Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email: amecimontessori@gmail.com

MTB-MLE 3
MODYUL 2
UNANG MARKAHAN Pangalan:
Name: ________________________________________________

(Pangalawang Linggo) Baitang


Gradeatand
Seksyon:
Section:
_____________________
_____________________
Agosto 9-13, 2021

Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mag-aaral ay inaasahang…
 natutukoy ang tatlong uri ng kailanan ng pangngalan;
 nakapagbibigay ng halimbawa ng pangngalan ayon sa kailanan; at
 nakagagamit ng pangngalan ayon sa tamang kailanan.
Pangkalahatang Ideya:

Ang modyul na ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tinutukoy na pangngalan. Dito ay


matututunan na ang kailanan ng pangngalan ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan. Ito ay
makakatulong upang makapaglahad ng mga pangngalan ayon sa kailanan.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang 1 kung isahan, 2 kung dalawahan at 3 kung maramihan ang
kailanan ng mga pangngalan.

a. magkapatid

b. kalaro

c. ate at kuya

d. ang puno

e. mag-aama
Kailanan ng Pangngalan
Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari. Ito ay may bilang o
dami. Kailanan ang tawag sa bilang o dami ng pangngalan.
Kailanan ng pangngalan ay nagsasaad ng dami o bilang ng tinutukoy na pangngalan. Ito ay may
tatlong may tatlong uri ng kailanan. Ito ay isahan, dalawahan at maramihan.

Isahan - kumakatawan sa pangngalang likas na nagiisa lamang ang bilang. Ito ay gumagamit ng


panandang ang, si, ni, kay, at pamilang na isa.

Mga Halimbawa ng Isahan


ang puno
si Miya
kay ate
kapatid

Dalawahan - tumutukoy sa pangngalang may dalawang bilang. Ito ay gumagamit ng panlaping


makangalan na mag- at pamilang na dalawa.

Mga Halimbawa ng Dalawahan


kambal
dalawang lugar
magkapatid
mag-ama

Maramihan - tumutukoy sa mahigit na dalawang pangngalan. Ang mga panandang ginagamit


ay mga, sina, nina, kina, o iba pang pamilang na higit sa dalawa. Kadalasan din itong may
magkabilang panlaping ka- at -an o -han.

Mga Halimbawa ng Maramihan


magkakapatid
kabahayan
sina nanay, tatay, at ate
mga bituin

kaya mo to!
Gawain 1 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na salita. Tukuyin ang kailanan ng
pangngalan. Piliin kung ang pangngalan ay isahan, dalawahan o
maramihan.

______________________1. magkakalaro ______________________6


______________________2. pinsan . kaklase
______________________3. katabi ______________________7
______________________4. magpipinsan . magkatabi
______________________5. magkakaibigan ______________________8
. magkakapitbahay
______________________9
. ama
______________________1
0.kaibigan
Gawain 2 Panuto: Tukuyin ang kalian ng mga pangngalan sa ibaba. Ilagay ito sa tamang
Kaibigan Magkalaro magkaaway
Katabi Magkaibigan mag-ina
Kalaro Mag-iina magkakalaro
Ina Magkaytabi magkakaaway
kaaway magkakatabi magkaibigan
Isahan Dalawahan Maramihan

Gawain 3 Panuto: Punan ang tsart ng mga salitang pangngalan ayon sa kailanan.

isahan dalawahan maramihan


1.pinsan 1.mag-ina 1. mga puno
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4.tao 4. 4.magkakalaro
5. 5. 5.
6. lapis 6. 6.

TANDAAN: Para sa klaripikasyon ukol sa aralin, maaaring makipag-ugnayan sa guro sa


numerong ito 09104035191 o sa pamamagitan ng kanyang Facebook account,
https://www.facebook.com/Judgaoilan mula sa oras na 7:30 ng umaga
magpahanggang 5:00 ng hapon lamang maaaring sumangguni sa guro, ang mga
katanungan at klaripikasyon na lumagpas sa nasabing oras ay masasagot sa susunod
na nakatakdang araw.
MGA SANGGUNIAN:
Mother Tongue- Based Multi-lingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng
Mag-aaral: Ikat Bahagi Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9601-31-9
Inihanda ni: Iniwasto ni:

JUDYMEL A. GAOILAN CHICLETTE D. GANGAN


Guro Sabjek Koordineytor
Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

RIC JAY T. TULIAO JERIC T. VALDEZ


Head, Elem Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:

NELIA Z-ANGULUAN, PhD


Direktor

You might also like