Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO SA GRADE 11 HUMSS

NG PALAWAN NATIONAL SCHOOL

Isang panimulang pananaliksik na iniharap sa pamunuan ng Senior High

School ng Palawan National School Lungsod ng Puerto Princesa

Bilang Bahagi sa Katuparan ng mga Pangangailangan sa Filipino 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Nina:

Delight Zumarraga Kevin Nadar

Princess Alonzo Jameron Nowayser

Carlos Miguel Queron Lyka Luengas

Lloyd Cedric Crujido Brice Tiosin

Nekie Evangelista Jeremy Jon Lobaton


DAHON NG PAG PAGPAPATIBAY

Bilang kabahagi ng gawaing ito sa FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO,ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO NG GRADE 11

HUMSS NG PALAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL ay inihahanda at hinaharap

nina Delight, Princess, ,Carlos, Lyka,Nekie Lloyd, Jeremy, Brice at Jameron para

sa pagsusulit na pasalita.

MARICHEL V. MIRAFLORES

Guro sa Komunikasyon
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang pinaaabot ng mga may-akda ng

pananaliksik sa mga pinagkakautangan ng loob:

Kay Ma’am Marichel V. Miraflores, butihing tagapayo na buong tiyaga at

walang sawang nagbibigay linaw sa mga suliraning nakaharap ng mananaliksik

sa pag-aaral na ito.

Sa mga kaibigan at kapalagayang loob na nagkaloob ng tulong at

nagbigay ng lakas ng loob upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa aking ina at mga kapatid na nagbigay ng inspirasyon sa mananaliksik

sa panahon ng kahirapan.

Sa Poong Maykapal sa kanyang pagbibigay sa mananaliksik ng mabuting

kalusugan at ang kanyang paggabay sa pag-aaral na ito. Papuri sa kanyang

kadakilaan, at sa lahat ng taong tumulong at sumuporta sa pananaliksik na ito

kami ay buong pusong nagpapasalamat


TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAGPAPATIBAY . . . . . . i

PASASALAMAT . . . . . . . . ii

PAGHAHANDOG . . . . . . . . iii

TALAAN NG NILALAMAN . . . . . . . iv

TALAAN NG TALAHANAYAN . . . . . . vi

TALAAN NG PIGURAL . . . . . . . vii

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula . . . . . . . . 1

Balangkas Konseptwal . . . . . . 2

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . 4

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . 4

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral . . . . 5

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit . . . . 5

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Lokal na Literatura . . . . . . . 7

Lokal na Pag-aaral . . . . . . . 8

KABANATA 3: MGA PAMAMARAAN


Pamamaraan sa Pananaliksik . . . . . 11

Paraan sa Pagpili ng mga Tagatugon . . . . 11

Lugar na Siniyasat ng mga Mananaliksik . . . 11

Paglalarawan sa mga Tagatugon . . . . 12

Mga Instrumentong Ginamit . . . . . 12

Pangangalap ng Datos . . . . . . 13

Pagsusuring Istatistikal . . . . . . 13
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula

Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-

ugnayan. Ginagamit ito sa pang-araw araw na pamumuhay halimbawa na

lamang sa pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang paaralan ang nagsisilbing

pangalawang tahanan at halos dito umiikot ang buhay natin tungo sa

pangangalap ng mga karunungan at sa pagpapadala sa agos ng panahong

makabago o nakikipagsabayan sa mundo.

Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at

nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay.

Sa lalong ikabubuti ng talastasan,mahalaga ring isaalang-alang ang mga

aspektong may tuwirang kinalaman sa gawin ito tulad ng disenyong sosyo-

kultural, ang kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istraktura at

balalira.

