Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ikalawang Yugto ng
Pananakop
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ikalawang Yugto ng Pananakop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine S. Anicete
Tagasuri: Angelica M. Burayag/ Virgilio L. Laggui, PhD
Mary Grace C. Bernardo/ Amabelle R. dela Merced
Raymond Villapane/ Rodel D. Lintag
Mary Jane P. Soriano

Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino/ Maesie T. Dela Pena


Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ikalawang Yugto ng Pananakop
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Mga Tala para sa Guro
Kailangan gumamit ng mga gabay na tanong upang maiugnay ang natapos na
aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito. Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga rubrik na gagamitin
sa pagmamarka sa ilang gawain.

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Leksyon 1 – Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga


Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo)
Leksyon 2 – Mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo)
Leksyon 3 – Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo)

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Naibibigay ang mga dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga


Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo);
 Naipaliliwanag ang mga paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng
mga Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo); at
 Nasusuri ang mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa ikalawang yugto (Ika-18−19 Siglo).

1
Subukin

Ngayon, subukin mong gamitin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng inyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin
ang mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa
iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay


command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng
pananakop ng Imperyong Roma. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng
isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitikal,
pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na
nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo
B. Kapitalismo
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo

2. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang


magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Mandate
D. Protectorate

3. Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa


pag-imbento ng mga bagong imbentong makinarya.
A. Kapitalismo
B. Merkantalimo
C. Rebolusyong Industriyal
D. Rebolusyong Teknikal

4. Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na


kumita.
A. Industriyalismo
B. Kapitalismo
C. Merkantilismo
D. Rebolusyong Industriyal

5. Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin


ang kanilang mga sakop na bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa
pananakop sa Asya.
A. Colony
B. Manifest Destiny
2
C. Nasyonalismo
D. White Man’s Burden

6. Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa


pananakop ng mga lupain MALIBAN sa isa.
A. Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan
B. Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay
na edukasyon
C. Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga
bansang Europeo
D. Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na
kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na bansa

7. Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin


ang kontinente ng Asya dala ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin
ang hindi kabilang.
A. Pangangailangan ng iba’t ibang uri ng likas na yaman
B. Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa
Europa
C. Pangangailangan ng mga bagong pabrika na pagtatayuan ng
pagawaan ng maraming produkto
D. Pagnanais ng mga Europeo na maibahagi ang kanilang mga
imbensyon at kaalaman sa teknolohiya sa mga Asyano

8. Ang sumusunod ay mga dahilang ipinahayag ng mga Kanluranin sa


pananakop ng mga lupain sa Asya mula sa akdang White Man’s Burden.
Piliin ang tunay na dahilan ng kanilang lihim na interes.
A. Upang maibahagi ang mga kaalamang natuklasan
B. Pangangailangan ng pamilihan ng mga yaring produktong
C. Makapanakop ng mga lupain upang magkaroon ng pandaigdigang
kapangyarihan at makalikom ng kayamanan
D. Pagpasan sa balikat ng mga Europeo sa mga Asyano na
kailangang tulungan upang umunlad ang kanilang kabuhayan at
kabihasnan

9. Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at


pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop. Hal.
England- India
A. Colony
B. Mandate System
C. Protectorate
D. Relihiyong Kristiyanismo

10. Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga


Kanluranin sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.
A. Naging laganap ang kahirapan at marami ang namatay
B. Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga
mananakop
C. Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang
sariling bansa sa kanilang sariling sistema
D. Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop
upang mapabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto

3
11. Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles
bilang wikang panturo sa mga paaralan ng India. Napilitan ang mga Indian
na gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong
implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian
B. Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian
C. Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian
D. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura

12. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop


ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo
ng kababaihan?
A. Naturuan sa larangan ng pamamahala
B. Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England
C. Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren
D. Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at
Female Infanticide

13. Bakit hindi nasakop ng mga Europeo ang rehiyon ng Kanlurang Asya sa
mahabang panahon?
A. Dahil malayo ito sa kanilang teritoryo
B. Dumami ang mga Kristiyano sa Kanlurang Asya
C. Dahil walang kayamanan na makukuha sa Kanlurang Asya
D. Dahil nagamit ng mga Turkong Muslim ang relihiyong Islam
upang mapag-isa ang mga Arabe

14. Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning


England at France noong 1914 sa pamamagitan ng isang tsarter o mandato
ng Liga ng mga Bansa. Ang mga bansang Europeo na nanalo noong Unang
Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga
natalong bansa. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang naging mandato
ng mga Europeo. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pakikialam ng mga
bansang Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya MALIBAN SA ISA.
A. Pagtatatag ng bansang Israel
B. Pagtuklas at paglinang ng langis
C. Pakikialam sa away ng Palestina at mga Hudyo
D. Naging mandato ng Great Britain ang Iraq, Palestina, West Bank,
Gaza Strip at Jordan
15. Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa
Asya?
A. Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo
B. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
C. Naging masunurin ang mga Asyano sa lahat ng mga naisin ng
mga Europeo
D. Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano
upang maibangon ang sariling bansa

Napakagaling mo! Kung naintindihan mo ang mga tanong at marami kang


nasagutan sa bahagi ng modyul na ito ay tiyak na maiintindihan mo ang
mga araling nakapaloob sa modyul na ito. Kung ikaw ay nakakuha ng
mababang marka ay dapat pagsumikapang intindihin nang mabuti ang mga
araling nakapaloob sa modyul na ito.

4
Aralin
Ikalawang Yugto Ng
1 Pananakop
Sa ikaapat na bahagi ng modyul na ito ay pag-aaralan natin ang Ikalawang
Yugto ng Pananakop (Ika-18−19 Siglo) at ang mga epekto ng pananakop ng mga
Kanluranin sa buhay ng mga Asyano. Sa unang aralin ay natalakay ang Unang
Yugto ng Pananakop sa Asya.

