Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 69

PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 1

PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT


`

ANG MAKABULUHANG PAG-GABAY NG TAGUIG SOCIAL HYGIENE CLINIC

SA MAY KARAMDAMANG HIV AT AIDS

Isang Pag-aaral na Iniharap para kay

Bb. Katherine S. Heramis

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Astejada, Erika Q.

Bondad, Althea Florence C.

Palomo, Sophia Zoe Marie S.

Reyes, Gianna Martina G.

Jara, Jarrel Maximus L.

Marso 2020
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 2
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik ng papel na ito na pinamagatang
“Ang Makabuluhang Pag-Gabay ng Taguig Social Hygiene Clinic sa may Karamdamang
HIV at AIDS ” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na sina :

Astejada, Erika Q.

Bondad, Althea Florence C.

Palomo, Sophia Zoe Marie S.

Reys, Gianna Martina G.

Jara, Jarrel Maximus L.

Mula sa:

Antas 11 ng St. Louise de Marilac

Ipinasa kay:

Bb. KATHERINE S. HERAMIS

Guro at Tagapayo,

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Tinanggap sa ngalan ng Departamento ng Senior High, Pateros Catholic School bilang


pagtupad sa kahingiang akademiko ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pinagtibay at ginawaran ng markang noong Marso , 2020


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 3
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Talaan ng mga Nilalaman

Kabanata I – ANG MGA SULIRANIN AT SALIGAN NITO

A. Rasyunal at Kaligiran ng Pag-aaral 5

B. Paglalahad ng Suliranin 7

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 7

D. Konseptuwal ng Balangkas at Teoritikal na Gabay 10

E. Sakop at Delimitasyon ng Pananaliksik 14

F. Pagbibigay Kahulugan sa mga Termino 15

Kabanata II – KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL

A. Lokal na Pag-aaral at Kaugnay na Literatura 16

B. Banyagang Pag-aaral at Kaugnay na Literatura 20

Kabanata III – DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo at Paamaraan ng Pananaliksik 24

B. Teknik sa Pagkuha ng Datos 26

C. Instrumentong Ginagamit sa Pananaliksik 27

D. Paraan sa Paglikom ng Datos 32

PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 4


PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Kabanata IV – PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON

NG DATOS

A. Paglalahad ng Datos 33
B. Pagsusuri ng Datos 78

C. Interpetasyon ng Datos 84

Kabanata V – LAGOM, REKOMENDASYON, AT KONKLUSYON

A. Lagom 87

B. Rekomendasyon 88

C. Konklusyon 91

Kabanata VI – BIBLIOGRAPI 93

Kabanata VII – APENDIKS 95


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 5
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 33


PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

KABANATA IV

A. Paglalahad ng Datos

Mga Propesyunal na mula sa Taguig Social Hygiene Clinic

Ryand Malapit, isang Phlebotomist, HIV Counselor, Peer

Educator, at CBS motivator

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma

pagdating sa sakit na HIV at AIDS?

- Mga bakla daw ang carrier ng HIV ‘yun, ang number one

na stigma so ‘yun ang problema natin sa Pilipinas.

Siyempre Hindi naman lahat ng tao mape-please natin

pero ang mas maganda na ginagawa ng Taguig ay

pinapalawak ang awareness sa mga kabataan para at

least alam nila at ma-aware sila kung paano nga ba

nakukuha talaga ang HIV.

2. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Sa tingin ko sa Viral Load kasi diba kailangan natin i-

check ‘yung Viral Load ng isang taong infected ng HIV


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 34
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

para masabi nating na na-surpress natin or undetected

na ‘yung isang patient. Kapag undetected ka, equivalent

ito sa untransmittable so kapag ang isang tao ay

undetected na sa viral load, hindi na siya

nakakapanghawa, so medyo mahal kasi ‘yung viral load

kasi machine pati ‘yung cartridge kaya siguro dun

nahihirapan ‘yung DOH pero alam ko meron na ngayon

padating this year, kaya ayon sana ‘yung masolusyonan.

3. Paano masasabing undetectable ang virus na nabanggit?

- Kapag sinabi kasi nating undetectable ibig sabihin

napatulog na natin ‘yung virus sa katawan ng isang

pasyente pwedeng habang buhay na tulog ‘yun so

parang wala siyang HIV. Deactivated siya. Hindi siya

mawawala, hindi siya kayang patayin nung gamot kaya

lang siyang i-deactivate o patulugin sa loob ng katawan

pwedeng habang buhay basta patuloy ang pag-gagamot

sa tulog na virus. Pero siyempre kapag ititigil,

mabubuhay ‘yung virus. Mas malakas siya kapag

nangyare ‘yon, hindi na gagana ‘yung gamot so


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 35
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

kailangan ng bagong gamot, ‘yung mas mataas ang

kalidad.

4. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Kapag nag reactive kasi sa HIV hindi pa naman

necessarily mean na positive na sila magkakaroon pa

‘yon ng confirmatory testing ipapadala ‘yung specimen

nila papunta sa San Lazaro Hospital para dun i-test for

confirmatory, ngayon medyo kasi matagal kasi ‘yung

result umaabot ng isang (1) buwan hanggang tatlong (3)

buwan ang pinaka maximum. Direction agad ni Doc

kapag nag reactive, gagawa ang pasyente ng mga Basic

Laboratories katulad ng Blood Chem, at X-ray para

tignan natin kung ano pang ibang infections, kung

meron siya gagamutin muna ‘yung mga infections na

‘yon bago mag undergo ng treatment for HIV.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 36
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

5. Paano tinutugunan ang Mental Health ng isang pasyente ng HIV at

AIDS?

- Kaming mga counselor, kaya namin kakausapin ng

maayos (‘yung mga pasyente) ipapaliwanag namin kung

ano ‘yung mga pwedeng mangyare, kung ano ‘yung

naging resulta nila nirerefer na namin sa Psychiatrist

meron po tayong dalawang Psyhiatrist, tig isa ‘yung

clinic kasi dalawa clinic natin. Isa sa dictrict 1, tapos isa

sa district 2. Magkaiba rin Psychiatrist nila pa schedule

lang sila tapos sila (Psychiatrists) na ‘yung bahala.

6. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Dapat nasa tamang oras ang pag inom ng gamot at

siyempre kailangan Healthy Lifestyle na, I mean

siyempre na compromise na sila eh so kailangan sana

maging healthy at concern nila sa kalusugan, mas

taasan nila at siyempre sabi nga nila laban lang kasi

meron nga umabot nga 100 years old na ang tetake ng

ART (Antiretroviral
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 37
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Theraphy), pero hindi sa Pilipinas. ‘Dun napapatunayan

natin na hindi Death Sentence ang HIV, nasa tao pa rin

siya kung pano niya pangangalagaan ‘yung katawan niya.

7. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Sa mga tao na nag se-seek for treatment and testing

bukas po ang Taguig Clinic. Monday to Friday, 8am to

5pm and be sure, be safe, be worry free.

Arbin Rosario, isang HIV Counselor

1. Maaari bang mahawa ang anak sa sinapupunan ng isang HIV

Positive Mother?

- Yes, automatic pwede ma-infect ng HIV virus ‘yung

batang nasa sinapupunan ng isang buntis, pero hindi po

siya namamana. Mayroong ginagawa tayong practice

ngayon o protocol sa mga Health Center natin na kapag

buntis at TB (Tuberculosis) patient – diba voluntary ang

pag-papatest, kailangan i-initiate na itest ng HIV, free

na po ‘yun. Para ‘yung buntis sa early pregnancy niya

kung ma-diagnose siya na may HIV, makakapag-

treatment
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 38
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

agad at sa araw na manganak siya maging negative ang

baby at maging safe siya.

2. Totoo bang napapasa ang HIV at AIDS sa pamamagitan ng

Breastfeeding?