Dagdag pa niya sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong

kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ng mga salik na sosyo-kultural ng mga


nag-uusap ay masusuri tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri

ng hanap-buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang mga

nabanggit ay lumilikha ng barayti ng wika. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa

gawaing pasalita ay barayti ng wika. Higit na maramaing ingles ang hiram na

salita sa pagbibigkas kaysa pasulat at dahilang oras o panahon ang kailangan

upang makapag-isip. Sa usapan ay bigla,sa pasulat nama’y may mahabang oras

upang mag-isip. Malaki ang kaugnayan ng personalidad ng tao sa paggamit ng

wika.

Ayon kay Galicia (2007) ang wika ay nag-uugnay at nagsasaad ng

kaisipan sa bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo

sa mabisang pagpapahayag,pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito ay daan

pambansang pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay

pinakamahalagang biyaya ng diyos sa tao, at paggamit nito ay isang katangiang

ikinaiba nito sa iba pang nilalang ng diyos.

Ayon kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na ANG

GAY LINGO SA PANAHON NG IMPORMASYON ay isinasalamin ng wikang

ginagamit ng isang tao ang kanyang kinilalagyan sa lipunan sa social status.

Pansin natin na sa gay lingo, bagaman itinituring na wika ng mga bakla, hindi

naman lahat ng mga bakla ay gumagamit nito at hindi rin naman limitado sa mga

bakla ang paggamit nito, may mga babae at babaeng bakla ring tumatangkilik sa
Gay lingo. Samantala, kapag may isang lalaking gumagamit ng gay lingo, maaari

siyang husgahan agad ng mga tao o di kaya’y maging kontrabersyal at

kwestyunin ang kanyang pagkalalaki.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ayon naman kay Whitehead, Isang edukador at pilsopong ingles ang wika daw

ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinasaad naman ni Mangahis

(1994) na hindi mapapasubalin na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa

katangian, kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng Ideya.

Nhihikayat nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito. Ang

wika ay instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip upang

magamit nang sukdulang kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang

buong husay at angking ganap.Dagdag pa ni Santiago (1986)

‘’Tulad ng isa pang barayti ng wikang Filipino, ang wika ng mga bakla o

gay language ay patuloy na namamayagpag sa ating lipunan. Ginagamit ito sa

ibat-ibang paraan o uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan. Kadalasan ang

mga gay lingo ay nababasa sa mga pahayagan tabloid, naririnig sa radyo at

naririnig sa telibisyon’’.
Ang Pananaliksik na ito na may paksang ‘’Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo

sa Grade-10 sa Palawan National High School’’ ay binigyan ng konseptong

konseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral

na ito.

-Propayl ng mga

mag-aaral
Teoryang
-Ang gay lingo sa
Innavative
Kasalukuyan bilang
Pananaw sa
wikang ginagamit
paggamit ng Gay
ng mga mag-aaral Teoryang
lingo sa piling
kognitibo
-adbentahe ng gay
mag-aaral ng
lingo sa mga mag-
Palawan
aaral.
National High

- disadbentahe ng School

gay lingo sa loob


De individualtion
ng paaralan.
theory

Pigural 1. Paradaym ng Pag-aaral


Ang pigural 1 ay may tatlong prosesong binuo para maisakatuparan ang

pag-aaral na ito. Pumapasok sa unang kahon bilang input ang Suliranin o

layunin ng pag-aaral na ito katulad ng Propayl ng mga mag-aaral, Ang gay lingo

sa loob ng paaralan, hindi kahalagahan ng gay lingo sa loob ng paaralan.

Makikita naman sa kasunod na kahon bilang proseso ang mga teoryang

ginamit na tapakan ng mga pananaliksik upang mabatid ang pagpasok ng mga

wika batay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika. Ito ay ang teoryang

innavative, teoryang kognitibo at de-individual Theory.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman at madagdagan ang

aming kaalaman sa Gay lingo at aming mabahagi ang aming pananaw, Ang mga

sumusunod na katanungan ay sasagutin:

1.Kailian/Gaano kadalas ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral sa

Palawan National High School?

2.Saan malimit naririnig ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Palawan National

High School?

