Mateo G5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pag-unawasa Paksa 

  MANGGA
Buksan ang mga link sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan sa bawat link.
1.GMA Regional TV (2018 Disyember28) Balitang Amianan: Ekta-EktaryangTaniman ng
Mangga, Pinipeste ng Kurikong[Video file]. mula sa https://www.youtube.com/watch?
v=hU1tmgNaka8

1.1 Ayon sa video,ano ang pumipinsala sa mga mangga sa Pangasinan? Paano nito
naapektuhan ang produksyon ng mangga sa lugar? 5pts.
Ang pumipinsala sa mangga sa Pangasinan ay ang mga Kurikong o Cecid fly.
Apektado ang produksiyon ng mangga dahil sa hindi na lumalaki ang bunga na
napapektuhan na ng kurikong.
1.2 Paano nila sinulusyunan ang nasabing suliranin sa mangga? 5pts.
Sinulusyunan nila ito sa pamamagitan ng pagbalot ng papel sa bawat bunga ng
mangga upang maprotektahan ang mga bunga.
1.3 Ano ang karagdagang gastos nila sa nasabing industriya? 5pts.

Ang karagdagang gastos nila ay ang pagbili ng papel na ipinambabalot sa bunga ng


mangga gayun din ang labor sa magsasagawa ng pagbabalot sa mga bunga.

2.GMA News. (2014, Hunyo 10). QRT: Kurikong sa mangga, problema sa taniman sa
Bulacan[Video file]. Mulasa https://www.youtube.com/watch?v=MZ0hee3o0mo

2.1.Bakit kailangan nila ng karagdagang pondo? Saan ito gagamitin?  5pts.

2.2. Bakit kailangang bawasan na ang paggamit ng pesticide sa mangga?


Kailangang bawasan ang paggamit ng pesticide sa mangga upang maiwasan
ang pagkaroon ng sakit sapagkat nalalagyan ng mga kemikal ang mangga na maaring
maging sanhi ng pagkasira ng mga mangga.

3.Balitang Unang Sigw (2019, Mayo 29).Mangga sa Espejo Farm sa Guimba, dambuhala na
matamis pa[Video file]. mula sa https://www.youtube.com/watch?v=YhQ6yAr-Xoo

3.1.Anong uri ng teknolohiya ang ginamit upang magkaroon ng pambihirang laki ng mangga na
umaabotsa 2 kilo bawat piraso? Talakayin.  5pts.
Ayon kay Ginoong Espejo, dumaan ito sa tissue culture at pinagsama ang
dalawang uri ng mangga sa pamamagitan ng double root stocks at ang kinalabasan
ay ang matamis at dambuhalang manggang na umaabot sa 2 kilo bawat piraso.
Isinaad din ni Ginoong Espejo na mayroon pa silang dalawang uri ng mangga na ito
ay ang Sweet Catimon at Sweet Mariposa na pinagsama ng tatlong variety o
tinatawag nilang triple root stocks, habang double root stacks naman sa Sweet
Catimon Mango.

3.2 Paano kumita si G. Espejo sa mga pananim o binhing mangga?


Ayon kay Ginoong Espejo ang mga pananim o binhi ay naglalaro mula sa
halagang 250 pesos hanggang sa 5000 pesos ang mga seedlings depende sa
generation, laki at variety nito.

4.Guimaras Wonders Farm (2019, Marso 19) The Mangoes of Guimaras[Video file].
Mulasahttps://www.youtube.com/watch?v=V4KN70U4-3M-proseso
1. Talakayin kung paano isinasagawa ang bawat proseso ng pag-aani ng mangga.  15pts.
1.1 Harvesting
Sa harvesting o pag-ani ng mangga ay inaakyat ng mga tao ang puno ng
mangga para makuha ito gumagamit din sila ng catching net o kahoy na may lambat sa
dulo upang ditto ilagay ang mga napitas na mangga. Gumagamit din sila ng buslo o
basket at ditto inilalagay ang mga mangga upang maiwasan na masira ang mga
mangga. Sa pagsusuri ng mangga ay tinitignan nila ito kung may sira o senyales ng
pagkabulok kung makikita ito sa mangga ay aalisin na ito. Pinipili nila ang mangga kung
ito ay nabibilang sa class A, class B, class C, at Class D ang mga mangga na may sira
na.
1.2.Packaging
Gumagamit ng papel upang ibalot ang bawas mangga upang maiwasan ang
pagkasira dito. Nakasalansan ito at organisadong nakalagay sa isang karton at lalagyan
ng maayos na selyo para maihanda na sa paghahatid sa pagbebentahang lugar.
1.3.Hot Water Treatment
Ang layunin ng hot water treatment ay para maiwasan ang pagkaroon ng itim na
batik sa mangga at amag. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang mga mangga
sa mga mikrobyo at ligtas na makain ng mga tao.
1.4.Drying
Maayos at sama-sama na inilagagay ang mga mangga sa lamesa upang
mapatuyo para maihanda na sa susunod na proseso. Kadalasang gumagamit ng
bentilador para mapabilis ang pagpapatuyo sa mga mangga.
1.5. Labeling
Sa paglalagay ng sticker sinnisigurado munang ito ay tuyo upang maiwasan ang
amag na maaring maging sanhi ng sakit. Pagkatapos lagyan ng sticker ay handa na ito
para maibenta.
Gawain 1
1. Magsaliksik/magtala ng mga produktong maaaring gawin mula sa hilaw at hinog na
mangga.Paghiwalayin sa 2 kolum.  10pts.

Hilaw na mangga Hinog na mangga


Mangga at sawsawang bagoong alamang Mango Mochi
Green Salted mango Mango Graham
Mango Lychee Smothie
Mango Float Freezer cake
Mango Sago

2. Magsaliksik hinggil sa benepisyong pangkalusugan ng mangga?Talakayin kung paano ito


nakakatulong sa katawan ng tao.10pts.

Ang mangga ay may mga benepisyong pangkalusugan na makakatulong sa atin


upang tayo ay manatiling malakas at malusog. Ito ay tumutulong sa ating resistensya
sapagkat ito ay mayaman sa beta-carotene na nagiging bitamina A na isang
mahalagang antioxidant na pumoprotekta sa ating katawan laban sa mga sakit.
Mayaman din sa fiber ang mangga kung kaya’t ito ay nakakatulong digestion ng ating
pagkain. Ito rin ay tumutulong sa ating mapalakas ang absorsyon ng bitamina K ng
calcium ng ating katawan para sa ating mga buto. Ang mangga rin ay tumutulong sa
atin upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mata dahil sa beta-carotene.
Mahalaga rin ang mangga sa ating mga kidney sa kadahilanang may taglay itong
katangiang diuretic na tumutulong upang mailabas nating maayos ang sobrang salt at
fluid na hindi kinakailangan sa ating mga katawan.

You might also like