Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Wika ng Tao

Ang Filipino ay wika ng matalino

Aralin ito at suriin upang matuto

Mahalin ang wikang pinaglakihan

dahil ito ang iyong pagkakakilanlan

Dayuhan man o katutubo

Lahat may wikang pwedeng ituro

Pwedeng aralin bisaya o ingles

Mabagal man o mabilis

Wika ng tao ay pwedeng madali at pwedeng mahirap

Pag naunawaang lubos, lasa ang sarap

Ang wika ay may mahalagang parte sa ating kultura

Kung wala ito, pagkakaintindihan ay wala na

Ang wikang arbitraryo

Lahat pwedeng matuto

May komplikasyon dito, may komplikasyon diyan

Lahat kayang matuto, oras lang ang kailangan

Bayang magiliw, perlas ng silanganan

Mga salitang ito ay alam ng bawat Pilipino

Ang kantang ito ay simbolo ng karangalan

Para sa wikang ginawa at tinuro sayo

Ang wika ay binuo gamit ang mga tunog

Kay ganda nitong pakinggan para bang malakas na kulog


Ang wika mo ay maaaring wika ko din

Pinagkaiba lang kung paano sabihin

Ang wika ng tao ay sadyang kabigha-bighani

Lahat ay may kakayahan dito, ginoo man o binibini

Aralin ang wika upang ito’y alamin

Dagat ng mga salita ating sisirin

Ang wika ng mundo

Ito ay akin, ito ay sayo

Kahit walang alam kayang sabihin ito

Dahil ito nga ang wika ng tao

Sa wika, mahalaga ang tunog nito

Mga salitang magagamit, kayang mabuo

May wikang kalye diyan at dito

Minsan naman, wika ay nagiging tunog kabayo.

Paggalaw ng katawan at mukha ay parte ng wika

Di ibig sabihin wika nadin ang pagbubukaka

Ang katawan sa wika ay makapangyarihan

Sa tamang galaw madali ang usapan

Kapag nagkamali, ika’y lalayuan

Wika ang bumubuo sa komunikasyong pantao

Wika ang gamit mo kapag bibili ka ng bilao

Ang gamit ng wika ay sadyang nakakapanabik

Para kang nagising sa isang malakas na pitik

You might also like