Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________ Pangkat:_______Guro: ____________________

Aralin
Konsepto ng Disaster Management at ang
4 dalawang approach sa CBDRRM Plan.

MELC/ Kasanayan
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. (AP10PHP-Ie-7,
AP10PHP-If-8, AP10PHP-If-g-9)

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman ang konsepto ng Disaster


Management
Pagkatapos basahin ang modyul na ito ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga piling termino na may kaugnayan sa
aralin
2. Naipaliliwanag ang mga kalamidad na nararanasan sa Pilipinas
3. Natatalakay ang konsepto ng Disaster Risk Reduction Management
4. Natutukoy ang Dalawang Approach sa CBDRRM Plan.

Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at


pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa?
a. DILG b. Disaster Risk Mitigation c. PAG-ASA d. NDRRMC

_____2. Ang pagsasama ng ibat-ibang sector sa lipunan o pamayanan ay


tinatawag na anong proseso?
a. Interagency Commitment c. PDR-SEA
b. CBDRM Approach d. NDRRMC

_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga benepisyo ng


pakikilahok ng sector ng pamayanan
a. mababawasan ang epekto ng hazard at kalamidad c. mabibigyan ng award
ang pamayanan
b. maliligtas ang mas maraming buhay at ari-arian d. may karampatang
solusyon ang suliranin

AP 10- Qrt.1-Week 4
1
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN

_____4. Ano ang dapat bigyang diin sa pagkakaiba ng dalawang approach sa


CBDRM hinggil sa kanilang istilo?
a. Mas okey gamitin ang top-down approach c. umiisip pa ng mas
magandang proseso at paraan
b. Mas okey gamitin ang bootom-up approach d. gamitin ang kalakasan
ng dalawang approach

_____5. Alin sa mga sumusunod ang tinuturing na pinakamahalagang dulot ng


CBDRM?
a. Nagiging handa ang mga tao
b. Maraming tao at ari-arian ang nasasagip
c. malaki ang partisipasyon ng mamamayan
d. may kakayahang bumangon matapos ang kalamidad

_____6. Tumutukoy ito sa banta na maaaring idulot ng kalikasan o gawa ng


tao.
a. Disaster b. Vulnerability c. Risk d. Hazard

_____7. Pinaghalong abo at tubig na rumaragasa dala ng ulan o bagyo.


a. Storm Surge b. Lahar c. Tsunami d. Ash Fall

_____8. Ito ang approach kung saan galing ang lahat ng plano at
pagdedesisyon sa mataas na opisina o kagawaran.
a. Managerial Approach c. Supervisory Approach
b. Top Down Approach d. Bottom Up Approach

_____9. Alin samga sumusunod ang hindi katangian ng Bottom Up Approach


a. Tinatanong ang mga mamamayan sa kanilang karanasan sa sakuna
o kalamidad
b. Kasama ang mga mamamayan sa pagpaplano ng Risk Reduction Plan
c. Ang mga mamamayan ay bahagi sa pag aanalisa at paglutas ng
suliranin dala ng sakuna.
d. Mula sa nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan ibaba ito
sa mga lungsod at barangay.

_____10. Tumutukoy sa posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.


a. Capacity b. Vulnerability c. Hazard d. Risk

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag. Ilagat ang salitang Tama
kung totoo ang pahayag at Mali kung hind totoo. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

______1. Climate Change ang tawag sa pabago bagong temperatura sa mundo.


AP 10- Qrt.1-Week 4
2
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
______2. Reforestation ang tawag sa permanante o pangmatagalang pagkasira
ng kagubatan.
______3. Layunin ng MRF ang panunumbalik ng sigla ng kagubatan.

______4. Ang Paris Agreement ay nagtatakda ng tiyak na porsyento na dapat


ibaba ng greenhouse gases emission ng bawat bansa.
______5. E-waste ang tawag sa solid waste na nakukuha sa produktong
pangkalakal, sasakyan at petrolyo.

Hazard- Ito ay mga pangyayari o sitwasyon sa isang lugar na maaaring


magdulot ng pinsala sa tao at sa kalusugan nito o pagkasira ng ari-arian at ng
kapaligiran. Ito ay maaaring: a. Nagiisa (sunog) b. Magkasunod o dulot ng isa
pang hazard (lindol at tsunami, malakas na ulan at landslide) c. kumbinasyon
(bagyo, malakas na ulan, landslide o bagyo, baha at landslide)

Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay mga hazard na


bunga ng mga gawain ng tao; marahil dahil sa kapabayaan, maling gawain
obigong pagpapatupad ng isang sistema. Halimbawa nito maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan., ang pagkakaroon ng polusyon,
deforestation at red tide.

