Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

+

MUNDONG MAGKAKAIBA

“Kabataang pinoy pagbutihan mo

pag-asa ka ng buong mundo”

Iyan ay isang linya mula sa popular na kanta ng bandang itchyworms na


“Kabataang Pinoy.’’ Ika nga sa kanta, ipinakikilala ang kabataan bilang isang
malakas at matapang na kayang harapin ang mga hamon sa kabila ng
kanilang murang edad. Ngunit, sa gitna ng pandemya masasabi pa rin kayang
kabataan ang pag-asa ng bayan?

Maraming beses na tayong sinubok ng tadhana na naging dahilan ng


pagkakadapa. Ang malakas na ihip ng hangin na nagtataboy sa atin ay syang
sumusubok kung gaano tayo katatag bilang isang nilalang. Marami ang
pagbabagong nagaganap dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo.
Kamakailan lang, idineklara ang ‘No Vaccine, No Face-to-Face Classes’ kung
kaya’t binuo ang ilang estratehiya upang maisakatuparan ang pag-aaral kahit
pa nasa kanya-kanyang tahanan lamang. Ayon sa isang pahayag ni DepEd
Secretary Leonor Briones noong Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng
interes at pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral pagdating sa edukasyon.
Kaya naman ang pangunahing misyon nito ay patuloy na maibahagi ang
serbisyong edukasyon para sa mga kabataan. Inilunsad ang New Normal o
learning from home bilang alternatibong paraan na nangangailangan ng
pagsasanay upang maiwasan na hindi makasabay sa mga pagbabagong
magaganap.

Sa ilalim ng online mode, mayorya ng mga mag-aaral ay gumagamit ng mga


plataporma tulad na lamang ng Microsoft Teams, Google Classroom at Google
Meet, Discord, Zoom, at Facebook upang makipag-usap o makipagpulong sa
mga guro at kaklase, makapagpasa ng mga gawain at makatanggap ng mga
aralin. Lahat ng mga ito ay malakas komunsumo ng internet o data. Kung
kaya't ang kawalan ng pantustos o akses sa mga ito ang pinakamalaking
suliranin ng mga mag-aaral sa ilalim ng online classes.

Bilang isang mag-aaral, mula sa aking mga naging karanasan mayroong


maganda at hindi maganda itong dulot. Ang sistema o moda ng pagkatuto ay
magaan pagdating sa usapin ng oras sapagkat hawak ko ang oras kung kalian
ko nais mag-aral at gumawa ng mga takdang-aralin. Ngunit, matapos ang mga
aralin ay mayroon pa akong responsibilidad na dapat gawin tulad na lamang
ng mga gawaing bahay. Ang aktibidad na ibinibigay sa online class ay higit na
mas marami kung ikukumpara sa face-to-face na klase kung kaya’t ang mga
mag-aaral ay hindi magkamayaw sa pagawa ng dalawa o higit pang gawain
sapagkat sabay-sabay ang pasahan nito sa isang araw lamang.

Sa paglalahat, ang online class ay epektibo kung ito ay napaghandaang mabuti


ng mga magulang, mag-aaral, mga pamantasan at ng gobyerno. Di nga ba’t
ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Nararapat lamang na
magkaroon ng tama at angkop na edukasyon upang ang pangarap ng ating
mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

You might also like