Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

10

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
PANGALAN:

BAITANG AT SEKSYON:
Week 1-2

Gawain 1.

Panuto: Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Maaaring basahin
ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=9tg5wU1bQFI

Mga Gabay na Tanong

1. Anu-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?


2. Sinu-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at
pananagutan?
4.Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat
at pambansang kapakanan?
Gawain 2. Multiple Choice
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D.Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
2. Sino sa mga sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Larry na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Doris na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Alvin na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D.Si Revelyn na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
3. Ang mga sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D.nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi
bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
4. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.
5. “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ano
ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B.Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C.Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D.Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

Suriin Natin
Pamilyar ka ba sa mga nakikita mo sa larawan? Subukin mong pagtugmain ang mga larawan at
ang kanilang mga pamosong linya na nag iwan sa atin ng mga butil ng karunungan. Matukoy mo kaya?
Halika at subukan natin.
Ang mga kilalang taong nakikita natin sa larawan ay nagpakita ng kanilang pagmamahal at pag
mamalasakit sa kanilang bansa sa kanilang kapwa at mga kababayan. Ipinakita nilang sila ay tunay na
mamamayan ng kanilang bayang sinilangan. Paano nga ba maipakikita ang pagiging tunay na
mamamayan ng sariling bayan? Ng ating sariling bayan? Sapat na ba na ikaw ay isinilang lamang sa lupain
ng iyong magulang. Ito ang ating aalamin sa modyul na ito.Halina at tunghayan natin ang ating unang
modyul sa huling bahagi ng ating panuruang taon.

Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)

Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan


Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang
panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng pagkamamamayan o citizen.
Ang Kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang
lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng
mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung
saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang
sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at
sundalo.. Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng
citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na
kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang
citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at
tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-Batas ang tungkulin at karapatan ng mga
mamamayan nito. Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang
mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay
tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa
pagkamamamayan.
Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON-1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;


(2) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(3) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSIYON-2: Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula
pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan. 3 nito ay dapat ituring na katutubong
inianak na mamamayan.
SEKSIYON-3: Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON-4: Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas
na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON-5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas. (Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas. (1987, February 2). Ang
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August) Sa kabila nito ay
maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay
sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
1.) Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
2.) Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at
3.) Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa


kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas

Jus soli o Jus loci- Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.

9
Pagpapakilala ng Bagong
Aralin (Ikalawang Linggo)

Lumalawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Ngayong naunawaaan na natin ang legal na pananaw ng pagkamamamayan na sa wikang


