Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 51

Golden Gate Colleges Graduate School

MGA AKDANG PAMPANITIKAN TUNGO SA PAGPAPAHUSAY NG


KASANAYAN SA PAGBASA SA BAITANG 7: BAHAGI NG
IMPLEMENTASYON NG E-READERS PROGRAM SA
PANAHON NG PANDEMYA

Aksyon Riserts
Na Iniharap sa
Kaguruan ng Paaralang Gradwado
GOLDEN GATE COLLEGES
Batangas City

Inihanda Bilang Bahagi


Ng Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng
Master of Arts in Education (Non- Thesis)
Medyor sa Filipino

Nina:
Lovely Joy C. Mojado
Precious E. Escarez
Queen Irish C. Alagad

Hulyo, 2021
Golden Gate Colleges Graduate School

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng ng Advans

Metodolohiya sa Pananaliksik, ang Aksyon Riserts na ito na pinamagatang

“Mga Akdang - Babasahin tungo sa Pagpapahusay ng Kasanayan sa

Pagbasa sa Baitang 7: Bahagi ng Implementasyon ng E-Readers

Program” ay inihanda ng mga mananaliksik na binubuo nina:

LOVELY JOY C. MOJADO PRECIOUS E. ESCAREZ

QUEEN IRISH C. ALAGAD

___________________________________________________________________

Tinanggap sa ngalan ng Paaralang Gradwado, Golden Gate

Colleges, bilang isa sa mga pangangailangan sa kursong Advans

Metodolohiya sa Pananaliksik.

LILIA A. RICERO, CESO V


Evalweytor

ESPERANZA B. LUSANTA, EdD.


Dekana, Paaralang Gradwado

Comprehensive Examination:

Petsa:

PASASALAMAT
Golden Gate Colleges Graduate School
Taos pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik

sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang kontribusyon tungo

sa matagumpay na reyalisasyon ng aksyon riserts na ito:

Una sa lahat, sa Poong Maykapal, na lagi naming kasama sa

lahat ng pagkakataon, na nagbibigay ng lakas ng loob at naglilinaw sa

aming isipan upang maisakatuparan at matapos ang pag-aaral na ito.

Kay Dr. Esperanza B. Lusanta, Dekana ng Golden Gate

Colleges- Graduate School sa pagtitiwala at paniniwalang

mapagtatagumpayan naming ang gawaing ito.

Kay Dr. Lilia A. Ricero, propesor sa riserts para sa kanyang

walang sawang pagtulong at pagbibigay mungkahi kung papaano

namin mapauunlad ang saliksik na ito.

Sa mga awtor ng mga sangguniang aming ginamit upang mabuo

ang pananaliksik na ito.

Sa aming mga kaibigan, kamag-aaral, kaguro at kapamilya sa

paghimok at pagbibigay pag-asa sa amin na ipagpatuloy at tapusin ang

sinimulang saliksik na ito.

PAGHAHANDOG
Golden Gate Colleges Graduate School
Iniaalay namin ang saliksik na ito sa aming pamilya na hindi

napagod sa paghimok at pagbibigay suporta sa amin upang gawin ang

pag-aaral na ito. Sa aming mga kaibigan at kaguro na tumutulong sa

amin kung kami ay may mga katanungang gustong mabigyang linaw.

Sa abang paaralan at mga mag-aaral, na hinahangad na matulungan

gamit ang nadibuhong awtput ng pag-aaral na ito. Higit sa lahat, sa

Poong Maykapal na nagbigay ng mga biyaya, lalo na ng karunungan

upang mapagtagumpayan ang gawaing ito. Inihahandog namin ang

komposisyog ito sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGATING PAHINA...............................................................................i
Golden Gate Colleges Graduate School
DAHON NG PAGPAPATIBAY…………………………………………………ii

PASASALAMAT.....………………………………………………………………

iii

PAGHAHANDOG................................................................................……iv

TALAAN NG

NILALAMAN..............................................................................................v-vi

TALAAN NG MGA TEYBOL AT GRAP.....................................................vii

ABSTRAK viii

I. Konteksto at Rasyonal................………………………………………1

II. Rebyu ng Literatura..........................................................................4

III. Saklaw at Limitasyon........................................................................9

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

…………………………………………….10

V. Riserts Kwestyon………………………………………………….........12

VI. Metodohiya

Disenyo ng Pananaliksik..............................................................................13

Sabjek sa Pananaliksik................................................................................14

Instrumento ng Pananaliksik.......................................................................14

Paraan ng Pangangalap ng Datos..............................................................15

Plano sa Pagsusuri ng Datos......................................................................16

VII. Resulta at Pagtalakay ……………………………………….

VIII. Kongklusyon at Rekomendasyon …………………………………

SANGGUNIAN……………………………………………………………….16-17
Golden Gate Colleges Graduate School
APENDIKS

A. LIHAM PAHINTULOT

B. LIHAM PARA SA MGA KALAHOK

C. LIHAM PARA SA MGA MAGULANG

D. TALATANUNGAN

E. AKDANG PAMPANITIKAN

F. PABASA SA PRE PHIL-IRI

G. RESULTA NG PRE PHIL-IRI

H. CURRICULUM VITAE
Golden Gate Colleges Graduate School
I. Konteksto at Rasyonale

Ang pagbasa ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat

nating matutunan dahil ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa

pagtuklas ng karunungan, kungbaga ito ang susi sa pagbubukas ng pinto

ng daigdig ng karunungan at kasiyahan. Hindi maitatanging mula noon

hanggang ngayon ay patuloy parin ang paghanap ng mga kasagutan kung

papaanong malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa nang

sa ganoon ay lubusang matamo ng mga mag-aaral hindi lamang

kakayahang kumilala ng mga salita kundi maging unawain ang kahulugan

nito at epektibong magamit sa pakikipagtalastasan pasalita man o pasulat.

Ang isang mag-aaral na mayroong taglay na kasanayan sa pagbasa

ay madaling matuto sa iba’t ibang aralin at nakatitiyak na siya’y mataas sa

pagsulat at pagsasalita na siyang pangunahing mithiin ng guro sa kanyang

pagtuturo. Binanggit ni Richard Vaca sa kanyang librong Content Area

Reading: Literacy and Learning Across the Curriculum, sa paglaki at

pagtanda raw ng mga kabataan sa ika-21 siglo, mas mataas na antas ng

kasanayan sa pagbasa at pagsulat ang kinakailangan upang maging

mahusay sila sa kanilang trabaho at maging matagumpay sa

pakikipagbuno sa realidad ng buhay.

Sa modernong panahon, ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto ay

dapat na maging epektibo, mabisa at higit ang mga mag-aaral ay

nagtataglay ng iba’t ibang kasanayan na nakaangkla sa K+12 kurikulum.

Ang makrong kasanayan katulad ng pagbasa ay nangangailangan ng


Golden Gate Colleges Graduate School
ibayong pagtuturo na dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang pagbasa

ay isang gawaing kompleks sapagkat ito ay nangangailangan ng

paglalaan ng panahon, interes, kawilihan at maging kahandaan ng pag-

iisip upang ang mga nabasang mga kaalaman ay maunawaan at tumanim

sa kaibuturan ng puso’t isipan.

Sinasabing walang naganap na pagbasa kung ang pagbasa ay

walang pang-unawa. Dahil dito, maraming nasasayang na panahon at

hindi nagiging produktibo ang mga mambabasa. Ang isa pang negatibo na

maaaring maibunga nito ay ang paglabas ng mga mag-aaral sa paaralan

na hindi sapat ang natutunan.

Maraming suliraning kinakaharap ang bansa at mga paaralan sa

usaping pagbabasa, base sa resulta ng isang assessment na isinagawa

ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD),

pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng mga Filipinong mag-

aaral sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa. Ayon rin sa

resulta ng PISA 2018, 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa iba't ibang

aspeto ng pagbabasa, katulad ng pagkuha sa pangunahing ideya ng

binabasa, maging ang pagdudugtong sa mga impormasyong kanilang

nakukuha mula sa kanilang binabasa.

Sinanasabing habang ang mga mag-aaral ay abala sa

pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagbasa, may ilan namang mag-

aaral na isinasawalang bahala ang pabasa bilang bahagi ng pag-aaral


Golden Gate Colleges Graduate School
(Bashir at Matoo, 2012) dahilan upang maapektuhan ang kanilang

pangkalahatang performans sa mga aralin.

