Ang Bawat Barya Ay May Magkabilang Panig Ngunit Hindi Mo Makikita Ang Halaga Nito Dahil Lang Tinitigan Mo Ang Magkabilang Mukha NG Barya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang bawat barya ay may magkabilang panig ngunit hindi mo makikita ang halaga nito dahil lang

tinitigan mo ang magkabilang mukha ng barya, kailangan mo muna itong magamit. Ganito rin sa
globalisasyon na may magkabilang interes o layon, hindi natin lubusang maiintindihan ang
epekto nito kung babasahin at titignan lang natin ang mga salita sa libro. Kaya naman ay
tinimbang ko ang epekto nito sa akin at napili kong italakay ang negatibong epekto nito.

Kabilang sa layunin ng globalisasyon ay ang matulungan ang mga bansang walang


kakayahan tumayo mag-isa pero paano kung may kakayahan naman talaga ang bansang iyon
at sadyang tinanggalan lang sila? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit napakayaman ng
agrikultura ng Pilipinas ngunit marami pa din ang naghihirap at di makakain ng maayos? Ito’y
dahil luging lugi tayo sa mga kondisyon ng globalisasyon. Kung gusto mo talaga makatulong sa
isang bansa ay bakit di mo na lang sila tulungan paunlarin muna ang kanilang kalakalan sa loob
ng sarili nilang bansa? Kailangan ba talagang mamayagpag ang mga dayuhang produkto dito
para lumago ang ekonomiya nating bagsak dahil din sakanila? Ang Pilipinas ay isang mayaman
at masaganang bansa! Hindi tayo nahuhuli kung agrikultura at lakas paggawa ang usapan.

Isa sa mga negatibong epekto nito ay ang pagbaba ng kapital ng mga mas maliit na
negosyo dahil hindi ito makasabay sa “malayang kompetisyon” na pinapahayag nila.
Nagreresulta ito sa kawalan ng hanapbuhay at lalo lang umuunlad ang mga bansang maunlad
na talaga. Nalulugi ang lokal na pamilihan na mas lalong nagdudulot ng kahirapan sa mga
Pilipino. Hindi nagiging pantay ang distribusyon ng kayamanan at lalo lang naghihirap ang mga
mahihirap na! Bukod dito ay nasisira ang kalikasan dahil mas maraming nagkokonsumo ng mga
hilaw na materyales upang ikalakal sa presyong mas mababa sa tunay nitong halaga kaya
naman lugi pa den ang mahihirap na bansa.

Akala natin ay binibigyan nila tayo ng karapatan na maging kapantay nila ngunit ang
totoo ay gusto lang nilang mawala ang sobrang kapital at produksiyon nila. Nagkakaroon ng di
pantay na kalakalan dahil mas marami ang benepisyong napupunta sakanila kaysa sa atin.
Nasabi man ng mga imperyalistang bansa na may kasarinlan na tayo ngunit hanggang ngayon
ay nanatili ang rehas nila sa ating ekonomiya at pulitika. 

Isa sa mga epekto nito sa akin bilang estudyante ay ang pagkakawalay sa aking tatay.
Dahil sa kapitalistang ekonomiyang ito ay napilitan siyang lumuwas ng Pilipinas upang
maghanap ng pantustos sa aming pamilya. Alam naman natin na ang pagpapasweldo dito ay
hindi kayang makabuhay ng isang pamilya kung patuloy ang pagtaas ng bilihin ngunit nanatili
ang halaga ng iyong sahod. Kung bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil dito ay apektado din
ang mga estudyante dahil hindi naman lahat kami ay may pribilehiyong hindi mamroblema kung
may matrikula pa ba kami para sa susunod na pasukan. Mahihirapan din kaming maghanap ng
trabaho at pagsilbihan ang Pilipinas kung lugi ang mga lokal na negosyo natin. Tumatatak
samin ang bakas ng superyoridad ng mga bansang imperyalista lalo na sa wika at kultura.

You might also like