Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“OPENING PRAYER” FOR

ALL SOULS’ DAY CELEBRATION


(SYNCHRONIZED PRAYER)

MA’AM PALAPAR:
Sa lahat po ng sumusubaybay sa napakagandang gawain na
ito…ang ating sama-samang panalangin sa pamamgitan ng
SDO_LAGUNA ONLINE SYNCHRONIZED PRAYER, ako
po ay buong pusong bumabati sa inyo ng “MAPAGPALANG
GABI PO SA ATING LAHAT…
Tunay nga po na ang biyaya at pagmamahal ng Diyos ay
sumasaating lahat sa pamamagitan ng napakagandang gawain na
ito. Tayo ay isang sambayanang nagkakaisa at sama-sama upang
maiparating at maihandog natin sa ating Panginoon ang
pasasalamat at papuri na siyang patuloy na nagbibigay dakila at
karangalan sa kanyang matamis na Pangalan. Ito ay tanda din ng
ating pagpupunyagi at pagsusumamo na sa kabila ng lahat ng
mga hamon sa buhay lalo na sa panahon ng pandemya ay
patuloy tayong hindi nawawalan ng pag-asa.
Gayundin sa gabing ito ng ating sama-samang panalangin,
ay atin ding inaalala ang mga taong napayapa lalo na ang ating
mga mahal sa buhay…sa ating mga kasamahang guro na inalay
ang buhay sa tawag ng paglilingkod, mga namayapa dahil sa
pandemya, sa sakit, mga biktima ng kawalan ng katarungan at
iba pa. Sila ay ating itinataas sa Panginoon bilang tanda ng ating
pagmamahal, pagunita at pagpaparangal sa kanila lalo na sa
darating na Nobyembre na tayo ay nagdiriwang ng ARAW NG
KALULUWA.
Kaya ngayon bilang tanda ng ating pananampalataya sa
ating Diyos Ama ay damhin natin ang kanyang natatanging
presensiya sa pamamagitan ng ating sama-samang panalangin.
TAYO PO AY MANALANGIN…
Diyos Amang Mapagmahal, ikaw ay siyang tunay na
makapangyarihan sa lahat. Tagapagbigay ng biyaya ng buhay.
Kami ay buong pusong nagpapasalamat sa inyo sa
napakagandang pagkakataon na ito na kami ay tinipon mo
bilang isang sambayanang nagkakaisa at sama-samang
nananalangin sa pamamagitan ng magandang gawain na ito…
ang ONLINE SYNCHRONIZED PRAYER. Buong puso at
pakumbaba po naming itinataas at idinudulog sa inyo ang lahat
ng mga bumubuo sa magandang gawain na ito. Pagpalain mo
nawa ang bawat isa sa amin na maibahagi namin ng maayos at
lubos ang iyong mga ninanais para sa ikabubuti at ikagaganda
ng gawain na ito. Magsilbi nawa itong inspirasyon para sa
aming lahat ng sa gayon ay patuloy kaming makapaghatid at
makapaghandog ng kabutihan sa aming kapwa na ang tanging
hinahangad ay ang pagsisilbi at ang paghahatid ng natatanging
gawain na ang siyang huwaran ay walang iba kundi Ikaw aming
mahal na Panginoon. Nawa mamutawi sa aming mga labi ang
iyong banal na salita ng sa gayon ito ay patuloy na magsilbing
gabay at liwanag sa aming lahat lalo lalo na sa panahon ngayon
na kami ay humaharap sa matinding pagsubok dulot ng Covid
19 Pandemic. Buong puso kaming naniniwala Panginoon na
gaano man katindi ang mga pagsubok na aming hinaharap, lahat
ng ito ay magiging magaan at mabibigyang solusyon sa
pamamagitan ng Iyong mapagkalingang mga kamay.
Gayundin po Panginoon, sa pamamagitan po ng aming
patuloy na pagunita at pagsasaala-ala sa lahat ng mga namayapa
lalo na sa aming mga mahal sa buhay ay tulungan mo kaming
maintindihan ang tunay na kahalagahan ng buhay at gayundin
ang kahulugan ng kamatayan: ito ay hindi katapusan bagkus
panibagong panimula ng totoong buhay kasama Ka. Naniniwala
kami Panginoon na ikaw lamang ang siyang magliligtas sa amin
sa kamatayan at magdadala sa amin panibagong buhay.
Panginoon huwag mo rin pong tulutan na maghari sa amin ang
kalungkutan sa halip mangibabaw sa aming lahat ang bagong
kasiyahan sapagkat alam namin na tinanggap mo ng buo at
kasama mo na ang aming mga mahal sa buhay na namayapa na.
Alinsunod dito Panginoon, ay pakumbaba naming hinihiling na
tanggapin mo ng buo ang lahat ng mga namayapa lalo na ang
aming mga mahal sa buhay ng sa gayon ay kanilang
matunghayan ay iyong walang hanggang kadakilaan. Lahat din
po ng namayapa sa panahon ngayon ng Covid 19 Pandemic ay
nawa bigyan mo ng katuparan ang kanilang pananamplataya at
pag-asa sa pamamagitan ng pagtanggap mo sa kanila sa iyong
tahahan sa langit upang maging maligaya kasama ka
magpakailanman.
Muli Panginoon, nagpapasalamat kami sa lahat ng biyaya
na ipinagkaloob mo sa lahat ng aming mga yumao na mga
mahal sa buhay noong panahong sila ay nabubuhay pa. Dahil
dito Panginoon, kami ay buong puso ding nagpapasalamat
sapagkat kami ay natutong pangalagaan at pagyamanin ang
buhay na ipinagkaloob mo sa bawat isa sa amin. Nawa ipadala
mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu Santo para kami ay
magabayan tungo sa kabanalan at matutong humingi ng tawad
sa lahat ng aming mga kasalanan at makapagpatawad sa lahat ng
mga nagkasala sa amin. Matuto nawa kaming magmahal sa
aming kapwa at magpahalaga sa buhay na ibinigay mo sa amin.
Muli ang natatanging panalangin na ito, ay buong puso at
pakumbaba na hinihiling namin sa pamamagitan ng iyong anak
na si Jesus na aming Panginoon. AMEN

You might also like