AW1 - FPL 11 - 12 Q1 0403 - Mga Hakbang Sa Pagsulat NG Sintesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larang

Pangalan Petsa:

Kakayahang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay
● natutukoy ang mga bahagi ng sintesis;
● nasusuri ang mga katangiang tinaglay ng sintesis; at
● nakabubuo ng sariling pangkalahatang pananaw na sintesis batay sa binasa.

Panuto

Basahin at suriin ang halimbawa ng sintesis.

Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon


Mula sa mananaliksik at manunulat na si Ana Isabel
Manalang

“Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga


kaisipan, damdamin at mithiin.”

- Edward Sapir

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan


(Carroll, 1964). Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming daantaon
at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan,
tinutukoy itong isang set ng mga hulwaran ng gawing pinag-aaralan o natututuhan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o pamayanan.

Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 1


Sa artikulo ni Dr. Pamela Constantino na “Tagalog/Pilipino/Filipino: Do they Differ,” sa
bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng
Disyembre 1937, kinilala ang wikang Tagalog bilang batayan ng pagbubuo ng
Wikang Pambansa.

Para kay Dr. Aurora Batnag (2011), sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at
multi-cultural, nabubuklod ang mga watak-watak na isla sa pamamagitan ng iisang
mithiing ipinahahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon, kundi
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa. Dahil ito sa pagtuturing na ang lahat ng tao ay may Language Acquisition
Device (LAD). Sa wika ni Aram Noam Chomsky (1928), “everyone is born with some sort
of universal grammar in heirbrains—basic rules which are similar across all
languages.”

Kung pagbabatayan ang mga tala sa ilalim ng mga pag-aaral ni Antonio Pigafetta
noong 1525, masasabing mas maaga pang normalisa ang wikang Filipino ngayon
kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na naiintindihan
sa kahit saang dako ng Pilipinas, tulad na lamang ng mga salitang buhok at ngipin.
Ibig sabihinm nagkakaisa na ang mga Pilipino noon pa, sa usapin ng wika.

Sa paglalahad ni Archibald Hill (1969), wika ang pangunahin at pinakamalawak na


anyo ng simbolikong gawaing pantao. Binubuo ito ng mga tunog na nalilikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa klase at padrinong lumilikha ng isang
komplikado at simetrikal na estruktura. Ang mga simbolong ito ay nagtataglay ng
kahulugang arbitraryo at kontroladong lipunan.

May posisyon ang wikang nagtatahi sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap (Barker


at Barker, 1993). Iniingatan nito ang isang kultura at mga kaakibat na nakagawian.
Maaari daw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging mga
adhikain para sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, natututo o maaaring matuto ang
mga sumunod at susunod pang henerasyon sa nakalipas na karanasan. Mula rito,
maiiwasan ang muling pagkakamali; lumalagay rin ang posibilidad na naituwid o
maitutuwid ang mga dati nang pagkakamali. Sa gayong pamamagitan ng wika,
umuunlad tayo sa mga aspektong intelektuwal, sikolohikal, at pangkultura. Ito ang
inaasahang kaloobang mangyayari kung babalikan at susuriin ang kasaysayan ng
wikang Filipino.

Tanong 1

Ano ang pangkalahatang paksa ng natunghayang sintesis? Ipaliwanag.

Tanong 2

Anong anyo at uri ng sintesis ang nabasa? Isa-isahin ang mga katangiang taglay nito upang
matukoy ang sagot.
Tanong 3

Ano ang pangkalahatang pananaw na itinampok ng sintesis? Paano mo ito nasuri?

Tanong 4

Sa iyong palagay, naisaalang-alang ba ng mananaliksik/manunulat ang hakbang sa pagbuo


ng sintesis? Paano?
Tanong 5

Batay sa paksang tinalakay ng teksto, sa paanong anyo at uri ng sintesis mo ito nais
isulat? Ano-ano ang isasaalang-alang mo sa gayong pagpapasya? Bumuo ng layunin,
pangkalahatang pananaw, at pamagat para sa naiisip mong sintesis.
Pamantayan sa Pagmamarka

Mungkahing
1 2 3 4 Puntos
Puntos

Sagot at Wasto ang sagot Wasto ang sagot Wasto ang Wasto ang sagot. 30%
Nilalaman ng ngunit walang ngunit mali ang naging sagot at May maayos na
pagpapaliwanag. may tamang pagpapaliwanag
Paliwanag ibinigay na
pagpapaliwanag. at may ibinigay na
paliwanag. patunay.

Organisasyon 25% ideya lamang 50% ideya lamang 75% ideya ang Lahat ng 30%
ng Ideya ang naibigay at ang naibigay at naibigay at kakailanganing
naipaliwanag. naipaliwanag. naipaliwanag. ideya ay naibigay
at naipresenta
nang maayos.

Paggamit ng Hindi maayos ang May sapat na Akma ang mga Mahusay ang 20%
Wika pagkakagamit ng kaayusan sa salitang ginamit paggamit ng wika
wika. paggamit ng wika at at nakapagbibigay
ngunit hindi nakapagbibigay- ng bagong
nakaaagaw-pansin. linaw sa ideya ang kaalaman.
tinalakay.

Teknikalidad sa Hindi nasunod Hindi nasunod May ilang mga Malinaw na 20%
Pagsulat ang nailapat ang mga
ang hinihiling sa pangangailangan
pangkalahatang mga bahagi ng sa bawat bahagi pangangailangan
pangangailangan pagsulat. ng sulatin ang na hinihingi sa
sa gawain. Gayundin, may hindi nasunod pagsulat ng
mga pagkakamali tulad ng sintesis.
sa kabuuang pagpapalawak at
impormasyon sa pagpapalalim ng
binuong sintesis. mga kaisipan, o
hindi ganap na
sumunod sa mga
ito.

Kabuuan 100%

You might also like