- Yes, ang breast milk natin isa siya sa mga body fluid sa

katawan ng tao na may mataas na concentration ng

virus. Ano po ba ‘yung bloody fluids na may mataas na

concentration ng virus? ‘yung blood, ‘yung lumalabas sa

lalake kapag nakikipagtalik o Semen, ‘yung lumalabas sa

babae o Viginal Discaharge or Fluids kapag

nakikipagtalik, at ‘yung Breast Milk. Diba madaming

klase ang bloody fluids natin, pero ‘yung apat na ‘yan

‘yung mataas ang concentration, at kapag ang apat na

‘yan napasa ng isang taong nag positive ay napasa sa

taong negative ng hindi naeexpose sa hangin, pwede na

ma- infect ‘yung tao na yun.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 39
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

3. Nakahahawa rin ba kapag natalsikan ng laway ang isang tao?

- Meron pong virus sa laway pero hindi sapat or napaka-

low ng concentration niya para makapang -pasa ng virus

(HIV) sa isang tao. Hindi kasama ang laway sa four

bloody fluids. Hindi rin kasama ang luha o ultimo mens

(regla ng babae) hindi kasama ‘yan. Kaya ‘yung apat lang

na ‘yon, ayun ‘yung misconception na nakukuha daw

kapag nakipag-kiss ka. Ano ba pwede ma-transfer kapag

nakipag kiss ka? Laway diba? Hindi naman kung sakaling

na late na nakipag-disclose sa’yo ‘yung may taong may

HIV, kunyare girlfriend o boyfriend mo, tapos kung kelan

kinasal kayo tiyaka sinabi sayo status niya hindi naman

dahilan para layuan o hindi mo na siya halikan kasi ‘di

naman siya mata-transfer sayo at kung bago pa lang

kayong mag-karelasyon hindi ka naman niya inobliga na

makipag talik sa kanya ‘diba, kasi ganon status niya at

nirerespeto ka niya.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 40
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

4. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Kapag may HIV ka ‘wag ka na makisali sa pagkain ilalayo

na utensils, which is wrong. Kasi ayun nga

pakikipagtalik, pag- transfer ng dugo na positive at

kapag ina lang naman na buntis pwedeng mapasa sa

anak na dala-dala. Hindi naman ‘yon mapapasa kung

makikipaghiraman ka ng baso, tinidor o pinggan diba.

5. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Kumpleto naman na tayo, siguro ‘yung mga shino-

shoulder na lang ng mga taong may HIV sa mga unang

araw na namalan nila na may HIV sila, sa mga Blood

Chem which is mahal.

6. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Kung sino una nilang na-approach like ‘yung Counselor

ng HIV or Nurse Coordinator or mga nurse na may alam

ng HIV (mga propesyunal), ‘dun sila unang lumapit kasi


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 41
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

sila ang talagang nakakaalam kung kanino pa sila pwede

irefer at ano ang maayos na medication at magtiwala

sila at ‘wag mawalan ng pag-asa kasi ang HIV naman

hindi ‘yan papatay sa kanila eh, kundi ‘yung pagsa-

walang bahala nila sa pag-gamot – ‘yung pagiging

iresponsable nila, yun ‘yung pagpatay sa kanila at ‘yung

sinasabing diskriminasyon. Kaya kung sinong tao, ang

mas makakatulong sa kanila, dun sila mag relay kung

ano talaga ang status nila.

7. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Madami ka pang pwedeng gawin nakikita mo naman ang

kondisyon mo malakas, kaya mo pang gawin ang

ginagawa mo ngayon ang pangarap mo, ‘di katapusan ng

mundo ang pagkakaroon ng HIV, bagkus gamitin mo ‘yan

para maging sandata mo para mas matupad ang

pangarap mo at maging mas mabuting tao.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 42
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Patricia Ebina, isang Medical Technician

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma

pagdating sa sakit na HIV at AIDS?

- Sakit lang daw siya ng mga bakla, pokpok at ‘yung mga

active lang daw sa sex ang nakakakuha ng HIV/AIDS.

2. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Sa ngayon kasi walang pagkukulang sa nakikita namin

ngayon, kasi lahat provided talaga. Simula sa

Antiretroviral Drug hanggang sa vitamins nila, pati

hospitalizations nila madalas sinsagot siya ng

government natin. Sa ngayon, walang pagkukulang.

3. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Kung sa process naman, bago sila ma-enroll sa

Antiretroviral Drug Treatment, ginagawan sila ng series

of tests, chine-check ‘yung liver nila, chine-check lahat

ng organs nila if okay. So halimbawa mababa man ‘yung

Immune System, kasi ang HIV pinapababa niya o sinisira


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 43
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

niya ‘yun at pag mababa na ‘yun, may mga cases na

nagkakaroon na ng TB (Tuberculosis), ‘yung ibang

clients ang pinagdadaanan nila, ginagamot ‘yung TB

habang ginagamot ‘yung HIV hanggang mula sa sobrang

baba, tumataas na ‘yung Immune System nila. Ayon,

lumalakas na sila. Nagiging normal na sila ulit na tao.

Nakakatulog na ulit si HIV.

4. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Stay healthy lang. Alam naman nila for sure na once na

na-reactive sila, sinasabi naman ng nurses, doctors, at

med-techs na kung ano ‘yung mga kailangan nilang

gawin. Kung paano nila mapapabuti ‘yung sarili nila,

sundin na lang nila.

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Sa mga nadedepress o nalulungkot laban lang. Andito

lang kami, lalo ‘yung Taguig Social Hygiene Clinic para

suportahan sila. ‘Yun ‘yung lagi namin sinasabi na pag


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 44
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

malungkot sila o kaya kung ano-ano naiisip nila, punta

lang sila dito kasi kami ‘yung family nila.

Dra. Diwata Arriola, isang Medical Coordinator of Taguig

Social Hygiene Clinic and Drop-in-Center, at District 1

Supervisor in City Health Office of Taguig

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating sa

sakit na HIV at AIDS?

- Hindi pa ganun ka-tanggap o napapagusapan sa sex pa

lang, so what more kung magkaroon ka ng HIV. ‘yung

stigma napakalaki ‘nun, hindi pa ganon katanggap pero

dahil sa ginagawa naming (seminars ng Taguig Social

Hygiene Clinic) marami ang nagiging aware and

nagpapa-test na sila.

2. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Walang dialysis, ‘yung mga test kung na diagnose ka na

reactive, ‘yun ‘yung Initial Confirmatory dadalhin pa

sa’kin, dun lang nagpapa-confirm pero hindi ko na

iniintay ‘yung confirmatory kasi kung mababa na


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 45
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

masyado ‘yung Immune System ng pasyente bago

matanggap ‘yung Confirmatory Result, baka mamatayan

na ‘ko (pasyente), so meron tayong tinatawag na History

Taking, may mga risk factor tiyaka may mga libreng

Tests like sa CD4 (T-cells na lumalaban sa mga bacteria

at viruses), kung masyado nang mababa ‘yung CD4 nila

may mga Opportunistic Infection so mag de-decide ako

na magsimula na ng gamutan, so ‘yung nga Laboratory

naman kung kaya ng pasyente, sila na magpapagawa.

‘yung mga wala naman kakayahan sinasagot na yon ng

City Government – sinasagot na ‘yun lahat.

3. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Para sa akin walang kulang, ang talagang may kaunting

kailangan bantayan is ‘yung sa mga kabataan kasi

binibigay na namin lahat, libre na lahat ng gamutan at

nagpupunta kami sa mga baranggay at sa mga school

so sana ‘yung batas, sundin ng mga eskwelahan. Dapat

na ituro ‘yung HIV at AIDS, at Sexually Transmitted


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 46
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Infection, ipasok dapat ito sa Curriculum. Actually dito

sa Taguig, nag school to school na kami at tine-train na

namin ‘yung mga teachers at itinuturo na nila. Pero kahit

natuturo na ito, pabata pa rin nang pabata so I think,

kailangan din na gabayan ng magulang. So kahit naman

na gabayan ng magulang ganun pa rin, so sa tingin ko

talaga ‘yung Social Media malaking factor ‘yung mga

friends na ka-chat nila ang tinatanong pero mali-mali

naman ‘yung mga sagot kaya ayon, sana samin nalang

mag tanong.

4. Ano ang status pagdating sa edad ng mga nagiging pasyente ng

HIV at AIDS?

- Every month – everyday, pabata nang pabata meron

kaming case na 14 years old nag positive pero ngayon

16 or 17 years old na siya.

5. Paano nakaaapekto ang iba pang sakit sa taong may HIV at AIDS

katulad ng Diabetes?