Natural Hazard – ito ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa


nito ay ang bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide.
Ito ay na uuri sa: a. Hydro-Meteorological Phenomena & Hazard Hal: bagyo, ipo-
ipo, surge, landslide, heat wave, global warming at b. Geological Phenomena &
Hazard Hal: lindol, tsunami, pagputok ng bulkan

• Karaniwang magkaugnay ang natural hazard at human-induced hazard.


• Ang mga environmental hazard ay nagiging environmental disaster o
sakuna kung ito ay labis na nakaapekto sa isa o higt pang pamayanan
na nagbunga ng pagkawala ng buhay, ari-arian o pagkaantala ng
karaniwang pamumuhay ng tao.

Disaster- tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala


sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay maaaring dulot ng
kalikasan tulad ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng
digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng kawalan ng
kahandaan, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na
harapin ang mga hazard.

Vulnerability- ito ay ang pagkakaroon ng malaking posibilidad na


maapektuhan ng hazard, sakuna o kalamidad ang tao, lugar, at
imprastruktura. Ang pagiging vulnerable ng isang lugar sa hagupit ng
kalamidad ay maaaring epekto ng heograpikal na aspekto ng lugar o dahil sa

AP 10- Qrt.1-Week 4
3
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
kabuhayan. Halimbawa ay ang pamayanan na malapit sa anyong tubig ay
vulnerable sa pagtama ng daluyong kapag may malakas na bagyo.

Risk- ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari -arian, at buhay


dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Kapag vulnerable ang isang lugar sa
pinsala, mataas ang bahagdan ng pagkakaroon ng risk.

Resilience- tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga


epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural o
makikita sa mga mamamayan, Istruktural kung ang mga gusali, bahay at
ibang establisimyento ay may matibay na pagkakatayo. Sa mamamayan, kung
ang mga tao ay maalam sa hazard at kung paano ito harapin.

MGA KALAMIDAD NA NARARANASAN SA PILIPINAS

LINDOL- ang paggalaw ng lupa bunga ng pagkikiskisan ng mga tectonic plate


sa ilalim ng lupa.

BAGYO- marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan,


karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.

STORM SURGE- o dalúyong-bagyo ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng


tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa baybayin. Ito rin ay ang paghampas ng katubigan sa
lupain.

TSUNAMI- pangyayari sa katubigan na dulot ng katatapos na malakass na


paglindol lalo na kung ang lindol ay nangyayari sa ilalim ng tubig.

PAGSABOG NG BULKAN- ang pagbuga ng usok at paglabas ng magma buhat


sa bulkan. Nangyayari ito kung may lubha ng pressure sa loob ng bulkan at
ang magma ay magaan upang maitulak ito palabas ng pressure galing sa mga
volcanic gases.

LAHAR- ay pinaghalong abo mula sa pagsabog ng bulkan, bato at putik na


rumaragasa dala ng ulan o bagyo

PAGBAHA- ay ang pag-apaw at pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng malakas


at walang tigil na pag-ulan sa komunidad na pinalala pa ng mga baradong mga
estero.

SUNOG- ilan sa mga sanhi nito ay ang overloading ng mga electric outlet, short
circuit o mga naiwang bagay na may apoy o sindi ng apoy.

Ang Disaster Management

Nakasalalay sa isang epektibong Disaster Management ang ikakaligtas


ng mga buhay at ari-arian sa isang pamayanan matapos itong mahagupit ng
sakuna, hazard o kalamidad.

AP 10- Qrt.1-Week 4
4
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
Ayon kay Carter (1992), ang Disaster Management ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t
ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan,
maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa
epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.

Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay


tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan
sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob dito ang mga plano
at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay
sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at
hazard.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay


may dalawang pangunahing layunin:

(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at


hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at

(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan


ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.

Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa


pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
(PDRRMF).

Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang


pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at
hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
mapababa o maiwasan.

Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan buhat sa


pinagsanib pwersa ng mga sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private
sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa
lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad ay
tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM).

Community Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRM)

Pamamaraan kung saan ang mga pamayanang na nakararanas ng banta ng


hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagsubaybay at pagtataya ng mga risk na maari nilang maranasan.

Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang


malawakang pinsala sa buhay at ari-arian (Abarquez at Zubair, 2004)

AP 10- Qrt.1-Week 4
5
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
Sa paraang ito ang mga mamamayan ay may partisipasyon sa pagbabahagi
ng pagpaplano at pagdedesisyon ng mga programa, polisiya at
implementasyon. Ang mga taong nakakaranas at hindi ng nasabing sakuna ay
aktibong nakikilahok sa proseso.

May mga benepisyo sa pakikilahok ng mga sektor ng pamayanan:

1. Mababawasan ang epekto ng hazard at kalamidad


2. Maliligtas ang mas maraming buhay at ari-arian
3. Mas mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliranin

Kahalagahan ng CBDRM Approach

Amg CBDRM Approach ay magdudulot ng isang pamayanang handang


harapin ang mga panganib dulot ng sakuna, hazard o kalamidad. Ito ay
magbibigay ng sistematikong proseso kung paano makabangon muli matapos
ang isang kalamidad.