Ang kagawaran ng edukasyon at mga guro sa pagbasa ay

nagsisikap magtaguyod ng mga programa sa pagbasa katulad na lamang

ng E-Readers Program (Everyday Reading Experiences Aimed at

Development, Enhancement and Remediation Skill) na naglalayong

hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa sa panahon ng pandemya

ngunit ang programa ay hindi lamang natatapos dito kinakailangan din na

ang isang guro ay mag-isip ng mabuting pamamaraan at istratehiya upang

maitaas ang antas ng karunungan ng kanyang mag-aaral pagdating sa

pag-unawang may pagbasa sang-ayon sa pangangailangan sa

kasalukuyan.

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Mataas na Paaralan ng Sto.

Nino, ang pagkakaroon ng mga mag-aaral na mababa ang lebel sa

komprehensyon sa pagbasa. Kung kaya naman bilang bahagi ng E-

readers Program ay nagpadala ang mga guro ng mga babasahing

panitikan na makakatulong sa kanila na mahubog ang kanilang kakayahan

sa pagbasang may pag-unawa. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik

na malaman kung may may katuturan ba ng mga ginamit na mga akdang

babasahin upang maiaangat ang kanilang kakayahan sa pagbasa at

mapataas pa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga karagdagang

gawain at babasahing akma sa antas ng mga mag-aaral.


Golden Gate Colleges Graduate School

II. Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-

aaral kung saan ang mga nakuha at naitalang datos ay lubos na nakatulong

upang higit na maging malinaw at mabisa ang isinasagawang pag-aaral.

Makrong Kasanayang Pagbasa. Ang epektibong pagpapahayag ng

kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang proseso sa

pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang

maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng

wika. Nararapat lamang na makamtan ng bawat mag-aaral ang mga

kasanayang pangwika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malalim na

pagkaunawa sa mga makrong kasanayan tulad ng pagsulat, pagbasa,

pakikinig, pagsasalita at panunuod. Ang pagbabasa ay isa sa mga

pangunahing kasanayan sa wika na dapat pinagkadalubhasaan ng mga

mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbabasa, naipababatid ang mensahe

ng isang teksto. Ang teksto ay tumutukoy sa kaisipan ng isang manunulat

na naisasalin sa anumang babasahin na naglalaman ng mga ideya at

nabibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng pagbabasa.

Ayon kay Bernales (2013), ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala

ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas

nang pasalita. Ang pagbasa ay karaniwang sumusunod matapos malinang


Golden Gate Colleges Graduate School
ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. Sa pamamagitan ng

pagbabasa, lumalawak ang ating daigdig.

Gayundin, nagbigay ng kanyang pakahulugan sa pagbasa si William

S. Gray bilang Ama ng Pagbasa. Ayon sa kanya, ang kahulugan ng

pagbasa ay ang mga sumusunod; ang pagsasama-sama at pag-uugnay

ng mga bagong kaalaman sa binasa at ang dating kaalaman; mapabuti

ang pag-unawa at bilis sa pagbasa; maihanda ang mga tiyak na kagamitan

sa masaklaw at masidhing pagbasa; makilala ang mga paksang pinag-

aralan upang matamo ang impormasyon hinggil sa iba’t ibang larangan

tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan; magamit ang

pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pasalita at

pasulat.

Performans ng mga Mag-aaral sa Pagbasa. Ayon kay

Bouhedjam (2015), ang pagbasa ay hindi lamang ordinaryong gawain sa

loob ng paaralan o sa bahay, bagkus ito ay epektibong pamamaraan

upang matuto ang mag-aaral. Ibig sabihin ang pagbasa ay hindi lamang

gawain na nakatakda na dapat gawin sa pang araw-araw bagkus ito ay

mabisang kasangkapan upang makatamo ng karunungan at

mapagtagumpayan ng mag-aaral ang layunin ng kurikulum. Samakatuwid,

nararapat lamang na matukoy ang performans ng mga mag-aaral sa

pagbasa upang makita ang antas o lebel ng kanilang pagbasa at malantad

ang mga suliraning dapat bigyang-pansin.


Golden Gate Colleges Graduate School
Dahil sa dalisay na mithiin ng departamento ng edukasyon na

maisakatuparan an layuning makabasa nang may pag-unawa ang bawat

mag-aaral na Filipino, naglunsad ito ng mga programang pagbasa. Ilan sa

mga ito ay ang mga sumusunod: (1) ang School Readiness Assessment

Test na ibinibigay sa mga batang papasok sa unang baitang upang

malaman ang kanilang kahandaan; (2) Drop Everything and Read (DEAR)

kung saan pinauunlad sa mga mag-aaral ang pagmamahal at kawilihan sa

pagbabasa; (3) ang Philippine Informal Reading Inventory na nirebisa sa

ilalim ng DepEd Order no. 14, S. 2018, ang siyang sumusukat sa bilis o

bagal sa pagbasa pati na rin ang antas ng pag-unawa; (4) ang Read-

AThon naman ay isang paligsahan na pinauunlad at sinusukat ang

naisaulong kasanayan sa pagbasa; samantalang (5) ang Every Child A

Reader Program o ECARP ay gumagabay sa pagkakaroon na angkop na

kagamitang panturo, babasahin at pagsasanay ng guro at naglalayong

maisakatuparan ang layunin ng kurikulum na Hamon: Bawat Bata

Bumabasa (3B’s) na sinusugan naman ng adbokasiyang ibinababa ng

Dibisyon ng Lungsod ng Batangas, ang pagsasagawa ng tinatawag na E-

READERS o Everyday Reading Experiences Aimed at Development,

Enhancement, and Remediation of Skills Program. Ang programang ito ay

ginawang lokalisado para sa bawat mag-aaral ng nasabing dibisyon sa

pag-asang maisakatuparan ang nilalayon ng pangnasyunal na programa

sa pagbasa.
Golden Gate Colleges Graduate School
Mahihinuha sa adbokasiyang ito na ang pagbabasa ay

nararapat na nalilinang sa murang edad pa lamang at mas nadadagdagan

ang kasanayan nito habang tumatanda ang isang indibidwal, (Grean,

2012). Kailangan ng masusing paglalaan pa ng oras upang mapaunlad pa

ang kasanayan sa pagbabasa na siyang makatutulong sa kanilang

malinaw at kapaki-pakinabang na pagbasa.

At upang masukat at mataya kung epektibo ang mga inilunsad

na programa tungkol sa pagbasa, nagsasagawa taun-taon ng malawakang

pagbabasa sa mga mag-aaral. Ang pre-test na pagbasa ay isinasagawa

sa unang kwarter ng taung panuruan gamit ang isang lunsarang

babasahin. Pababasahin ng guro ang bawat mag-aaral taglay ang mga

kompetensi at kasanayang susuriin ng guro kung saan kulang at kung

saan mayaman ang mag-aaral sa makrong kasanayang pagbasa. Sa

kabilang banda, ang post test naman ay isinasagawa sa huling kwarter ng

taung panuruan upang masukat kung may pag-unlad na naganap sa mag-

aaral matapos ang iba’t ibang gawaing pagbasa na isinagawa ng kapwa

guro at mag-aaral.

Batay sa pananaw ni Sevilla (2013), ang pagtingin sa

kaugnayan ng pre-test at post-test batay sa paghahanap ng performans ng

mga mag-aaral ay nakabatay di lamang sa uri ng pre-test at post-test sa

pagtatasa, gayundin sa katangian ng pangkat ng mag-aaral na kumukuha

nito. Ibig sabihin, nararapat na bigyang-tuon ang uri ng pangkat na


Golden Gate Colleges Graduate School
kinabibilangan ng mag-aaral sapagkat may kaugnayan ito sa kanyang

performans.

Batay sa nakalap na resulta ng Ulat ng Konsolidadong

Pagbasa ng Lawak 4, Dibisyon ng Batangas para sa taung panuruan

2018-2019 na nilahukan ng walong distrito tulad ng San Jose, Ibaan,

Taysan, Padre Garcia, Rosario East, Rosario West, San Juan East at San

Juan West. Ang talahanayan ng ulat na ito ay naglalaman ng iba’t ibang

antas ng kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa. Ang mga ginamit na antas

ay ang mga sumusunod: Di-Makaunawa, Kabiguan, Instraksyunal at

Malaya.At lumabas sa ulat na ito na ang distrito ng San Jose ang

nakakuha ng may pinakamababang antas ng kakayahan sa pag-unawa sa

pagbasa.

Mahihnuha sa konsolidadong ulat na ito na ang mga mag-

aaral ay hirap maunawaan ang mga mensahe, ideya at salita ng tekstong

kanilang binabasa na isa sa mga hamong kinahaharap ngayon ng ating

mga mag-aaral upang maging mas malinaw at mabilis ang kanilang

pagkatuto. Ang tagumpay at kagalingan sa pagbabasa at pag-intindi sa

mga binabasa ay isang napahalagang aspeto ng kaunlaran at pagkatutuo

ng isang mag-aaral.

