Professional Documents
Culture Documents
For Scribd3
For Scribd3
AGRIKULTURA
• Pinakanagtataguyod sa ekonomiya (malaking bahagdan) sapagkat lahat ng sektor
ay umaasa sa agrikultura upang matugunan pangangailangan (pagkain, hilaw na
sangkap para sa produksyon, etc.)
• Ito'y sektor ng ekonomiya na hindi gaanong umaasa sa pag-aangkat, pokus nito ang
paggamit sa mga likas na yaman
✔SEKTOR NG AGRIKULTURA
• PAGSASAKA
• PANGINGISDA
• PAGHAHAYUPAN
• PANGUNGUBAT
✔ PAGSASAKA/PAGHAHALAMAN
• Gawaing may ugnay sa pagtatanim at pagpaparami ng halaman
• Pangunahing pananim: palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako,
at abaka
✔ PANGINGISDA
• Pagkuha ng lahat ng mga yamang nasa karagatan, ilog, sapa o lawa
3 Uri ng Pangingisda
1. Komersyal: Pangingisda na gumagamit ng malalaking barko, may mataas na
kapasidad (higit sa 3 tonelada) para sa paghuli ng maraming isda
2. Munisipal: Karaniwang ginagamit ng mga mangingisdang Pilipino dahil mas
mura, ang kapasidad ay mas mababa sa 3 tonelada, mas malapit at maliit ang
napapangisdaan kumpara sa mga komersyal
3. Aquaculture: Pag-aalaga at paglinang sa mga isda at iba pang uri nito,
kontrolado ang produksyon ng mga yamang tubig (isda), mahalaga sapagkat
napupunan ang bumababang ani ng mga anyong tubig sapagkat mangingisda
ang may kontrol dito (Pinakaligtas na pamamaraan)
✔ PANGUNGUBAT
• Paglikha, pamamahala, paggamit at pangangalaga sa kagubatan at lahat ng yamang
matatagpuan dito
• Pagputol ng mga punong kahoy o pagtotroso
• Pinakamatagal palitan pagkat mahaba ang produksyon ng puno
• Madaling ikonsumo (bahay, muwebles) ngunit kapalit ay kawalan ng tirahan para sa
mga hayop
✔ PAGHAHAYUPAN
• Gawain na tungkol sa pagpaparami ng hayop
Livestock Industry
▪ Pagpaparami ng hayop tulad ng baboy, baka, at kambing
Poultry Industry
▪ Pagmamanukan