karaniwang binubuo ng 150-300-salitang talata/talataan lámang ang isang abstrak


upang kagyat na maipaunawa sa mambabasá ang kahalagahan ng sulatin o pag-aaral.
2. Sinusulat ang abstrak upang mapatunayang karapat-dapat magsulat tungkol sa isang
paksa ang isang manunulat.
3. Inilalahad ng abstrak ang suliranin o paksa, metodo at disenyo ng pananaliksik, mga
pangunahing natuklasan, at nabuong kongklusyon.
4. Ang sitasyon o pagbanggit ng reperensiya ay hindi maoobserbahan sa pagsulat ng
abstrak.
5. Pinagsama-sama sa abstrak ang magkakaibang idea upang makabuo ng bagong
kaisipan.

Tuklasin

A. ABSTRACT LIST: Sa unang kolum ng isang talahanayan, masinop na ilista ang tatlong
inisyal na kaalaman sa proseso ng pagsulat ng abstrak. Rebisahin ito sa pag-usad ng pag-
aaral (ikalawang kolum) at isapinal sa dulo ng pag-aaral (ikatlong kolum) upang ang
kabatirang abstrakto ay maging ganap at kongkreto.

Inisyal (I) Nirebisa (R) Pinal (F)

Suriin

Ang salitang Abstrak ay mula sa salitang Latin na abstrahere (The American


Heritage, 1994) na ang ibig sabihin ay draw away, pull something away o extract from. Ito ay
isang maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, ribyu, proceedings, at
papel-pananaliksik na karaniwang binubuo ng 150-300-salitang talata/talataan lámang upang

9
kagyat na maipaunawa sa mambabasá ang kahalagahan ng sulatin o pag-aaral at
makapagpasya kung ipagpapatuloy ang pagbasa sa nilalaman ng napagtagumpayang sulatin
na karaniwa’y saliksik. Sa madaling sabi, inihahanda ng abstrak ang mambabasa tungo sa
pagtangkilik sa higit na detalyadong talakay, pagsusuri, at argumento na nilalaman ng
kabuoang sulatin (https://writing.wisc.edu/handbook/assignments/writing-an-abstract-for-
your-research-paper/). Idagdag pa, sa mga tesis, disertasyon, at mga akademikong journal,
naibibigay na ng abstrak ang kabuoang idea ukol sa paksa. Sa mga pandaigdigang
kumperensiya, ang isinusumiteng abstrak ay sapat na upang matanggap o hindi ang paksa at
basahin ang papel sa naturang okasayon (Constantino at Zafra, 2016).
Ayon kay Carole Slade, ang abstrak ay “isang maikling buod ng kabuoang sulatín o
pag-aaral.” Nilalamanan ito ng mga pag-aaral, saklaw ng inaral, mga pamamaraan, resulta at
kongklusyon (Koopman, 1997). Gampanin ng abstrak na ilarawan, hindi tasahin o
depensahan, ang sulatin. Sinisimulan ang abstrak sa maikli ngunit tiyak na paglalahad ng
suliranin o paksa, sinusundan ng paglalarawan sa metodo at disenyo ng pananaliksik, mga
pangunahing natuklasan, at ng nabuong kongklusyon. Tinataglay ng abstrak ang
pinakamahalagang mga susing salita patungkol sa metodo at nilalaman
(https://writingcenter.gmu.edu/guides/writing-an-abstract).
Ang abstrak ay mahalagang bahagi ng maraming akademikong sulatin. Madalas ito ay
huli na kung sulatin ngunit unang mababasa kapag gusto ng mga mambabasá na malaman
ang pangkalahatang nilalaman ng isang pinal na papel. Marapat isulat ang abstrak pagkatapos
mabasa ang kabuoan ng isang pananaliksik sapagkat magkakaroon ang mambabasá ng mas
malinaw na imahen at konsepto ukol sa natuklasan at mga konklusyon (The University of
Adelaide, 2014).

