Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII-Silangang Visayas
Sangay ng Lungsod ng Calbayog
Distrito ngTinambacan II
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN JOAQUIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Joaquin

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

PANGALAN: __________________________ SEKSYON: ________________PUNTOS: ________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Biliugan ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan.
1. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan.
a. Ito ay binibigkas nang maindayog b. Ito ay itinatanghal.
b. Ito ay masining na isinasalaysay d. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.
2. Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan ay nagmula sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito
ay mula sa Ebanghelyo ni:
a. Mateo 20: 1-16 b. Lucas 15:11 c. Juan 14.6 d. Mateo 21:1-15
3. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na
masaya ang _________.
a. komedya b. melodrama c. tragikomedya d. trahedya
4. Ito ang sining ng panggaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at
magsilbing salamin ng buhay ay ang ___________.
a. kathambuhay b. dula c. teatro d. dula

Kulas: Talagang buwisit ang sabongI Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang
anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa’y magkatotoo n asana yan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig na muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili
ng sabon.
(lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahating sigarilyo, hihithit at pagkatapos
ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Hango sa dulang: Sa Pula, Sa Puti
ni Francisco Soc Rodrigo
5. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti”?
a. pagsisisi sa huli c. panghihinayang sanhi ng pagkatalo
b. pagkahilig sa sugal d. pag-aaway
6. Elemento ng dula na nagbibigay-interpretasyon sa iskrip ng dula.
a. dayalogo b. direktor c. aktor d. tanghalan
7. Ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi ay isang orihinal na akda mula sa bansang:
a. Bhutan b. Singapore c. Saudi Arabia d. Israel
8. Uri ng panitikan na nagmula sa salitang Griyego. Sumasalamin sa makatotohanang
pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na aklat. Ang mga
mensahe ay nakasulat sa patalinhagang pahayag.
a. Dula b. parabola c. talumpati d. sanaysay
b. pangangaral d. pagdadahilan
9. Habang siya’y nabibitak at unti- unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral
ng kaniyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang
b. Habang may buhay, magpakasaya ka
c. Alam ng magulang kung anong makakabuti sa anak
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
10. Anong mangyayari kung hindi sumusunod sa payo ng magulang?
a. magiging sikat sa pamayanan c. bibigyan ng medalya ng pagkilala
b. mapabubuti ang buhay d. hindi masasangkot sa anumang kapahamakan
11. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa atig mga kauring banga”.
a. huwag pakialaman ang buhay ng iba c. Huwag magtitiwala sa iba
b. Huwag sasama sa hindi kauri d. Iwasan ang pakikipagkaibigan
12. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay
nangangahulugang ____.
a. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa nagpag-usapan.
c. Ang nahuhuli ang kadalasan ang unang umaalis
d. Mahalaga ang oras sa paggawa
13. “Huwag mong kalimutang ikaw ay isang banga na yari sa lupa”.
a. pangangatwiran c. pagpapayo
b. pangangaral d. pagdadahilan
14. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay”. Anong unang
linya ng tula ay nagpapahiwatig ng ____.
a. Pag-iisa c. paglubog ng araw
b. Pagpanaw ng isang tao d. panibagong araw na darating
15. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na
detalyeng pangungusap?
a. Iwasan ang masamang bisyo c. ingatan natin ang ating kalusugan
b. Ipagtanggol ang ating karapatang mabuhay d. lahat ay tama
16. Si Pinkaw ay gustong maipagamot ang kanyang mga anak subalit ayaw siyang tanggapin
sa hospital dahil mukha siyang mahirap.
a. Tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. kalikasan d. tao vs. bagay
17. Hindi malaman ni Handiong kung dapat ba niyang patayin si Oriol upang matapos ang
problema o makikipag-ayos siya sa mapayapang paraan.
a. Tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. kalikasan d. tao vs. bagay
Para sa bilang 18-20 tukuyin ang tamang titik na nagpapakita ng sidhi ng kahulugan ng mga
sumusunod na mga salita.
18.
1. Inis 2. galit 3. poot 4. asar