- Actually, hindi ‘yung Diabetes ‘yung nakakaapekto diyan

‘yung, TB (Tuberculosis). ‘Pag may TB na talaga or

Pneumonia, ibig sabihin Opportunistic Infection na ‘yon.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 47
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Kung ang tao may HIV ay bumaba na ‘yung Immune

System, siyempre gagamutin mo muna ‘yung

Opportunistic Infection after mga 1 week pwede na

kami mag start ng ART (Antiretroviral Therapy), pwede

na kami mag gamutan and people living with HIV ay

hindi tinatawag na biktima.

6. Paano kapag na-deactivate na ang HIV sa katawan ng tao ngunit

bumalik ito at napunta sa AIDS?

- ‘Yung bumabalik siguro, ang sinasabi niyo is kapag

gamutan and tinigil niya ‘yun. Doon nagiging AIDS,

siyempre mas mahihirapan na kami gamutin pero

marami pa naman naililigtas, kaya nga kami nag ca-

campaign for awareness at early diagnosis para maagang

treatment upang ‘di na mapunta sa AIDS at mahirapang

gamutin.

7. Maaari pa bang mag-buntis ang babaeng positibo sa HIV at AIDS?

- Pwede pa, madami kaming cases na buntis at nag-

gagamot sila tapos yung mga baby nila wala naman HIV.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 48
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

8. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?”

- Siyempre tatanungin muna namin kung may partner sila

para alam namin kung ite-test din para matulungan

namin, kung buntis para mas maligtas si baby. Kapag sa

gamutan susunod samin, kung na dedepress, may

Psychiatrists kami. Sana kung nag gagamutan na, ‘wag

na pasaway, may iba kasi na nakikipag-sex pa na walang

protection, ‘di naman lahat, siguro mga 10% lang. Kapag

nalasing na ganon, nalilimutan na lahat nang tinuro

namin.

9. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Mag gamot at ‘wag na ipasa sa iba at kung ano man

natutunan na tama samin, i-share sana nila, ‘di lang sa

may HIV kundi sa kabataan, sa mga teacher, ituro sa

mga bata, kung nahihirapan lumapit lang kayo samin kasi

nasa batas yan willing naman kami na tulungan kayo.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 49
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Leonardo De Leon, isang Nars

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma

pagdating sa sakit na HIV at AIDS?

- Ang stigma ukol sa sakit na HIV at AIDS ay naka-angkop

lang sa LGBT Community, which is very dehumanizing

kasi hindi natin nakikita na kahit sino pwede makakuha

nito regardless of age, color, socio-economic status, kahit

anong kasarian ay maaaring magkaroon nang nasabing

sakit, lalo’t kung kulang ang kaalaman tungkol sa HIV at

AIDS.

2. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Nagkakataong may mga iba lang talaga sa client is

kulang sa suporta ng pamilya and friends, nahihirapan

lang sila sa emotional and mental support sa mga peers

nila nahihirapan din sila ipagpatuloy ang treatment and

medication ng HIV
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 50
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

3. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Kung naging positibo ang resulta sa mga HIV Tests,

kadalasan hindi kayang tanggapin ng pasyente at

bumabase sa paniniwala na wala nang pag-aasang

gumaling. Pero with advance na technology ng

medication and monitoring mas napapahaba ang buhay

nila.

4. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Kapag na-diagnose ka na wag ka mahiya na lumapit sa

pinakamalapit na Treatment Hub kasi ‘di naman

nagkukulang ang Department of Health at LGU (Local

Governtment Unit) natin na ibigay ang approtiate na

support sa kanila when it comes to medication exam to

laboratory. Tulad sa Taguig nag o-offer ng emotional

and counseling support may Psychiatrist kami na very

much needed ng client. Holistic kasi ang pag treat

namin sa may mga HIV, hindi lang Pshycial Health kundi

pati, Mental and Emotional aspect, mas maganda kung

pati
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 51
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Spiritual aspect kasi mas mabuti na mas mapapagaan

ang pag-treat ng HIV patient. Maaaring mapagaan ang

kalooban ng mga pasyente habang dumdadaan sa

proseso nang pagagamot.

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Tuloy lang ang buhay. Sa dahilan sa mga serbisyong

medikal na pwedeng maging normal ang pamumuhay ng

isang HIV na pasyente. Na kahit na apektado sa

nasabing sakit, mabubuhay ng matagalan lalo’t na

nasunod ang mga pangangailangan kontra sa sakit.

Mr. Peter Franklin Opli, isang Educator at HIV Advocator.

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Once na narinig nila ‘yung HIV at AIDS siyempre

pinandidirihan, tapos once na sinasabi nila na bakla o

kabilang sa LGBT tinatamaan lang ng HIV tiyka AIDS

kaya ayon ‘yung pangit sa lipunan natin. Once na bading


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 52
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

ka and then tinamaan ka ng HIV, LGBT agad inaano nila

‘yan ang stigma nila.

2. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Kasi siyempre sa ngayon kaya nagkukulang (ang mga

kagamitan) dahil parami nang parami ‘yung kaso ng HIV

and then siyempre wala naman gamot, pero pwede

maibsa. Walang cure, ang treatment kase ay para

mapahaba o ma-prolong ‘yung life mo. At siyempre

kailangan healthy life style.

3. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Bago ka ma-treat siyempre, may mga procedure kang

kailangan ‘yung sa mga Blood Chems katulad ng sa dugo

‘yung mga Laboratory, tapos mag pacheck ng mata mga

ganon bago ka i-treat, wala naman dialysis basta

makumpleto ‘yung requirements.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 53
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

4. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Hindi porke may HIV at AIDS ka katapusan na ng buhay

so dapat tuloy-tuloy lang siyempre isipin nila ‘yung

family, at loved ones mo, na masarap mabuhay.

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Tuloy-tuloy lang ang buhay kasi masarap mabuhay.

Ma. Victoria Policarpio, isang Midwife Coordinator

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Usually, kapag first time narelease ‘yung result, tas

binibigay namin, ang usually reaction nila is umiiyak of

course, tapos ‘yung iba denial and then ‘yung iba in

doubt kaya may other cases na ‘yung iba natest na sila

pupunta pa dito sa amin kasi kukuha pa sila ng Second

Opinion kung talagang totoo.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 54
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

2. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Because when you have HIV, resistance nila is mababa

na talaga ‘yung Immune System nila so dapat ang more

emphasis ‘dun sa kalusugan nila, kung ano ‘yung

ginagawa nila dati hindi na pwede may limitation na.

Hindi na pwede magpuyat, hindi na pwede uminom. So

dapat more on nakakaget ng enough rest tapos dun sa

pagkain, hindi na pwede ‘yung dati. Dapat mas nutritious

na ‘yung kinakain nila.

3. Paano kapag nag-overlap ang isa pang karamdaman tulad ng

Diabetes at ang HIV?

- Usually naman kasi when you have Diabetes. Ofcourse

take your maintenance daily, like kung nag i-insulin ka

you have to inject daily. You have to take your Oral

Meds. Pag HIV naman, meron din ‘yan na iniinom daily

plus the Supplements, Vitamins, Ascorbic, Vitamin B

Complex, Multivitamins, plus the ART na kailangan i-

take nila regularly for daily meds. Ang burden lang if

you have HIV and other existing medical conditions is of

course
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 55
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

mas marami ka iinumin na gamot but sabi nga nandyan

na ‘yan, so gawin mo na lang kung ano ‘yung tama kasi

kung gusto mo ma-prolong ‘yung life mo kailangan i-

take mo talaga siya regularly and ayan ‘yung isa sa

iniintensify namin ‘yung, Health Education na dapat

regular ‘yung Drug Adherence meaning kailangan araw-

araw mong inumin ‘yan.

4. Anong edad ‘yung pinakamababang nag positive sa HIV/AIDS?

- 15 years old, usually line of 2 ang mas majority HIV


Positives.

5. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Kung sa Taguig, I think wala naman pagkukulang kasi

from the laboratory , they (LGU at DOH) have to

shoulder that and ‘yung mga basics na Urinalysis, CBC,

mga other Machine Experts, Chest X-ray, libre ‘yan and

then ‘yung monthly na allocation for ART (Antiretroviral

Therapy) and then ‘yung mga vitamins libre rin ‘yon and

the vaccines.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 56
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

6. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Kailangan talaga Proper Adherance kasi kumbaga libre

naman ‘yung ating supply ng ART plus ang mga multi-

vitamins iinumin nalng, ‘yung drug adherance and then

pataasin nila ‘yung Immune System nila, kumbaga kung

ano ‘yung mga makakasama sa kanila ‘wag nang gawin

‘yung previous na ginagawa nila ‘di na pwede ngayon.

Then continue pa rin ang buhay, pwede ka magtrabaho,

gawin ‘yung tama at i-prevent lang kasi ang HIV is dapat

hindi ka magkaroon ng OI o tinatawag na Opportunistic

Infection like TB and Pneumonia dapat hindi ka

magkakaroon ‘non so dapat alagaan mo talaga ang sarili

mo.

7. May symptomas ba ang HIV/AIDS?

- Like ako, akala niyo healthy, a person may look healthy

pero meron siyang HIV, makikita mo lang siya na

kumbaga symptomatic – when you say symptomatic

nasa kanya na ang signs and symptoms na payat, weak

diba ‘yan ‘yung tinatawag na AIDS, kasi meron na siyang


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 57
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

nararamdaman na other signs and symptoms like TB

and Pneumonia.

8. Paano nakaaapekto ang HIV/AIDS sa Mental Health ng isang tao?

- Meron kaming Psychiatrists kasi ‘pag ang isang tao alam

nila na may HIV sila of course parang nawawalan na sila

ng pag-asa, hopeless na sila. Kasi akala nila ‘don

(kamatayan) na sila pupunta which is hindi. Ang isang

may HIV as long as tinatake ‘yung gamot inaalagaan

‘yung sarili, hahaba pa ang buhay. Kailangan lang

postive ang outlook sa buhay, and with support ng

Health Cares, especially family and environment.

Hardy Lorenzo, isang HIV Counselor, CBS Motivator ng Taguig,

at Peer Educator

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Sa HIV, sa aking 4 years na experience bilang HIV

counselor, ang stigma na nakita namin especially sa

mga taong kulang sa kaalaman ukol sa nasabing sakit,

kadalasang pinandidirihan, iniiwasan at higit sa lahat na

di-discriminate sila the way na kasalanan nila na bakit


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 58
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

nagkaroon sila nito. Kapag sinabing HIV, nandun ang

konspeto na gumawa ng sexual na aktibidad na nagiging

cause ng stigma with people having HIV.

2. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Dapat i-test muna sila kasi ‘pag pumunta sila dito sa

facility, hindi pa nila alam ang status nila. At kina-

counsel muna namin sila na kung bakit kailangan

magpatest na kung sakaling reactive sila may

confirmatory pa ang magiging resulta kung positibo o

negatibo man ito. So once na malaman ang pasyente na

positive, siyempre nadun ang proseso na pag-

laboratory. First ‘yung Blood Chemistry nila at

pangalawa kung gaano kataas ang CBC Count ng

kanilang katawan at kung mayroong infection sa

katawan bago i-start ang treatment. Dahil hindi ganong

kabilis ang magstart, siyempre kung may ibang

infections kailangan ito gamutin bago i-start ang

treatment. So ‘yung treatment na kabaliktad siya ng HIV

na pinapababa mismo ang Immune System, habang ang

gamot naman ay pinapataas ang Immune System at


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 59
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

binababa ang virus ng katawan hanggat maging

undetectable. Kapag sinabi natin undetectable, ibig

sabihin hindi na nakikita ng machine ang virus pero

nadun pa rin sa katawan ng tao, na ibig sabihin ‘nun

kapag napapatuloy ang pagiinom ng gamot, napapatulog

ito ang virus. Kaya pang mabuhay ng tao na mayroong

HIV basta may treatment siya, pero dahil wala pang cure

light lang ang treatment niya.

3. Ano ang pagkakaiba ng HIV at AIDS?

- Ang HIV ay isang virus na pinapababa ang Immune

System, kumbaga virus pa lang ito. Pero kapag

napabayaan at hindi natreat, mauuwi siya sa AIDS na

ang condition ng isang tao ay walang panlaban sa

Immune System. Pero nagagaling ang AIDS sa HIV.

4. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Kung sa Treatment Hub, sapat naman nabibigay na

gamot na libre ng Department of Health. Ang Local


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 60
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Government ng Taguig ay nagbibigay ng vitamins na

libre. Ang Taguig Laboratory ay libre naman, pero the

rest na wala sa facility namin kagaya ng X-ray na

kailangan ng pasyente, pwede naman i-refer ng clinic

ang mga pasyente sa malapit na ospital.

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Kailangan mag pa-test agad, para bumaba ang caseS. By

2030 sana wala nang mahawa ng HIV. Kase sa nakikita

namin ngayon sa mga batang babae na maagang

nabubuntis nagkakaroon din ng HIV, kawawa naman ang

bata na dinadala nila na kung sakaling mahawa rin. ‘Yung

motto ko in life all about sa aming advocacy is to love

yourself, because learning to love yourself is the

greatest love of all.

Francis Guiling, isang Peer Educator at Counselor

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Ang napansin ko lang din talaga ay ‘yung pagiging

judgemental ng tao at ‘yung diskriminasyon kaya natatakot


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 61
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

‘yung mga tao na nais mag pa HIV Test at alamin ang

kanilang estado, kulang kasi sa kaalaman ang mga tao

pero paunti-unti na ipinapaliwanag na kung ano ang HIV at

AIDS sa mga tao kaya hindi na rin dapat ngayon matakot

na mag pa-test.

2. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Ang isang pasyente ay nangangailangan ng pag tanggap

sa sarili nila at pagtanggap ng pamilya. Kailangan nilang

sumailalim sa isang counseling, kailangan nilang uminom

ng gamot at mga bitamina at dumulog sa mga Drop-in-

Center tulad nito (Taguig Social Hygiene Clinic) upang

masubaybayan ang kanilang kalusugan.

3. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Maigting naman na binibigyang halaga ng gobyerno

ngayon ang pangunahing pangangailangan ng mga

pasyente hindi naman nagkukulang sa ngayon ang

kanilang suporta.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 62
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

4. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Kailangan nilang huwag matakot na pumunta sa mga

Drop-in-Center dahil dito mapapabuti ang kanilang

kalagayan, dito ay bibigyan sila ng libreng pag konsulta

libreng mga gamot at bitamina at masusubaybayan sila

sa kanilang pagpapagamot. Huwag matakot na humingi

ng payo at counseling

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Gaya nga nang sinabi ko huwag matakot na pumunta at

lumapit sa ating mga Drop in-Center dahil ito ay

confidential naman. At sa mga naguumpisang mag

gamot, huwag magsawa sa paginom ng gamot nila at

bitamana, pumunta sila dito (clinic) kung kailan ang

schedule at check up nila.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 63
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Ferdinand Fernandez, isang Peer Educator

1. Ano ang iyong madalas na napapansing maling stigma pagdating

sa sakit na HIV at AIDS?

- Ang madalas kong naririnig ay ‘yung mga bakla raw ang

nagpapakalat sa HIV at AIDS, pero kasi lingid sa

kaalaman ng iba na hindi lang naman sila ang maaaring

magkaroon nito. Isa siyang disriminasyon sa ating

LGBT+ Community.

2. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang pasyente ng

HIV at AIDS upang mapabuti ang kanilang kalusugan?

- Bago tayo magsimula ng treatments ng ating patient,

dapat bigyan muna natin sila ng counseling, para diba

hindi sila nangangapa sa proseso na tatahakin nila.

Siyempre may mga ibibigay na prescriptions si doc,

sundin nila ito at kailangan regular ang pag-inom nila ng

kanilang gamot.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 64
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

3. Sa anong aspetong pang-medikal nagkukulang ang Pilipinas upang

matugunan ang may mga sakit na HIV at AIDS, at paano ito

mapapabuti?

- Sa tingin ko sapat naman na ‘yung mga binibigay na

suporta ng DOH at ating LGU, pero siguro sa pag dami

ng mga kasong naitatala, kinakailangan ng mas

maraming supplies ng gamot at mas mataas na kalidad

ng facilities. Impovements na lang kumbaga.

