Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Rhea Mae C.

Dubal BSED-Filipino
Introduksyon sa Pamamahayag C12.1

I. SALOOBIN/ KARANASAN TUNGKOL SA PAHAYAGAN, PAMAHAYAGAN


AT PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS

Tandang-tanda ko pa noon, sa tuwing may dalang dyaryo ang Ama ay paunahan


kami ng aking kapatid na makalapit sa kanya upang kunin ang isang bahagi nito. Oo,
isang bahagi- isang pahina lamang ng dyaryong iyon. Wordsearch at crossword puzzle.
Sa murang edad ay iyon lamang ang laman ng isip ko at hindi ang kabuuan ng
pahayagan, hindi ang balita sa loob nito, hindi ang kaganapan na nangyayari sa
lipunan, kundi wordsearch at crossword puzzle. Kontento na ako na si Ama na lamang
ang magbahagi sa amin patungkol sa kanyang nabasa roon.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti kong natuklasan ang mundo ng


pamahayagan, ang mga mamahayag at ang mismong pahayagan. Hindi lamang pala
umiikot sa wordsearch at crossword puzzle ang mga ito bagkus, naglalaman ito ng mga
impormasyong dapat nating malaman. Pero ang mas nakakalungkot ay ang pag-
aakalang maghahatid sila ng konkreto at totoong balita lamang. Tila nagbago ang aking
pananaw nang mabasa at mapanood ko ang totoong kalagayan sa loob ng
pamahayagan. Nasaksihan ko ang iba’t-ibang anomalya, ang kapangyarihang hawak
nito at kung paano nito napapasunod ang mga tao, paano nito napapaniwala ang
madla, paano nito nasisiraan ang isang indibidwal at kung paano nito kayang baliktarin
ang isang balita. Marahil ay hindi lahat ngunit sa mga panahong iyon ay tila nawalan
ako ng tiwala sa mga mamahayag, sa pahayagang kanilang inililimbag at sa larangan
ng pamahayagan. Hindi ba maaaring pawang katotohanan lamang ang ibabalita? Bakit
kailangan pang dagdagan o bawasan? Para ano? Para mas lumiyab ang apoy?
Kailangan ba dapat gumawa ng isang isyu para pagtakpan ang kabulastugang ginawa
ng isang indibidwal? Hindi ba dapat ang ibabalita ay yaong katotohanan lamang?
“Ganyan ang mundo ng pamahayagan. Isang malaking negosyo”, sagot ng aking guro
nang minsang tanungin ko siya nito. “Pero, mababago mo pa, mababago niyo pa.
Kayong mga kabataan na mulat sa sitwasyong ito, maging daan sana kayo para
mabalik sa dating anyo ang Pamahayagan”, dagdag pa nito. Dahil dito, sinikap kong
makapasok sa pamahayagan sa aming paaralan upang mas lalong maintindihan ang
pamahayagan.

Bitbit ang karanasan ko noong elementarya sa pagsulat ng isang editoryal at ang


hangaring unti-unting mabago ang kinagisnang pamahayagan, nag-audition ako sa
aming paaralan nang ako’y nasa ikapitong-baitang upang maging opisyal na kasapi ng
organisasyon. Sa kabutihang palad, ako’y natanggap at nagsimulang sumali sa iba’t-
ibang pagsasanay, patimpalak at seminar. Tuwing may pagdiriwang at aktibidades sa
aming paaralan ay inaasahang makagagawa kami ng balita na mailalagay namin sa
aming pahayagan. Minabuti kong maging isang tapat na mamahayag, walang
kinikilingan at parating isinasapuso na kahit sa maliit na hakbanging ito ay maipakita ko
sa lahat na kaya naming mga kabataang mabago ang hindi kaaya-ayang mukha ng
pamahayagan.

Naging opisyal na manlalahok din ako sa DSPC kada taon sa larangan ng


pagsusulat ng editoryal. Hindi naglaon, mula sa pagiging kontribyutor ay naging
Tagapamahalang Patnugot ako ng aming patnugutan. Maliban sa pagsusulat ng balita
at editoryal ay sinubukan ko ring pasukin ang lathalain. Tuwang-tuwa ako noon nang
maigawad sa akin ang ikatlong puwesto kahit iyon ang unang beses kong magsulat ng
isang lathalain. Kaya bago maganap ang DSCP nang taong iyon, ay kinausap ako ng
aming coach kung gusto ko bang subukan ang Science and Health sa darating na
DSPC. Ipinaliwanag niya sa akin na ang mga paksa ay maaring patungkol sa siyensya
at kalusugan ngunit sila ang magsasabi kung isusulat mo bilang isang balita, editoryal o
lathalain. Sinabi niya rin na alam niya raw na kaya ko itong gawin dahil maalam naman
daw akong magsulat ng alinman sa tatlo. Kabilang rin sa paliwanag niya na hindi
wikang Filipino ang aking gagamitin kundi Ingles. Nang mga panahong iyon ay sinabi ko
sa aking sarili na kailangan kong manalo dahil ito na ang huling taon ko sa junior
hayskul at gusto kong mag-iwan ng pangalan bago ko lisanin ang mundo ng
Pamahayagang Pangkampus.

