Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

R

Renelyn R. Sugarol
BSED-ENGLISH 3D
GAWAIN 1.2 - KASAYSAYAN NG RETORIKA
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng dayagram ang daloy ng pinagmulan ng retorika. Isulat ang pangyayari sa bawat kahon.

Ang retorika ay sumasaklay sa makabuluhang paglalahad ng argumento upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig.
Kinakailangan ito ng maayos at sistemationg pagpapahayag ng katwiran. Ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon. Bahagi dito ang
pagiging malikhain sa pagbuo ng pahayag, magtaglay ng estilo, at maging mapanghimok. Ang ganitong kalagayan ay napakabuting
oportunidad para sa mga sophists. Ang mga Sophist ay mga gurong dalubhasa at marunong pagdating sa epektibong pananalita. Layunin ng
mga sophist ang maimpluwensiyahan ang isipan ng mga tagapakinig. Bukod pa rito, ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang
politikal sa pamamagitan lamang ng pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Kinakailangang magtaglay ang tao ng
kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin at di matatawarang galing sa paggamit ng wika. Sa ganitong paraan
makaaapekto ito sa emosyon at kakaibang fleksibilidad sa pag-angkop sa mga tagapakinig.

Ang dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng daloy ng pinagmulan ng retorika.

KLASIKAL

Naging ama ng oratorya si Homer sa ipinamalas na elokwens nina Nestor at Odysseus sa Iliad.
Si Protagoras,ang kauna-unahang Sophist na nagsagawa ng isang pag aaral sa wika.
Sophist ang tawag sa mga kinilalang pangkat ng guro na nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao.
Si Corax ng Syracuse ay aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham at nagsabing ang retorika ay artificer o persuasion noong ika-limang siglo.
Iba pang maestro ng retorika sa panahong ito: Tisias ng Syracuse, Gorgias ng Leontini at Thrasymachus isang Chaldeon.
Si Antiphon ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika.
Si Isocrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo, ang nagpalawak sa sining ng retorika.
Binigyang diin ni Plato ang panghihikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay nya ang mga simulating bumubuo sa esensya ng retorikal na
sining sa Phaedrus.
Inilarawan ni Aristotle ang tungkuling ng retorika hindi bilang panghihikaya sa kanyang akdang Rhetoric at bilang counterpart o sister art ng lohika.
Sina Cicero at Quintillian ay tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at praktikal na retorika.
Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyo sa Romano, ang retorika ay tinuro ng mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay naging isang titulong
akademiko.

GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT RENASIMYENTO

Ang retorika ay isang sabdyek ng trivium ng pitong liberal sa sining ng mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika.
Tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at ikapitong siglo: sina Martianus Capella, isang awtor ng isang ensayklopidya ng pitong liberal na sining (aritmitik, astronomi,
dyometri, musika, gramar, lohika, at retorika); Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan at tagapagtatag ng mga monastery; at si San Isidore isang
kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa ancient world.
Ang retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinatawag na tatlong “artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.
Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag aaral ng retorika ay muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina
Aristotle, Cicero at Quintillian. Noong ika-16 ns siglo, nakilala sina Pierre de Courcelles at Andre de Tonquelin, mga retorisyanong Pranses.
Ang retorika ay itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga kumpetisyon na nakatulong upang
panatilihing buhay ang pratika ng retorika.
MODERNO/KONTEMPORARYO

 Sa simula ng ika-18 siglo, nabawasahan ang importansya ng retorika sa teoretikal na aspeto.


 Patuloy ang paglaganap ng mga oportunindad para sa epektib na oratoryo sa pulitikal na arena
 Akdang naging popular sa panahong ito: Lectures on Rhetoric(1783) ng paring Scottish na si Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric(1776) ni George Campbell,
isang teologong Scottish at ang Rhetoric(1828) ni Richard Whately, isang Britong eksperto sa lohika.
 Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag aaral ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng semantics,
isang agham ng linggwistika.

You might also like