Pagsusulit 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusulit 3

I. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salawikain


1. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
a. Maraming tsismosa sa buhay na nagkalat kahit saan.
b. Kapag tsismosa ang kausap laging tandaan huwag ng magkwento pa,
c. Ang tsismosa laging nakakasagap ng tsismis kahit saan at kahit kailan.
2. Lahat ng gubat ay may ahas.
a. Ang ahas ay nakakamatay kaya mag-iingat ka palagi.
b. May mga taong sisiraan ka para silang ahas kung traydorin ka .
c. Kahit saan ka man magpunta may taong maninira sa iyo upang hilain ka pababa.
3. Kung hindi ukol, hindi bubukol.
a. Kung swerte ay swerte mo talaga ito.
b. Ang kapalaran ay sadyang mailap para sa walang pangarap.
c. Ang swerte ay hindi para sayo kung hindi nakalaan para sayo.
4. Pagmaliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
a. Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.
b. Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan.
c. Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at magtipid.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
a. Magdasal lang lagi upang biyayaan ka ng Panginoon.
b. Antayin mo ang Panginoon na basbasan ka ng mabuting kapalaran upang buhay mo ay
bumuti.
c. Hindi sapat na umasa ng awa sa Diyos kailangan natin magsikap upang makaahon sa
kahirapan sa buhay.

B. Sawikain : Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain.


6. Lantang gulay si inay nang umuwi galing sa paglalabada.
a. sobrang kisig b. sobrang liksi
c. sobrang pagod d. sobrang galaw
7. Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong.
a. mabilis kumilos b. umiikot-ikot lang
c. mabagal kumilos d. gumagapang sa lupa
8. Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
a. mabaho b. mabango
c. matamis d. masangsang
9. Gustong kong maging asawa ay makapal ang palad.
a. masipag b. mayaman
c. makisig d. matulungin
10. Nasaktan ng lubusan ang aking kaibigan sa pag-iisang dibdib ng kanyang dating mahal.
a. pagmamahal b. pagpapakasal
c. pagtataksil d. pag-iwan

II. TAMA O MALI


Panuto: Tukuyin ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Piliin ang Tama kung ito ay
wasto at Mali naman kung hindi ito wasto.
_______11. Salawikain, Sawikain at Kasabihan ay mga Kuwentong Bayan
_______12. Sawikain ay isang idyoma o matatalinhagang salita
_______13. Alamat ay isang uri ng karunungang bayan.
_______14. Salawikain ay nagtuturo ng kagandahang asal.
_______15. Bulong ito ay pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na
pangkulam.

III. A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang salitang Magkatulad
kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad at Piliin ang salitang Di- Magkatulad kung
ang paghahambing ay di-patulad.
______16. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na
taon.
______17. Si Renz ay di-gasinong masipag na gaya ni Randy.
______18. Si Aya ay kasinggaling ni Jess sa pagsayaw.
______19. Ang nakita naming pating sa dagat ay kasinlaki ng bangka.
______20. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.
______21. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
______22.Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.
______23. . Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Knor.
______24.Ang magkasintahan ay magkasintangkad
______25 Lalong mahirap ang pamumuhay namin dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa
probinsiya.
A. Paghahambing na Palamang o Pasahol( 2puntos)
Piliin ang titik L kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang. Isulat ang titik
M kung ito ay pasahol.
____26-27. Ang panahon sa Abril ay higit na mainit kaysa panahon sa Nobyembre.
____28-29. Di-gaanong mahal ang gulay ngayon tulad ng presyo nito noong isang buwan.
____30-31. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
____32-33. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan.
____34-35. Di-gasinong mapagbigay si Lorie na tulad ni Sheila.
____36-37.Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sariaya.
____38-39. Para kay Melit, di-gaanong mahirap ang asignaturang Matematika kung ihahambing
ito sa Filipino.
____40-41.Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Shake, Rattle and Roll
____42-43. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo
ang pamilya.
____44-45. Ang pagmamahal ko sa Diyos ay higit pa kaysa kanino.

You might also like