4. Ano ang payo mo sa mga taong positibo sa sakit na nasabi upang

umayos ang kanilang kalagayan?

- Ang payo ko siguro ay, huwag na lang din magpaapekto

sa sinasabi ng ibang tao, mag focus na lamang sila sa

pagpapabuti ng kanilang kalusugan. Kapag kasi nakinig

pa sila sa panghuhusga ng iba, maaaring maapektuhan

lang ang Mental Health nila.

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente na humaharap sa HIV at

AIDS?

- Keep moving forward, mas okay na harapin na lamang

ito kesa takbuhan at maging in-denial sa kanilang

sitwasyon. Andito naman kami para tulungan sila.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 65
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Mga Random na Tao sa Lipunan

1. Ano ang kadalasang kinatatakutan ng tao sa lipunan tungkol sa HIV

at AIDS?

Dolores Torres (Vendor)

- Nakakamatay yun at tiyaka maraming nagkakaroon noon.

Gabriel Dela Cuesta (Estudyante)

- Kinakatakutan ko ang panghuhusga sa lipunan kase alam naman

natin na lahat ng nakarinig na “hala may HIV si ganyan o hala may

HIV ako” ang unang iisipin mo siyempre ay ‘yung iisipin ng iba.

Makakatakutan ko rin siguro is ‘yung sasabihin ng lipunan naten.

Ruben Reyes (Barangay Employee)

- Ito ay isang sakit na nakakahawa.

Amelia Anilman (Vendor)

- ‘yung magkahawa-hawaan, kase ‘yung kabataan na nakikipagtalik.

Elizabeth Hernandez (Vendor)

- Kamatayan, atsaka ‘yung makahawa ‘yung iba.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 66
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

2. Ano ang iyong pananaw patungkol sa sakit na nasabi?

Dolores Torres (Vendor)

- Nakukuha ‘yan sa pakikipagtalik kung kani-kanino, pag-aasawa

kung kani-kanino, maraming nagaasawa, ‘yan ang pinagmumulan

niyan.

Gabriel Dela Cuesta (Estudyante)

- Sa pananaw ko, dapat binibigyan siya ng importansya at atensyon.

Hindi siya dapat tinataboy lang kase isa syang peligrosong sakit.

Alam naman natin na kapag may mga sakit na ganto dapat

tinitignan siyang negatibo kase may pagkukulang ‘yung tao, pero

dapat aksyunan siya hindi lang siya basta-bastang tinitignan kasi

‘yung mga ganitong sakit or ‘yung mga taong may ganitong sakit,

kailangan nila ng tulong hindi panghuhusga o opinion ng ibang tao.

Ruben Reyes (Barangay Employee)

- Ano lang, mag-ingat lang lagi at kailangan malinis.

Amelia Anilman (Vendor)

- Mas maaga kase namumulat ‘yung mga bata sa sexual na aktibidad

na ginagawa, kaya dapat sana i-guide ng magulang.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 67
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Elizabeth Hernandez (Vendor)

- Nakukuha nga ‘yun sa pakikipagtalik ng walang proteksyon, mga

karaniwang nakakakuha niyan mga bakla, kasi nga kung kani-

kanino nakikipagtalik. Nakakatakot din kasi ‘yung iba nga sinasadya

para lang makahawa.

3. Masasabi mo bang may sapat kang kaalaman upang maiwasan ang

pagtamo ng HIV at AIDS?

Dolores Torres (Vendor)

- Ayon nga kung ikaw ay mag-aasawa, tama na ‘yung isa, ‘wag ‘yung

kung kani-kanino, ako 24 years hiwalay sa asawa, marami nang

liligaw sakin pero wala na akong pakialam ‘don, natikman ko na

kung papaano ang buhay may asawa, tama na.

Gabriel Dela Cuesta (Estudyante)

- Sa tingin ko meron akong sapat na kaalaman kung papaano

maiwasan ito, kunwari paggamit ng konstraseptibo.

Ruben Reyes (Barangay Employee)

- Wala akong masyadong alam patungkol dito.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 68
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Amelia Anilman (Vendor)

- Oo naman, kase siyempre ‘yan ay napag-aaralan, kung ano ‘yung

dapat gawin tapos kung ano ‘yung sa tingin mo na mas nakabubuti

sa tamang paggamit ng proteksyon

Elizabeth Hernandez (Vendor)

- Oo, kagaya ng huwag basta-basta makikipag-intercourse kahit

kanino o kaya dapat gumamit ng proteksyon tapos sa mga Public

CR huwag basta-basta gagamit. Tiyaka minsan kasi ‘yung mga

umiinom, mga salbahe nilalagyan ng dugo nila, kaya ingat talaga.

4. Kung ikaw ay makakasalamuha ng isang pasyente na HIV at AIDS,

ano ang iyong reaksyon?”

Dolores Torres (Vendor)

- Pangangaralan ko siya na ikaw iwas ka sa mga ganyang tao, tama

na ‘yung naranasan mo na nagkaroon ka ng ganyang sakit. At kung

ikaw magbago kana. Tumawag ka lang kay Lord.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 69
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Gabriel Dela Cuesta (Estudyante)

- Ang magiging reaksyon is dahil sa kabilang ako sa lipunang

mapanghusga, siyempre magugulat muna ako pero tatanggalin ko

sa isipan ‘yung stigma nang panghuhusga. Tapos siyempre kapag

may nakasalamuha ako tatanunging ko kung okay lang ba siya o

kamusta siya sa ating lipunan kung mayroon bang tumatanggap sa

kanya ngayon at mayroon ba siyang ginagawang proseso ng

pagpapagamot.

Ruben Reyes (Barangay Employee)

- Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko kase nga nakakahawa.

Amelia Anilman (Vendor)

- Sa akin wala, kung baga dapat lang siyang pangalaran na

kumunsulta sa mga doktor para maagapan.

Elizabeth Hernandez (Vendor)

- Dapat ipaalam din nila sa nakapaligid sila na meron sila, para

aware rin sila na meron sila HIV/AIDS, sana sa kanila nalang ‘wag

na sila mangpasa sa iba para ‘di na kumalat. Tas dapat maging

vocal din sila na ipaalam para hindi na rin sila tularan.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 70
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

5. Ano ang iyong mensahe sa mga pasyente ng karamdamang nasabi?

Dolores Torres (Vendor)

- Dapat na umiwas sila sa mga ganyang gawain (sekswal). Dapat

silang tumawag lang kay Lord dahil siya lang ang makakatulong sa

inyo.

Gabriel Dela Cuesta (Estudyante)

- Okay lang yan, kung nagkamali ka man ‘wag matatakot

bumangon muli kase nangyari na eh, wala ka ng magagawa.

Gawin mo lang ang nararapat gawin kung ano pa ‘yung pwede

gawin which is number 1 ‘yung pagpapagamot, at 2 tanggapin

ang iyong sarili. Ruben Reyes (Barangay Employee)

- Mag tino nalang sila para di sila makahawa ng sakit na HIV at

AIDS.

Amelia Anilman (Vendor)

- Magiingat na lang tapos tatagan na lang nila ‘yung loob nila,

tapos harapin nila ‘yung pagsubok na nangyari sa kanila tapos

mag pacheck up.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 71
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Elizabeth Hernandez (Vendor)

- Dapat ipaalam nila sa nakapaligid sakanila na meron sila (HIV),

para aware ‘yung din ‘yung iba. Sana sa kanila na lang at huwag na

silang magpasa sa ibang tao.

Mga Pasyente ng HIV at AIDS

Patient 1

1. Kamusta ang iyong kalagayan bilang isang HIV Patient sa Pilipinas?

- Sa una kinabahan ako tinakot hindi ko alam ano gagawin

ko.

2. Sapat ba ang iyong kaalaman at kamulatan patungkol sa sakit na

nasabi, at sa paanong paraan ito nakaapekto sa pagtugon mo sa

sakit na HIV at AIDS?

- Oo siyempre naging aware ako ‘don kasi bigla akong

natakot, ‘di ko alam ano kinakahantungan ng isang HIV

Patient, kung nakakahawa ba ‘to at ano magiging

resulta.