Mahuhugot rin sa ulat na inilatag ang iba’t ibang pananaw ng mga

sumusunod na mahahalagang indibidwal tungo sa pagbasa. Sa pag-aaral

naginawa ni Sencibaugh (2012) sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may

mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa


Golden Gate Colleges Graduate School
semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa

mga salita”. Ayon naman kay Ojica (2013), ang kasanayan sa pagbasa ay

isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang

pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi

at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-

aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang

magkaroon ng kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay

isang paraan ng pagkatuto. Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012)

“Ang pagbasang may pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon

mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na nagpapagana

sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng

isang teksto” Sinabi naman nina Penic, Rodriguez at Panaligan (2005) na

“Habang ang mga magaaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa

pagbabasa nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-

unawa at pagkatuto”. Winika din ni Alonzo (2014) na “Ang pagkatuto sa

maunawang pagbabasa ay isang komplikadong proseso na puwedeng

ihalintulad sa isang sasakyan. May sariling sistema na kailangang alagaan

at panatilihin at ang pinaka mahalaga ay ang patuloy na paggamit dito

upang masiguro ang kaayusan nito”.

Sa kabuuan, ang magiging resulta ng performans ng mga

mag-aaral sa maunawing pagbasa ay sumasakop sa tatlong

mahahalagang salik, una ang pagkilala sa mga nakalimbag na salita,


Golden Gate Colleges Graduate School
ang pag-unawa sa nakapaloob na ideya ng semantiks at sintaks, at ang

pagbuo ng sariling pagpapakahulugan sa binasa.

Ang Kahalagahan ng mga Akdang Babasahin sa Paglinang ng Pag-

unawa sa Pagbasa. Ang akdand babasahin ay mga koleksyon ng mga

akdang nailimbag na naglalaman ng iba’t ibang daloy ng kwento na

kapupulutan rin iba’t ibang karunungan, kaalaman, kasanayan, kakayahan

at gintong aral (Diaz, 2015). Ang mga pangunahing halimbawa ng mga

akdang babasahin ay ang mga sumusunod: alamat, pabula, parabula, tula,

kanta, maikling kwento, nobela, dula, epiko at iba pa. (Cruz, 2013).

Samakatuwid, ito ay mga babasahin na malimit na makita na nakalimbag

sa mga batayang aklat sa Filipino na binabasa at ipinababasa sa mga

mag-aaral bilang lunsarang kagamitan para sa aralin at pagpapatuto ng

isang kasanayan.

Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng

isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi.

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino ang mga sumusunod (1)

kakayahang komunikatibo, (2) replektibo/ mapunuring pag-iisip at, (3)

pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aatal sa pamamagitan ng

mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang

makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa

ikatatamo ng maithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga

guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon,


Golden Gate Colleges Graduate School
ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya,

tahanan at iba pang sector ng lipunan. (K to 12 Filipino Gabay sa

Pangkurikulum Mayo 2016, p.3)

Batay sa mga layuning minimithi at pinagsusumikapan ng kurikulum,

mahihinuha na sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang akdang

pampanitikan at iba pang akdang babasahin ay maipamamalas ng mag-

aaral ang kanyang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag—iisip, at

pag-unawa at maipakikita ang kanyang pagpapahalagang pampanitikan

gamit ang iba’t-ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang

rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa

pagtatamo ng kultural ba literasi.

Sa pamamagitan rin ng pagbabasa ng holistinong akdang babasahin

ang 3P’s o Pagsusuring Pangliggwistika, Pangnilalaman at Pampanitikan

na naglalayong hikayatin ang interes ng mga mag-aaral na bumasa at

malinang ang kakayahan sa pag-unawa / komprehensiyon ng mga akdang

bnasa. Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan

sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisimo para sa

mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Sa K to 12 may mga pangunahing pamantayan ang bawat yugto ng

pagkatuto o ang tinatawag na Key Stage Standards. Batay sa balangkas

Konseptuwal ng Filipino mula sa Baitang 7-10, makikita ang mga

kakailanganing kakayahan para sa ika-21 siglo. Kabilang sa mga domain

ang kakayahang komunikatibo at pag-unawa at pagpapahalagang


Golden Gate Colleges Graduate School
pampanitikan. Ang mga nakatala sa balangkas na ito ay nakasalalay sa

kabisaan ng gagamiting akdang babasahin ng mga mag-aaral.

Ang mga kahusayan ng gagamiting akdang babasahin ay

naglulundo sa mga mag-aaral ng mga kakayahan sa pag-unawa o

learning domains kabilang ang pagsasalita, kakayahang kumilala ng mga

ponolohiya, kaalaman sa mga laabeto, pagkilala sa mga tunog at salita,

katatasan, pagbabaybay, pagsulat ng komposisyon, sulat-kamay,

gramatika, talasalitaan, pag-unawa sa binasa at estratehiya sa pag-aaral,

paggamit ng konteksto at dating kaalaman, mga estratehiya sa pag-

unawa, pag-unawa sa mga akdang pampanitikan, pag-unawa sa mga

tekstong nagbigay ng impormasyon at ang huli, ang pag-uugali.

Mga Suliranin ng mga Mag-aaral sa Pagpapahusay sa Pagbasa.

Tunay na mapanghamon ang pagtuturo ng mga makrong kasanayan lalo’t

higit ng makrong kasanayang pagbasa. Ang pagbasa ay ang bunga ng

mga karanasan, kaalaman at pagkatuto na nakamtan ng mga mag-aaral

buhat sa mga naunang makrong kasanayang pinag-aralan. Ayon kay

Gilherban (2013), may apat pangunahing balakid na kinakaharap ang mga

mag-aaral sa pagpapahusay sa pagbasa nang may pag-unawa.

Una, ang kawalan ng kagamitang pangmag-aaral sa kabila ng

modernalisasyon nananatili pa ring suliraning hindi masolusyunan ang

kawalan at kakulangan sa kagamitang pampagtuturo sa pampublikong

paaralan. Ang kawalan ng kagamitang pampagtuturo ay isang

manipestasyon na ang pagtuturo at pagkatutong proseso ay hindi gaano


Golden Gate Colleges Graduate School
nagiging produktibo gaya ng inaasahan ng kurikulum. Ayon sa may-akda,

ang pananaw na ang kagamitang pampagtuturo ay mananatili pa ring

pinakamahalagang instrumento tungo sa holistikong pag-unlad ng sistema

ng edukasyon.

Sa makrong kasanayang pagbasa, ang pangunahing kagamitang

pangmag-aaral ay ang mga akdang babasahin tulad ng kwento, tula, ilang

bahagi ng nobela, kanta, epiko, at iba pang kaanyo nito. Ang mga

kagamitang ito ang nagsisilbing lunsarang kagamitan sa kapwa guro at

mag-aaral upang sabay na isagawa ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

Ayon sa talakay ni Bernales (2014), matibay, mayaman at

makapangyarihan ang bisa ng mga kagamitang pangmag-aaral sa anyo

ng mga akdang babasahin pagdating sa pagpapayabong ng kaisipan ng

mga mag-aaral habang bumabasa. Ang holistikong nilalaman at istruktura

ng kagamitan ay naglulundo sa mga mag-aaral na gumihit sa isipan ng

malalim na pag-una at pang-unawa, bokabularyo o talasalitaan,

naghahatid sa malayang pagsulat at higit sa lahat napagyayaman nito ang

iba’t ibang kasanayang panglinggwistika tulad ng masistemang

pagsasalita.

Samakatuwid, kung lilinangin ang pagbasang may pag-unawa sa

mga mag-aaral sa Filipino, nararapat lamang na humanap, magprodyus at

bumuo ng akma at angkop na babasahin at kagamitan para sa layuning ito

tulad ng mandatong ibinaba ng departamento ng edukasyon sa ilalalim RA

10533 , Seksyon 10 o Rul II-Kurikulum, ang mga kagamitang gagamitin sa


Golden Gate Colleges Graduate School
paaralan para sa mga mag-aaral ay kailangang nakapokus sa mga mag-

aaral, para sa lahat, may kaugnayan sa karanasan at kultural na grupong

kinabibilangan nila ang kasalukuyang programa ng edukasyon. Bukas

dapat ito sa kontekstwalisasyon at lokalisasyon na humihimok sa mga guro

na magprodyus at magdebelop ng nababagay na kagamitan sa mga mag-

aaral. Nagbibigay ito ng oportunidad at magandang pagkakataon para mas

maangkin ng mga mag-aaral ang pagkatuto nila. Mas mapapalawig ng

mga guro ang nababagay na pedagohiya sa mga mag-aaral dahil

nababatay ang kagamitan sa tiyak na ugali, karanasan at interes, ng mga

mag-aaral.

