Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paksang Napili: Ang laganap na Police Brutality sa Pilipinas

Nilalaman:

Ayon sa artikulong isinulat ni Regine Cabato noong 2020 sa ilalim ng The Washington Post, mayroong
viral na bidyo ng isang pulis ang kumalat at sinakop ang mga balita noong Disyembre 20, 2020. Ito ay
naglalaman ng brutal at biglaang pagpatay sa mga residente ng Tarlac na sina Sonya Gregorio, 52, at
Frank Anthony Gregorio, 25. Nalaman na ang insidente ay nag-ugat lamang sa pagtatalo ng pamilya
Gregorio laban sa panig ng pulis na nakilalang si Senior Master Sgt. Jonel Nuezca tungkol sa pagmamay-
ari ng daan at pagpapasabog ng boga. Lahat ng ito ay nakuha sa bidyo ng isa sa mga kamag-anak ng
pamilya Gregorio at makikita ang tunay na nangyari sa araw na iyon. Makikita na yakap ni Sonya ang
kanyang anak na si Frank bago nagkaroon ng alitan at nasangkot ang menor de edad na anak ni Nuezca
na siyang posibleng nag-udyok sa kaniya upang bumunot ng baril at iputok sa ulo ng ina bago isunod ang
anak nito. Bago umalis at i-uwi ang kaniyang anak, binaril muli ni Nuezca ang nakahandusay na katawan
ni Sonya. Nang araw na iyon, sumabog sa mga social media ang naturang bidyo na siyang nagtanim ng
galit at hinagpis sa puso ng bawat Pilipinong halos nakasaksi sa naturang insidente, at kanilang pilit na
ipinagsisigawan ang hustisya. Agad ding sumuko si Nuezca at sa ulat ni Dempsey Reyes sa ilalim ng The
Manila Times, siya ay pinatawan ng dalawang kaso ng murder ngunit kahit pa mayroong napakatibay na
ebidensya, si Nuezca ay hindi nagdalawang-isip na gamitin ang not guilty plea. Patuloy pa rin sa korte
ang kaso na ito at isa sa mga naging aksyon ng kapulisan ay ang pag-dismiss kay Nuezca bilang miyembro
ng ating kapulisan (Talabong, 2021).

Bago pa mangyari ang naturang insidente, naganap na rin ang pagpatay ng pulis sa isang studyanteng
17-anyos na pinangalanang Kian delos Santos. Base sa kumpletong ulat ni Jessica Bartolome noong 2018
sa ilalim ng GMA News, si Kian ay binaril sa gitna ng Oplan Galugad na isinagawa sa Caloocan City noong
gabi ng Agosto 16, 2017. Ang mga pulis ay nanindigan na sila nanlaban, tumakas, at namaril si Kian kung
kaya’t napilitan silang magpaputok bilang depensa. Nakuhanan ng caliber .45 na baril at dalawang
pakete ng shabu ang bata ngunit isinaad ng kaniyang pamilya na imposibleng magkaroon nito si Kian.
Matapos nito, lumabas ang isang CCTV footage na nagpapakitang hila ng mga pulis si Kian taliwas sa
pahayag ng mga pulis. Naglakas loob din ang isang witness na nagsabing nakita niya ang bata na
nakaluhod at nagmamakaawa sa mga pulis bago ito binaril nang sunod-sunod. Dulot nito,
pinaimbestigahan nang maigi ang insidente at sa mabuting palad, ang kapulisan ay nakasuhan ng
murder at pagtatanim ng ebidensya. Ngayon, sila ay humaharap sa hatol na reclusion perpetua na
walang parole upang mapagbayaran ang danyos na naidulot sa pamilya delos Santos.

Maliban sa dalawang insidente na nabanggit, marami pang kaso ng police brutality ang naganap at
nasaksihan ng madla rito sa Pilipinas dulot ng mga bidyo na kumakalat sa social media. April 21, 2020
nang ang dating sundalo na si Winston Ragos ay barilin ng mga pulis dahil lamang sa pagtatalo ukol sa
pagsuyaw ng batas na ipinapatupad dulot ng quarantine (Buan, 2020). Napag-alamang mayroong post-
traumatic stress disorder si Ragos at ito ay binalewala ng kapulisan nang mangyari ang insidente at
nagtanim pa ng ebidensya. May 23, 2021 nang si Edwin Arnigo, isang 18-anyos na mayroong autism
spectrum disorder, ay mamatay dahil sa pamamaril ng isang pulis na nag-ugat mula sa pag-aresto sa
sinasabing ilegal na pagsasabong (Luna, 2021). Giit ng pulis, ito ay nanlaban ngunit ang pamilya ni Arnigo
ay pilit isinasaad na ang binatilyo ay may autism at takot sa pulis. At noong May 31, 2021, binaril ng pulis
sa Quezon City si Lilybeth Valdez, isang 52-anyos na magulang, dahil lamang sa alitan na namagitan sa
anak ni Lilybeth at kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan (Aspinwall, 2021). Makikita sa bidyo na
sinabunutan at hinawakan sa buhok ng isang lasing na Zinampan ang walang palag na si Lilybeth.
Nakiusap pa ito na bitawan siya ngunit biglaang ipinutok ng pulis ang kanyang baril sa leeg ng babae na
nagdulot sa mabilis nitong pagkamatay.