Aralin Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1
Mga Nilalaman ng Isang Abstrak

Ang malawakang ginagamit sa mga agham panlipunan na The Publication Manual of


the American Psychological Association ay naglahad ng tiyak na mga pamantayan ukol sa
dapat na nilalaman ng abstrak para sa iba’t ibang uri ng sulatin.
Narito ang ilang klase ng impormasyon na karaniwan na sa mga abstrak:
1. Ang kaligiran ng pag-aaral, pangkalahatang paksa, at mga tiyak na paksain
2. Ang mga tuong tanong o ang mismong paglalahad ng suliranin
3. Mga batid nang kaalaman tungkol sa sinasaliksik at mga naisagawang pag-aaral ukol dito
4. (Mga) pangunahing dahilan, ang eksihensiya, ang rasyonale, ang mga layunin ng/sa pag-
aaral
5. Ang pamamaraan ng pananaliksik
6. (Mga) pangunahing natuklasan, kinahinatnan, o argumento
7. Ang kahalagahan o implikasyon ng mga natuklasan o argumento

Ang abstrak na overview ng kabuoang sulatin, hindi ng isang panukala o proposal, ay


marapat na matalino at masinop na binabalangkas nang hindi kinakailangang bumanggit ng
sino o anumang reperensiya sapagkat sadyang nakatuon sa paglalarawan ng paksang pinag-
aralan, natuklasan, at mga argumento.

Halimbawa:

10
Mahina o Maling Abstrak: Mabuting Abstrak:
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Ang bagong-disenyong pamamaraang
pagsusuri sa Competition-Driven Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto o
Cooperative Learning (CDCL) salungat sa Competition-Driven Cooperative Learning
Lektura-Diskusyon (LD) gamit ang non- (CDCL) ay may layuning makatuwang sa
equivalent control group pretest-posttest pagpapayabong ng antas ng kawilihan at
design. Napatunayan sa pag-aaral na ito tuwirang pakikisangkot ng mga mag-aaral sa
magkasimbisa lamang ang dalawang mga gawaing pampagkatuto. Target ng
pamamaraan sa pagtuturo kaya parehong pagsasanib ng kompetisyon at kooperasyon
mainam gamitin. sa bagong-lunsad na estratehiya na
makapaghandog sa mga mag-aaral ng lalong
kapana-panabik at kasiya-siyang lipon ng
mga aktibidad sa bawat sesyon sa klasrum. Sa
gayon, ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa
pagsubok at pagsusuri sa bisa ng CDCL
salungat sa pamamaraang Lektura-Diskusyon
(LD) sa prosesong pagtuturo-pagkatuto sa
asignaturang Filipino sa Piling Larang ng
Tech-Voc. Gamit ang non-equivalent control
group pretest-posttest design, nagawang
ilarawan ng mananaliksik ang husay ng
kabatiran ng mga mag-aaral sa grupong
eksperimental at kontrol sa pauna at
lagumang pagsusulit sa tulong na rin ng raw
score distribution percentage at correlation
coefficient, at ang antas ng pagkakaiba ng
resulta ng pauna at lagumang pagsusulit sa
pagitan ng grupong eksperimental at kontrol
katuwang ang independent samples t-test.
Natuklasan na magkasimbisa lamang
pagdating sa pagpapaunlad ng kabatiran,
kaalaman, at kasanayan ng mga mag-aaral
ang bagong-disenyong pamamaraang CDCL
at ang tradisyonal na estratehiyang LD
sapagkat sang-ayon sa mga talang bilang sa
raw score distribution percentage at
correlation coefficient ay parehong
nakapagpaunlad ng husay ng kabatiran ng
mga mag-aaral sa kani-kaniyang grupo ang
magkaibang interbensiyong ginamit sa
prosesong pagtuturo-pagkatuto. Kaya
mainam na gamitin ng mga guro sa prosesong
pagtuturo-pagkatuto ang CDCL lalo sa grupo
ng mga mag-aaral na pinakaibig
makipagtulungan sa mga kamag-aral at hilig
din ang positibong kompetisyon sa klase.