Ipinaliliwanag lamang nito na kung malapit sa mundo ng mag-aaral

ang kagamitang gagamitin, mas malaki ang opurtunidad na mas matuto,

mas makaunawa, mas mapayaman nila ang kanilang kaalaman sa

pagbasa.

Ikalawa, ang saloobin ng mga mag-aaral tungo sa pagbasa. Ito ang

napatunayang salik na nakaaapekto sa maunawaing pagbasa ay ang

atityud ng mga mag-aaral tungkol sa pagbasa, kung saan nasa mag-aaral

din ang pagkatuto.

Ikatlo, ang kurikulum. Ang kurikulum ng Filipino sa Junior High

School ay nahahati sa limang bahagi, ang Nilalaman, Pamantayang

Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap, Mga Kasanayang

Pampagkatuto at ang koda ng nakasaad na kasanayan. Nakasaad sa

Universal Macro Skills Competency, 2014 na maraming mga kompetensi


Golden Gate Colleges Graduate School
sa pagbasa ang nangangailangan munang mapagtagumpayan ang

tinatawag na enabling competency at engaging objectives upang mas

madali sa mag-aaral na maisakatuparan at mapagtagumpayan rin ang

mas malawak na kompetensi sa pagbasa. Mapapansin, na ang makrong

kasanayang pagbasa ay may kawing-kawing na mga kompetensi na

kapag naisagawa nang mahusay ng kapwa guro at mag-aaral ay

makakamit ang inaasahan ng kurikulum- ang maunawaing pagbasa at

komprehensibong pagbasa.

Ikaapat, ang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa nang may pag-

unawa na ginagamit ng guro. Inilatag ni Lousen (2015), na mahahalagang

hibla ng kurikulum ang nilalaman ng mga kurso, pedagohiya at estratehiya,

pamamaraan ng pagtataya at pag-uulat ng naging performans ng mag-

aaral, sistema ng pangangasiwa sa silid-aralan at paggamit ng kagamitang

pampagtuturo. May isinasabuhay na kahalagahan ang bawat hiblang

nabanggit na nakaaapekto sa isa’t isa. Masasalamin mula rito na

magkakaugnay ang kanilang responsibilidad at magkakasimbigat ang

kanilang tunguhin na naglalayong payabungin ang karunungan.

Susi tungo sa de kalidad na edukasyon ang isang epektibong

estratehiya na ginagamit ng guro. Ang bawat pamaraan ay may

ginagampanang tungkulin sa pagtatagumpay ng proseso ng pagtuturo at

pagkatuto. Mababasa sa isang artikulo sa The Modern Language Journal

na kahit na may magandang kagamitang pampagtuturo ang guro ngunit

hindi naman akma ang estratehiya ng paggamit at pagtuturo, magiging


Golden Gate Colleges Graduate School
mababaw pa rin ang resulta ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Mahihinuha

mula rito na ang susi sa mabisang proseso ng pagkatuto ay ang paraan

ng atake ng guro sa aralin na aakma sa mga mag-aaral.

Buhat sa talakay na ito, may isinasabuhay na kahalagahan ang

bawat hiblang nabanggit tulad ng kagamitang pangmag-aaral at

pampagtuturo, kurikulum ng pagbasa, atityud o saloobin ng mag-aaral sa

pagbasa at estratehiya sa pagtuturo ay tunay na nakaaapekto sa isa’t isa.

Ang sa unang tinging maliliit na bahagi ay kumikilos para sa ikagaganda

ng kabuuan. Magkakaugnay ang kanilang responsibilidad at

magkakasimbigat ang kanilang tunguhin na naglalayong payabungin at

makamtan ang layuning lahat ng mag-aaral ay may kakayahan at

kasanayan sa maunawaing pagbasa.

Ang Pagbasa na may Pag-unawa. Gayundin naman, kung iisipin,

ano ang pagbasa na may pag-unawa. Ang pagbasang may

komprehensyon o pagbasang may pag-unawa ay pagbuo ng kahulugan

habang nagaganap ang interaksyon sa teksto. Sinasabing kung walang

pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap.

Ayon kay Valentine (2014), ang pagbasa ay nagiging makahulugan

kung may interaksyon ang mambabasa at ang teksto. Kapag tayo’y

nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang dagliang

nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at mga

karanasan sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang

pagpapakahulugan.
Golden Gate Colleges Graduate School
Ang pag-unawa o komprehensyon ay tumutukoy sa kakayahan ng

isang mambabasa na bumuo ng mga mahahalagang ideya mula sa mga

salita ng isang particular na konsteksto. Ang komprehensyon ayon kay

Bernhardt (2011), ay maaaring tingnan sa dalawang perspektibo, ang

pagbasa bilang isang sosyal na proseso at ang pagbasa bilang isang

kognitibong proseso. Ang kognitibong perspektibo ay nakatuon sa

pagbasa bilang isang intrapersonal problem-solving na gawain ng utak ng

isang tao. Ang pagiging text-based nito ay nagpapakita ng kahalagahan ng

persepsyon sa halip na ang kahulugan. Samantalang ipinakikita na ang

pagbasa ay isang kognitibong proseso sa pagtingin ng kaalaman bilang

pangunahing salik sa halip na ang konteksto nito. Ang ikalawang

perspektibo ay ang pagbibigay turing sa pagbasa bilang isang sosyal na

proseso.

Samantala, kaugnay din ng pagbasa ang aspekto ng pag-unawa.

Una na dito ang pagpapaliwanag kung saan ang mga mag-aaral ay

maaring makapagbigay ng maselan at angkop na mga paliwanag at teorya

na nagtataglay ng kaalaman at katanggap-tanggap na paglalahad ng mga

pangyayari, pagkilos at mga ideya. Sunod dito ang Pagpapakahulugan,

kung saan ang mga mag-aaral ay lumikha ng sariling kahulugan sa

kanilang natatanggap na karunungan. Ikatlo ay ang Paglalapat. Ang mga

mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahan na magamit ang kanilang

natutunan nang epektibo sa bagong sitwasyon at malalim na konteksto.


Golden Gate Colleges Graduate School
Dagdag pa sa mga aspeto ng pag-unawa ang Pagbibigay ng

Sariling Reaksyon. Nakikita ng mga mag-aaral ang kritikal at malalim na

puntong pananaw. Ang mag-aaral ay maaaring magbigay ng sariling

pananaw hingil sa anumang pangyayari, katangian at ikinilos ng mga

tauhan. Iba’t ibang sitwasyon, kalagayang panlipunan at iba pa. Sunod

ang Pakikisangkot, ito naman ay pag-uugnay ng sariling damdamin at

damdamin ng iba kung ang nasa kalagayan nila. Ang huli ay Pagkilala sa

Sarili kung saan kasamang unawain ang limitasyon ng kaniyang

hangganan o kakayahan at kung paano ang takbo ng kanyang pag-iisip at

pagkilos pati ang kinakailangang pang-unawa.

Paghahanda ng Kagamitang Pangmag-aaral para sa Maunawing

Pagbasa. Ang guro ay hindi lamang nakatali sa tradisyunal na mga

kagamitan sa kanilang pagtuturo ng pagbasa. Marami nang naglipana na

makabagong kagamitan na makatutulong sa paghubog ng pagbasang may

pag-unawa ng mga mag-aaral. Hindi masamang ang mga kagamitang ito

ay magamit sa loob at labas ng silid-aralan, lalo pa’t ito ang “in” sa mga

mag-aaral ng makabagong kagamitan sa pag-aaral ay makapupukaw ng

higit na interes at magpapaaktibo sa mga bagot na kaisipan ng mga mag-

aaral pagdating sa gawaing pagbasa. (Petroguinas (2015)

Ang pagsasakatuparan ng layuning makabasa nang may pag-

unawa ang bawat mag-aaral ay mababanag sa pagsasabay-sabay na

paggalaw ng hibla na bumubuo rito, buhat sa kagamitang pampagtuturo,

estratehiya at pedagohiya at pagtatasa ng performans. Ang mga hibla ng


Golden Gate Colleges Graduate School
kurikulum ay kailangang gumalaw nang sabay-sabay upang makamtan

ang layuning ito.

Sa talakay ni Ballado (2012), inisa-isa niya ang mga konsiderasyon

sa pagpili ng kagamitang panturo sa pagbasa tungo sa mabisang

paggamit nito. Inaasahang masasalamin sa kagamitang gagamitin ang

kaugnayan nito sa layunin ng aralin, kasanayan at komptensi. Kilalanin din

ang mga mag-aaral. Kailangang isaalang-alang ang edad, kakayahan at

estilo nila sa pagkatuto, at lebel sa kasanayan nila sa pagbasa. Kasama

rin dito ang antas ng kanilang kakayahang makiisa at makipagkapwa, at

ang kapaligirang mayroon sila.

