Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SCF

Pagsusuri sa awiting Bahay ni Gary Granada

“Bahay”. Ang bahay ay ang lugar na kung saan ang pangunahing layunin nito ay
ang pagbibigay silong at nagsisilbing tirahan ng isang pamilya o nang mga tao. Ito ay
komportableng lugar na pahingahan, tulugan at kainan. Bahay na dapat may matibay
na pundasyon upang ang mga nakatira sa lugar na iyon ay ligtas. Ngunit paano nga ba
ang ibang kababayan na may tagpi tagping yero at karton na tahanan, bahay pa nga ba
itong maituturing?

Sa awiting ginawa ni Ginoong Gary Granada na “Bahay” isiniwalat nya ang


kanyang nasaksihan at nagulumihan ang kanyang isipan sa tunay na depinisyon ng
salitang “bahay”. Sa talata inilarawan ang malaking kaibahan ng tirahan ng mayaman at
mahirap. Ang maliit na bahay na gawa sa pinagtagpi tagping karton, yero at iba pa na
may nakatirang labinlimang katao at isang malaking mansyon na halos walang nakatira.
Isinangguni ito sa mga nakaitataas ngunit walang aksyon na ginawa at sumang ayon na
bahay ang tawag dito. Sa isang talata inilarawan din na mas maganda pa at
komportable ang libingan ng mga mayayaman kaysa sa bahay na tinirhan ng
karahamihan. Ang mga manggagawa na pagod sa maghapon para sa kaunting
pagkaing hahatiin sa bawat miyembro pagdating sa tahanan isang matigas at hindi
komportableng higaan at baluktot na katawan upang magkasya lahat sa maliit na
tahanan. Maraming gustong tumulong ngunit ang mga taong mas may kakayahan hindi
sila kayang pakinggan. Tinuturing na normal ang kahirapahan ng ating kababayan.

Kaugnay sa photo essay na aking ginawa at sa pangkalahatan diwa ng awiting


ito ay sumasalamin sa sitwasyon na nangyayari ngayon sa kasalukuyan. Mga
kababayan na isang kahig, isang tuka minsan nga’y wala pa, todo sa trabaho at pagod
na nararamdaman pisikal man o mental ngunit wala pa silang komportableng
pahingahan at nagsisiksikan din sa maliit na barung barung ang kanilang tutuluyan.
Imbes na pagtuunan ng pansin ng mga politiko ang pangunahuing problema ng
Pilipinas ay nababaling ang kanilang atensyon sa ibang isyu na may maliit na epekto sa
ating bansa. Kahit anong sigaw na tulong ang gawin, taengang kawali pa rin ang nasa
posisyon kaya’t talitaliwas ang kanilang aksyon.

Ngunit para sa ating kababayan, huwag sana tayong mawalan ng pag asa. Alam
ko na, may mga taong tutulong at tutulong magkaraoon lang ng magandang
pagbabago.

You might also like