Balikan

Bago magpatuloy sa susunod na aralin ay ating balikang muli ang iyong


mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na


magtungo sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.
A. Krusada
B. Kapitalismo
C. Renaissance
D. Rebolusyong Industriyal

2. Bakit napilitang maghanap ng bagong rutang pangkalakalan ang mga


Europeo?
A. Naging kontrolado ng China ang rutang pang-kalakalan
B. Nagkaroon ng interes ang mga Europeo na marating ang Silangan
C. Ang Constantinople (bahagi ng Turkey) ay nagsilbing ruta ng
kalakalan mula Europa patungong India
D. Nakuha ng mga Turkong Muslim ang Constantinople at nakontrol
ang mga ruta ng kalakalan mula Europa papuntang silangan

3. Ang Krusada ay ang kilusang inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong


hari upang mabawi ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel mula sa mga
Turkong Muslim. Ang _____ naman ay nagpasimula sa Italya mula noong
1350. Ito ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling
Pagsilang o Rebirth”.
A. Humanidades
B. Merkantalismo
C. Principalia
D. Renaissance

5
4. Ito ang bansang nanguna sa paghahanap at paggalugad ng mga bagong ruta
at lupain sa ibang panig ng daigdig.
A. England
B. Spain
C. France
D. Portugal

5. Siya ang tinaguriang Discoverer ng Amerika.


A. Amerigo Vespucci
B. Christopher Columbus
C. Hernando Cortez
D. Vasco da Gama

6. Si Bartholomeu Diaz ay nakarating ng Cape of Good Hope sa dulo ng Aprika


noong 1488. Si _____ naman ay nakadaan sa baybayin ng Aprika at
nakarating sa dulo nito na tinawag na Cape of Good Hope at nakarating ng
India.
A. Amerigo Vespucci
B. Chrisropher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Vasco da Gama

7. Anong bansa sa Timog Asya ang hindi nasakop ng England?


A. Afghanistan
B. Bangladesh
C. Bhutan
D. India

8. Bakit hindi nagkaroon ng interes ang mga Kanluranin na sakupin ang


Kanlurang Asya sa unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin?
A. Mahirap pamahalaan ang rehiyon
B. Maraming disyerto at mainit sa rehiyon
C. Walang kayamanang makukuha sa rehiyon
D. Nasa ilalim ito ng malakas na pamumuno ng mga Turkong
Ottoman
9. Bakit nagkaroon ng interes ang England na sakupin ang India?
A. Dahil sa Kristiyanismo
B. Napakaraming likas na yaman ng India
C. Malapit ito sa kanyang mga sakop na teritoryo
D. Upang tulungan ang India na mapaunlad ang kabuhayan nito

10. Ang sumusunod ay naging resulta ng matagumpay na paggalugad at


pagtuklas ng mga bagong lupain ng mga Kanluranin MALIBAN sa isa.
A. Tuluyang pananakop ng mga lupain/teritoryo
B. Pagdagsa ng mga likas na yaman ng Asya sa Europa
C. Pamumuhunan ng mga Europeo para mas malaking kita
D. Alyansa sa pagitan ng mga bansang Kanluranin

6
Tuklasin

Sa parte ng modyul na ito ay matutuklasan mo na ang bagong aralin na


makatutulong sa pagpapalawak ng iyong kaalaman. Simulan mo na ang pagsagot
at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

Gawain A:

Makikita sa bawat bilang ang mga mahahalagang larawan. Sa ilalim nito ay mga
halo-letra na kumakatawan sa mga larawan. Ayusin ang mga halo-letra upang
maibigay ang tamang salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. ANIKAM 2.IPASAL

3. ITHWE SAMN NEDUBR 4. APOEUR

5. GOMIT AYSA

7
Gawain B: Pagkatapos mong mabuo ang mahahalagang salita sa naunang gawain,
inaanyayahan kita na sagutin ang gawaing ito. Dugtungan ng tamang sagot ang
sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Europa Pananakop Timog Asya


Makina (Industriyalisasyon) Kolonyalismong Kanluranin
Mamuhunan at yumaman Pasanin ng mga Kanluranin

1. Ang mga larawan sa ikaapat at ikalimang bilang ay nagpapakita sa


kontinente ng ______ at rehiyon ng _______.
2. Ang mga larawan sa unang bilang ay nagpapakita ng pag-unlad ng
tao sa Europa sa larangan ng ________.
3. Ang ikalawang larawan ay nagpapakita na kung marami ka nito
ikaw ay maaaring _________.
4. Ang larawan sa bilang pangatlo ay nagpapakita na ang mga Asyano
ay ___________.
5. Ang mga larawan ay nagpapakita ng imahe ng _______.

Gawain C : Basahin at unawaing mabuti ang tula. Dugtungan ng tamang sagot


ang bawat pahayag pagkatapos ng iyong makabuluhang pagbabasa at pag-unawa
sa tula. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Mithiin
ni Catherine S. Anicete

I
Lupain ng Asya lubhang katangi-tangi
Lupang tinubuan ng aming salinlahi
Likas yaman nito ay namumukod-tangi
Mithiin naming lagi itong manatili.

II
Ngunit ano itong nagbadyang pangyayari
Mga dayuhan sa Asya ay nawiwili
Yaman at kalayaan bantang masawi
Mga karapatan nais ding isantabi.

III
Ito na ang panahon na tumitindi
Pananakop sa Asya di naming mawari
Nasadlak sa hirap lupaing tinatangi
Luha at pighati di namin maikubli.

IV
Tanging mithiin sa bayan naming nasawi
Maibalik muli kinang ng aming lahi
Kalayaan at kapayapaan ay maghari
Maiwagayway muli watawat na natatangi.

8
1. Ang Asya ay pinakanatatangi dahil sa ________________.
2. Ang tanging mithiin ng mga Asyano ay_______________ at 3. _________________.
4. Ayon sa tula, ang mga lupain sa Asya ay ____________________________________.
5. Malinaw na ipinahahayag ng tula, ang paksang tatalakayin ay tungkol sa
___________.

Mga Pagpipilian:

likas na yaman kalayaan ay maghari

ninais kunin ng mga Europeo maibalik ang kinang ng kanilang lahi

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Gamitin ito bilang batayan sa pagsagot sa
mga gawaing inihanda para sa iyo.

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog


at Kanlurang Asya (Ika-18−19 Siglo)

-Ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala


ng mga sinakop at gagamitin ang mga likas na yaman ng
mga sinakop para sa kanilang mga sariling interes.
KOLONYALISMO -Kadalasan ang una nilang ginagawa ay
Ito ay nagmula sa makikipagkaibigan at makikipagkalakan upang
salitang Latin na maisakatuparan ang kanilang mga nais.
“colonus” na -Ang kanilang mga hangarin na gamitin,
nangangahulugang pagsamantalahan at pakinabangan nang lubusan ang
MAGSASAKA. likas na yaman ng kolonya ay maisasakatuparan kapag
nakuha na nila ang loob ng mga nasasakupan at
magtatatag ng pamahalaang kolonyal, magtatakda ng
paniningil ng buwis, at magsasagawa ng mga batas na
makabubuti sa mga mananakop.

-Ito ay nagsimulang gamitin sa panahon ng Imperyong Roma.


IMPERYALISMO -Ang ibig sabihin din ng salitang imperyalismo ay dominasyon
Ito ay nagmula sa
ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong
salitang Latin na
politikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng
“imperium” na isang maliit at mahinang nasyon-estado upang maging
nangangahulugang pandaigdigang makapangyarihan.
COMMAND. -Ang pagtatatag ng maraming kolonya ay ang naging daan
upang mapalawak ang kanilang nasasakupan at upang sila
ay makapagtatag ng imperyo.