Ang kabuuan nito tulad ng nilalaman ay nararapat may bigat at

halaga. Kumikilala rin ito sa katotohanan at walang pagkiling kung saan

malapit sa pangkat na kinabibilangan ng mag-aaral halimbawa sa lugar na

kaniyang kinalakihan sapagkat kung malapit sa mag-aaral ang nilalaman

ng kagamitan sa pagbasa, mas madali siyang makaguguhit ng

interpretasyon sa kanyang isipan na maghahatid sa kanya sa

pagkaunawa.

May mga gawain ring nakatutulong sa paglinang ng pag-unawa sa

pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mga gawaing ito ay mga palasak na

gawaing pagbasa na napatunayan na ang kabisaan dahil sa mga

naisagawa ng pag-aara tungkol dito. Ilan sa mga ito ay ang mga

sumusunod.
Golden Gate Colleges Graduate School
Remedial Reading, ang gawaing pagbasang ito ay kalimitang

isinasagawa sa bakanteng oras ng mag-aaral sa mag-aaral o kaya naman

ay mag-aaral at guro. Ang remedial reading ay pagbabasa na may gabay

ng mas nakatatandang indibidwal na bihasa sa Gawain upang agarang

maitama at masolusyunan ang problemang nakasalubong habang

isinasagawa ang gawain. (Abante, 2015).

Choral Reading. Ayon kay Yuan (2012), ang choral reading ay

sabayang pagbasa nang malakas sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng

gawaing ito naririnig ng bawat bata ang bigkas at tunog ng bawat salita

habang nairerehistro naman sa kanilang isipan ang pagkilala sa mga ito.

Napapataas rin nito ang kompyansa sa sarili at motibasyon ng mag-aaral

para bumasa.

Drill Reading. Ang aktibidad naman ito sa pagbasa ay tumutukoy sa

pagbibigay nang paulit-ulit na pagsasanay sa pag-unawa ng maikli at

madadaling babasahin upang malinang ang kasanayan sa

komprehensyon. (Diag,2013)

Ang mga kagamitang pangmag-aaral sa pagbasa ay mahalagang

ipakilala at ipagamit sa mga mag-aaral kasabay ng akmang dulog ng guro

rito. Ang maingat, akma, angkop at para sa mag-aaral na paghahanda,

pagpili, at pagprodyus ng mga kagamitan at gawain sa pagbasa ay

mahahalagang hakbang tungo sa pagtatagumpay sa pagkamit ng mithiing

makabasa ang bawat bata nang may pag-unawa

Layunin ng Pag-aaral
Golden Gate Colleges Graduate School
Layunin ng pananaliksik na ito na mabatid kung naging epektibo ba

ang paggamit ng mga improbays na kagamitan pampagkatuto sa pagbasa

ng mga mag-aaral bilang mabisang pamamaraan sa pagtatamo at

pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa

Baitang Pito, pagbasang may pag-unawa bilang bahagi ng

Implementasyon ng E-Readers Program.

Ninanais ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na

tanong.

1. Ano ang resulta ng panimulang pagsusulit sa pagbasa sa Phil-Iri

ng mga mag-aaral ng Baitang 7?

2. Paano nakatulong ang akdang babasahin upang mapaigting ang

implementasyon ng E-Readers Program?

3. Ano ang performans ng mga mag-aaral sa pagbasa ng may

pangunawa gamit ang panapos na pagsusulit sa pagbasa?

matapos ang paggamit ng mga akdang pampanitikan?

4. Ano-ano ang naging balakid ng mga mag-aaral sa pagpapahusay

ng kanilang kakayahan sa pagbasa?

5. Batay sa resulta ng pag-aaral, ano ang mga mga mungkahing

gawain ang maaring ibigay sa mga mag-aaral upang mapaigting at

mapahusay ang pagbasa ng may pag-unawa?

III. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy kung naging epektibo

ba ang paggamit ng mga iprobays at babasahin na kagamitan


Golden Gate Colleges Graduate School
pampagkatuto sa pagbasa ng mga mag-aaral na nasa intraksyunal at

kabiguang lebel ng pagbasa batay sa resulta ng panimulang pagsusulit ng

pagbasa sa Phil-Iri, bilang mabisang pamamaraan sa pagtatamo at

pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa

Baitang Pito.

Ang pag-aaral ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng baitang pito

na nabibilang sa instraksyunal hangang kabiguang antas ng kasanayan sa

pagbasa batay sa resulta ng panimulang pagsusulit sa pagbasa sa Phil-Iri

ng Mataas na Paaralan ng Sto. Nino, Batangas. Hindi kabilang sa pag-

aaral na ito ang mga mag-aaral na nabibilang sa malaya hanggang

katamtaman lebel ng pagbasa batay sa panimulang pagsusulit sa pagbasa

sa Phil-Iri, hindi rin kabilang ang iba pang baitang at seksyon ng paaralan.

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga nasa akademya at namumuno sa pagbalangkas ng

kurikulum, ito ay makatutulong upang makabuo ng mga bagong programa

na tutulong sa mga guro at mga mag-aaral sa kasanayan sa pagbasa.

Sa mga guro sa Asignaturang Filipino, and pag-aaral na ito ay

makadaragdag ng kanilang mga kaalaman para sa mga mag-aaral na

nangangailangan pa ng patnubay sa pagbasa at pag-unawa.

Sa mga mag-aaral, ito ay magsisilbing gabay ang pananaliksik na ito

upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa binasa.

Sa mga magulang, sapagkat sa panahong ito ay mahalaga ang

papel na ginagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga


Golden Gate Colleges Graduate School
anak, makatutulong ang saliksik na ito upang mabatid rin ng mga

magulang ang kahinaan at kalakasan ng kani-kanilang anak pagdating sa

pagbasa at upang masubaybayan at matulungan na rin ang mga mag-aral

sa pagbasang mayroong pag-unawa, gayundin, kaalinsabay ng hangarin

ng guro, maipamulat sa kanila ang kahalagahan ng kasanayan sa

pagbasa.

Sa iba pang mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay maaari nilang

magamit bilang kaugnay na pag-aaral at literatura na nagpaplanong

gumawa ng saliksik na may kaugnay sa pagbasa.

VI. Metodolohiya

Ang bahagi ito ay tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa

pananaliksik, ang sabjek ng pag-aaral, ang mga instrumentong ginamit sa

pangangalap ng datos at ang mga pamamaraang estadistikal na ginamit

para sa tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang layunin ng pag-aaral na matugunan ang mga mag-aaral sa

kanilang kakayahang bumasa ng may pangunawa sa tulong ng mga

akdang pampanitikan na bilang bahag ng implementasyon ng E-Readers

Program ngayong panahon ng pandemya.

Upang makamit ang layunin ng pagaaral na ito, ang mga

mananaliksik ay gagamit ng pamamaraang palarawan ng maunawaan

lubos ang resulta ng unang pagsusulit sa pagbasa na may kasamang

pang-unawa ng mga mag-aaral. Gamit ang sariling gawang pagsusulit ng


Golden Gate Colleges Graduate School
guro tungkol sa mga akdang pampanitikan, mababatid ang katulongan nito

upang mapahusay ang mga mag-aaral sa kanilang pagbasa na may

kasamang pang unawa. Mabatid ang mga balakid ng mga mag-aaral sa

kanilang pagbasa na may kasamang pangunawa.

Ang naglalarawang pananaliksik ay tumutukoy sa pamamaraang

pang-agham kung saan ang pagmamasid sa sampol na populasyon ay

isinasagawa sa likas na paligid nito. Nailalarawan ng mapaglarawang

pamamaraan ng pananaliksik na alamin ‘kung ano ang nauugnay sa isang

kababalaghan. Sa pamamaraang ito, ang data ay nakolekta nang husay at

nasuri sa pamamagitan ng isang pamamaraang dami. Kinokolekta ang

data sa pamamagitan ng mga pamamaraan tulad ng survey, panayam,

pag-aaral ng ugnayan, pag-aaral ng pagmamasid, o pagsusuri sa

nilalaman. Bukod dito, ang tagamasid ay hindi makagambala sa proseso

ng pagmamasid na ito o nakakaimpluwensya sa alinman sa mga variable

ng pag-aaral (Lambert at Lambert, 2012).

Sabjek sa Pananaliksik

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa

Sto. Niňo National School mula sa baitang pito (7). Gamit ang purposive

sampling ang piling mag-aaral ay ang nakakuha ng resultang pagkabigo at

pampagkatuto mula sa unang pagsusulit sa pagbasa na may kabuuang

bilang na isang daan at labing walo (118).