3.Sino-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo sa Palawan National High School?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na may paksang ‘’Pananaw sa Paggamit ng Gay

Lingo ng mga mag-aaral ‘’Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo sa Grade-10

sa Palawan National High School’’, ay makatutulong ng malaki sa mga

sumusunod:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng

wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ng mga mag-aaral ang Gay

lingo, magkakaroon ito ng epekto sa Wikang Filipino. Magmumulat rin ang

pananaliksik na ito sa kanila ng mga kaalaman hinggil sa kasaysayan at

pinagmulan ng Gay Lingo. Mababatid ng mga mag-aaral ang mga salik na

nakaiimpluwensiya sa pag-usbong nito at katanggapan para dito.

Sa mga manunulat

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat ay

isang kalayaan, kalayaang nagpipilit sa bawat isang indibidwal na ilahad ang

tunay niyang saloobin sa paraang pasulat man. Ang panitikan ang buhay ng mga

manunulat at makakapagsusulat lamang sila, kung sila’y may kalayaang gamitin

ang wikang nais nilang gamitin kung ito man ay Gay Lingo.
Sa mga Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito magbibigay sa kanilang panibagong lakas upang

saliksikin nila ang higit na mahahalagang bagay o ideya na makatutulong upang

mapalawak ang hanarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-

aaral hinggil sa Gay Lingo at ang epekto nito sa Wikang Filipino.

Sa mga magulang

Sa panig ng mga magulang, ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing

paalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalayaan sa

pag-aaral ng kanilang mga anak. Ito ay magpapabatid sa kanila biang kasama o

katuwang sa pagbabago sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o

pakikipag-ugnayan. Magpapaunawa ri ang pananaliksik na ito sa mga magulang

upang mabatid nila ang mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pag-

usbong ng gay lingo.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa paggamit ng Gay Lingo

ng mga Grade 10 sa Palawan National School,PPC” ay sumasaklaw sa

pananaw ng mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral

nasa ika-sampong baitang ng Paaralan ng Palawan National School at pinili sa

pamamagitang ng Random Sampling ang naging kalahok o respondente ng pag-

aaral. Ginamit ang Formyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan

sa pagkuha ng sampol.

Hindi sinasaklawan ng pag-aaral na ito ang anumang opinyon o pananaw

ng mga kaguruan, o maging mga nasa ikatlong kasarian na hindi naman mag-

aaral ng nasabing paaralan.

KATUTURAN NG TALAKAY

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito

batay sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing terminolohiya ay nasa

paalbabetong pagkakasunod:

● Barasyon-pagkakaiba-iba ng anyo

●Balarila-ito ang hanay ng lohikal at istraktural na mga alintunin na namamahala

sa komposisyon ng mga pangungusap, parirala at mga salita sa anumang likas

na wika.
●Elementarya-ito ay isang institusyon kung saan ang mga bata ay naghahanap

at tinuturan ng mga bagong karunungan. Ito’y binubuo ng hanggang anim na

taon sa paaralan

●Gay Lingo-tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang,

sward speak at gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang

filipino, wikang ingles at iba pang wikang umiiral sa bansa

●Komunikasyon-isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan

na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang

araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan

ang komunikasyon

●Lalawigan- ito ang lugar kung saan tinatawag ding rural o labas sa lungsod.

●Linguistic convergence-ipinapakita na sa bawat ugnayan ng mga tao ay

naroon ang pakikipag-ugnayan o katanggapan ng wikang iyon bilang simbolo ng

pakikiisa ng grupong iyon at pagtangkilik dito.

●Linguistic divergence- ang pagpapakita ng pagtutol o pagpapahayag ng

pagiging iba sa group at pagkakaroon ng sariling aydentidad.

●Wika- masistemang balangkas ngsinasalitang tunog na pinili sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa

isang kultura.