9
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na lalong maghangad ng
Kolonya sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-18 hanggang 19 Siglo)

Nasyonalismong Europeo
Nais ng mga nasyon sa Europa na magkaroon ng malawak na
kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na mga bansa.

Rebolusyong Industriyal
Isang transisyunal na panahon (1760−1840) sa Europa at America na
nakatuon sa pagbabago sa mga proseso ng paggawa, mula sa pagbuo ng mga
produkto sa pamamagitan ng kamay papunta sa paggamit ng mga makinarya. Ang
Great Britain o England ang nagpasimula nito dahil sa reserbang uling at iron. Sa
maraming produktong ginagawa ng mga Kanluranin, nangailangan ng mga
pagawaan, hilaw na materyales, sa mga bansang sakop na libre lamang
makukuha.

Halimbawa ang mga sumusunod:


 Bulak at jute sa India
 Tin sa Timog Silangang Asya
 Rubber, copper at ginto mula sa
Aprika
 Naging tagapagluwas ng mga hilaw
na materyales ang mga bansang
sakop
 Mga prutas na sa Asya lamang
matatagpuan tulad ng saging,
melon at dalandan
 Nangailangan ang mga Europeo ng mga pabrika sa paggawa ng mga produkto,
bagsakan ng kanilang mga yaring produkto

Kapitalismo

Isang sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang


isang tao upang magkaroon ng tubo at interes. Dumami ang salaping
naipon ng mga Europeo dahil sa kalakalan sa Asya. Ginamit ang mga
salaping ito sa mga pananim at minahan sa mga kolonya para lalo itong
kumita.

White Man’s Burden


Ipinasailalim sa kaisipan ng mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga
Kanluraning bansa. Ang mga Kanluranin ay naniniwala na sila ay may tungkulin
na turuan at tulungan upang paunlarin ang kanilang nasasakupan. Ito ang
ginamit na katuwiran ng mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa Asya,
ang paghahangad na ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon, at
paniniwala sa iba pang mga bansa sa mundo. Pinapaniwala nila ang mga bansa sa
Asya at Africa na ang kanilang pamumuno ay magtuturo sa mga ito ng mga

10
makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang mga pamahalaan. Ang
tunay na layunin ay pagpapalawak ng kapangyarihan, teritoryo at pagpaparami ng
kayamanan.

Mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin sa Timog at


Kanlurang Asya sa Ikalawang Yugto (Ika 18-19 Siglo)

Kasunduan Tuwirang Pananakop


Binibili ang mga lupain Simpleng pananakop ng isang
mula sa dating lupain sa pamamagitan ng
mananakop. pwersang militar.

Mga Anyo sa Paraan na Ginamit ng mga Imperyalistang Kanluranin sa


Pagkontrol ng kanilang mga Teritoryo

Colony- kung saan ay Protectorate- may sariling


direktang kinokontrol at pamahalaan ngunit ang
pinamamahalaan ng mga patakaran at
imperyalistang bansa ang kautusan ay dinidikta ng
kanyang sakop na bansa. imperyalistang bansa lalo
Hal. Spain sa Pilipinas. na sa patakarang panlabas
Great Britain o England sa tulad ng ginawa ng
India, France sa dating America sa Pilipinas at
Indo-China. Great Britain o England sa
Hongkong.

Ang Mga British sa India

 Nakontrol ng Great Britain o England ang kalakalan sa India sa pagtatatag


ng British East India Company
 French East India Company- naging kakompetensya ng Great Britain o
England sa kalakalan ngunit hinadlangan ito ng mga British sa labanan sa
Plassey noong 1757 na kung saan natalo ang mga Pranses

Mga Patakarang Pinairal ng mga British sa India.


1.Pagbabawal sa Sati o Suttee- ang boluntaryong
pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw
ng bangkay ng asawa
2. Pinayagang mag-asawa ang mga babaeng Hindu
na balo
3. Pagbaba ng katayuan sa lipunan ng mga Brahman
4. Pagpataw ng buwis sa mga may-ari ng lupain

11
Rebelyong Sepoy - isang grupo ng mga kawal sa India o
kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsa upang tutulan ang
pagsisimula ng pag-impluwensya ng mga British sa
pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga
taga-India. Nangyari ito nang nabalitaan ng mga
sundalong Sepoy na Muslim at Hindu na ang taba ng
baboy at baka ay ginamit na panlinis sa sandata. Sa
paniniwala ng mga Muslim, ang taba ng baboy ay
marumi at ang taba ng baka para sa mga Hindu ay
sagrado. Para sa mga Muslim at Hindu, ang ginawa ng
mga Ingles ay malaking kalapastanganan sa kanilang
relihiyon. Nasupil ng pamahalaang Ingles ang rebelyon
pagkatapos ng ilang buwan.

Mga pagbabagong naganap sa India pagkatapos ng Rebelyong Sepoy

1. Tuwiran nang pinamahalaan ng Great Britain ang India. Noong 1877,


ganap nang itinalaga si Reyna Victoria bilang empress ng India
2. Ang mga maseselang posisyon ay nasa pamahalaang Ingles
3. Binigyan ng malaking pabor ang mga katutubong prinsipe na
makipagtulungan at ang ayaw makisama ay may kaparusahan
4. Pagkakaroon ng eksaminasyon sa mga nagnanais na mamasukan sa
pamahalaan
5. Pagpataw ng malaking buwis sa mga magsasaka
6. Upang lalong maisaayos ang interes sa kalakalan sa India, ipinasaayos
ang mga estadong may hidwaan
7. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan
8. Dinala ng mga Ingles ang makabagong teknolohiya
9. Upang mabilis na madala ang mga kalakal sa
pantalan, ipinagawa ang
mga daan, tulay at riles ng tren, mga pagawaan,
at sistema ng irigasyon
10. Nagpatayo ng mga hospital. Bago pa dumating
ang mga Ingles may sakit sa India na hindi
mahanapan ng lunas gaya ng tuberculosis,
bubonic plaque, malaria atbp
11. Nagpatayo ng mga paaralan. Ginamit ang
wikang Ingles bilang wikang
panturo sa paaralan
12. May mga Indian na pinadala at pinag-aral sa England
13. Pinaunlad ang agrikultura
14. Sapilitang pinagtanim ang mga magsasaka ng mga produktong
kakailanganin ng England para sa kanyang pag-unlad
15. Pagtatangi ng lahi

Kanlurang Asya

Ang sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya ay dumaan sa maraming


pananakop. Ang malakas na imperyong sumakop rito ay ang mga Turkong

12
Ottoman na nagmula sa Turkey. Naghari ito ng maraming siglo, ang relihiyong
Islam ay kanila ring ginamit upang lalong magkaisa ang mga Arabe.

Nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig, kumampi ang Kanlurang


Asya sa Pwersang Alyado sa buong pag-aakala na sila ay lalaya. Ang naisin ay
napalitan na naman ng panibagong patakaran na pinatupad ng Liga ng mga
Bansa.
Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga kanluraning
England at France noong 1914 ng isang tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa.
Ang mga Europeong nanalo sa Unang Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato
ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa. Ang Iraq, Palestine, West Bank, Gaza
Strip at Jordan ang mandato ng Great Britain. Ang mandato ng France ay ang
Syria at Lebanon. Ang sistemang mandato ay nangangahulugang pansamantala
silang sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang
makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan.

Sa isyung politikal at sosyal, nakialam ang mga Kanluranin sa suliranin sa


pagitan ng Palestine at mga Hudyo. Sinuportahan ng mga Kanluranin ang mga
Hudyo na magkaroon ng bahaging titirhan sa Palestine.

Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Ekonomiya

1. Pagkakaroon ng mga pamilihan na pinaglagyan ng mga


produktong galing sa mga bansang mananakop
2. Pinagkuhanan ng mga hilaw na materyales sa pagyari ng
kanilang mga produkto
3. Paglalagay ng mga pabrika sa mga bansang sakop sa paggawa ng
mga produkto mula sa mga hilaw na materyales
4. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti-
unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan
5. Malaking pakinabang at kita ang napunta sa mga Europeong
bansa
6. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga
mananakop upang maging mabilis ang pagdadala at pagluluwas
ng mga produkto
7. Nagkaroon ng mga Asyanong naging mangangalakal o Middle
Men. Sila ay umunlad sa buhay at naging tagapagtaguyod ng
mga batas na nagpatibay sa kolonisasyon

Politika
1. Nagtatag ang mga mananakop ng sentralisadong pamamahala,
ngunit ang mataas na posisyon ay sa mga mananakop at
mababang posisyon sa katutubo
2. Naalis sa kolonya ang karapatan na pamahalaan ang sariling
bansa
3. Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng
bawat bansa

13
Sosyo-Kultural

1. Nagkaroon ng bagong paniniwala, pilosopiya at relihiyon sa


mga bansang sakop
2. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at
kanluranin upang makuha ang katapatan ng kolonya
3. Ang kaugalian ay nahaluan at ang istilo ng pamumuhay ay
ginaya
4. Nagpatayo sila ng mga paaralan para sa maykaya lamang at
may mga Asyanong nakapag-aral sa Europa
5. Nagkaroon sila ng mga liberal na kaisipan na nakatulong sa
pagpukaw ng damdaming Nasyonalismo sa mga Asyano

Gawain:

Panuto: Makikita sa ibaba ang VENN DIAGRAM. Gamit ang teknik na ito, ibigay
ang pagkakapareho at pagkakaiba ng Imperyalismo at Kolonyalismo. Isang
pangungusap lamang sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

2. Imperyalismo 3. Kolonyalismo

1.
Pagkakapareho

14
Gawain:

Panuto: Basahin mo ang teksto tungkol sa mga dahilan ng mga Kanluranin sa


pananakop ng mga lupain. Pagkatapos ay punan mo ang tsart sa pamamagitan ng
pagsulat sa pangatlong hanay kung ano ang tinutukoy sa larawan sa bawat bilang.
Gawin mong gabay sa pagsagot ang mga paglalarawan na nasa pangalawang
hanay. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Paglalarawan Sagot
Panahon sa Europa na kung saan ang 1.
gawaing manwal ay napalitan ng pag-imbento ng
mga makinarya upang mapadali ang paggawa ng
mga produkto.Ang bansang nagpasimula nito ay
ang Great Britain dahil sa kanyang reserbang
uling.
Isang Sistema kung saan gagamitin ang 2.
naipong salapi upang mamuhunan at kumita ng
mas malaki.
Kaisipan na ang mga Asyano ay pabigat at 3.
pasanin sa balikat ng mga Europeo. May
tungkulin ang mga Europeo na ibahagi ang
kanilang superyor na kultura sa mga Asyano.
Pagkakaroon ng malawak na
kapangyarihan upang labanan ang kanilang 4.
mga karibal na bansa.

Gawain:
Panuto: Gamit ang tsart, suriin ang tunay na dahilan ng mga Kanluranin sa
kanilang pananakop sa Asya. Makikita sa hanay A ang salitang tinutukoy. Sa
hanay B ay mga dahilan ng pananakop. Piliin ang letra na kumakatawan sa tunay
na dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop sa Asya. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
Salita Dahilan ng Pananakop
A. Nais ng mga Europeo na ipakita sa ibang bansa
ang kanilang pagkakaisa at at pagmamahal sa
kanilang nasyon
A. Nasyonalismong B. Magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang
Europeo
malabanan ang kanilang karibal na bansa
C. Tulungan ang mga Asyano na makamtan ang
pagkakaisa sa kanilang sariling bansa

15
A. Pagnanais sa mga hilaw na materyales ng Asya na
kailangan sa paggawa ng mga produkto
B. Matulungan ang mga Asyano na magkaroon ng
B. Rebolusyong malaking kita sa pagbili ng mga produktong
Industriyal
Europeo
C. Maituro sa mga Asyano ang paggawa ng mga
bagong imbentong makinarya
A. Mamuhunan sa mga sakop na bansa upang
matulungan silang umangat ang kanilang
kabuhayan
C. Kapitalismo
B. Mamuhunan upang higit na kumita at yumaman
C. Tulungan ang mga Asyano sa larangan ng
pagnenegosyo

A. Tulungan ang mga Asyano na umunlad ang


kaalaman
B. Tulungan ang mga Asyano sa makabagong
D. White Man’s pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang
Burden
pamahalaan
C. Pagpapalawak ng teritoryo, kapangyarihan at
kayamanan

Gawain:
Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay nagpapaliwanag sa mga paraan at
patakarang ginamit ng mga Europeo sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya (Ika-18−19 Siglo). Piliin ang pahayag na hindi kabilang. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paraang Colony
A. Sa paraang ito tuwiran o direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng
imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa
B. Sa paraang ito, may sariling pamahalaan ang bansa ngunit ang mga
patakaran at kautusan ay dinedeklara ng imperyalistang bansa
C. Ang halimbawa ng paraang Colony ay gaya ng ginawa ng Spain sa
Pilipinas, Great Britain sa India