Ayon kay Etikan 2016, ang purposive sampling technique ay isang

uri ng nonprobability o nonramdom sampling na ibinabatay ang pagbili ng


Golden Gate Colleges Graduate School
sampol sa layunin ng pag-aaral sa pasya ng mananaliksik kung ano ang

kailangang malamang impormasyon.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa bahaging ito, ang resulta ng unang pagsusulit sa pagbasa ay

gamit upang malaman ang mga mag-aaral na may kakulangan sa

kasanayan sa pagbasa na may kasamang pag-unawa. Gayundin, gamit

ang mga akdang pampanitikan na magiging gabay ng mga mag-aaral sa

kanilang pagpapahusay sa pagbasa ng may pang-unawa na bahagi ng

programang E-Readers. Matapos isagawa ang nasabing interbensyon,

ang sariling gawang pagsusulit ng guro tungkol sa mga akdang

pampanitikan ay gamit upang masuri ang naging tulong ng mga ito sa

pagbasa ng mga mag-aaral ng may pang-unawa. Bukod dito, ang

talatanungan ay gamit upang mabatid ang mga naging balakid ng mga

magaaraal sa kanilang pagbasa ng may pangunawa.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Pagbuo ng Talatanungan. Ang pangunahing instrumento sa

pangangalap ng datos ay sa pamamagitan ng survey questionnaire ng

mabatid ang mga balakid ng mga mag-aaral sa pagbasa ng may

pangunawa. Ang mananaliksik ay magtutungo sa silid aklatan upang

makalikom ng iba`t ibang mga materyal na nauugnay sa pag-aaral. Ang

mga libro, dokumento, memorandum circulars, at iba pang kaugnay na

pag-aaral ay sinusuri upang makabuo ng mga kapaki-pakinabang at

tumpak na item para sa palatanungan.


Golden Gate Colleges Graduate School
Pagabruba ng Talatanungan. Ang nilalaman ng talatanungan ay ipakita

sa tagapayo ng mananaliksik bago ang pagbuo ng palatanungan. Habang

ini-endorso ng tagapayo ang palatanungan, isinama ng mananaliksik ang

kanyang mga komento at mungkahi. Habang naaprubahan ang draft na

talatanungan, humiling ang mananaliksik ng tulong ng mga dalubhasa sa

larangan upang lalo pangmapaganda ang talatanungan. Ang lahat ng mga

mungkahi ng mga dalubhasa ay isinama sa talatanungan. Ginawa ng

mananaliksik ang huling kopya ng na aprubahan na survey questionnaire.

Pagpasagot ng Talatanungan. Matapos aprubahan ng talatanungan,

hiniling ng mananaliksik ang pag-apruba ng punong-guro sa Sto. Nino

National High School at sa pamunuan barangay ng Sto. Nino para sa

pamamahagi ng talatanungan. Nang matanggap ng mananaliksik ang pag-

apruba ng pinuno ng paaralan at barangay, ang mga kopya ng

talatanungan ay ipinamahagi sa pamamagitan ng google forms at

ipapamahagi ng personal sa mga mag-aaral ng may akmang health

protocol at may pagsasaalang-alang ng ethical consideration sa

pakikipagkomunikasyon.

Pagbalik ng talatanungan. Matapos maipamahagi ang talatanungan

gamit ang google forms, ito ay kukumpletuhin at tatayahin ng mga

mananaliksik. Sisikapin nila na ang mga naibalik na talatanungan ay akma

sa bilang ng mga kalahok sa pag-aaral. Makalipas ang isang linggo,

sandaang bahagdan ng talatanungan ay inaasahang makakalap. Ang mga


Golden Gate Colleges Graduate School
datos ay ihahanay, susuriin at bibigyan ng interpretasyon gamit ang

angkop na estadistika.

Pagmamarka at Interpretasyon. Upang mapadali ang paglalarawan ng

nakalap na datos, partikular ang pagbibigay ng kaukulang marka, ang

eskala na gagamitin sa pagmamarka at pagbibigay kahulugan ay makikita

sa ibaba nito.

Sa pagpapakahulugan sa mga naging balakid ng mga

mag-aaral sa kanilang pagpapahusay sa pagbasa ng may pangunawa,

ang sumusunod na eskala ang gagamitin.

Puntos Pagitan ng Interbal Kahulugan Nito

4 3.50-4.00 Lubos na sumasang-ayon

3 2.50-3.49 Sumasang-ayon

2 1.50-2.49 Hindi sumasang-ayon

1 0.50-1.49 Lubos na hindi sumasang-ayon

Plano sa Pagsusuri ng Datos. Upang isagawa ang pag-aanalisa at

interpretasyon sa mga datos, ang mga sumusunod na gamit ang istatistika

sa pag-aaral:

Weighted mean. Ito ay gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha

ng mga sumagot na respondente sa bawat aytem


Golden Gate Colleges Graduate School
Ranking. Ito ay gagamitin upang malaman ang aytem na nakuha ng

pinakamataas na sagot hanggang pinakamababa.

Talasanggunian

A. Aklat

Badayos, Paquito B. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba't ibang Disiplina:


Filipino 2 Manila. U.S.T Publishing House , 2002.

Bernales, Rolando A. Interaktibong Pagbasa at Pagsulat sa Akademikong


Pananaliksik, Batayang Aklat sa Filipino 2 . 2013.

Bernhardt, S. Dimensions of Children's Motivation for Reading in Relation


to Parental Beliefs and Home Reading Experiences. Reading
Psychology. 2011.

Di-Lathalaing Libro
Priento N, Naval V, at Carey, T. Practical Research for Senior High School
2-Quantitative Lorimar Publishing Inc. Cubao, Quezon City, Manila,
Philippnes. 2017

Grean. The Effects of Reading Interest, Reading Purpose and Reading


Maturity on Reading Comprehension of High School Students.
(2012)
Golden Gate Colleges Graduate School

Bashir and Matoo. The Effects of Reading Interest, Reading Purpose, and
Reading Maturity on Reading Comprehension of HigSchool
Students. (2012)

Yavanoff, P. D. Grade Level Variance of a theoretical casual Structure


predicting reading comprehension with vocabulary and oral reading
fluency. Educational Measurement: Issues and Practice, (2005).

Bernhardt, S. Dimensions of Children's Motivation for Reading in Relation


to Parental Beliefs and Home Reading Experiences. Reading
Psychology. 2011.

Rolando Bernales, et. al., Akademikong Filipino tungo sa epektibong


komunikasyon : batayan at sanayang-aklat sa Filipino 1, antas
tersyarya. 2008

Galang, T. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Samapaloc,


Maynila: Rex Book Store Inc., 2007.

Valentine, James Dee. Masining na Pagbasa. 2014, n.d.

B. Journal
Paton, G. Children ‘should read 50 books a year’, says Gove. The Daily
Telegraph. Retrieved from www.childrenslit.com. (2011)

C. Legal mga Dokumento


Division Memorandum no. 05 series of 2020. Implementation of Everyday
Reading Experiences Aimed at Development, Enhancement and
Remediation Skill. January 04, 2021

Deped Order 50, Series 2013. Guidelines on the utilization of Funds for
every child a Reader Program (ECARP). June 15, 2012

DepEd Memorandum No. 173, s. 2019.“HAMON: BAWAT BATA


BUMABASA (3Bs Initiative), from Secretary Leonor Magtolis
Briones. November 22, 2019

Do 14, S. 2018. Policy Guidelines On The Administration Of The Revised


Philippine Informal Reading Inventory
Golden Gate Colleges Graduate School

Apendiks A

LIHAM PAHINTULOT

Hulyo 27, 2021

ELENETH D. ESCALONA, EdD.


Punongguro III
Sto. Niňo National High School
Sto. Niňo, Batangas

Ma’am:

Mapagpalang araw po!

Kami po, mga mananaliksik mula sa Golden Gate Colleges Graduate


School ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral na
pinamagatang MGA AKDANG PAMPANITIKAN TUNGO SA
PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGBASA SA BAITANG 7:
BAHAGI NG IMPLEMENTASYON NG E-READERS PROGRAM SA
PANAHON NG PANDEMYA. Nilalayon po nitong ang pagpapabasa sa
mga mag-aaral ng may kasamang pagunawa gamit ang mga akdang
pampanitikan na bahagi ng programang E-Readers.

Kaugnay po nito, hinihingi po namin ang inyong pahintulot na maging parte


ng aming pag-aaral ang inyong paaralan at ang mga mag-aaral nito na
nasa baiting pito, paggamit ng resulta ng una pagsusulit sa pagbasa (Pre
Golden Gate Colleges Graduate School
Phil-Iri), ang pagpapasagot ng mga mag-aaral (bilang respondents) ng
survey questionnaire at makakuha ng mga datos at impormasyon mula sa
aming mga target na respondente/ kalahok.

