Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ating Superbisor ng Distrito, G. Isabelo D. Orais; Gng. Erlinda E.

Navarro,
namumuno sa ating paaralan; Hon. Agustina Gabriel, Punong Brgy. ng
Concepcion,mahal naming mga guro,Panauhing Pandangal____,magulang,sa mga
kapwa ko mag-aaral,at sa ating mahal na bisita, magandang umaga at Welcome sa
aming ika-aninaput-lima na palatuntunan ng pagtatapos .
Ang araw na ito marahil ang pinakamasayang araw para sa buhay naming mga
estudyante.Ito ang araw kung kailan nalampasan namin ang isang mahalagang yugto
ng aming buhay.Ito ang araw kung saan matatanggap namin ang bunga ng aming mga
pagsisikap.

Alam naming ang higit na nasisiyahan sa araw na ito ay ang aming mga magulang
at ang aming mga guro, mga gurong nagsisilbing pangalawang magulang sa landas na
aming tinatahak.
Walang salitang maaaring makatumbas sa aming pasasalamat sa inyo. Humihingi
kami ng tawad sa aming mga kakulitan,kahit alam naming di nyo kami matitiis,kahit
paulit-ulit kaming nagkakamali alam naming nandyan kayo palaging umiintindi at
walang sawang gumagabay sa amin para lamang maisakatuparan ang karunungang
pinakainaasam-asam.
Sa araw na ito, bumabati kami sa inyo “Job Well Done”.Minsan nahihirapan kami
sa mga pasulit o sa mga gawain sa paaralan at may mga pagkakataon na ang mga
sagot ay walang katiyakan sa kabilang banda tiyak na maiipapangako namin sa
inyong,sisikapin naming matututo sa bawat hamon na aming haharapin at lagi naming
babaunin ang iyong ipinagkatiwalang talino at pagmamahal para laging mananaig sa
bawat puso namin ang paggawa ng mabuti at pagmamahal.
At higit sa lahat,sa ating Maylikha.Lord, lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng
biyayang ibinigay niyo sa amin.Lahat mayroon kami ngayon ay aming pagkaka-utang
mula sa inyong walang katapusang pagmamahal sa amin.At bilang pagtatapos,sa aking
mga kapwa mag-aaral,lagi nating isaisip na tayo ang pag-asa sa ating bayan.Sikapin
nating pahalagahan ang pag-aaral sa ganitong paraan matumbasan natin ang
sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang at guro maging ng pamahalaan.
Sa muli, Welcome sa aming Graduation Day at Magandang umaga sa lahat.

You might also like