Dalawang konsepto ng CBDRM

A. Top-Down Approach- tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang lahat ng


gawain mula sa pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.

B. Bottom-Up Approach- nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang


sector ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan
sa kanilang pamayanan. Binibigyang diin ang maliliit na detalye na may
kaugnayan sa hazard at pangangailangan ng pamayanan. Ang
pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga
mamamayang nakatira sa isang disaster prone area. Samakatuwid,
magmumula ang mga impormasyon sa mga tinatawag nating mga tao na
nasa grassroot o field o pinangyarihan ng kalamidad mismo Ang
approach na ito ay ginagamit rin ng Laos, East Timor, Indonesia at India.

Katangian ng Bottom-Up Approach:

- Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang


kaunlaran ng kanilang pamayanan.
- Kailangan para sa grassroot development ang pamumuno ng mga local
na pamayanan
- Malawak ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpaplano at mga
gawain.
- Responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal
- Pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
- Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan ditto.

AP 10- Qrt.1-Week 4
6
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
- May mga ibat-ibang pananaw ang ibat-ibang mga grupo sa pamayanan
tungkol sa mga banta at vulnerability sa kanilang lugar.

Sa pagpaplano ng disaster risk management dapat isaalang-alang ang


pagsasanib ng kalakasan ng dalawang approach. Hindi natin maiisantabi
ang top-down approach sapagkat nasa pamahalaan ang mga makabagong
teknolohiya, mga eksperto, sistema at maging ang pondo na kakailanganin sa
pagbuo ng plano. Hindi rin dapat natin kalimutan ang mga pananaw at
karanasan ng mga mamamayan na nasa mismong lugar at nakararanas ng
kalamidad sa pagbibigay ng opinyon upang makabuo ng konkretong plano.

Gawain A. IKWENTO MO…


May naranasan na bang sakuna o kalamidad ang inyong lugar? Kung oo,
ano ito? Ikwento kung ano ang nangyari at kung paano ito hinarap ng inyong
lugar. Ilagay ang iyong sagot sa portfolio.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Gawain B. MALIKHAING PAGSAGOT

Sa gitna ng mga kaganapan sa ating lipunan, magsaliksik at talakayin


gamit ang mga piling pamamaraan kung paano tinugunan ng Pilipinas ang
hamon ng kalikasan sa pamamagitan ng isang approach o pinagsamang
approach ng CBDRM sa isyu ng:

A. PAGSABOG NG BULKANG TAAL (pamamaraang panulat)


B. PAGTAMA NG COVID-19 PANDEMIC (pamamaraang voice o video
recording- ipatingin o iparining ito sa guro para sa pagmamarka)
C. PAGSALANTA NG MGA BAGYO (pamamaraang pagguhit ng larawan)

Pamantayan sa pagmamarka:
Komprehensibong pagtalakay sa gawain (8 puntos)
Presentasyon ng gawain (5 puntos)
Pangkalahatang Impresyon (2 puntos)

AP 10- Qrt.1-Week 4
7
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN

Ang Disaster Management ay isang hakbang upang mapanatili ang


kaayusan sa panahon ng hazard, sakuna o kalamidad. Kabilang dito ang
pagplaplano, pag-oorganisa, pagkontrol at ang pakikilahok ng pamahalaan
at mga taong apektado.

Sa Community Based Disaster Risk Management Approach, hinihimok ang


malawak at lubusang partisipasyon ng mga mamamayan ng lugar na
apektado simula sa pagpaplano hanggang sa pagbangon ng apektadong
komunidad.

May dalawang approach ang CBDR M: (1) Top Down Approach kung saan
ang lahat ng desisyon ay galing sa mas mataas na tanggapan at (2) Bottom
Up Approach kung saan ang mga mamamayan ay may direktang
partisipasyon sa plano, pag-susuri, pagdedesisyon, pagsasagawa at
paglutas ng suliranin

Binabati ka namin at natapos mo ang araling ito. Bilang pagwawakas


maaari mo bang isulat ang iyong mga nalaman sa araling ito? Ilagay sa iyong
portfolio.