Makasisiguro po kayo na ang lahat ng aming makakalap na impormasyon


ay magiging lubos na kapaki-pakinabang. Ang lahat po ng mga tugon ay
mananatiling kompidensyal at para sa layuning pampananaliksik lamang.
Ang inyo pong tulong ay lubos naming pinahahalagahan. Maraming
salamat po.

Gumagalang,
Precious Escarez
Lovely C. Mojado
Queen Irish C. Alagad

Binigyang-pansin:

LILIA A. RICERO, CESO V


Propesor, Advans Metolohiya sa Pananaliksik
Apendiks B

LIHAM PARA SA MGA KALAHOK

Hulyo 28,2021

Mga minamahal naming kalahok:

Mapagpalang araw!

Kami, mga mananaliksik mula sa Golden Gate Colleges Graduate


School ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral na
pinamagatang MGA AKDANG PAMPANITIKAN TUNGO SA
PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGBASA SA BAITANG 7:
BAHAGI NG IMPLEMENTASYON NG E-READERS PROGRAM SA
PANAHON NG PANDEMYA. Nilalayon po nitong ang pagpapabasa sa
mga mag-aaral sa baiting pito ng may kasamang pagunawa gamit ang
mga akdang pampanitikan na bahagi ng programang E-Readers.
Kaugnay nito, hinihimok namin kayong sagutan ang mga tanong na
nakapaloob sa google forms na ipapasa sa inyo pagkatapos pumayag
na makakuha ng mga datos mula sa inyong mga target naming
kalahok.

Makasisiguro kayo na ang lahat ng aming makakalap na impormasyon


ay magiging lubos na kapaki-pakinabang at ang inyong mga tugon ay
Golden Gate Colleges Graduate School
mananatiling kompidensyal at para sa layuning pampananaliksik
lamang.

Ang inyo pong tulong ay lubos naming pinahahalagahan. Maraming


salamat po.

Gumagalang,
Precious Escarez
Lovely C. Mojado
Queen Irish C. Alagad

Binigyang-pansin:

LILIA A. RICERO, CESO V


Propesor, Advans Metolohiya sa Pananaliksik

Apendiks C

LIHAM PARA SA MGA MAGULANG

Hulyo 28,2021

Mga minamahal naming magulang:

Mapagpalang araw!

Kami, mga mananaliksik mula sa Golden Gate Colleges Graduate


School ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral na
pinamagatang MGA AKDANG PAMPANITIKAN TUNGO SA
PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGBASA SA BAITANG 7:
BAHAGI NG IMPLEMENTASYON NG E-READERS PROGRAM SA
PANAHON NG PANDEMYA. Nilalayon po nitong ang pagpapabasa sa
mga mag-aaral sa baiting pito ng may kasamang pagunawa gamit ang
mga akdang pampanitikan na bahagi ng programang E-Readers.
Kaugnay nito, humihingi po kami ng pahintulot na payagan nyo
makasama ang inyo anak sa aming pag-aaral.

Makasisiguro kayo na ang lahat ng aming makakalap na impormasyon


ay magiging lubos na kapaki-pakinabang at ang inyong mga tugon ay
mananatiling kompidensyal at para sa layuning pampananaliksik
lamang.
Golden Gate Colleges Graduate School

Ang inyo pong tulong ay lubos naming pinahahalagahan. Maraming


salamat po.

Gumagalang,
Precious Escarez
Lovely C. Mojado
Queen Irish C. Alagad

Binigyang-pansin:

LILIA A. RICERO, CESO V


Propesor, Advans Metolohiya sa Pananaliksik

Apendiks D

MGA AKDANG PAMPANITIKAN TUNGO SA PAGPAPAHUSAY NG


KASANAYAN SA PAGBASA SA BAITANG 7: BAHAGI NG
IMPLEMENTASYON NG E-READERS PROGRAM SA
PANAHON NG PANDEMYA

TALATANUNGAN

PANGALAN (OPSIYUNAL): _______________________

Panuto: Unawain ang mga sumusunod na pahayag hinggil sa sariling pananaw tungkol sa
iyong pag-aaral ng panitikang Pilipino. Gamitin ang mga pamantayan sa nakalahad sa ibaba
upang masagutan ang talatanungan sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa katapat na
bilang

Bilang Interpretasyon
4 Lubos sumasang-ayon
3 Sang-ayon
2 Bahagyang sang-ayon
1 Hindi sang-ayon

I. MGA SULIRANIN KINAHARAP SA PAGBASA NG


Golden Gate Colleges Graduate School
AKDANG BABASAHIN

Suliranin 4 3 2 1
1. Pagkakaroon ng mahinang bokakularyo
2. Mahabang babasahin
3. Kawalang interes sa asignatura
4. Kakulangan sa gabay habang
nagbabasa
5. Limitadong kaalaman hinggil sa
mga akdang binabasa
6. Labis na paggamit ng paglalaro ng
online games at paggamit ng social media
7. Problema sa pamilya
8. Problema sa pisikal na kalusugan
9. Hindi kaaya-ayang kapaligiran

Apendiks E

Akdang Pampanitikan

BIAG NI LAM-ANG
(Epiko nga mga Ilokano)

May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira


samalayong baryo ng Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang
buntis naasawa at pumunta sa kabundukan upang parusahan ang isang grupo
ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan ay ipinanganak ni
Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat
pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan
siyang Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ngkanyang mga ninong nang siya
ay binyagan. Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang
kanyang ina na si Namongan. Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di
pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina. Nalungkot
si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at
nasasabik na siyang makita ito. Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik? Hindi
ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan nanasasabik din
itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya.
Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay Nakita
niya angkanyang ama na walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos
siyang namuhinang siya ay nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa
kabundukan. Siyam nabuwang gulang siya noon. Nang marating niya ang
pamayanan ng mga Igorot, Nakita niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa
Golden Gate Colleges Graduate School
ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay
kinalaban at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasamaang kanilang pinuno na
pinahirapan muna bago pinatay. Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan
siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga
kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang mga
dumi at dugo, ngunit ito'y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog.
Nang siya ay nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala
siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta
siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting
tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay
nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya. Inutusan niyang tumilaok
ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang
bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan
naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik
sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang
upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang
kay Ines Kannoyan. Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka
niyang pakasalan, sabi ng puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan
niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan, sagot ni
Ines Kannoyan. Ang pagsubok na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay
Lam-ang. Umuwi siya kaagadat bumalik kasama ang isang malaking bangka na
puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at
namuhay ng masaya.
Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na
humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may
asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit
nararamdaman ni Lam-ang namapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng
isda na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang
manghuli ng "rarang". Ngunit kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at
isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Na patay siya ng berkahan tulad ng
kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang
puting tandang ng paraanupang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines
Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim
ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga buto at
pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang
paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw
ay nabuhay si Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya

Manik Buangsi
(Zamboanga)

Noon, may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang
pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga
si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi
Golden Gate Colleges Graduate School
niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip nakita na niya ang
lalake na kanyang iniibig. Siya si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay
hindi isang pangkaraniwang tao. Siya ay isang nilalang na walang kamatayan at
nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan
Putli.
Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang
pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kaya’t kinausap niya si Allah. Pumayag naman si
Allah na bumaba si Manik Buangsi sa lupa. Si Manik Buangsi ay nag-anyong
isang ginintuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babaeng
pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng
pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa iyong hardin,” ang bilin ng pulubi
kay Tuan Putli. “Ang bungang ito ay siyang iyong kapalaran.” Itinanim ni Tuan
Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang
pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ay dinala niya sa kanyang silid.
Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi,
nagmumula sa
bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik
Buangsi at
panonoorin ang mukha ng isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya
bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang mga manok. Ngunit sa isang
pagkakataon ay nakatulog si Manik Buangsi. Nang magising siya ay nakasikat na
ang
araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang
katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli. Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya. “At
narito ako upang pakasalan ka!” Naganap ang kasalan nina Manik Buangsi at
Tuan Putli at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan
upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako,
nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran.
Hanggang sa maisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng
dalawa.
“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaaring
isa lamang siyang masamang espiritu!” “Maganda siyang lalake,” wika naman ng
isa pa. “Sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “Sa tingin
ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng
isa pa. “Paluluhain ka niya balang araw!” Dahil sa patuloy na paninira ng
kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging
selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi niyang inaaway si Manik Buangsi.
Ipinasiya niyang bumalik na siya sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang
taglay niya ay naging isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si
Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag si Manik
Buangsi. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok.
Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris. Ngunit buong
tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa
Golden Gate Colleges Graduate School
isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at
mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdurusa. Mahigpit ang yakap ni
Tuan Putli sa beywang ng asawa. “Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya.
“Pipikit ako!” Nagsimula silang tumawid sa makipot na tulay, sakay sa kabayo.
Ngunit hindi kaginsa-ginsa, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang
tinatawag nito. “Tuan Putli, Tuan Putli, Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na
iyon ay katulad ng kanyang yumaong ina! Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli.
Tumingin siya sa ibaba at bigla ring hinigop siya ng isang malakas na hangin
pababa. Wala nang nagawa si Manik Buangsi. At alam niyang nawala na sa
kanya nang tuluyan si Tuan Putli. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat
sa langit sapagkat kadalasan ay hindi siya nakikinig sa paalala. At marami ang
katulad ni Tuan Putli. Marami ang katulad niyang ayaw tumulong sa sarili