2. Paraang protectorate
-Pansamantalang sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin ang isang
bansa habang sila ay tinutulungang makapagsarili
-Sa paraang ito, may sariling pamahalaan ang bansa ngunit ang mga
patakaran at kautusan ay dinidikta ng imperyalistang bansa
- Ang ginawa ng Estados Unidos sa Pilipinas, Great Britain sa Hongkong,
at Portugal sa Macau ay halimbawa ng paraang Protectorate

16
3. Paraan ng kasunduan
-Ang imperyalistang bansa ay makikipagkaibigan sa mahinang bansa
-Ang imperyalistang bansa ay makikipagkasundo sa dating bansa na
may sakop nito
-Kasama sa kasunduan ang pagbili ng mga lupain mula sa dating
sumakop nito

4. Patakarang British sa India


-Ang Sati o Suttee ay ang boluntaryong pagsunog sa katawan ng
asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng asawa. Ito ay mahigpit na
tinutulan ng mga Ingles
-Hinayaang mag-asawa ang mga balong babaeng Hindu
-Ang pagkakaroon ng Digmaang Sepoy

5. Pagbabagong Politikal ng pamahalaang Ingles sa India.


-Ang maseselang posisyon ay nasa kamay ng mga Ingles
-Itinalaga si Reyna Victoria bilang empress ng India
-Hinayaan ng Great Britain o England na pamahalaan ng India ang
kanyang bansa sa ilalim ng kanyang pamamatnubay
6. Sistemang Mandato
-Ang ilang bansa sa Kanlurang Asya ay pansamantalang napasailalim
sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang
makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan
-Pagkuha ng Great Britain sa lupa ng Palestina para sa mga Hudyo
-Ang mga bansang napasailalim sa sistemang mandato ng Great Britain
ay Iraq, Palestine, at Jordan. Sa France naman ay ang Syria at Lebanon
7. Patakaran sa Kanlurang Asya
-Ang Kanlurang Asya ay napasailalim sa sistemang mandato ng mga
bansang nanalo sa Unang Digmaang Pandaigdig
-Pinamahalaan ng Great Britain at France ang ilan sa mga bansa sa
Kanlurang Asya sa ilalim ng sistemang mandato
-Ang Kanlurang Asya ay pinalaya pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig
8. Panghihimasok ng mga Kanluranin sa usaping politikal at
sosyal ng Kanlurang Asya
-Sinuportahan ng mga Kanluranin ang mga Hudyo na magkaroon ng
lupaing matitirhan sa Palestine
-Naging interesado ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya dahil sa
pagkakatuklas sa langis
-Naging kakampi ng mga Hudyo ang mga bansang Kanluranin
9. Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Asya sa
Larangan ng Sosyo-Kultural
-Nagkaroon ng bagong paniniwala, pilosopiya at relihiyon sa mga
bansang sakop
-Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at kanluranin
upang makuha ang katapatan ng kolonya
-Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo
ng bawat bansa

17
10. Mga Epekto sa kabuhayan ng mga Indian na pinairal ng mga
taga-Kanluranin
- Pagkakaroon ng mga pamilihan na pinaglagyan ng mga produktong
galing sa mga bansang mananakop
- Paglalagay ng mga pabrika sa mga bansang sakop sa paggawa ng
mga produkto mula sa mga hilaw na materyales
- Naalis sa kolonya ang karapatan na pamahalaan ang sariling bansa

Gawain:

Panuto: Isulat ang MABUTI, kung ang patakaran ng Great Britain ay nakabuti sa
India at sa mga bansa . Isulat ang DI-MABUTI kung ang patakaran ay nakasama
at hindi nakatulong sa mga Indian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pagpataw ng malaking buwis sa mga magsasaka


2. Upang mabilis na madala ang mga kalakal sa pantalan, ipinagawa ang
mga daan, tulay at riles ng tren, mga pagawaan, at sistema ng irigasyon
3. Sapilitang pinagtanim ang mga magsasaka ng mga produktong
kakailanganin ng England para sa kanyang pag-unlad
4. Nagpatayo ng mga hospital. Bago pa dumating ang mga Ingles may sakit
sa India na hindi mahanapan ng lunas gaya ng tuberculosis, bubonic
plaque, malaria atbp
5. Pagtatangi ng lahi
6. Nagpatayo ng mga paaralan. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang
panturo sa paaralan
7. Tuwiran nang pinamahalaan ng Great Britain ang India. Noong 1877,
ganap nang itinalaga si Reyna Victoria bilang empress ng india
8. Ang mga maseselang posiyon ay nasa pamahalaang Ingles
9. Pinaunlad ang agrikultura
10. Ipinagkait sa mga Indian ang kakayahang makapagsarili
Gawain:
Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag na nagpapakita sa mga epekto ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Isulat ang E kung ito ay sa Ekonomiya, P
kung Politikal, S/K kung ito ay sosyo-kultural. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa


2. Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga Kanluranin
3. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon
4. Nagkaroon ng liberal na mga kaisipan
5. Nagpatayo ng mga paaralan
6. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
7. Nailipat sa mga Kanluranin ang mga kayamanan sa Asya na dapat ay
pakinabangan ng mga Asyano
8. Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat
bansa
9. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan
10. Pagpapairal ng wikang Kanluranin bilang wikang panturo

18
Gawain:
Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag. Iguhit ang HAPPY FACE (☺) kung
mabuti ang epekto at SAD FACE () kung di mabuti ang epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan. Ang mataas na posisyon ay para


sa mga Europeo lamang
2. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada
3. Naalis sa kolonya ang karapatan na pamahalaan ang sariling bansa
4. Nagkaroon ng mga liberal na kaisipan na nakatulong sa pagpukaw ng
damdaming Nasyonalismo sa mga Asyano
5. Ang mga kaugalian ay nahaluan at ang istilo ng pamumuhay ay ginaya
6. Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat
bansa
7. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
8. Nagpatayo ng mga hospital, paaralan at simbahan
9. Pagpapairal ng mga wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga
paaralan
10. Naging napakalakas ng pagtatangi ng lahi

Pagyamanin

Matapos mong masuri ang mga dahilan ng Ikalawang Yugto ng


Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-18−19 Siglo) at ang
epekto ng pananakop sa buhay ng mga Asyano, ngayon ay masusubok at
masusukat naman ang iyong kahusayan sa pagpapayaman ng iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain o katanungan.
Gawain:
Panuto: Hanapin sa kahon at bilugan ang salitang tinutukoy ng bawat pahayag.
Isulat din ang nahanap na salita sa patlang bago ang bilang at isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

__________________1. Pagmamahal sa bansa ng mga Europeo na ipinakikita sa


pamamagitan ng paghahangad na maging makapangyarihan
ang bansa upang malabanan ang mga karibal na bansa nito
sa
Europa.
__________________2. Pamumuhunan ng mga Europeo sa mga taniman at minahan
sa Asya upang kumita nang malaki.
__________________3. Isinulat ni Rudyard Kipling na nagsasabing may katungkulan
ang mga Kanluranin na sakupin ang Asya upang turuan sa
tamang pamamahala, edukasyon at sibilisasyon.
__________________4. Panahon sa Europa na nagkaroon ng malawakang pagpapalit
ng makina sa mga manggagawa sa mga pabrika.

