Pangalan

You might also like

You are on page 1of 2

Pangalan: JANDY PATAL KIMBES

Petsa ng Pagpasa: Setyembre 27, 2021


Ipaliwanag ang kaisipang nais ilahad ng bawat awtor sa binasang aralin. Limitahan
ang sagot sa loob ng limang (5) pangungusap. (30 puntos)
1. Eulalio R.Guieb III
-Manunulat at Prop ng Brodkasting UP Diliman
“Ang pinakaunang maging tagpuan namin ng mga iba pang nagsasalita sa ibang wika
(batay sa naging karanasan) lagi`t lagi ang wikan Filipino ang tagpuan. Pagdating sa
tagpuang iyan, doon magsasanga-sanga. Maaaring sasanga sa Ingles depende sa
konteksto o sasanga ako sa Bisaya depende sa konteksto, o sasanga ako ng iba pang
mga wika. AT pagkatapos doon, muling babalik sila sa tagpuag iyon.”

Sa aking pagkakaintindi sa kaisipang inilhad ng awtor, sinasabi nya kahit


magkakaiba tayo ng mga sinasalita, meron parin tayong pambansang wika na pwede
nating gamitin upang magkaintindihan lahat. Halimbawa, may magaganap na salo-
salo sa mga relatives ng pamilya Marcelino at lahat ay imbitado. Doon may dumalo
na bisaya, ilokano,kankanaey at iba pa na kapamilya. Ngunit ano ba ang gagamitin ng
tagapagsalita sa harap, syempre yung naiintindihan ng lahat at ito ay wikang Filipino,
yun ang tagpuan na binabanggit ng awtor. Pwede rin naman makipag usap sa ibat
ibang wika dahil multilingwalismo ka pero sa pangkalahatan, Filipino parin dapat ang
gamitin.

2. Pamela Constantino
-Propesor ng Wika, Up Diliman
“Dahil nga instrumento ang wika pwede mong i-manipulate, pwede mo rin namang
magamit ang wika para hindi ka makapag-communicate. Mag-iingles ka doon sa mga
taong hindi marunong mag- ingles. The purpose mo nu`n, hindi para mag
communicate, ang gusto mong ipakita doon siguro ipakita na mas mataas ako sa inyo.
Mas prestigious ang aking wika at ma nakapag-aral ako kaya ganoon. May sariling
katangian iyong wika na minsan sabi nga nila “language is an ideology” siya mismo
kumukontrol na sa tao, sa pag-iisip ng tao.”

Ang aking pagkakaintindi sa kaisipang sinabi ng awtor ay instrumento nga


talaga ang wika para makipag usap sa ibang tao at maipahayag ang gustong sabihin.
Ngunit minsan ay nakokontrol tayo ng wika na halimbawa ay paggamit ng wikang
banyaga na hindi naintindihan ng iba upang maipakita molang na may pinag aralan
ka. Sabi nga na ang wika ay isang ideolohiya dahil minsan may mga paniniwala ang
tao na ang isang wika ay superior sa iba. Halimbawa, ang paggamit daw ng wikang
engles ay nangangahulugang matalino ka o mayroon kang pinag aralan. Yan ang
sinasabi ng awtor na pwede mo imanipulate ang wika or vice versa.

3. Rowena L. Guevarra
-Propesor ng Inhenyera, UP Diliman
“Tayo-tayo mismo nag-aaway away kung ano ba talaga ang magiging Filipino
language. Ang aking example actually diyan, iyong Bahasa Malay at Bahasa
Indonesia. Sana nagganoon tayo. Kaso nandito na tayo sa panahon na global na ang
ating mga workers tapos nag-Asean Integration pa tayo. Napakahirap nang ibalik
iyong nakaraan. Ang maganda na lang na nakikita ko ngayon, mas magaling mag-
explain iyong mga estudyante naming in Filipino. So sa palagay ko, iyong kahit hindi
iisa ang ating policy talaga sa wika, palagay ko somehow umaandar eh dahil ang
galing talagang mag-explain ng mga bata ngayon in the Filipino language kumpara sa
aming henerasyon.

Sa aking pagkakaintindi sa kaisipang sinabi ng awtor, bakit ba tayo nag aaway


kung ano ang tatanghaling wikang pambansa kung mayroon naman ng pag unlad ang
kasalukuyan. Gustong ng awtor na sana naging katulad natin ang nangyare sa bahasa
malay at bahasa indonesia ngunit hindi natin maibabalik ang dati. Ngunit kung
mapapansin may pag unlad naman na nagaganap ang wikang Filipino. Halimbawa,
may bihasa ng mga bata na gamitin ang wikang Filipino sa pagpapaliwanag kaysa
wikang engles dahil mahirap ito. Sinasabi ng awtor na kahit na ganoon na nag aaway
tayo kung ano ba talaga ang magiging wikang pambansa ay atleast may naging pag
unlad naman ang kasalukuyang wikang Filipino.

You might also like