3. Kanino mo unang sinabi o inopen up ang iyong sitwasyon?

- Sa partner ko siyempre kasi alam ko siya lang

makakatulong and makakaunawa.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 72
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

4. Natakot ka bang kumuha ng HIV test dahil sa maaaring

panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa’yo?

- Sa pakiramdam ko makakatulong din to sa aking partner

nag pa-test rin din ako sa aking kaibigan ko para

makasigurado na din.

5. Sa paanong paraan nakaaapekto sa’yo ang stigma ng lipunan

patungkol sa HIV at AIDS bilang isang pasyente?

- Sa una siyempre hindi ko pa pinasabi, walang

nakakaalam bilang lang nakakaalam. (Confidentiality)

Lalayuan ka parang na di-dissappoint sila sayo siyempre

kaya di mo ma-open up.

6. Ano sa tingin mo ang maaaring solusyon upang mawaksi ang mga

maling akala patungkol sa HIV at AIDS?

- Para sa akin itigil muna ‘yung paggamit ng komplikado

na relasyon (personal) sa isa’t isa. Maging aware tayo sa

mga bagay bagay at umiwas tayo sa alam natin na

komplikado.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 73
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

7. Sapat ba ang tulong medikal na iyong natatanggap?

- As of now, oo sapat kasi pinupukpok pa nila ako na ano

inumin ng gamot ko at gawin ‘to (treatments) para

maging okay ako.

8. Natutugunan ba ang iyong mga pangangailangan bilang isang HIV

Patient?

- Oo naman, wala naman ako kinakailangan masyadong

gastusin kasi sila na (Taguig Social Hygiene Clinic) ‘yung

madalas na nag pro-provide ng pangangailangan ko.

9. Ano ang iyong maimumungkahi sa Taguig Social Hygiene Clinic

upang mas mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa mga pasyente ng

HIV at AIDS?

- Para sa akin masaya ako na nakilala ko sila (mga

miyembro ng Taguig Social Hygiene Clinic). Sa akin

okay naman na kasi lahat sila kapag dumating ka na ina-

assist ka, lahat sila aware sa kalagayan ko kaya okay na.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 74
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

10. Ano ang iyong maipapayo sa iyong kapwa pasyente na natatakot

humingi ng tulong sa mga propesyunal o sa kanilang mga kaibigan

at kamag-anak?

- Mahirap pero hindi ganon kadali pero kailangan subukan

(paghingi ng tulong) kasi walang madaling bagay. Nasa

huli din naman ang pagsisisi if di natin sinabi tapos

dumating sa point na lumala diba. Going strong lang

kailangan mag pakatatag, habang may buhay may

pagasa.

Patient 2

1. Kamusta ang iyong kalagayan bilang isang HIV Patient sa Pilipinas?

- Yes, thank you po sa oppurtunity na ilahad ang

problemang ‘to, as an HIV patient okay naman ako. I’m

in good condition mentally, physically and spiritually ,

nasasabi ko ‘to kasi I am now taking medications at

dahil sa tulong ng TSHGC. (Taguig Social Hygiene Clinic)


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 75
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

2. Sapat ba ang iyong kaalaman at kamulatan patungkol sa sakit na

nasabi, at sa paanong paraan ito nakaapekto sa pagtugon mo sa

sakit na HIV at AIDS?

- Bilang isang may HIV ay sapat naman ang kaalaman ko

sa tulong ng Drop-in-Center, sila ang nagpaliwanag ng

kalagayan ko at kung paano ko aalagaan ang sarili ko sa

tulong nila.

3. Kanino mo unang sinabi o inopen up ang iyong sitwasyon?

- Ang unang taong pinagsabihan ko ay ang kaibigan kong

baklush (bakla) then sa jowa (partner) ko.

4. Natakot ka bang kumuha ng HIV test dahil sa maaaring

panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa’yo?

- Oo naman pero sa tulong at pangungulit ng kaibigan ko

nasubukan ko din mag-test – napilitan ako.

5. Sa paanong paraan nakaaapekto sa’yo ang stigma ng lipunan

patungkol sa HIV at AIDS bilang isang pasyente?

- Siyempre natakot ako paano kung malaman nila kasi nga

iba ang dating sa lipunan noon pag sinabing HIV

talagang para kang isang Virus na hahawa sa kanila, ‘di


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 76
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

tulad ngayon na marami na ang mulat at marami na

silang kaalaman sa sakit na ito.

6. Ano sa tingin mo ang maaaring solusyon upang mawaksi ang mga

maling akala patungkol sa HIV at AIDS?

- Tulad ng ginagawa ng DOH (Department of Health)

ngayon at mga LGU (Local Government Unit) maraming

mga seminars regarding sa sakit na ito pero mas

mainam na paigtingin pa ito sa mga paaralan upang

mamulat ang lahat at matuto ang marami tungkol sa

sakit na ito.

7. Sapat ba ang tulong medikal na iyong natatanggap?

- Oo naman sapat ang tulong medikal na binibigay ng

gobyerno at bilang isang pasyenteng may HIV sobra ang

pasasalamat ko sa mga Drop-in-Center kasi slowly

dumarami na bawat lungsod ang mga organisasyon na

sumusuporta rin sa HIV Patients.

8. Natutugunan ba ang iyong mga pangangailangan bilang isang HIV

Patient?

- Sobrang natutugunan as in sobrang suporta talaga

natatanggap namin.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 77
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

9. Ano ang iyong maimumungkahi sa Taguig Social Hygiene Clinic

upang mas mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa mga pasyente ng

HIV at AIDS?

- Sa TSHC (Taguig Social Hygiene Clinic) and Drop-in-

Center ipagpatuloy lang nila ‘yung kanilang serbisyo at

huwag magsawa na kulitin at hikayatin ang mga

pasyante na uminom ng gamot at mga bitamina at

palaging mag pa-check up.

10. Ano ang iyong maipapayo sa iyong kapwa pasyente na natatakot

humingi ng tulong sa mga propesyunal o sa kanilang mga kaibigan

at kamag-anak?

- Huwag matakot magpunta sa mga Drop-in-Center at

magpagamot. Habang ‘di sila nagpapagamot ‘di sila

mabibigyan ng tamang proseso ng pag-gagamot,

pawang sa propesyunal lang sila magpunta at makipag

usap at magtanong. Laban lang at mabuhay ng normal.

Hindi dapat magpatalo sa Virus, dapat Virus ang matalo.

Live happy, live healthy and laugh.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 78
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

B. Pagsusuri ng Datos

Mga Propesyunal mula sa Taguig Social Hygiene Clinic

1. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang pangunahing stigma na

napapansin ng mga propesyunal ay ang pagiging Death Sentence

ng HIV at AIDS, at karaniwang nagmumula lamang ito sa mga

bakla o komunidad ng LGBT. Kadasalang nilalayuan din ng mga

mamamayan ang mga pasyente sapagkat pinandidirihan sila, at

nauuwi sa diskriminasyon sa mga pasyente

2. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, lumabas na sapat ang mga tulong

o serbisyong ibinibigay sa mga pasyente ng sakit na nasabi, ngunit

kinakailangang paunlarin pa ang mga kagamitang pang-medikal

katulad ng mga Viral Load Machines na sinusubukang tugunan ng

Department of Health.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 79
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

3. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang pangunahing proseso upang

mapabuti ang kalusugan ng isang pasyente ng HIV at AIDS ay ang

pagkuha ng HIV at iba pang Laboratory Tests, pagkonsulta sa mga

Psychiatrists at Counselors upang matugunan ang kanilang Mental

Health, at ang pagkuha ng Antiretroviral Therapy or Drug na

tumutulong sa pagpapabuti ng Immune Sytem ng isang pasyente.

4. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang pinakamadalas na payo ng

mga propesyunal sa mga pasyente ng HIV at AIDS ay

kinakailangang sundin ang mga ipinaguutos ng mga doktor, nars,

at iba pang kumakalinga sa mga taong positibo sa HIV at AIDS.

Kinakailangang maging regular ang kanilang paginom ng gamot

upang maibsan ang sakit na nararamdaman.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 80
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

5. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang mensahe ng mga propesyunal

sa mga pasyente ng HIV at AIDS ay huwag matakot humingi ng

tulong sa mga propesyunal at labanan lamang ang sakit na nasabi

upang mapagpatuloy ang normal na buhay ng mga pasyente.

