Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 2

Learning Area: Filipino Module No. 7 Week: 7 Date: October 25-29,2021


MELCs:
 Nakasusulat ng parirala at pangungusap nang may wastong baybay, bantas at gamit ng malaki at
maliit na letra. F2KM-IIb-f-1.2
Layunin:
Nakasusulat ng parirala at pangungusap nang may wastong baybay, bantas at tamang gamit ng malaki at
maliit na letra.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
Ihanda ang inyong anak sa pamamagitan ng paghikayat sa kanya na siya ay mag-aaral gamit ang
modyul. Sa iyong paggabay higit na mauunawaan ang nilalaman ng aralin at mga sasagutang gawain.
Tandaan: Ihanda ang modyul, sagutang papel o mga batayang aklat na maaaring magamit ng inyong
anak upang matuto.
SUBUKIN
 Ihanda ang bata sa pagsagot ng paunang kaalaman tungkol sa wastong pagbasa at pagsulat ng wastong
bantas na makikita sa pahina 1-2 ng modyul.
Tandaan: Gabayan ang inyong anak sa pagbasa ng panuto at pagsagot sa pagsasanay.
 Matapos nilang masagutan ang mga tanong ipabasa sa bata ang panimulang aralin na makikita sa
pahina 2.
Tandaan: Magkaroon ng isang malayang talakayan sa mga bagay na nababasa sa paligid at ang
mensahe nito kung tama ba ang malaki at maliit na letra at bantas na ginamit.
BALIKAN
 Sa bahagi ng modyul sa pahina 2 ay may gawain na dapat sagutan upang maging malinaw ang
paggamit ng wastong bantas.
 Tandaan: Gabayan ang inyong anak sa pagbasa para maayos na masagutan ang pagsasanay.
TUKLASIN
 Isang kuwento na may pamagat na “Ang Pagsusulit ni Robi” ang babasahin ng inyong anak sa
pahina 3. Matapos ito ay sasagutin niya ang mga tanong ukol sa kuwentong binasa.
 Tandaan: Pagsubaybay sa mga mag-aaral habang nagbabasa at pagtatanong para sa paghahanda sa
pamprosesong pang-unawa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kailangang gabayan ang inyong anak sa kanyang pag-aaral kung paano madaling
mauunawaan ang gamit ng bantas sa binasang kuwento sa pahina 5.
Tandaan: Bigyan pansin ang mga halimbawa nito at suriin ang gamit ng tamang bantas sa mga
pangungusap.
PAGYAMANIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng inyong anak ang iba’t-ibang gawaing nakalaan sa kanya. Upang
mapalawak pa ang kasanayan ay sagutin ang mga pagsasanay at pagtatasa na matatagpuan sa pahina 7-
14.
Tandaan: Siguraduhin maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay. Sundin
nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat gawain.
ISAISIP
 Dito ay matutuhan mo ang konseptong gustong ipahatid ng aralin sa pahina 15 . Bigyan ng
makabuluhang kasagutan upang makumpleto ang hinihingi ng pahayag sa bahaging ito ng modyul.
Tandaan: Gabayan ang iyong anak sa pagbasa at sa pagbuo ng kaisipan.
ISAGAWA
 Sa gawaing ito, ay mapapaunlad mo pa ang iyong kaalaman at kasanayan. Gawin mo ang
pagsasanay tungkol sa paggamit ng malaki at maliit na letra na may tamang gamit ng bantas sa pahina
16.
Tandaan:. Gabayan ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
Sa pagtataya na ito ay lubos na masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa inihandang
pagsusulit sa pahina 17. Dito maipapakita ng mga bata ang kanilang natutuhan at maipamalas ang galing sa
pagsagot sa kanilang mga pagsasanay bilang pampagkatuto.

Tandaan: Paggabay sa mga bata sa pagsulat nang maayos at wastong gamit ng gamit ng bantas.

KARAGDAGANG GAWAIN
 Upang mahasa pa ang kakayahan ay kailangan mong gumawa ng pangungusap batay sa larawan na
makikita sa pahina 18 ng modyul. Gumamit ng wastong gamit ng malaki at maliit na letra at tamang
gamit ng bantas na iyong natutuhan sa aralin.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin ay buong pagmamalaki mong batiin ang kanyang nagawa at bilang
motibasyon ay mas lalo pa niyang mapagbuti sa susunod na aralin at pagpuri sa kanyang
pagsusumikap sa kanyang pag-aaral.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

PRUDENCIA G. MALLARI LEONILO M. PASCUAL, JR.


Guro I Principal III

You might also like