Nalaman ko sa Araling na ito_________________________at bilang isang


mabuting mamamayan sisikapin__________________ at sa darating na
panahon_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Naibigay ng mga lokal na pinuno ang mga kailangan ng mga nabiktima
ng sakuna buhat sa mga donors na nagbigay ng pinansyal na tulong. Naihatid
ang mga de lata, bigas, kumot at mga damit sa tamang oras at sitwasyon. Ang
nasabing sitwasyon ay nagpapakita ng anong katangian ng bottom-up
approach.
a. Partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpaplano
b. Pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad
c. May ibat-ibang pananaw ang ibat-ibang grupo sa pamayanan
d. Responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal

_____2. Samasama ang mga taga barangay Di Susuko sa pagkumpuni at


pagsasa-ayos ng mga pinsala sa kanilang lugar matapos ang matinding bagyo.
AP 10- Qrt.1-Week 4
8
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
Ang mga nawalan ng bahay ay pansamantalang pumirmi sa mga paaralan
habang inaayos ang kanilang bahay. Ang mga nasugatan at nagkakasakit ay
tulong tulong na ginagamot ng mga volunteers galing sa kanilang pamayanan.
Ang ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng anong katangian ng bottom-up
approach?
a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng pamayanan
b. Kailangan para sa grassroot development ang pamumuno ng local na
pamayanan
c. Responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal.
d. Malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpaplano ng Gawain.
_____3. Ang pagdami ng sakit, pagkakaroon ng matitinding bagyo at pagbaha
pati narin ang labis na init ay maituturing na suliranin at tumatalakay sa
anong aspekto ng climate change?
a. bunga b. dahilan c. Epekto d. Sanhi
_____4. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at
pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa?
a. DILG b. Disaster Risk Mitigation c. PAG-ASA d. NDRRMC
_____5. Ang pagsasama ng ibat-ibang sector sa lipunan o pamayanan ay
tinatawag na anong proseso?
a. Inter-agency Commitment b. CBDRMM Approach
c. PDR-SEA d. NDRRMC

_____6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga benepisyo ng


pakikilahok ng sector ng pamayanan
a. mababawasan ang epekto ng hazard at kalamidad
b. maliligtas ang mas maraming buhay at ari-arian
c. mabibigyan ng award ang mga mananalong pamayanan
d. mas mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliranin

_____7. Ano ang dapat bigyang diin sa pagkakaiba ng dalawang approach sa


CBDRM hinggil sa kanilang istilo?
a. Mas okey gamitin ang top-down approach
b. Mas okey gamitin ang bootom-up approach
c. umiisip pa ng mas magandang proseso at paraan
d. gamitin ang kalakasan ng dalawang approach
_____8. Alin sa mga sumusunod ang tinuturing na pinakamahalagang dulot ng
CBDRM?
a. Nagiging handa ang mga tao
b. Maraming tao at ari-arian ang nasasagip
c. may kakayahang bumangon matapos ang hazard
d. malaki ang partisipasyon ng mamamayan
_____9. Ito ang pangunahing katangian ng bottom up approach
a. Kasama ang mga mamamayan sa lahat ng yugto ng Disaster Management
b. Nagtatanong ang mga eksperto sa mga taong nakaranas ng kalamidad
c. May konkretong plano sa bawat yugto ng paghahanda hanggang sa
pagbangon muli
d. Masaya ang bawat isa sa pagpaplano kung ano ang dapat gawin

AP 10- Qrt.1-Week 4
9
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
_____10. Tumutukoy ito sa inaasahang pinsala sa pagdating ng isang
kalamidad.
a. Vulnerability b. Risk c. Hazard d. Resilience

A. Ilarawan ang ginawang hakbang ng inyong barangay sa panahon na ang


buong bansa ay isinailalim sa Enhance Community Quarantine:
1. Paghahanda:
2. Paraan ng Pagpapatupad
3. Pagpapanatili ng kaayusan
4. Pag-alam sa pangangailangan ng komunidad.

B. Sa pagtama ng Covid 19 pandemic sa ating bansa, bilang mag-aaral at


miyembo ng komunidad na maalam sa nangyayari sa bansa at sa mga
konsepto ng CBDRM at IATF paano mo bibigyan ng pag-aanalisa ang
pagsasanib ng dalawang approach na ginamit ng IATF at CBDRM sa
pagharap sa problema ng Covid 19? Masasabi mob a na epektibo ang
paghahanda, pagpapatupad at paglutas ng mga suliranin kaugnay ng
COVID’19? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamgitan ng pagbibigay
ng sarili mong karanasan.

AP 10- Qrt.1-Week 4
10
ARALING PANLIPUNAN 10- UNANG MARKAHAN
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: ____________________ Pangkat:_______Guro: ____________________

Aralin
Konsepto ng Disaster Management at ang
4 dalawang approach sa CBDRRM Plan.

I. PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

II. BALIK-TANAW:

1. 2. 3. 4. 5.

III. GAWAIN A at B.
Ilagay ang iyong sagot sa portfolio.

IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN : Ilagay ang sagot sa portfolio

V. PANGHULING PAGSUSULIT
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.

VI. PAGNINILAY: Ilagay ang sa portfolio

AP 10- Qrt.1-Week 4

You might also like