Mga Susing Salita: Competition-Driven


Cooperative Learning (CDCL), Lektura-

11
Diskusyon (LD), Non-Equivalent Control
Group Pretest-Posttest Design

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak para sa Sulating IMRaD

Marami sa mga sulatin o pag-aaral sa mga agham panlipunan, agham pangkalikasan,


at inhenyerya ay alinsunod sa estrukturang IMRaD: ang kanilang mga pangunahing seksiyon
ay Introduksiyon o Panimula, Metodo o Pamamaraan, Resulta o Kinahinatnan, at Diskusyon
o Pagtalakay.
Sapagkat istandard na nilalaman ng abstrak ang mga haylayt ng sulatin o pag-aaral,
mainam na balangkasin ang abstrak sa sandaling matakdaan na ang pagsulat ng kabuoang
sulatin.
Kaiba sa karaniwang haba ng abstrak na 150-300 salita, ang abstrak para sa sulating
IMRaD at/o sa paglalahad nito ay binubuo ng 1-2 talata na tinatayang may 120-500 salita
kung saan:
 25% ang laan para sa layunin at kahalagahan ng pag-aaral (Introduksiyon);
 25% para sa disenyo ng pag-aaral at pamamaraan ng pananaliksik (Metodo);
 35% para sa natuklasan (Resulta); at
 15% ang laan para sa implikasyon ng isinagawang pag-aaral (Diskusyon)

Halimbawang Abstrak para sa Sulating IMRaD


(Pinagkunan: Malagayo, Renante D., Hernandez, Laila G., at Casim, Lucia T. (Ph.D sa
Edukasyong Pangwika Medyor sa Filipino). “Pagsusuri sa mga Graffiti ng mga Mag-aaral sa
Nueva Vizcaya” Nueva Vizcaya State University, Bambang Campus, Marso 26, 2016.)

(Layunin)
Mahalagang mabigyang- kasagutan ang mga katanungan tungkol sa paglaganap ng graffiti sa
mga unibersidad, malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa graffiti at higit sa
lahat ay makapagbigay ng mga posibleng solusyon sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

(Metodo)
Kwalitatibong disenyo at diskriptibo ang ginamit dito kung saan inilarawan ang mga
nangingibabaw na tema, damdamin at uri at ng wika sa mga graffiti na likha ng mga mag-
aaral. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa Unibersdidad ng Nueva Vizcaya. Kasabay
ng pagmamasid ng mga mananaliksik, kamera ang kasangkapan upang makalap ang mga
datos sa pag-aaral.

(Resulta)
Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ang mga graffiti sa unibersidad ay nahati sa kategorya
ayon sa lugar na naging basehan kung saan ang may pinakamaraming graffiti ay sa pader,
upuan at palikuran. Tatlong kategorya ayon sa kahulugan ang lumutang mula sa isinagawang
pagsusuri sa mga graffiti na likha ng mga mag-aaral. Lumabas ang mga tema o paksang
nauugnay sa buhay-tinedyer, nailantad ang mga katangian at damdaming kinikimkim ng mga
mag-aaral at lumutang ang uri ng wika ng mga kabataan.

(Implikasyon)
Napatunayan sa pag-aaral na ang mga graffiti ay sumisimbolo sa mga nadarama at iniisip ng
mga mag-aaral ngunit nakita ring walang tiyak o masasabing mabuting layunin kung bakit

12
ginagawa ang pagsusulat sa mga silya, pader at kung saan-saan pa. Kasasalaminan din ang
mga ito ng kanilang panunukso, panloloko at pamimintas sa iba at mababang antas ng
paggamit ng wika.

Ang sumusunod ay karaniwang suliranin sa pagsulat ng abstrak para sa IMRaD kaya


dapat iwasan:
1. Inilalahad ng abstrak kung ano ang inaalam o tutuklasin sa pag-aaral at hindi ang
mahalaga na, “kung ano na ang natuklasan.”

X – Sinuri sa pag-aaral na ito ang mga dahilan ng oversleeping.


(Ano ang natuklasan sa pagsusuri sa mga sanhi?)
/ - Nag-o-oversleep ang mga tao sapagkat hindi maagang natutulog, nakalilimot
magset ng
alarm, at tinitiyak na madilim ang kanilang silid-tulugan.
2. Naglalahad ng malawak na kaisipan sa halip na tiyak na detalye sa natuklasan.
X – Nahango ang kongklusyon sa kung aling variables ang pinakamahalaga sa
pagpili ng
sinehan. (Ano-ano ang mga tinutukoy na variable?)
/ - Nahango ang konglusyon na ang pinakamahalagang variables sa pagpili ng
sinehan ay
ang pagkakaroon ng kumportableng mauupuan at mataas-na-kalidad na
popcorn.