Maikling Pag-susulit tungkol sa mga Akdang Pampanitikan

1. Ano ang ipinahihiwatig sa ibaba nang nagpahayag?


“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.
“Maaaring isa lamang siyang espiritu!”
a. Nasa panahon sila na may malalim na paniniwala ukol sa mga
engkanto.
b. Nasa panahon sila na talamak na ang pangangaliwa ng mga bana.
c. Nasa panahon sila na unti-unting lumalim ang inggitan.
d. Nasa panahon ito ng paglalaban ng paniniwala at pag-ibig.

2. Ang sanggol na iniaanak ni Namongan ay kakaiba sa ibang sanggol


sapagkat ito ay ________________.
a. Umiiyak na agad pagkasilang
b. Nagsasalita na agad pagkasilang
c. Kumakanta na agad pagkasilang
d. Sumisigaw na agad pagkasilang

3. Ano ang na panaginipan ni lam-ang?


A. Ang mesa na punong-puno ng pagkain
B. Ang mga batang masayang nakikipaglaro sa kanya
C. Ang kanyang ama na pinaslang ng mga Igorot
D. Ang kanyang amang dumating sa kanilang tahanan

4. Ilang buwan si Lam-ang noong pinutahan niya ang gubat at hanapin


ang tribo ng mga Igorot?
A. Anim na buwan
B. Siyam na buwan
Golden Gate Colleges Graduate School
C. Walong buwan
D. Pitong buwan

5. Nang maging binata si Lam-ang, umibig siya kay Ines Kannoyan. Sino
ang kasama ni Lam-ang noong siya ay nangligaw sa bahay ni Ines?
A. Ang kanyang mga magulang
B. Ang kanyang alagang aso at tandang
C. Ang kanyang mga kaibigan
D. Ang mga igorot

6. Ano ang kondesyon ni Ines Kannoyan upang pumayag siyang


magpakasal kay Lam-ang?
A. Tumbasan ang kanilang bahay
B. Tumbasan ang kanyang pagmamahal
C. Tumbasan ang kanilang kayamanan
D. Tumbasan ang kanyang kagandahan

7. Ano ang isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang


komunidad?
A. Makahuli ng raring
B. Makahuli ng Isda
C. Makahuli ng pating
D. Makahuli ng berkahan

8. Si Tuan Putli ay ay umibig kay Manik Buangsi. Datapwat si Manik


Buangsi ay hindi isang pangkaraniwang tao. Siya ay
isang____________________.
A. Nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala.
B. Prinsipeng ubod ng yaman
C. Halimaw na kinamumuhian ng lahat
D. Anak ng dukkha sa kanilang pamayanan

9. Hindi natiis ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli
kaya siya ay nagpaalam kay bathala na bumababa sa lupa at siya
naman ay pinayagan nito. Si Manik Buangsi ay anyong ____________.
A. Gintong bayabas
B. Gintong manok
C. Gintong itlog
D. Gintong papaya

10. Ano ang ibig ipahatid ng kwentong Manik Buangsi sa mga


mangbabasa?
A. Magtiwala
B. Manatiling positibo
C. Maging mabait kaninoman
D. Maging mapagbigay
Golden Gate Colleges Graduate School

Apendiks F

Resulta ng Unang Pagsusulit sa Pagbasa


Golden Gate Colleges Graduate School

Apendiks G

Phil-Iri Form 3A,


Pahina 1
Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto
Panimulang Pagtatasa sa Filipino
Set A (Grade 7)
PAGPAPALA SA PANGINGISDA
Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Sagana
ito sa iba’t ibang uri ng isda. Kaya marami sa mga Pilipino ay pangingisda
ang ikinabubuhay.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng pangingisda,
ang ating pamahalaan ay nag-eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t
ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga mangingisda. Subalit ang
kasaganahang ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang
gumagamit ng mga pampasabog at lasong kemikal para makahuli ng
maraming isda. Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki at
dumami pa. ang iba naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng
mga isda.
Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay patuloy na gumagawa ng
mga hakbang para masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa batas
pagdating sa paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga
proyekto na magpapaunlad sa produksyon ng isda. Kasama rito ang
pagbabawal ng pangingisda na nakasisira sa coral reefs, ang pagbubuo
ng mga artificial reefs, at pagmomonitor ng red tide sa iba’t ibang
karagatan sa buong bansa.
Golden Gate Colleges Graduate School
Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sektor ng mga
mangingisda. Maraming tao rin ang nakikinabang sa pagtatrabaho sa
industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish processing, net
making, boatbuilding at fish trading. Ito ang mga dahilan kung bakit
kailangang alagaan ang industriyang ito.

MGA TANONG:

1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?


a. dilis at tawilis c. tuna at lapu-lapu
b. tilapia at bangus d. galunggong
at bisugo

2. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pangingisda na


ipinagbabawal? (Paghinuha)
a. pamimingwit c. ang paraang
pagbubuslo
b. paggamit ng lambat d. paggamit ng
pampasabog

3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na


batas na paraan ng pangingisda?
a. Bureau of Food and Drug
b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
d. Department of Energy and Natural Resources

4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?


a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.
b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.

5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at


lason sa pangingisda sa tao?
a. Natatakot ang mga isda.
b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
d. Namamatay ang maliliit at batang isda.

6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling


paraan ng pangingisda?
a. Mauubos ang mga isda sa dagat.
b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.
c. Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao.
d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng pangingisda.
Golden Gate Colleges Graduate School

7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na


gumagamit ng maling paraan ng pangingisda?
a. mahilig sa gulo c. malikhain sa
trabaho
b. matigas ang ulo d. masipag
maghanapbuhay

8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


a. ipagmamalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng
isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan
ng bansa
d. malaman ng tao sa bawat gawain ay may kaakibat na
responsibilidad

Apendiks H

CURRICULUM VITAE

Pansariling Datos

Pangalan: Precious E. Escarez

Tirahan: Soro-soro Ilaya, Batangas City

Petsa ng Kapanganakan: Abril 30, 1997

Lugar ng Kapanganakan: Batangas City

Relihiyon: Born Again Christian

Katayuan: Dalaga

Edad: 24

Pangalan ng Ama: Rene P. Escares

Pangalan ng Ina: Ma Theresa E. Escares

Edukasyong Natamo

Kolehiyo: Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya


Golden Gate Colleges Graduate School
Main Campus I

Medyor: TLE

Kasalukuyang Pinagtuturuan: Sto. Nino National High School

CURRICULUM VITAE

Pansariling Datos

Pangalan: Lovely Joy C. Mojado

Tirahan: Quilib, Rosario, Batangas

Petsa ng Kapanganakan: Agosto 24, 1993

Lugar ng Kapanganakan: San Ignacio, Rosario, Batangas

Relihiyon: Roman Catholic

Katayuan: Dalaga

Edad: 27

Pangalan ng Ama: Frankleo M. Mojado

Pangalan ng Ina: Alona Mojado

Edukasyong Natamo

Kolehiyo: Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya


Golden Gate Colleges Graduate School
Rosario Campus

Medyor: Filipino

Kasalukuyang Pinagtuturuan: Rosario Technical High School

CURRICULUM VITAE

Pansariling Datos

Pangalan: Queen Irish C. Alagad

Tirahan: Natunuan North, San Pascual, Batangas

Petsa ng Kapanganakan: Enero 28, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Natunuan North, San Pascual, Batangas

Relihiyon: Katolilko

Katayuan: Kasal

Edad: 22

Pangalan ng Ama: Arnel H. Castor

Pangalan ng Ina: Sherly M. Castor

Edukasyong Natamo

Kolehiyo: Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya


Golden Gate Colleges Graduate School
Medyor: Filipino

You might also like