19
__________________5. Bansa kung saan nagsimula ang Rebolusyong Industriyal
noong ika-18 siglo.
__________________6. Anyo ng pananakop na direktang pinamamahalaan ng
mananakop ang sinakop.
__________________7. Anyo ng pananakop na may sariling pamahalaan ang sinakop
ngunit ang mga kautusan at patakaran ay nanggagaling sa
imperyalistang bansa.
__________________8. Mula sa Asya na kailangan ng mga Kanluranin upang
makagawa ng yaring produkto.
__________________9. Bansang naging protectorate ng Estados Unidos sa Asya.
__________________10. Tawag sa pinagsamang kolonya ng France sa Timog-
Silangang Asya.

Isaisip

Kahanga-hanga! Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na inihanda


upang masukat ang iyong kaalaman sa araling ito. Sa parte ng modyul na ito,
sagutan mo ang mga nakahandang tanong upang lalo pang mahasa ang iyong
kaalaman at kung lubusan mo nang naintindihan ang mga aralin na nakapaloob
sa modyul na ito.

Gawain:
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Ayusin ang mga halong letra na
kumakatawan sa konseptong ipinaliliwanag ng bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1.OMSILAYNOLOK_-__Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga


sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes

2.OMSILAYREPMI_-__ Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang


makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampolitikal,
pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado
upang maging pandaigdigang makapangyarihan
20
3.GNOMSILANOYSAN OEPORUE_-__Pagkakaroon ng malawak na kapangyarihan
upang labanan ang kanilang mga karibal na bansa

4ETIHW SNAM NEDRUB _-__Kaisipan na ang mga Asyano ay pabigat at


pasanin sa balikat ng mga Europeo. May tungkulin ang mga Europeo na ibahagi
ang kanilang superyor na kultura sa mga Asyano

5.OMSILATIPAK__-_ Isang sistema kung saan gagamitin ang naipong salapi upang
mamuhunan at kumita ng mas malaki

6.GNOYSULOBER LAYIRTSUDNI__-__ Panahon sa Europa na kung saan ang


gawaing manwal ay napalitan ng pag-imbento ng mga makinarya upang mapadali
ang paggawa ng mga produkto. Ang bansang nagpasimula nito ay ang Great
Britain dahil sa kanyang reserbang uling at iron

7.YNOLOC__-_ Sa paraang ito, tuwiran o direktang kinokontrol at


pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa

8.ETAROTCETORP_-__ Sa paraang ito, may sariling pamahalaan ang bansa ngunit


ang mga patakaran at kautusan ay dinidikta ng imperyalistang bansa

9.OTADNAM_-__Ang ilang bansa sa Kanlurang Asya ay pansamantalang


napasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang
makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan

10.GNARULNAK AYSA_-_Ang rehiyong ito ay hindi agad nakuha ng mga


kanluranin dahil sa malakas at matibay na pamamahala ng mg Turkong Ottoman

Gawain:
Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto, kahulugan/dahilan sa bawat
kolum. Sa hanay A ay makikita ang konsepto. Sa hanay B ay ang
kahulugan/dahilan. Sa hanay C, piliin ang titik na kumakatawan sa naging epekto
nito sa mga Asyano o sa kontinente ng Asya sa kabuoan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B Hanay C


Konsepto Kahulugan/Dahilan Epekto
A. Nalinang ang mga likas na
yaman ng mga Asyano
B. Pagsasamantala, pagkasira at
Nagnais ang mga Europeo
pagkaubos ng mga natural na
1. Rebolusyong ng mga hilaw na
kayamanan ng mga bansang
Industriyal materyales sa paggawa ng
Asyano
kanilang mga produkto
C. Yumaman ang mga Asyano sa
pagbili ng kanilang mga hilaw
na materyales
Namuhunan ang mga A. Yumaman ang mga Asyano
2. Kapitalismo Europeo sa mga bansang dahil sa kalakalan
Asyano B. Nalinang ang kalakalan sa

21
mga bansang sakop
C. Ang kayamanan na dapat
mapunta sa mga Asyano ay
pinakinabangan nang husto
ng mga Europeo
A. Naging instrumento sa
Tungkulin ng mga pananakop
3.White Man’s Europeo na tulungan ang B. Naging magkaibigan ang
Burden mga Asyano na umunlad dalawang kontinente
ang kanilang kabihasnan C. Umunlad ang buhay ng mga
Asyano dahil sa mga Europeo
A. Nabahiran ng impluwensyang
Ingles ang mga aspeto ng
Nagpairal ng patakarang buhay ng India
4. Ang mga
pampulitika, pang- B. Pinalaya ang India pagkatapos
British sa India
ekonomiya, at panlipunan ng rebelyong Sepoy
C. Pagpataw ng buwis sa mga
may-ari ng lupain
Pansamantalang
A. Naging Kristiyano ang mga
pamamahalaan ng
bansang Arabe
5. Sistemang malakas na bansa ang
B. Nalinang ang industriya ng
Mandato sa mahinang bansa sa ilalim
langis sa Kanlurang Asya
Kanlurang Asya ng kanyang mandato
C. Dahil walang kayamanang
habang naghahanda sa
makukuha sa Kanlurang Asya
pagsasarili
A. Nabigyan ng mataas na
posisyon ang mga Indian
Nagkaroon ng B. Hinayaang makapag aral ang
6. Sistemang
sentralisadong mga Indian sa Europa
Politikal
pamahalaan sa India C. Nawalan ng karapatan ang
India na pamahalaan ang
sariling bansa
Nagpatupad ng mga A. Paggaya sa mga gawi ng mga
patakaran upang lalong Kanluranin
7. Sistemang lumago ang kalakalan at B. Kahirapan sa mga masang
Ekonomiya makagawa ng mga Indian
produkto para sa C. Umunlad ang India dahil sa
pandaigdigang pamilihan kalakalan
A. Umunlad ang kaisipang
liberal sa mga bansang
Asyano
8. Sistemang Nagpatayo ng mga
B. Naigaya ang mga gawi, ugali
Kultural paaralan at simbahan
at pagpapahalaga ng mga
Asyano sa mga kanluranin
C. Lahat ay tama

22
Isagawa

Ngayon ay natuklasan mo na ang mga dahilan ng mga Europeo sa


Ikalawang Yugto ng pananakop at ang naging epekto nito sa buhay ng mga
Asyano. Bilang pangwakas na gawain, sagutin ang sumusunod:

Gawain: Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa pananakop ng mga Kanluraning bansa


sa ating kontinente. Nakita mo kung gaano kahalaga ang magkaroon ng sariling
bansa, at pagkakakilanlan. Nakita mo rin kung gaano kahirap ang mawalan ng
kalayaan at karapatan sa iyong sariling bansa. Ngayon ay inaanyayahan kitang
sumulat ng limang pangungusap kung ano ang magagawa mo bilang mag-aaral
upang manatiling malaya, maayos at payapa ang ating bansang Pilipinas. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________

Gawain: Ang Edukasyon ay isa sa pinakamahahalagang ambag ng mga British sa


India. Ang pangunahing mithiin din ng ating bansa ay magkaroon ng
makabuluhang Edukasyon ang mga mag-aaral. Ngunit tayo ngayon ay sinakop
hindi lang ng mga kalabang bansa kundi ng isang pandemya. Sumulat ka ngayon
ng limang hakbangin kung paano mo maipagpapatuloy ang iyong pag-aaral nang
mabuti sa gitna ng pandemya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Batang pumapanhik sa hagdan.
Halimbawa:

23
Gawain: Hatiin ang iyong long bond paper sa tatlong kolum. Gumuhit ng tatlong
larawan na kumakatawan sa KALAYAAN, KARAPATAN AT PAGKAKAPANTAY–
PANTAY. Lagyan ng kulay ang iyong guhit. Maaari rin namang sketch mula sa
lapis. Sundin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pag-gawa ng iyong guhit. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

KALAYAAN KARAPATAN PAGKAKAPANTAY -


PANTAY

Rubriks sa pagguhit ng larawan:

Pamantayan 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos


Nakaguhit ng Nakaguhit Nakaguhit ng
Naiguhit na 3 larawan ng 2 larawan 1 larawan Nakaguhit ng
larawan ayon sa ayon sa ayon sa larawan
itinakda itinakda itinakda
Lubos na
Hindi gaanong Walang
nagpamalas Naging
Pagkamalikh naging ipinamalas na
ng malikhain sa
ain malikhain sa pagkamalikhai
malikhaing paggawa
paggawa n sa paggawa
paggawa
Konsistent,
Hindi ganap
May may
Buo ang ang
kaisahan, kaisahan,
kaisipan, pagkakabuo,
Organisasyo may sapat kulang sa
kumpleto ang kulang ang
n na detalye at detalye hindi
detalye at detalye at
malinaw na gaanong
napakalinaw hindi malinaw
intensyon malinaw ang
ang intensyon
intensyon
Hindi gaanong Hindi
May
Kaisahan ng Mahusay ang naipakita ang naipakita ang
kaisahan sa
mensahe sa pagkabuo ng kaisahan ng kaisahan ng
pagsulat ng
guhit ng mensahe sa mensahe sa mensahe sa
mensahe ng
larawan larawan guhit ng guhit ng
larawan
larawan larawan

May
Hindi gaanong
Mahusay at kaayusan Hindi maayos
maayos at
Kaayusan at malinis ang ngunit hindi at hindi
hindi gaanong
kalinisan sa pagkaguhit gaanong malinis ang
malinis ang
pagguhit ng mga malinis ang pagkaguhit ng
pagkaguhit ng
larawan pagguhit ng mga larawan
larawan
larawan
Kabuoan 20 puntos

24
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-


estado sa aspetong pampolitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay
ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
A. Imperyalismo
B. Kapitalismo
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo

2. Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa pag-


imbento ng mga bagong makinarya.
A. Kapitalismo
B. Mekatilismo
C. Rebolusyong Industriyal
D. Rebolusyong Teknikal

3. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang


magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Mandato
D. Protectorate

4. Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at


pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop. Hal. England-
India.
A. Colony
B. Imperyalismo
C. Protectorate
D. Relihiyong Kristiyanismo

5. Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang


kanilang mga sakop na bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa
pananakop sa Asya.
A. Manifest Destiny
B. Nasyonalismo
C. Protectorate
D. White Man’s Burden

25
6. Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na
kumita at yumaman.
A. Industriyalismo
B. Kapitalismo
C. Merkantilismo
D. Rebolusyong Industriyal
7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga
lupain MALIBAN sa isa.
A. Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan
B. Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na
edukasyon
C. Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga
bansang Europeo
D. Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan
upang labanan ang mga karibal na bansa
8. Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin
ang kontinente ng Asya dala ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin ang
hindi kabilang.
A. Upang maibahagi ang mga kaalamang natuklasan
B. Pangangailangan ng pamilihan ng mga produktong yari
C. Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa
Europa
D. Pangangailangan ng hilaw na materyales para sa paggawa ng
kanilang produkto
9. Ang sumusunod ay mga dahilang ipinahayag ng mga Kanluranin sa pananakop
ng mga lupain sa Asya mula sa akdang White Man’s Burden. Piliin ang
tunay na dahilan ng kanilang lihim na interes.
A. Pangangailangan ng pamilihan ng mga produktong yari
B. Pagnanais na ibahagi ng mga Europeo ang kanilang superyor at
maunlad na kabihasnan sa mga Asyano
C. Makapanakop ng mga lupain upang magkaroon ng pandaigdigang
kapangyarihan makalikom ng kayamanan
D. Pagpasan sa balikat ng mga Europeo sa mga Asyano na kailangang
tulungan upang umunlad ang kanilang kabuhayan at kabihasnan
10. Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa
Asya?
A. Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo
B. Nanakop din ng mga lupain ang mga Asyano
C. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
D. Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang
maibangon ang sariling bansa
11. Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles
bilang wikang panturo sa mga paaralan ng India. Napilitan ang mga Indian na
gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong implikasyon ang
mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian
B. Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian
C. Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian
D. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura

26
12. Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga Kanluranin
sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.
A. Ang mga estilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga Kanluranin
B. Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga
mananakop
C. Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang sariling
bansa sa kanilang sariling sistema
D. Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop
upang mapabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto

13. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng


mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo na sa
kababaihan?
A. Marami sa mga Indian ang pinag-aral sa England
B. Hinayaang makaboto ang mga kababaihang Indian
C. Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren
D. Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at
Female Infanticide

14. Bakit hindi nasakop ng mga Europeo ang rehiyon ng Kanlurang Asya sa
mahabang panahon?
A. Dahil malayo ito sa kanilang teritoryo
B. Dumami ang mga Kristiyano sa Kanlurang Asya
C. Dahil walang kayamanan na makukuha sa Kanlurang Asya
D. Dahil ito ay nasa ilalim ng malakas na pamamahala ng mga Turkong
Ottoman

15. Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning


England at France noong 1914 sa pamamagitan ng isang tsarter o mandato
ng Liga ng mga Bansa. Ang mga Bansang Europeo na nanalo noong Unang
Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga natalong
bansa. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang naging mandato ng mga
Europeo. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pakikialam ng mga bansang
Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya MALIBAN sa isa.
A. Pagtuklas at paglinang ng langis
B. Pakikialam sa away ng Palestina at mga Hudyo
C. Pagpapalaya sa mga bansang nakipagtulungan sa paglinang ng
Langis
D. Naging mandato ng Great Britain ang Iraq, Palestina, West Bank, Gaza
Strip at Jordan

27
Karagdagang Gawain

Gawain: Panuto: Buoin ang mga salita na tinutukoy ng bawat tanong/pahayag.