13
Aralin Iba’t Ibang Uri ng Abstrak
2
Mahalagang matukoy muna ang tiyak na uri ng abstrak na gagawin bago magsulat.
May apat na pangkalahatang uri ito (https://libguides.usc.edu/writingguide/abstract).

1. Kritikal. Bukod sa paglalarawan sa mga pangunahing natuklasan at impormasyon,


inilalahok din sa abstrak na ito ang paghusga o pagpuna sa baliditi, reliability at kahitikan
ng isinagawang pag-aaral. Tinatasa ng mananaliksik ang papel sa pagkokompara sa iba
pang katulad na pag-aaral. Karaniwan na itong umaabot sa 400-500 salita dahil sa mga
mapagpakahulugang komentaryo kaya madalang lamang gamitin ang uring ito.
2. Deskriptibo. Inilalarawan sa abstrak na ito ang uri ng impormasyon na matatagpuan sa
pag-aaral. Hindi nito pinupuna ang proseso ng pag-aaral. Nakatuon ito sa layunin,
kaligiran at paksa ng papel nang hindi isinasama ang pamamaraan, resulta at kongklusyon
(The University of Adelaide 2014). Ang mga ganitong uri ng abstrak ay madalas mabasa
sa mga pag-aaral ng mga nasa larangan o disiplinang agham panlipunan, humanidades at
sikolohiya sapagkat sa mga ganitong larangan ay nangangailangan ng qualitative na uri
ng pananaliksik na maglalabas ng kahalagahan o mahalagang kalikasan ng isang bagay o
paksa na may kaugnayan sa lipunan. Binubuo lamang ito ng 100 salita o mas kaunti pa
kaya naman itinuturing ito ng ibang mananaliksik bilang balangkas ng isang sulatin sa
halip na isang buod.
3. Impormatibo. Karamihan sa mga nasusulat na abstrak ay impormatibo. Bagaman hindi
nagkikritik, higit pa sa paglalarawan ang ginagawa sa uring ito. Nagsisilbing kahalili ng
kabuoang sulatin ang isang mabuting impormatibong abstrak. Inilalahad dito ang mga
mahahalagang idea at punto na nilagom mula sa paksa, layunin, kaligiran, metodolohiya,
kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon, at kung naaangkop, maging ang
rekomendasyon (The University of Adelaide, 2014). Masasabing impormatib ang abstrak
kung ang pag-aaral ay quantitative na karaniwang isinasagawa sa larangan ng agham at
sikolohiya. Nakabatay ang haba ng isang impormatibong abstrak sa larang na
pinaggagamitan subalit kadalasan ay hindi ito umaabot ng 300 salita.
4. Haylayt. Ang uring ito ay isinusulat upang pukawin ang atensiyon ng mambabasa. Hindi
alintana sa uring ito ang pagiging balanse o pagkakatugma nito sa mismong papel lalo’t
ang pagiging di-buo ng kaisipan ay potensiyal na makatawag ng pansin. Malinaw na hindi
kongkreto ang uri ito kaya maituturing na hindi totoong abstrak. Sa gayon, bagaman may
ilang gumagamit, hindi ito ganap na kinikilala sa akademikong pagsulat.

Aralin Mga Estilo at Teknikal na Pangangailangan


3 sa Pagsulat ng Abstrak
Sa kalahatan, hangga’t maaari ay gumamit ng tukuyan o tahasang tinig sa pagsulat ng
abstrak. Kung hindi maiwasan, sikapin na lamang na maging tiyak subalit napananatiling buo
ang diwa ng pangungusap. Maging tuwiran sa paglalahad at laging gumamit ng aspektong
perpektibo o pangnagdaan sapagkat iniuulat na lamang ang isang napagtagumpayang gawain
(https://libguides.usc.edu/writingguide/abstract).
Formatting. Ang format ng abstrak ay isang talata sa anyong block o walang
indensiyon. Sa maraming kaso, sinusundan ng abstrak ang pahinang pamagat kaya

