Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PIYESTA NG KESONG PUTI

Nina Mariel V. Ansay


Gina L. Salcedo
Mary Joice Nhel B. Ella

Maingay, masaya at amoy keso ang paligid, “ano po ang mayroon, inay?” ang tanung ni Kokoy sa
kanyang nanay. “May Kesong Puti Festival sa nayon. Isa itong pagdiriwang sa Bayan ng Santa Cruz,
Laguna. Ipinagdiriwang ang pasasalamat at piyesta ng Kesong Puti. Ang sarap pagmasdan ng makukulay
na mananayaw gamit ang mga orihinal na disenyo na may kaugnayan sa Kesong Puti. Nariyan din ang
ibat-ibang patimpalak sa pagluluto gamit ang sangkap ng Kesong Puti”, sagot ng ina ni Kokoy.
Sa kanilang pag-uusap habang naglalakad ay nakakita si Kokoy ng mga nakapaskil na larawan ng
kesong puti, ito ang unang pagkakataon na napagmasdan niya ang itsura nito kaya lalo siyang nag-usisa
tungkol dito.Tumigil ng sandali si Kokoy, tinitigan ang isang larawan ng kesong puti at nagsimula nang
magtanong.
“Saan po ba nagmula ang Kesong Puti, inay?”, tanong ni Kokoy sa kanyang ina.
“Ito ay nagmula sa gatas ng kalabaw”, sagot ng ina ni Kokoy.
“Ano po ba ang lasa ng kesong puti? Masarap po ba ito?”, tanong muli ni Kokoy sa kanyang ina.
“Aba’y syempre anak sobrang sarap ng kesong puti lalo na kapag bagong luto ito. Alam mo ba
kung saan gawa ang kesong puti anak? Ito ay gawa sa sariwang gatas ng kalabaw na sadyang
napakasarap at napakasustansya pa dahil nagbibigay ito ng lakas sa ating katawan. Hayaan mo mamaya
ay bibili tayo nang may pagsaluhan tayo mamayang meryenda”,sabi ng kanyang nanay.
“Talaga po ba inay, gusto ko po itong matikman parang hindi na po ako makapaghintay”,
sabi ni Kokoy. “Sabi ng iba, tamang tamis at alat ang malalasahan mo kapag kumain ka ng Kesong Puti.
Kung ganito nga kasarap, siguradong walang mauumay at paulit-ulit pa na titikman ng lahat ang Kesong
puti”, muling sagot ng ina ni Kokoy. “Karaniwang nakabalot ang Kesong Puti sa dahon ng saging  na
nakasabit sa mga tindahan at mabibili sa murang halaga. Paborito ng mga Lagueo ang kesong puti kung
may kasama rin itong mainit na pandesal at kape. Maaari rin pala itong iprito o di kaya’y ilahok sa mainit
na kanin. Tunay na maraming pagkaing binabagayan ang kesong puti”, dagdag pa nito.
“Paano po ba gawin ang kesong puti?” pagtatanong muli ni Kokoy. “ Eto anak meron akong
kopya dito ipapakita ko sa iyo” sabi ng nanay. Binuklat ng nanay ni Kokoy ang kanyang notebook.

Mga Sangkap Ng Kesong Puti (White Cheese)


4 tasa ng gatas ng kalabaw
3/4 kutsarang asin
1/4 tasa ng suka ng suka
2 kutsarang lemon juice
 dahon ng saging, gupitin sa 12x6-pulgada na piraso at ipinasa sa isang bukas na siga
Paano Gawin Ang Kesong Puti (White Cheese)
1. Ilagay ang gatas at asin sa isang dobleng boiler sa medium-low heat. Magluto ng 15 minuto,
patuloy na pagpapakilos gamit ang isang isterilisadong kutsara upang maiwasan ang paghalo
mula sa kumukulo.
2. Tanggalin mula sa init pagkatapos magdagdag ng suka at lemon juice. Payagan ang mga curd na
pormulahin, paghahalo nang basta-basta. Payagan na cool at itakda para sa
1 oras.
3. I-linya ang isang strainer na may isang piraso ng cheesecloth, at itakda ang strainer sa isang halo
ng mangkok. Kapag ang halo ay palamig, ibuhos sa may linya na strainer upang maubos ang
likido (whey) mula sa halo; itapon ang likido. Ang curd ay handa nang gamitin kung mas gusto
mo ang creamy kesong puti  . Para sa keso ng mas mataba, maglagay ng malinis, mabibigat na
bagay (tulad ng isang maliit na plato) sa tuktok ng mga curd upang maubos ang mas maraming
whey mula sa pinaghalong.
4. Ilagay ang mga curd sa isang dahon ng saging at tiklop upang balutin. Ihiga ang kambal sa kusina
o isang mahabang guhit ng dahon ng saging. Ilagay sa isang zip-top bag o sakop na lalagyan, at
itago sa ref ng hanggang sa 1 linggo.

“At ang nakakatuwa pa rito, mano-mano parin ang paggawa nito. Mula sa mano-manong
pagkuha ng gatas sa kalabaw, ang kesong puti ay hindi birong gawin. Kayanaman hindi mawawala
ang orihinal na lasa nito”, wika ng ina ni Kokoy. “Marami rin tayong benepisyo na maaari nating makuha
sa kesong puti na nagmula sa gatas ng kalabawa, naglalaman ito ng protina, kaltsyum, posporus at
marami pang ibang mga sustansya na maaaring magbigay sa iyo ng mas maraming enerhiya at
mapapalakas ka para sa hinaharap”, dagdag pa nito.

“Maaari po ba akong manood ng mga kaganapan, inay?” tanung ni Kokoy.


“Oo naman anak, pero huwag kang lalayo at baka ikaw ay mawala”. Pagpayag at paalala ng
kanyang inay.

Masayang masaya si Kokoy sa kanyang mga nasaksihan, merong “Patimpalak sa Pag-Awit ng


Kesong Puting Jingle”, “Karera ng Bisekleta”, “Parada ng mga Taga Gawa ng Kesong Puti”, “Pageant”,
“Parada ng mga Mangingisda”, at iba’t-ibang “Palarong Pinoy”.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nalibang si Kokoy sa pagsunod sa makukulay na mananayaw at


hindi na nya namalayan na siya ay napalayo na sa kanyang ina. Umiiyak ng umiyak si Kokoy sa takot na
hindi na sila magkita ng kanyang ina, mabuti na lamang at maraming kapulisan ang nagbabantay sa
bawat sulok ng bayan at siya ay maayos na naihatid sa kanyang ina.

“Sabi ko naman sa iyo ay huwag kang lalayo sa akin di ba?” wika ng kanyang ina na may halong
pag-aalala
“Patawad po inay, hindi po ako nakinig sa inyo”, malungkot na tugon ni Kokoy.

Nakaramdam man ng takot si Kokoy ay, masaya naman siya dahil naranasan niyang makapunta
sa isang malaki at kilalang piyesta sa Laguna ang Piyesta ng Kesong Puti.

You might also like