Ingles ay Citizenship na nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng estado, bilang isang
responsableng mamamamayan mahalagang isaalang alang naman natin ang lumalalawak na pananaw
nito para mas maging makabuluhan ang ating pagiging miyembro sa lipunan o komunidad na ating
kinabibilangan.
Mahalagang tignan natin ang pagkamamamayan bilang miyembro ng lipunan na may
pagkakabuklod buklod para sa kabutihan at kapanan ng bawat kasapi nito. Bilang isang mamamayan ng
isang bansa ang pagtugon sa kanyang tungkulin, pag –alam at paggamit ng karapatan ng may
pananagutan ay katibayan nang lubos na pagkaunawa sa konsepto nito.
Ang pagiging mamamayan ay hindi dapat nanatiling tagamasid lamang sa kung ano ang
nagaganap sa lipunan sa halip ay aktibong nakikilahok kung paano tutugon sa isyung kinakakharap ng
lipunan na may layuning mapabuti ang bansa at ang mga mamamayang naninirahan dito, sa madaling
salita hindi ka nagiging pasanin at bahagi ng problema kundi nilalayon mo na maging intrumento sa
paglutas ng mga usapin at problemang panlipunan.
Para sa mas malawak na pananaw sa kosepto ng pagkakamamayan, dapat maunawaan ng
bawat mamamayan na ang karapatan na tinatatamasa niya na ipinag kaloob ng estado ay dapat ligal na
magamit sa pag papabatid ng kanyang saloobin at hinaing sa pamahalaan, mahalaga ito para maipaabot
sa kanila kung ang mga ipinatutupad na batas, patakaran, programa at proyektong pambansa ay nagiging
epektibo pa ba at tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sapagkat ito ay pangunahing
tungkulin ng estado sa mga mamamayan nito.
Bilang mamamayan sa kasalukuyang henerasyon na mas may malawak na pananaw hingil dito,
hindi na lamang siya tagasunod sa pinag uutos ng pamahalaan, natutunan na rin niyang magsuri at
makialam sa mga napupunang katiwaalaan at kadalasang monopolyo na ginagawa ng pamahalaan sa mga
patakarang ipinatutupad sa bansa, napakahalagang may konsultasyon sa mga mamamayan sa bawat
patakarang ipinatutupad sa isang bansa lalo pat ang direktang dapat makinabang nito ay ang mga
mamamayan ng bansa.
Ang isang mamamayan na may malawak na pananaw sa kanyang pagiging kasapi sa estado ay
hindi lubos na umaasa sa pamahalaan para sa kanilang kabutihan at kapakanan kundi nakikipagadayalogo
kasama ang iba pang kasapi nito upang makabuo ng kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong
kinakaharap ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon ay malawakang naipapahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga
opinyon, reaksyon at saloobin sa kung ano na ang kalagayan at nagaganap sa bansa gamit ang ibat ibang
uri ng social media, ngunit mahalaga na maging maingat at mapanuri sa bawat salita sapagkat ito ay
manipestasyon ng isang mapanagutang mamamayan.
Batay sa lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan, mahalagang maunawaan natin ang
katangian ng isang mabuting mamamayan at para lubos natin itong maintindihan, ating bigyang diin ang
tinuran ni Yeban (2004) ayon sa kanya ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang: makabayan,
may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, ganap
ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing
pag – iisip.
Kanyang binigyang pagpapahalaga na ang pagkamamamayan ay pagiging mabuting mamamayan
at ang pagiging mabuting mamamayan ay katumbas ng pagiging responsableng mamamayan na
kinapapalooban nang malawak na tungkulin at pananagutan na dapat maisakatuparan para sa kapakanan
ng lahat at ng bansa.
Samantala makatutulong sa pagpapabuti ng ating bansa ang maunawaan ang 12 gawain ng bawat
mamamayang Pilipino na iminungkahi at isinulat ng abogado na si Alex Lacson. Para sa kanya ito ay
pangkaraniwang gawain ngunit siguradong may malawakang pagbabago sa ating lipunan. Basahin at suriin
ang mga sumusunod na iminungkahing gawain:

Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang mga sumusunod na katanungan na


nakapaloob sa Pinoy – Bingo.
Ang pagiging mamamayan ay hindi dapat manatiling tagamasid lamang sa kung ano ang
nagaganap sa lipunan sa halip ay aktibong nakikilahok kung paano tutugon sa isyung
kinakakaharap ng lipunan na may layuning mapabuti ang bansa at ang mga mamamayang
naninirahan dito, sa madaling salita hindi ka nagiging pasanin at bahagi ng problema kundi
nilalayon mo na maging intrumento sa paglutas ng mga usapin at problemang panlipunan.
Batay sa lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan, mahalagang maunawaan natin
ang katangian ng isang mabuting mamamayan at para lubos natin itong maintindihan, ating
bigyang diin ang tinuran ni Yeban (2004) ayon sa kanya ang isang responsableng mamamayan
ay inaasahang: makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pantao,
may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan,
may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag –iisip

E Pagyamanin Natin

5
Panuto: Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag – X at Y.
Suriin kung tama o mali ang isinasaad ng mga ito. Gawing batayan ang
sumusunod. Titik lamang ang isulat.
A – ang X ay tama at Y ay mali C. Parehong tama ang X at Y
B – Ang Y ay tama at X ay mali D. Parehong mali ang X at Y

______1. X – Sumunod sa batas trapiko

Y – Itapon nang wasto ang basura


2. X – Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap
Y – Tumulong nang may inaantay na kapalit
3. X – Ibenta ang iyong boto sa malaking halaga
Y – Huwag bumili ng mga bagay na smuggle
4. X – Ipagsawalang bahala kung mayroong resibo o wala ang iyong binili
Y – Sundin ang batas trapiko kung may nakatingin
5. X – Bilhin ang mga lokal na produkto

Y – Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.

You might also like