14
iminumungkahi na huwag lagyan ng bilang ang pahina ng abstrak. Sa kalahatan, kailangang
ilagay sa gitna sa gawing itaas ng pahina ang salitang “Abstrak” nang may dalawang espasyo
sa pagitan ng heading/header at ng nilalaman ng abstrak. Ang mga dulong pangungusap ay
nararapat na tiyakang magbuod sa kongklusyon ng pag-aaral, implikasyon, o aplikasyon nito,
at kung naaangkop, maaaring sundan ng paglalahad ukol sa kahalagahan ng pagsasagawa ng
mga katulad na pag-aaral.
Pagbuo ng Abstrak. Bagaman ito ang unang seksiyon ng isang papel-pananaliksik,
ito ang huling sinusulat sapagkat ito ang magbubuod sa nilalaman ng kabuoang sulatin. Sa
pagsisimula sa pagbalangkas ng abstrak, mainam na kopyahin ang talata o mga susing
parirala mula sa bawat seksiyon ng sulating pananaliksik at saka pagsunod-sunurin.
Rebisahin o gumamit ng mga pang-ugnay upang maging mas malinaw at masinop ang
paglalahad. Pakatandaan na ang mga numero ay inilalagay sa panaklong. Bago ipasa ang
pinal na papel, tiyaking tugma ang impormasyong inilahad sa abstrak sa nilalaman ng
kabuoang sulatin. Pakaisipin na sinasalamin ng abstrak ang pinakamahalagang impormasyon
sa papel-pananaliksik gamit lamang ang limitadong pananalita.

15
Narito ang iba pang mahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak.

HINDI DAPAT TAGLAYIN DAPAT GAWIN


o Mahabang kaligiran o impormasyong  Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay
kontekstuwal; sa isang abstrak ay dapat makikita sa
o Paulit-ulit na parirala, hindi naaangkop na kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
paglalarawan, at pag-uulit ng maaring maglagay ng mga kaisipan o datos
impormasyon; na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
o Akronim o daglat; sulatin;
o Pagbanggit ng mga reperensiya tulad ng  Iwasan ang statistical figures o table sa
“Ayon sa mga pag-aaral…”; abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
o Paggamit ng ellipsis na indikasyon ng ng detalyadong pagpapaliwanag na
putol na kaisipan at pahayag na hindi buo magiging dahilan para humaba ito;
ang diwa;  Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa
o Paggamit ng Jargon o mga salitang pagsulat ng abstrak;
 Dapat ito ay nakadobleng espasyo;
nagdudulot ng kalituhan sa mambabasa;
 Gumamit ng mga malinaw at direktang
o Sitasyon ng ibang gawa o pag-aaral; at
mga pangungusap. Huwag maging maligoy
o Anumang imahen, ilustrasyon, pigura, o
sa pagsulat nito;
talahanayan, at mga katulad.  Maging obhetibo sa pagsulat; at
 Gawin itong maikli ngunit komprehensibo
kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang sulatin.

16
Pagyamanin

A. PAGLE-LABEL NG ABSTRAK: Lagyan ng label ang bawat bahagi at/o elemento ng


abstrak na may haylayt.

Sa buong Asya, Pilipinas na lamang ang tanging bansa na nagtataglay ng sampung taong
paunang edukasyon bago ipinatupad ang programang K-12. Isinabatas ang programang ito
upang matugunan ang kakulangan sa kalidad ng edukasyon na nakukuha ng mga mag-
aaral dahil hindi nagiging sapat sa pag-aaral ang sampung-taong basikong edukasyon na
nakalaan para mahasa ang kanilang kakayahan at maging handa sa tatahakin
nilang daan pagdating ng kolehiyo. Subalit, hindi talaga maiiwasan na
magkaroon ito ng iba't ibang epekto o impak sa mga nakararanas nito. Layunin ng
pananaliksik na ito na mabigyan ng kasagutan ang mga tanong patungkol sa mga
negatibo at positibong epekto ng K-12 Curriculum sa globalisasyon. S a ginawang
pananaliksik, gamit ang pags as arbey ay natukoy na maraming mga estudyante
ang nagsasabi na maganda ang dulot ng K-12 para sa kanila na bago pa lamang sa
programang ito. Bagama’t may iilan na sumagot ng mga masamang epekto ng K-
12 ay mas malaki pa rin ang porsiyento ng mga sumang-ayon sa magandang dulot nito.
Bilang kongklusyon, naipakita na mas marami ang may positibong pananaw patungkol sa
pagpapatupad ng bagong kurikulum s a edukasyon at mangilan–ngilan
lamang ang may negatibong perspektiba ukol dito.