Gamiting gabay ang mga bilang na kumakatawan sa ating English Alphabet. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:

A B C D E F G H I J K L M N
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
O P Q R S T U V W X Y Z
15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

HALIMBAWA:
S P I C E S
19 16 9 3 5 19

1. Bansang nanguna sa Rebolusyong Industriyal sa Europa.

7 18 5 1 20 2 18 9 20 1 9 14

2. Pangunahing ninais ng mga Kanluranin sa Asya.

8 9 12 1 23 14 1 13 1 20 5 19 25 1 12 5 19

3. Bansang nasakop ng Great Britain sa mahabang panahon.

9 14 4 9 1

4. Rehiyon sa Asya na naging mandato ng Great Britain at France noong 1914.

11 1 14 12 21 18 1 14 7 1 19 25 1

5. Ang mga Hudyo ay tinulungan ng mga Europeo na magkaroon ng lupaing


matitirhan sa bahagi ng lupain ng _______.

16 1 12 5 19 20 9 14 5

28
Gawain:

Suriin mong mabuti ang bawat paghahambing. Piliin ang sagot sa kahon
upang mabuo ang tinutukoy. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian: 1. Europa-Asya


Great Britain - ________

 Edukasyon 2. Colony- India


Protectorate - __________
 Hongkong o Macau
 Kolonyalismo/ 3. Imbensyong makinarya-
industriyalisasyon/teknolohiya
Pananakop
Paaralan at Unibersidad - __________
 India
 Mandato o Mandate 4. Great Britain- India
Great Britain at France - ___________

5. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin-


Paggalugad at Pagtuklas ng mga
bagong
Lupain Ikalawang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
- ________________________

29
30
Suriin Tuklasin Tuklasin
Gawain:
Gawain: Gawain:
Pagkakapareho: 1. Likas na Yaman 1. Europa at
2. Maibalik ang Timog Asya
1. Panghihimasok at
kinang ng kanilang 2. Makina
pagkontrol ng
lahi (Industriyalisa
malakas na bansa
3. Kalayaan ay syon
sa isang mahina
maghari 3. Mamuhunan
na bansa.
4. Ninais kunin ng at yumaman
Pagkakaiba:
mga Europeo 4. Pasanin ng
2. Imperyalismo
5. Ikalawang mga
- Panghihimasok at
Yugto ng Kanluranin
Pagkontrol
Kolonyalismo at 5. Pananakop
3. Kolonyalismo
Imperyalismo
- Pananakop
sa Timog at
Kanlurang Asya
(18-19 Siglo)
Tuklasin Balikan Subukin
Gawain: 1. B 1. A
2. D 2. B
1. MAKINA 3. D 3. C
2. SALAPI 4. D 4. B
3. WHITE MAN’S 5. B 5. D
BURDEN 6. D 6. B
4. EUROPA 7. C 7. D
5. TIMOG ASYA 8. D 8. C
9. B 9. A
10.D 10.D
11.D
12.D
13.D
14.A
15.D
Susi sa Pagwawasto
31
Suriin Suriin Suriin
Gawain: Gawain: Gawain:
1. SAD 1. P
2. HAPPY 2. SK 1. DM
3. SAD 3. E 2. M
4. HAPPY 4. SK 3. DM
5. SAD 5. SK 4. M
6. HAPPY 6. SK 5. DM
7. HAPPY 7. E 6. M
8. HAPPY 8. P 7. DM
9. HAPPY 9. P 8. DM
10.SAD 10.SK 9. M
10.DM
Suriin Suriin Suriin
Gawain: Gawain: Gawain:
1. B 1. B 1. Rebolusyong
2. A 2. A Industriyal
3. A 3. B 2. Kapitalismo
4. C 4. C 3. White Man’s
5. C Burden
6. B 4. Nasyonalismong
7. C Europeo
8. B
9. C
10.C
32
Isagawa Isagawa Isagawa
Gawain: Gawain: Gawain:
Rubriks sa pagguhit 1. Sumunod sa mga 1. Mag-aral ng
ng larawan. alituntunin ng mabuti.
paaralan. 2. Sumunod sa batas
2. Basahin ng maayos at alituntunin.
ang module at 3. Maging mabuting
unawain ito upang halimbawa sa
matuto. pagmamahal sa
3. Sagutin ng maayos kapwa at bayan.
ang module. 4. Makipagtulungan
4. Magpatulong sa sa mga gawaing
guro at magulang pang komunidad.
kung mayroong 5. Maging disiplinado
hindi at magkaroon ng
naiintindihan. tamang kilos,
5. Magbase at pananalita lalo sa
manuod ng video harap ng ibang tao
na may kinalaman at sa social media.
sa pinag-aaralan
upang higit na
matuto.
Isaisip Isaisip Pagyamanin
Gawain: Gawain: Gawain:
1. B 1. Kolonyalismo 1. Nasyonalismong
2. C 2. Imperyalismo Europeo
3. A 3. Nasyonalismong 2. Kapitalismo
4. A Europeo 3. White Man’s
5. B 4. White Man’s Burden
6. C Burden 4. Rebolusyong
7. C 5. Kapitalismo Industriyal
8. C 6. Rebolusyong 5. England/Inglatera
Industriyal 6. Colony
7. Colony 7. Protectorate
8. Protectorate 8. Hilaw na
9. Mandato materyales
10.Kanlurang Asya 9. Pilipinas
10.Indo China
33
Karagdagang Karagdagang Tayahin
Gawain Gawain Gawain:
Gawain: Gawain:
1. A
2. C
3. B
1. India 1. Great Britain
4. A
2. Hongkong o 2. Hilaw na
5. D
Macao Materyales
6. B
3. Edukasyon 3. India
7. B
4. Mandato o 4. Kanlurang Asya
8. A
5. Palestine
Mandate 9. C
5. Kolonyalismo/ 10.D
Pananakop 11.D
12.D
13.D
14.D
15.C
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

34
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like