Tanghalan Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TANGHALANG PILIPINO

KASAYSAYAN
 Itinatag ni Felix “Nonon” Padilla na siya ring naging Artistic Director ng Tanghalang
Pilipino mula 1987 hanggang 2000.
 Sumunod naman si Dennis Marasigan naging Artistc Director noong 2006 hanggang
2008.
 At ang kasalukuyang Artistc Director ay si Fernando “Tata Nanding” Josef, isang
beteranong aktor.
 Pagkatapos ni Nonon, pumalit sa kanya si Herbert Go na naging Artistc Director noong
2001 hanggang 2006.

LAYUNIN
 Layunin ng TP na malinang at sanayin nang husto ang mga artista, manunulat at taga-
disenyo na may angking galing sa paggawa ng mga orihinal na dulang Pilipino dahil
nakikini-kinita ng TP na may iaangat pa sila at mas may iaangat pa ang teatrong Pilipino
sa pinakamataas nitong lebel.
 Inaasahan din nito na imulat ang madlang Pilipino sa kanilang kamalayang kultural dahil
nais ng TP na manatili ang mga Pilipinong nakatuon sa kanyang moral na paniniwala,
upang mapanindigan kung ano ang tama at makatarungan, at matamo ang panlipunang
responsibilidad na ibinabahagi sa lahat.
 Layunin nitong iangat ang teatrong Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga
dulang may kinalaman sa kultura ng mga Pilipino noong mga nakaraang siglo hanggang
sa kultura sa kasalukuyang panahon.

MGA DULANG NAITANGHAL

-Noong 2013 ay nakipag-ugnayan ang UNICEF sa Tanghalang Pilipino upang


magsagawa ng isang dula patungkol sa HIV/AIDS awareness na may pamagat na
‘MELANIE.’
-Edad 15-24 ang kanilang ‘main audience target’ na kung tawagin nila ay ang mga ‘key
affected population.’
-Itinanghal ito noong 2014
-Nang magkapandemya sa bansa, pansamantalang natigil ang pagtatanghal ng TP sa
entablado. Kaya naisipan nilang maglunsad ng programang
‘PANSAMANTANGHALAN,’ pinagsamang pansamantala at tanghalan.
 Layunin din nitong tulungan ang kanilang online fundraising na Open House, na tugunan
ang pangangailangan ng Performing Arts Community na labis na naapektuhan ng
pandemya.

 Ang dulang Ang Pag-uusig ng Tanghalang


Pilipino ay mula sa orihinal na The Crucible ni
Arthur Miller.
 Ito ay kuwento ng nakabibighaning batang
babae na si Abigail Wiliams na minamanipula
ang awtoridad para sa kanyang personal na
hangarin. Sinasabi nitong ang mga opisyal sa
kanilang lugar ay mga mangkukulam, na siyang
labag sa batas. Ikukulong sila at kalauna’y
mahaharap sa kamatayan. Dahil kung ano ang
sabihin at sino ang ituro ni Abigail ay agad
parurusahan ng awtoridad. Kaya ang mga
tao ay namuhay nang takot sa pag-aalalang
baka sila ang isunod na ituro ng batang babae.
 Nanalo ito ng Best Direction sa direksyon ni Dennis Marasigan, Best Translation, Best
Ensemble, Outstanding Performance, Outstanding Play sa 10th Gawad Buhay.

 Sa ika-33 anibersaryo ng Tanghalang Pilipino, naglunsad sila ng musical theater na


pinamagatang ‘MABINING MANDIRIGMA.’
 Ito ay may temang ‘pakikidigma’ na layuning labanan ang kawalan ng hustisya,
pyudalismo, kahirapan, at kulturang imperyalismo.
 Na tumatalakay sa buhay ng bayaning si Apolinarion Mabini.
 Ito rin ang kauna-unahang dula sa babae ang gaganap kay Mabini.
 Nanalo ito ng Most Honored Production, Outstanding Musical, Outstanding Costume
Design, Outstanding Set Design, at Outstanding Choreography.

You might also like