Pamagat: Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

B. PAG-UURI NG ABSTRAK: Tukuyin kung nabibilang sa uring Kritikal, Deskriptibo,


Impormatibo, o Haylayt ang abstrak.

1. Pinararangalan sa Lungsod ng Makati ang mga pinakamalinis na mga barangay taon-


taon upang mahikayat ang lahat na pangalagaan ang kapaligiran. Dahil sa patimpalak
na ito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang pag-aaral na naglalayong alamin
ang mga programang pangkapaligiran na ipinapatupad sa tatlong pinakamalinis na
barangay, ang Pinagkaisahan, Kasilawan, at Carmona, sa ikaapat na klaster ng Makati
noong 2016 at maiugnay ang mga ito sa kulturang Pilipino. Isang pakikipanayam na
bahagyang nakabalangkas ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos mula sa mga koordineytor ng Kagawarang Pangkapaligiran ng tatlong barangay.
Nalaman ng mga mananaliksik na ang pagsasagawa ng cleanup drive, dalawa o apat
na beses kada buwan ang pagkakatulad ng tatlong barangay. Ang pagkukusa at hindi
pagiging ningas-kugon ng mga mamamayan naman ay ilan sa mga impluwensiya ng
kulturang Pilipino sa tagumpay ng bawat barangay. Pagdating naman sa pagkakaiba,
tanging ang Barangay Pinagkaisahan lamang ang hindi gaanong gumagamit ng mga
makabagong teknolohiya sa pagpapatupad ng mga batas katulad ng RA 9003
(Ecological Solid Waste Management Act of 2000). Masasabi ng mga mananaliksik
na ibinabatay ng bawat barangay sa kani-kanilang badyet at pangangailangan ang

17
kanilang mga programang pangkalikasan. Ang pagtutulungan ng bawat isa ay dapat
pang palakasin upang mas maging epektibo ang mga programa.
2. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa Competition-Driven Cooperative
Learning (CDCL) salungat sa Lektura-Diskusyon (LD). Napatunayan sa pag-aaral na
magkasimbisa lamang ang dalawang pamamaraan sa pagtuturo.
3. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang
mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang
ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-
dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang
lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag
grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo
sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital.
4. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talevera, Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporanyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang
labinglimang (15) mag-aaral na magribyu sa ikaapat na taon. Nalimita ang pag-aaral
sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu, ekstemporanyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporanyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporanyo subalit sila’y nabalitaan na
kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
5. Ang bagong-disenyong pamamaraang Kompetitibong Tulong-tulong na Pagkatuto o
Competition-Driven Cooperative Learning (CDCL) ay may layuning makatuwang sa
pagpapayabong ng antas ng kawilihan at tuwirang pakikisangkot ng mga mag-aaral sa
mga gawaing pampagkatuto. Target ng pagsasanib ng kompetisyon at kooperasyon sa
bagong-lunsad na estratehiya na makapaghandog sa mga mag-aaral ng lalong kapana-
panabik at kasiya-siyang lipon ng mga aktibidad sa bawat sesyon sa klasrum. Sa
gayon, ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsubok at pagsusuri sa bisa ng CDCL
salungat sa pamamaraang Lektura-Diskusyon (LD) sa prosesong pagtuturo-pagkatuto
sa asignaturang Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc.

C. PAGBUO NG ABSTRAK: Matamang pagsunod-sunurin ang mga bahagi at/o elemento


ng abstrak upang ganap itong mabuo. Para sa unang lahok na abstrak, pumili mula letrang
A hanggang F; para sa ikalawa, gamitin ang bilang 1 hanggang 5.