a. 1423 b. 1234 c. 2134 d. 4123

19.
1. Gahaman 2. Ganid 3. Damot 4. sakim
a. 3412 b. 1234 c. 1324 d. 3241

20.
1. pagmamahal 2. Pagliyag 3. Paghanga 4. pagsinta
a. 3142 b. 3421 c. 1234 d. 4321
21. “Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kaniyang napangasawa. Dahilan
ito upang siya ay malungkot. Umibig siya sa isang gwapong lalaking mas bata sa kaniya.” Ang
pahayag sa itaas ay bahagi ng synopsis ng nobela. Maaari itong.
a. simula b. gitna c. kakalasan d. wakas
22. “Nang makita nila ang ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila.
Lumabas sila na tinakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis
ng mga kapitbahay.” Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng ____.
a. simula b. wakas c. gitna d. tunggalian
23. Hininggan ng tulong ni Rama para salakayin ang Lanka.
a. ibon b. unggoy c. agila d. gintong usa
24. Ang humabol sa karwahe ni Ravana.
a. ibon b. agila c. higante d. Supernaka
25. Naiisip nina RAvana para maagaw si Sita
a. patibong b. laro c. paghihigante d. bihagin
26. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kaniyang pakikipagsapalarang pinagdaanan at
binibigyang diin ang katangiang supernatural ng tauhan. Nagtataglay siya ng pambihirang lakas
na hindi kapani-paniwala.
a. elehiya b. epiko c. awit d. tanaga
27. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng
mga higante.
a. Patuloy na pakikibaka c. pagmamahal sa kapatid
b. Pagdadasal d. paniniwala sa Diyos
28. Malakas ang pananalig ni Sita na maililigtas siya ni Rama sa kamay ni Ravana
a. pagmamahal sa kapatid c. paniniwala sa Diyos
b. pagtitiwala sa kapwa d. pagalala sa nakaraan
29. Kahit na anong pasakit at ang pinagdaanan nina Rama at Sita, patuloy pa rin sila na
ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
a. Pagdadasal c. wagas nap ag-ibig’
b. Pagsunod sa tagubilin d. pagtitiwala sa kapwa
30. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang bihagin?
a. ikulong b. bitagin c. hulihin d. akitin
31. “Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante. Ano ang kahulugan ng
salitang nahagip?
a. Nasagasaan b. natamaan c. nadaplisan d. nasugatan
32. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan. Ang salitang
nakumbinsi ay nangangahulugang ____.
a. napaniwala b. napasunod c. napasubaybay d. napapayag
33. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
a. nakikiusap b. nagmamakaawa c. nag-uutos d. nagpapaunawa
34. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo
lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya
napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ___.
a. natatakot c. mahal ang kaniyang asawa
b. hindi si Ravana ang kaniyang gusto d. naniniwala sa milgaro
35. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. nanghihikayat b. magpaliwanag c. magturo d. mang-aliw
36. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugan?
a. hindi malilimutan b. masama c. hindi maganda d. kawalang pag-asa
37. Malungkot na lumisan ang araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng lumisan ay _____.
a. lumayo b. lumikas c. humiwalay d. umalis
38. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay __.
a. pautang b. bayarin c. utang d. kaukulang bayad sa paggawa.
39. Sanlibong punglo ang naubos sa kaniyang pakikipagbakbakan. Ang ibig sabihin ng punglo ay ___.
a. bala b. pera c. itak d. baril
40. Sinabi nila “Isang oras lamang kaming gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo
ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, ano
ang gagawin mo?
a. Tatangapin ang ibinigay na upa
b. Pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
c. Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
d. Ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
41. Dapat kang mag-ayuno,” anong uri ng modal ang salitang sinalangguhitan?
a. Nagsasaad ng paghahangad c. Nagsasaad ng posibilidad
c. Sapilitang pagpapatupad d. Hinihinging mangyayari
42. .Bansang higit na kinikilala ang karapatan ng kababaihan.
a. Japan b. Korea c. Taiwan d. Mongolia
43. Ito ang bahaging pinakamadula kung saan napupukaw ang matinding emosyon ng mga
manonood ng dulang itinatanghal.
a. saglit na kasiglahan b. kakalasan c. kasukdulan d. suliranun
44. Bahagi ng isang dula kung saan nagkakaroon ng pagkaka-ayos ng mga tunggalian ng mga
tauhan.
a. saglit na kasiglahan b. kasukdulan c. kasukdulan d. suliranin
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay.
Inggo; Huwag na…anak ko…hindi na maaari… luray-luray na ang katawan ko…
Tayo’y maghiwalay nang walang pagsal! Bunso ko, huwag mong
pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin… Julia-Juana … kayo na lamang
ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko ay inihain ko na
kay Bathala.Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y
iyong patawain… Naluoy n yata ang puso ng mga Kastila.
Hango sa dulang: Walang Sugat
ni Severino Reyes

45. Anong kulturang Pilipino ang lantad sa bahaging ito ng dula?


a. Maluwag na pagtanggap sa kamatayan
b. Pag-iiwan ng habilin bago lumisan
c. Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
d. Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang
46. Binantayan ni Lakshamanan si Sita, ayon na rin sinabi ng kapatid.
a. Pagsunod sa tagubilin c. wagas na pag-ibig
b. pagtitiwala sa Diyos d. pagtulong sa kapwa
47. Ang paratang sa kaniya ay isang malaking kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang
paratang?
a. Bintang b. maltrato c. akala d. palagay
48. Ang ebidensiyang inihain laban sa kaniya ay walang bisa. Ang salitang ebidensiya ay
nangangahulugang _____.
a. Papeles b. patunay c. paratang d. paniwala
49. Namamasyal pa sa Luneta, nang walang pera.
a.Tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. kalikasan d. tao vs. bagay
50. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming
tunggalian at masalimuot ang mga pangyayari.
a. Sanaysay b. maikling kuwento c. nobela d. dula

You might also like