●Wikang Filipino- ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng wiakng

umiiral sa bansa.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Ang kabanatang ito na may paksang “Pananaw sa paggamit ng Gay Linggo

ng mga Grade 10 sa Paaralan ng Palawan National School” ay naglalaman

ng banyagang literatura,banyagang pag-aaral ,lokal na pag-aaral at lokal na

literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at hindi nalathalang tesis at iba

pang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit ng mga

mananaliksik kaugnay sa nasabing paksa.

BANYAGANG LITERATURA

Sa aklat ni Weinrich (taon) na may titulong Language in Contact,

ipinaliwanag ni Marine (1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba

(diversity) ay nagsimula sa sariling lahi, sa katangian ng isang tao. Hindi

kailangang sabihin na ang isang tao ay larangan ng pagtutunggagali sa

panglinggwistikang uri at gawi.


Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o

pagkakatulad ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay

dapat na lubusang mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila t mga salita

bilang pang-unang kailangan sa pagsusuri ng mga balakid.

Ipinahayag ni Conteras noong 1994 sa kanyang nilimbag na lathalain na

naipalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang bakla. Sa

pamamagitang nito,karagdagang unawa ang kailangang matamo ukol sa

pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla o gay.

Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin

ng mga mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahaya sa

pamamagitan kung paano silanlilikha ng mga talasalitaan o salita upang

makabuo ng isng pangunahing diwa.

Isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito:“ang pangunahing

layunin ng pagtuturo ng wika ay ang kasanayang magagamit ito ng buong bukas

sa aktuwal at angkop na sitwasyon. Hindi lamang kaalaman sa mga kayariang

magkadikit panglinggwistika ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kundi lalo’t

higit ang kasanayang magamit ito sa angkop na pagkakataon at tamang paraan.”

Ayon namang kay Sebastian (1982), ang iba pang suliranin sa

pagpapalaganap at pagtuturo ng wika sa mga saligan at batayang aklat at

karaniwang pagdamput-damput ng mga guro sa pagbibigay ng paksang aralin.


Binigyang diin ni Paz (1993), na mula sa pagkabata ay may wikang katutubo

tayong natutuhan at ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan sa mga kamag-

anak at komunidad. Maaring sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring isa sa

mga tagalog, ilocano, cebuano, o mas maliit na grupo gaya ng bagobo, kalinga

at iba pa ang karamihan ay marunong din ng wikang rehiyunal, gaya ng Ilocos na

ginagamit sa norte. Cebuano sa isang parte ng Bisayas at Mindanao, Tagalog

sa Gitnang Luzon at ipa pa. Bukod dito, sila ay marunong ngayon ng wikang

Filipino na gianagamit ngayon sa sentro ng kalakalan.

Ang mabilis na pag-unlad ng sibilisayon ayon kay Sauco (1990) ay batay sa

kakayahan ng isang makibahagi sa karanasan ng kapwa, makipagpalitan ng

ideya at mag-ambag pa ng karanasan sa mga sumusunod pang saling-lahi.

Ang Gay Lingo ayun pa kay Talde (1993) ay para lamang sa mga minoryang

pangkatulad ng mga gay na noo’y payak, tago at marunong mahiya subalit sa

pagdaan ng maraming panahon ay naging mapusok.

Sa isang Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng

mga sitwasyon at relasyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan na hindi

maipaliwanag na pag iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-

alilipusta, damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang

katapusang kapighatiaan. Wala silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya

sa paghihimagsik ng kanilang kalooban narerelease lamang ang kanilang

damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo sa ganitong paraan, naaalpasan

nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nang walang nasasaktan.


Sa aklat ni Holmes (1993) inilahad niya sa pamamagitan ng kompilasyon

(compilation) ng mga liham ng mga momosekswal ang mga problemang

kanilang nararanasan tulad ng pagtatago sa kabinet o closet, pagiging biktima ng

homophobia, paghaharap ng katapat na relasyo at hindi pagtanggap ng lipunan

at simbahan sa kanila. Nasabi rin niya na dahil sa mga problemang nabanggit

kaya nagaa nila ang mga wikang nagkukubli ng kanilang hinanakit.