Natapos ang patimpalak at lubos ang sayang aking naramdaman. Oo, nasungkit
ko ang unang karangalan. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nakita ko na
lang ang aking sarili na pababa na sa entablado suot ang medalya. Hindi man pinalad
na manalo sa naganap na RSPC ay masaya parin ako at nakatungtong ako roon.

Sa tuwing nababanggit ang karangalang iyon ay bumabalik sa aking isipan kung


bakit ko pinasok ang mundong iyon. Nakatutuwang isipin na ang batang ako ay ninais
baguhin ang di kaaya-ayang mukha ng pamahayagan.

Sa kanila nito, nakalulungkot rin dahil pag-apak ko ng kolehiyo ay tila bula na


biglang naglaho ang alab noon sa aking puso. Nakalimutan ko lahat at ‘di ko alam kung
bakit. Sa tagal ng panahong hindi ko pinansin ang pamahayagan, ngayon, tila blanko
ang aking isipan patungkol dito. Oo, nanonood ako ng balita sa telebisyon,
napapakinggan ko sa radyo at nababasa ko sa dyaryo, ngunit hanggang doon na lang
iyon. Pero ngayon, handa ulit akong matuto at maglakbay sa mundong alay ng
pamahayagan.
II. TSEKLIST BATAY SA TUNGKULIN NG PAMAHAYAGAN AT MAMAHAYAG
BATAY SA KALAGAYAN NG PAMAHAYAGAN SA PILIPINAS AT NG MA
MAMAMAHAYAG NG BANSA

*Ang mga sumusunod ay nakabatay sa pansariling pananaw batay sa kalagayan ng


pamahayagan sa Pilipinas at sa ginagawa ng mga mamamahayag ng bansa.

TUNGKULIN NG PAMAHAYAGAN 5 4 3 2

Nakapaglalathala ng balita. Dahil ang pangunahing


tungkulin ng pamahayagan ay ang makapaglimbag ng mga
balita upang ipabatid sa lahat ang mga kaganapan sa
lipunan, inaasahan din na kaakibat ng tungkuling ito ang 
paglathala ng wasto, walang labis at walang kulang na
balita at walang kinikilingan.

Nakapagbibigay puna sa balita. Natutulungan ang mga


mambabasang magpasya sa kung anong panig ang
kanilang paniniwalaan. Naisasagawa ang tungkuling ito sa 
pamamagitan ng editoryal at mga tudling.

Nakapagbibigay-aliw sa mambabasa. Hindi


maipagkakailang isa ito sa mga inaabangaan ng mga 
mambabasa. Kabilang dito ang wordsearch, crossword
puzzle at mga lathalaing manlilibang.

Nakapagbibigay payo sa mambabasa. Hindi lamang


purong balita ang laman ng isang pahayagan bagkus
naglalaman din ito ng mga sulating nagbibigay ng tips at 
abiso para sa mga mambabasa. Halimbawa ay ang pitak
pangkalusugan.

Nakapaglalathala ng mga paanunsiyo. Hindi


maipagkakailang ang mga paanunsiyo ang tumutustos sa
pahayagan. Dahil dito, hindi gaanong mataas ang halaga 
nito. Ang mga anunsiyo ay nakakatulong sa paghahanap
ng trabaho, pagtuklas ng bagong produkto at iba pa.

Pagpapakahulugan:
5- Lubos na nagampanan
4- Nagampanan
3- Bahagyang nagampanan
2- Hindi nagampanan
TUNGKULIN NG MAMAMAHAYAG 5 4 3 2

Nakapag-uulat o nakapaglalarawan ng pangyayari.


Pangunahing tungkulin ng mamamahayag ay ang ipabatid
sa lipunan ang importante at makabuluhang mga balita. 
Kalakip nito ang paglalarawan at paghahatid ng wastong
impormasyon sa mga tao.

Naipaliwanag ito at nabigyang kahulugan.


Kinakailangang maipaliwanag at mabigyan ito ng 
kahulugan sa paraang mas madaling maunawaan ito ng
mambabasa.

Nahuhulaan ang maaaring kahihinatnan ng


pangyayari. Inaasahang maging responsable ang isang 
mamamahayag sa pag lathala ng kanyang sariling opinyon
at maging patas sa bawat panig.

Pagpapakahulugan:
5- Lubos na nagampanan
4- Nagampanan
3- Bahagyang nagampanan
2- Hindi nagampanan

You might also like