18
Lahok 1

A. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang tukuyin ang mga suliraning kinahaharap ng
mga guro sa pampribadong paaralan sa pagtuturo gamit ang isang di-kinagisnang wika sa
programang Mother Tongue-Based Multilingual Education. Layunin din ng pag-aaral na
ito na malaman ang pinakamahuhusay na estratehiya na ginagamit ng mga guro upang
matugunan ang mga suliraning natukoy.
B. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang mga pinakamabisang estratehiya na ginagamit
ng mga guro ay ang paggamit ng mga visual aids tulad ng mga larawan, flash cards at
iba. Maliban dito, ayon sa mga kasangkot sa pag-aaral, ang paggamit ng awit na nasa
katutubong wika ang isa pang pinakamabisang estratehiya.
C. Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay kinalap sa pamamagitan ng personal na
pakikipanayam sa kasangkot sa pag-aaral.
D. Sa bawat pagbabago na nangyayari sa sistema ng edukasyon, malaki ang nagiging epekto
nito sa mga guro at maging sa mga mag-aaral.
E. Ang mga kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral ay sinuri gamit ang thematization.
F. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang mga suliraning kinahaharap ng mga kasangkot sa
pag-aaral ay: suliranin sa kakayahan ng guro sa wika, suliranin sa programa ng paaralan
sa MTB-MLE, suliranin sa mga mag-aaral, suliranin sa mga kagamitang pampagtuturo at
kakulangan sa paghahanda. Lumabas din sa pananaliksik na ito ang iba’t ibang
pamamaraan sa pag-aangkop at estratehiyang ginagamit ng mga guro upang matugunan
ang mga suliraning ito kabilang dito ang pagsasalin, pagtatanong o pagsangguni,
paghahanda at pagkakaroon ng mga pagpupulong.

19
Pamagat: Ang Suliranin at Pag-aangkop ng mga Guro ng Pampribadong Paaralan sa Pagtuturo Gamit ang
Di-kinagisnang sa Programang MTB-MLE

Lahok 2

_____Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga alalahanin tungkol sa negatibong hatid ng
teknolohiya at mas lalo pang mapapatibay ang positibong aspeto ng pagiging “sociable” na
kalikasan ng mga Pilipino. Inaasahan din na ang papel na ito ay makakadagdag sa mga
literatura sa cultural studies hinggil sa epekto ng makabagong teknolohiya at komunikasyon
sa lipunang Pilipino.
_____Ang papel na ito ay bunsod ng umiiral na kasikatan ng Social network sa Pilipinas
partikular na ang Facebook.
_____Gamit ang mga piling websites na nagdedetalye kung paano ginamit ang Facebook sa
isang sitwasyon ng pakikipag-ugnayan, ipinapakita ng papel ang mataas na antas ng
interpersonal na aspeto ng mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan. Nagbibigay din ng papel na
ito ng isang pananaw kung paano ang Facebook ay maaaring maging isang mabisang paraan
ng pagtutulungan sa mga Pilipino ng sa gayon ay mapakinabangan ng lubos ang mga
kabutihang hatid ng pagiging konektado sa internet at pagiging kasapi ng isang Social
Network kagaya ng Facebook.
_____Gamit ang balangkas ng pagpapahalagang Pilipino na binanggit ni de Guia (2005), ang
analisis ng papel na ito ay umiikot sa aspeto ng Kapwa bilang Core Value, Pakiramdam
bilang Interpersonal value, at Kagandahang-loob bilang Socio-personal value.
_____Layunin ng papel na ito na ipakita ang ugnayan ng Facebook sa kultura ng mga
Pilipino na siyang magpapaliwanag sa mainit na pagtangkilik ng mga Pilipino sa Social
network na ito.

Pamagat: Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng


mga Pilipino

20
21
Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi at elemento na bumubuo sa isang abstrak?
2. Ano ang batayang estilo at format sa pagsulat ng abstrak?
3. Bakit nakalalamang sa pagiging komprehensibo ang impormatibong uri ng abstrak?
4. Bakit kailangang isaalang-alang ang uri ng abstrak bago maglapat ng anumang teknikal
na pangangailangan?
5. Paano binabalangkas ang abstrak para sa mga sulating IMRaD?

Isagawa

A. PAGKRITIK NG ABSTRAK: Tiyakin sa pagsusuri ang kalakasan/bentaha at


kahinaan/kakulangan ng isang abstrak.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative
method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente
ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na
naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag
patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at
sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Pamagat: Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik


Pinagkunan: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

B. PAGSULAT NG ABSTRAK: Isulat ang impormatibong abstrak ng isang


napagtagumpayang quantitative na pananaliksik sa Filipino. Buoin ito ayon sa
sumusunod na kahingian:

1. Bilang ng Talata: 1
2. Bilang ng Salita: 150-300
3. Pokus na Bahagi at Elemento:
o Panimula (37-75 na salita)
-Rasyonale
-Layunin
-Saklaw at Delimitasyon, at/ o Kahalagahan
o Metodo (38-75 na salita)
-Disenyo ng Pag-aaral
-Kalahok sa Pag-aaral
-Pangangalap ng Datos
o Resulta (53-105 na salita)
o Diskusyon, Implikasyon, o Kongklusyon (22-45 na salita)
4. Mga Susing Salita: 3-5
5. Iba Pang Teknikal na Pangangailangan

Tayahin

A. Tukuyin kung Wasto o Di-wasto ang paghahambing sa iba’t ibang uri ng abstrak.

1. Kapuwa sinusuri ng uring kritikal at haylayt ang baliditi at reliability ng isinagawang


pag-aaral.
2. Ang deskriptibong abstrak ay binubuo ng 300 salita samantalang 100 salita o mas
kaunti pa ang uring haylayt.
3. Karamihan sa mga nasusulat na abstrak ay nasa uring kritikal sapagkat kinaaaliwan
ang mga lahok na komentaryo dito.
4. Higit na angkop ang deskriptibong abstrak sa isang qualitative na pananaliksik.
Impormatibo naman ang akma sa quantitative na pag-aaral.
5. Pinupuna ng kritikal na uri ng abstrak ang proseso ng pag-aaral samantalang nakatuon
sa layunin, kaligiran, at paksa ang uring deskriptibo.

B. Tukuyin kung Dapat o Hindi Dapat ang estilo at teknikal na pangangailangan alinsunod
sa mga batayang hakbang sa pagsulat ng abstrak.

1. Paulit-ulit na parirala at pag-uulit ng impormasyon.


2. Huwag maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
sulatin.
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
4. Gumamit ng imahen, ilustrasyon, pigura, o talahanayan.
5. Punuin ito ng detalye upang maunawaan ng babasa ang pangkalahatang sulatin.

C. Tukuyin kung Tama o Mali ang nakasaad na hakbang sa pagsulat ng abstrak.

1. Ang abstrak para sa sulating IMRaD ay binubuo ng 1-2 talata na tinatayang may 120-
500 salita.
2. Binabalangkas ang abstrak bago pa man isagawa ang pananaliksik.

23
3. Maaaring ilagay ang layunin sa dulong bahagi ng isang abstrak kasunod ng
metodolohiya.
4. Tiyak na detalye ng resulta ng pag-aaral ang inilalahad sa isang abstrak.
5. Hindi kinakailangang bumanggit ng anumang reperensiya sa pagsulat ng abstrak.

Karagdagang Gawain

Tukuyin ang limang bahagi at/o elementong nawawala sa isang abstrak na mauuring
impormatibo. Isulat ang sagot sa ibaba.

Natuklasan din sa pag-aaral na ang Ingles ang pinakagamiting salita na may kabuuang bilang
na 929 na salita sa mga tabloid na Abante, Balita, Bulgar, Pang-masa at Pilipino Star
Ngayon.

Sinipi mula sa: Macaranas, Mary Ann C. 2007. Mga Uri ng Salitang Gamitin sa mga Tabloyd: Batayan sa
Pagbuo ng Glosari, Di-Nailathalang Tesis, Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan.

Mga Sanggunian

Constantino, Pamela C. at Galileo S. Zafra. 2016. Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Hernandez, Jaynard J. 2019. Bisa ng Pamamaraang Kompetitibong
Tulong-tulong na Pagkatuto sa mga Mag-aaral ng Tech-Voc sa Asignaturang
Filipino, Di-Nailathalang Tesis, Unibersidad ng Luzon.
Malagayo, Renante D. et al. 2016. Pagsusuri sa mga Graffiti ng mga
Mag-aaral sa Nueva Vizcaya, Di-Nailathalang Tesis, Nueva Vizcaya State
University.
Accessed May 20, 2020.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
Accessed May 20, 2020. https://writing.wisc.edu/handbook/assignments/writing-an-abstract-
for-your-research-paper/
Accessed May 20, 2020. https://libguides.usc.edu/writingguide/abstract
Accessed May 20, 2020. https://writingcenter.gmu.edu/guides/writing-an-abstract
Accessed May 20, 2020. www.adelaide.edu.au/.../learningGuide_writingAnAbstract.pdf
Accessed May 20, 2020. https://modules.arvicbabol.com/files/FILI121/Aralin
%204%20Abstrak.pdf
1

You might also like