Mga Random na tao sa Lipunan

1. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang pinakamaraming sagot sa

tanong na kadalasang kinatatakutan sa sakit na HIV at AIDS ay

nakamamatay ito at nakakahawa. Mayroong respondenteng

sumagot din na kinatatakutan ito dahil sa mga maaring sabihin ng

lipunan o panghuhusga sa mga taong mayroong sakit na HIV at

AIDS.

2. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang karaniwang pananaw ng mga

tao sa sakit na HIV at AIDS ay nakukuha ito sa pakikipagtalik sa

ibat-ibang tao dahil ang mga kabataan ay maagang namumulat sa


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 81
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

sekswal na aktibidad, at ang karaniwang nakakukuha ng sakit na

ito ay mga bakla. Mayroong sumagot naman na dapat itong

bigyang importansya at atensyon ng mga tao, kasama na rin dito

ang pagiingat at kinakailangang maging malinis sa katawan ang

isang tao.

3. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mananaliksik, karaniwang sapat ang kaalaman ng mga

tao upang maiwasan ang pagtamo ng HIV at AIDS, katulad na

lamang ng tamang paggamit ng mga kontraseptibo at huwag

basta-basatang makikipagtalik ng walang proteksyon. Ngunit hindi

mapagkakaila na mayroong mga taong hindi maalam patungkol sa

HIV at AIDS kung kaya’t masasabing hindi sapat ang kaalaman ng

ibang tao upang maiiwasan ang sakit na nasabi.

4. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mananaliksik, ang karaniwang magiging reaksyon ng

mga tao kung mayroon silang makakasalamuhang pasyente ng HIV

at AIDS ay ito’y kanilang papangaralan, sa paraang pagbibigay

payo na kinakailangan nilang humingi ng tulong mula sa mga


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 82
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

propesyunal tulad ng doktor. Mayroong mga kasagutan din na hindi

alam ng mga tao ang kanilang magiging reaksyon sapagkat hindi

sapat ang kanilang kaalaman tungkuol dito. Mayroong mga

magugulat, ngunit susubuking iwasan ang kanilang panghuhusga

sa mga pasyente ng nasabing karamdaman.

5. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang

panayam ng mga mananaliksik, ang kadalasang mensahe sa mga

taong mayroong karamdamang HIV at AIDS ay kinakailangang mag

ingat at tatagan ang loob. Ninanais din ng mga respondente na

ipaalam ng mga pasyente ang kanilang sitwasyon sa mga taong

nakapaligid sa kanila upang magkaroon ng kamalayan ang mga

taong ito. Inilahad din na kinakailangan umiwas ng mga pasyente

sa mga masamang gawain upang hindi makahawa at huwag

kalimutang humingi ng tawad sa Diyos, sinasabing kinakailangang

magtino ang mga pasyente at huwag matatakot bumangon muli.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 83
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Mga Pasyente ng HIV at AIDS

Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga pasyente ng HIV

at AIDS, natuklasan ng mga mananaliksik ang realidad sa likod ng

kanilang pamumuhay. Nailahad na sapat ang natatanggap na

serbisyo at tulong mula sa gobyerno at treatment hubs tulad ng

Taguig Social Hygiene Clinic. Bagamat mahirap ang sitwasyon ng

mga taong dumaranas sa sakit na nasabi dahil sa mga stigma sa

lipunan, mayroong mga taong sumusuporta sa kanila katulad ng

mga partners at mga kaibigan. Dahil sa sensibilidad ng paksa,

confidential ito at iilan lamang ang pinagsasabihan ng mga

pasyente. Inilahad din na ang pagtamo ng kamulatan at pagiging

maalam ng mga pasyente sa kanilang nararanasan ay dahil lamang

sa mga paliwanag na ibinibigay ng mga propesyunal na kanilang

nilapitan, at labis na nakatutulong ang serbisyo ng Taguig Social

Hygiene Clinic sa mga taong positibo sa HIV at AIDS, hindi lamang

dahil sa serbisyong ibinibigay, bagkus dahil na rin sa pagtrato nila

sa mga pasyente bilang isang pamilya ayon sa datos na nakalap.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 84
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

C. Interpretasyong ng Datos

Ayon sa mga sagot na nakalap ng mga mananaliksik, ang HIV

at AIDS ay isang peligrosong sakit na nakakahawa at nakamamatay

kung pababayaan ang kalusugan ng pasyente. Ito ay

kinakailangang mabigyang importansya at atensyon ng mga tao

upang maiwasan ang pagkalat ng karamdamang nasabi. Ang

pangunahing pamamaraan ng pagpasa ng sakit ay sa pamamagitan

ng pakikipagtalik sa iba’t ibang tao, isang bagay kung saan

maagang namumulat ang mga kabataan sa sekswal na aktibidad

kung kaya’t kinakailangang magpalaganap ng impormasyon at

kamulatan sa paksang nabanggit. Pinagtitibay ng resulta ng

pakikipanayam ang “Fear of the Unknown” na kung saan ang

pinaniniwalaan ng mga tao ay nanggagaling lamang sa mga

assumptions sapagkat hindi sapat ang kaalaman ng mga tao sa

isang paksang nailahad at nauuwi ito sa mga maling stigma sa

lipunan. Masasabi rin na maraming tao sa lipunan ang takot

mahusgahan dahil sa sakit na HIV at AIDS sa kadahilanang hindi

bukas ang paksang ito sa ibang mamamayan. Ang mga stigma

tulad ng pagkahawa mula sa laway ng tao, death sentence sa mga

pasyente, at pagiging Gay Disease ng HIV at AIDS ay nabigyang


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 85
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

paliwanag sa pakikipanayam. Inilahad na maaaring maipasa

lamang ang karamdamang nasabi sa pamamagitan ng apat na

Boody Fluids na dugo ng tao, Semen ng lalaki, Vaginal Discharge

ng babae, at gatas ng isang ina na positibo sa HIV at AIDS. Ito ay

nakamamatay kung hindi gagamutin at pababayaan lamang ang

kalusugan ng pasyente, at hindi bukas sa mga mamamayan na ang

sakit na nasabi ay maaaring mapasa sa kahit na sino, hindi lamang

sa mga bakla at active sa sekswal na aktibidad. Bagamat ang ibang

mga mamamayan ay mayroong kaalaman upang maiwasan ang

pagtamo ng nasabing sakit at napag-aaralan ito sa kasalukuyan,

mayroong mga tao pa rin na walang alam na impormasyon tungkol

sa nasabing sakit na nararapat tugunan upang maiwasan ang

pagkalat nito at mawaksi ang mga stigma tulad ng paglayo sa mga

pasyente nito dahil ito’y nakakahawa. Hinihikayat ang mga taong

positibo sa HIV at AIDS na magpakonsulta sa mga doktor upang

makatulong sa pagibsan ng karamdaman. Ang pangunahing

mensahe na nakalap para sa mga taong positibo sa HIV at AIDS ay

nararapat na tatagan nila ang kanilang loob upang mapagpatuloy

nila ang kanilang pamumuhay dahil mayroong naitalang 100 taong


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 86
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

gulang na mayroong HIV at AIDS. Ito’y isang matibay na ebidensya

na bagamat walang lunas sa nasabing sakit, maaaring mamuhay

ng normal ang isang taong nakararanas nito. Ninanais din ng mga

respondente na maging bokal ang mga pasyente sa kanilang

paligid upang maibsan ang panghuhusga at magkaroon ng

kamalayan ang mga mamamayan.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 87
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