Sa isa ring artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina

Jose at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homsekswal, na kung sila man ay

gumagawa ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga

magulang na kanilang inaasahang mangangalagaat pagtatanggol sa kanila ay

nausuklam rin at ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sla ay hidi tanggap

at waring hindi kabilang sa mundo.

Ipinaliwanag na nangingibabaw pa rin ang pinagbabatayan ay ang

pagkakalalang sa unang lalaki at babae. Gayundin, kinokundina rin ng lipunan

ang mga salitang gay lingo ay hindi pinahihintulutan ng diyos na

makapangyarihan dahil wala itong orihinal na pinagmulan. Gayunman, ang gay

lingo na umiiral ngagyon ay binigyang katwiran ni Galang (1998) sa kaniyang

usang artikulong isinulat. Sinabi ng may akda:

“The gay language is a natural offshoot of the sub-culture created by the

members of the third sex. Just as the social outcasts of England have given birth

to the punk sub-culture as a form of rebellion against the straight-laced English

society to which they could not conform, homosexuals, precisely because they
belong to neither male or female sex, have to create a world entirely their own to

in order to feel even a semblance of that elusive sense of belonging”

Binigyang diin ni Rogers (1990) na ang kisipan ng isang indibidwal ukol sa

sarili ay binubuo ng lahat ng mga ideya, kakayahan at kahalagahang

maaakalang nasa kanya at ito’y nagbibigay impluwensya upang kumilos batay sa

pananaw na ito. Ang ganitong kaisipan ang humuhubog sa bakla upang

magpahayag siya ng sarili na hindi maririnig o mauunawaan ng karaniwang

kasarian. Kaya gumagamit siya ng gay lingo na ang nakaka-unawa ay kapwa

bakla o mga taong tumatanggap sa kanila.

LOKAL NA LITERATURA

Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong

“Language,Sex and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang

pag-unlad ng wikang bakla sa pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defens

mechanism na makipagtakastasan sa paraang pasalita.

Ayon naman kay Siguitan (2008) sa kanyang ginagawang dyornal na may

tulong “A Semantic Look at Feminine Sex and gender Terms in philippine Gay

Lingo” ang gay lingo tulad ng ibang wika aypatuloy ring nagbabago. Subalit hindi

katulad ng ibang wika ang mga salita at terminolihiya nito ay mabilis na naipopro

seso at hindi makikita sa diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na

humahawak sa wikang sa wikang ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan:

kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.


Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang artide na “Gayspeak in the

Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa

pilipinas, isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay

walang pinaghahawakang altuntunin. Buhat sa mga lumalabas na pag-aaral

tungol sa wikang bakla o gay lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang

gay lingo ay wika ng marginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005).

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon kay Bal (1998) sa kaniyang pag-aaral na may pamagat na Dictonaries

and Ideology. The Treatment of Gays, Lesbians and Bisexual in lexicograpic

works na:

“There are two different but related approaches to the study of the

influence of language structure on cognitive processes and other

symbolically mediated behavior. One approach deals with the generic

function of language in shaping cognitive processes, while the other is

concerned with the comparative problem of how lexical and grammatical

differences among languages systematically relate to differences in the

cognitive processes of their speakers.”

Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paano

nalimpluwensyahan ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang

simbolikong pagkilos. Mayvpagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-


iisip ang tagapagsalita batay sa kanilang personalidad halimbawa na lamang

ang tagapagsalita na nasa ikatlong kasarian.

Ayon naman kay Baker (2000) sa kanyang papel na may pamagat na

Construc-ting Polar-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na:

‘It has become descriptive of the overall experience of life in the gay

community, includes names for common words that have no exclusive relation to

the culture. Most of the middle aged gay’s seemed to be aware of gay life,

identity and culture in the West.”

Ayon dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng mga karanasan sa

komunidad ng mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa

pang araw-araw na pamumuhay.

Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na

Becoming homosexuals. Research on a acquiring a gay identity na:

‘There are also people who still think of homosexuality as a disease and

therefore as contigious, even if this view has long been drunked.. and by

studying sexuality and gender, they will be able to free themselves from their

prescribed roles in society.”

Ayon dito, sa pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan

ang bawat isa na gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan
LOKAL NA PAG-AARAL

 May mga pag-aaral din na isinagawa hinggil sa paksang may kinalaman sa

Gay Lingo sa pilipinas. Sinasakop ng mga nasabing pag-aaral ang suliranin,

layunin at iba pang may kinalaman sa Gay Lingo

Isang Pagsusuri sa gay lingua ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng sining at

Agham ng University of the east ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L.

Quezon University taong 2001. Ayon sa kanyang pag-aaral:

‘’Ang salitang lengua na madalas gamitin ng mag-aaral ay mga mga

salitang repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isqang mag-aaral. Malaki

ang papel na ginagampanan ng kasarian sa

Paggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na poppular ang

paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.’’

Ayon sa pag-aaral ni Mko D.santos na may pamagat na Ang Gay lingo s

Panahon ng impormasyon taong 2007 ay nagsaad na:

*Ang panahon ng impormasyon at ang yumayabong na wika ng mga

bading, ang sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng Pilipinas.’’


 Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy (1992) na may

pamagat na “Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga

moricona na Resulta ng kanilang pakikipagsapalaran ng naging bahagi ng

pag-unlad ng Wikang Filipino” ay naglalaman ng:

“Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa pagkakamalikhain ng mga

Pilipino . Maraming paraan kung saan tayo angat sa nakararami lalo na kung

paglikha ng ibat ibang bagay ang pinag-uusapan. Sabi nga ng karamihan,

marami tayong pauso , pakulo, marami tayong alam pagdating sa mga bagay-

bagay sa kalokohan man o seryosong usapan. Iba tayong mga pilipino, kahit

saang bahagi man tayo ng mundo ilagay.”

Batay sa pahayag na ito ni Sandy (1992), ang Gay Lingo ay sumasalamin sa

pagkamalikhain ng mga pilipino. Marami tayong mga pakulo,pauso at iba tayong

mga pilipino saan man ilagay sa mundo.


KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang metodong gianamit ng

mga mananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang ‘’Pananaw sa

paggamit ng Gay lingo sa G-10 sa Palawan National School’’

Uri ng pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik sa Deskriptong pamamaraan.

Isinasagawa ito sa pamamaraan ng paglalarawan ng kasalukuyang paggamit ng

gay lingo sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa lalawigan. Ang kaparaanang

paglalarawan ang mga tumutuklas sa kasalukuyang kalagayan ng isang tiyak na

bagay o pangkat at ng mga pangyayaring nagaganap sa isang pangkat. Sa pag-

aaral na ito, inalam ng pananaliksik ang mga gay lingo na ginagamit ng mga

mag-aaral sa Palawan National School

Paglalarawan ng Respondante
Ang mag-aaral sa ika-sampong baitang sa Palawan National School ay

nagsilbing respondente ng pananaliksik, taong 2019-2020. Pinili ang mga mag-

aaral sa kaisipang ang mga mag-aaral ay isa sa mga nagsisilbing tagagamit ng

anumang wika sa loob ng paaralan at nasa mag-aaral ang desisiyon kung anong

wika ang nais nilang gamitin sa paraan mang pasulat o pakikipagtalastasan sa

loob ng paaralan.

Populasyon

May Isanglibo’t pitongdaan dalawangpo’t walong (1,728) estudyante sa ika-

sampong baitang .

Instrumentasyon

Upang makalikom ng kinakailangang datos, gianamit ng mananaliksik ang

talatanungan o research questionare. Isang talatanungan ang inihanda ng

mananaliksik para sa mga mag-aaral ng kalahok sa pag-aaral.


KABANATA IV

You might also like