KABANATA V
A. Lagom
Mula sa mga datos na nakalap, makikita na ang kadalasang
stigma sa karamdamang HIV at AIDS ay ang mga bakla lamang
ang pangunahing carrier ng sakit. Lingid din sa kaalaman ng
karamihan na hindi lamang napapasa ang HIV sa pamamagitan ng
pakikipagtalik, maaaring kumalat ito sa mga blood transfusions at
breast feeding. Masasabing kinatatakutan ng mga mamamayan
ang mga pasyente ng HIV at AIDS dahil sa personal na pananaw
na ito’y intensyunal na pinapasa ng mga pasyente sa ibang tao
upang magkaroon ng kadamay. Bagamat laganap na ang
impormasyon patungkol sa usaping HIV at AIDS, hindi pa rin
maiiwasan na mayroong mga taong hindi mulat sa paksang ito na
maaaring dahilan kung bakit hindi naiibsan ang pagdami ng kasong
HIV. Bagamat walang cure sa karamdamang ito, dahil sa pagunlad
ng teknolohiya nagkaroon ng mga treatments upang mapahaba
ang buhay ng isang pasyente ng HIV at AIDS, at ang halimbawa
nito ay ang ART o Antiretroviral Therapy na kung saan regular ang
paginom ng gamot ng pasyente upang mapalakas ang kanilang
Immune System at tuluyang ma-deactivate ang HIV Virus sa
katawan ng tao.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 88
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

B. Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga datos, buong

pagkakumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

Sa mayroong karamdamang HIV at AIDS

Ang tulong medikal na ibinibibigay ng gobyerno ay sapat

upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente, ngunit

ang pangunahing pagkukulang ay ang kanilang personal na

pagtanggap sa sitwasyong nararanasan at takot sa paghingi ng

tulong sa mga propesyunal. Iminumungkahi ng mga mananaliksik

na huwag lamang pagtuunan ng pansin ang kanilang physical na

kalusugan, bagkus bigyang importansya rin ang kanilang mental,

emotional, at spiritual na pangangailangan dahil Holistic ang pag-

gamot sa karamdamang HIV at AIDS.

Sa mga kamag-anak ng pasyente ng HIV at AIDS

Ang suporta mula sa personal relationships ng mga

pasyente ng HIV at AIDS ay labis na nakatutulong upang

makayanan ng mga pasyente ang pagsubok na dinaranas bilang

isang HIV Patient. Karaniwang ang mga kamag-anak ang unang

nakakaalam ng
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 89
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

resulta sa HIV Test ng mga pasyente. Sa kadahilanang ito,

iminumungkahi ng mga mananaliksik na mangalap ng mga

impormasyon patungkol sa karamdamang HIV at AIDS upang

malaman nila ang tamang pakikisama at pagtrato sa mga pasyente.

Bukod dito, mas mainam na maging bukas sa mga usaping

sensitibo katulad na lamang ng sex education upang mahikayat na

maging open, hindi lamang ang mga may karamdamang HIV at

AIDS, bagkus pati na rin ang kabataan na maagang namumulat sa

mga sekswal na aktibidad at maiwasan ang pagtamo ng

karamdamang nasabi.

Sa Taguig Social Hygiene Clinic at ibang organisasyon na

kumakalinga sa mga pasyente ng HIV at AIDS.

Mula sa mga datos na nakalap, masasabing istandard ang

kalidad ng serbisyong ibinibigay sa mga pasyente ng HIV at AIDS,

ngunit mas mainam na pagbutihin pa ito sa pamamagitan ng

regular na assessment ng mga awtoridad sa kanilang

organisasyon. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga

pasyente sa kalagitnaan ng mabilis na pagdami ng kaso ng HIV at

AIDS,
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 90
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

kinakailangang dagdagan ang dami ng mga kagamitang pang-

medikal katulad ng mga Viral Load Machines, at supply ng gamot.

Bagamat umuusbong na ang mga organisasyon at sektor na

kumakalinga sa mga mayroon ng karamdamang nasabi, at patuloy

ang paglaganap ng impormasyon tungkol sa HIV at AIDS,

masasabing limitado ang mga mamamayang naaabot ng mga

campaigns tungkol dito. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na

mag tulungan ang gobyerno at mga propesyunal na maalam sa HIV

at AIDS upang mas mapalawig ang awareness na kinakailangan sa

paksang nasabi.

Sa Lipunan

Mula sa mga datos na nakalap, masasabing mayroong

kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa HIV at AIDS, ngunit

hindi ito sapat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at ang mga

maling stigma patungkol dito. Iminumungkahi ng mga

mananaliksik na isawalang bahala muna ang ugaling pagiging

konserbatibo ng mga Pilipino pagdating sa mga usaping sensitibo,

upang mabigyan ito ng atensyon at aksyon, katulad na lamang sa

usaping HIV at AIDS.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 91
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

C. Konklusyon

Bagamat sinasabi ng mga respondente na sapat ang

kanilang kaalaman upang maiwasan ang HIV at AIDS, mapapansin

sa kanilang mga kasagutan na hindi sila tiyak sa totoong dahilan ng

pagkalat ng karamdamang nasabi. Pinangungunahan din sila ng

takot dahil sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa HIV at AIDS

kaya nabubuo ang mga maling stigma sa lipunan at ang isang

halimbawa nito ay ang mensahe ng isang kalahok na huwag na

mandamay at manghawa ng ibang tao ang pasyente ng nasabing

karamdaman. Dahil dito, nabubuo ang takot sa mga HIV Patients,

at kadalasang nauuwi sa pagtago sa lipunan upang maiwasan ang

panghuhusga. Ang Department of Health at Local Government

Units ay sinisikap na matugunan ang bawat pangangailangan ng

isang pasyente, kasama na rin ang pagpapalaganap ng

impormasyon sa HIV at AIDS upang maiwasan ang pagdami ng

kaso. Ngunit hindi masasabi na nakararating ang awareness sa

lahat ng mamamayan dahil patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng

HIV at AIDS. Dahil sa patuloy na pagunlad ng mga medisina at

medical procedures, mas nabibigyan ng pagkakataon na mamuhay


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 92
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

ng normal ang isang pasyente. Kinakailangan lamang nila na

ipagpatuloy ang pag-gamot at sundin ang payo ng mga doktor

upang matugunan ang pangangalaga sa sariling kalusugan, hindi

lamang physically, bagkus pati na rin ang emotional, mental, at

spiritual na aspeto. Bukas sa mga nais kumuha ng HIV Test ang

mga lokal na Drop-in-Centers katulad ng Taguig Social Hygiene

Clinic na nagbibigay ng libre at confidential na HIV Testing.

Kasama na rin dito ang mga libreng Laboratories, Treatments, at

Counseling para sa mga pasyente.


PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 93
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

KABANATA VI

A. Bibliograpi

Gordon, B. (2014). How therapy helped me cope with HIV.

Retrieved from https://edition.cnn.com/2014/02/07/opinion/gordon-hiv-

mental-health/index.html.

Kontomanolis EN, et. Al.(2017). The social stigma of HIV–AIDS:

society's role. (Pages 111—118.). Retrieved from https://www.dovep

ress.com/the-social-stigma-of-hiv-aids-societys-role-peer-reviewed-article-

HIV.

Merez, A. (2017). On World AIDS Day, health chief seeks to break

HIV stigma. Retrieved from;https://news.abs-cbn.com/news/12/01/17/on-

world-aids-day-health-chief-seeks-to-break-hiv-stigma.

Sikkema, K,J. (2014). How therapy helped me cope with HIV.

Retrieved from https://edition.cnn.com/2014/02/07/opinion/gordon-hiv-

mental-health/index.html.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 94
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Weiler, G. (2018). WHO urges PH to 'give more attention' to

growing number of HIV-AIDS cases. Retrieved from

https://www.rappler.com /nation/213823-who-urges-philippines-seriously-

consider-growing-number-hiv-aids-cases.

Centers for disease control and prevention. (2019). Retrieved from

https://www.cdc.gov/hiv/basics/livingwithhiv/mental-health.html.

HIV/AIDS and ART Registry of the Philippines: December 2018.

Epidemiology Bureau, Department of Health. (2019). Retrieved from

https://www.aidsdatahub.org/hivaids-and-art-registry-philippines

december-2018-epidemiology-bureau-department-health-2019.

Planning the Adolescent’s Future: The Reproductive Health and

HIV/AIDS Curriculum. (Unit 4. pp. 59, 65-66). Foundation of Adolescent

Development, Inc.
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 95
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

Kabanata VII

A. Apendiks
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 96
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT
PATEROS CATHOLIC SCHOOL- SENIOR HIGH 97
PERFORMING AND PRACTICAL ARTS DEPARTMENT

You might also like