Sintesis:

Hindi na bago ang police brutality sa ating bansa, napakarami nang insidente ang nagpatunay na hindi
patas ang pagtrato ng kapulisan sa mga mamamayan at patuloy nilang inaabuso ang kanilang
kapangyarihan. Sa aming pananaliksik, isa sa mga posibleng dahilan ng sunod-sunod na pagpatay ng mga
pulis sa mga inosenteng mamamayan ay ang “shoot-to-kill" order ng ating presidente dahil tila binigyan
nito ng awtoridad ang mga pulis na basta na lamang magdala ng kanilang mga baril kahit na naka-
sibilyan at wala sa tungkulin, katulad ng kaso ng pamilya Gregorio at kay Lilybeth Valdez. Ngunit, liban pa
sa ordinansang isinaad ng ating pangulo, hindi maikakaila na ang pagiging brutal ng mga kapulisan ay
nangyayari rin kahit sila ay kasalukuyang nasa tungkulin, katulad na lamang ng kaso ni Kian delos Santos,
Winston Ragos, at Edwin Arnigo. Ilan lamang ang mga nabanggit sa bilang ng totoong kaso ng police
brutality. Ang mga nasabing halimbawa pa ay mayroong mga bidyo na kumalat sa social media kaya’t ito
ay nabigyang pansin at ang hustisya ay naipaglalaban sa tulong ng malakas na ebidensya. Isa sa mga
insidenteng pinakamalaki ang ugong na nalikha ay ang kaso ni Nuezca laban sa pamilya Gregorio. Ang
mga mamamayan ng Pilipinas ay nananatili lamang sa kanilang sariling tahanan nang biglang mapuno ng
iba’t ibang emosyon dahil sa naturang pangyayari. Paniguradong hindi bago sa lahat ang katagang “My
father is a policeman!” na isinaad ng anak ni Nuezca bago naganap ang pagpatay sa mag-ina. Ito ang
nagsilbing simbolo ng kawalan ng hustisya at katarungan sa ating bansa. Ipinakita nito na tila kapag ang
isang tao ay mga katungkulan o awtoridad sa gobyerno o bansa, ang mga mamamayan ay wala nang
kapangyarihan.

Sariling Pananaw at Panig Batay sa Paksang Napili:

Ipinapakita lamang ng laganap na police brutality sa Pilipinas ang malaking kapintasan sa ating justice
system at pamamalakad. Upang mabigyang solusyon ang nananaig na problemang ito, nararapat lamang
na kilalanin ng ating gobyerno kung saan tayo nagkukulang at pansinin ang kamalian upang
maprotektahan ang ating kapwa mamamayan. Lahat ng ito ay nag-ugat lamang sa maling sistema kung
saan ang mga taong nasa katungkulan ay napapawalang-sala at hindi binibigyan ng kaparusahan sa
tuwing lalabag ng batas. Natatapakan na ang ating mga karapatan bilang tao dahil lamang hinahayaan
ng mga nakakataas na opisyal ang mga pangyayaring ganito at pinalulusot. Kadalasan, sila pa ang
humihimok at nagbibigay dahilan upang gawin ng mga kapulisan ang ganitong brutal na istratehiya.
Tulad na lamang ng “shoot-to-kill" order ng ating pangulo na siyang nag-udyok sa mga kapulisan na
isiping sila ay nasa itaas ng batas dahil sila ay mayroong karapatan, badge, at baril. Galing na rin ito sa
kanilang mga bibig, ang trato nila sa mga lumalabag ng batas ay tila “bad egg” lamang. Ngunit, sa dami
ng mga kasong naglalabasan sa panahon ngayon, gaano ba karami ang “bad egg” sa mga kapulisan at
patuloy ba natin itong papalayain?

Sa aming palagay, nararapat lamang na magkaroon ng baril ang kapulisan kung ito ay gagamitin sa
tamang lugar o panahon, at hindi aabusuhin sa kahit anong paraan. Ang pagkakaroon ng ganitong
trabaho ay may kaakibat na responsibilidad. “To serve and protect” ika nga ng ating kapulisan, ngunit sa
mga kaganapan ngayon, parang hindi na ito ang kanilang paninindigan. Imbis na tayo ay maging
komportable at maramdaman na tayo ay ligtas, mas nangingibabaw ang takot na tayo rin ay nasa
pahamak at hindi imposibleng mangyari sa atin ang ganito. Makakatulong sana kung ang ating mga
kapulisan ay may regular na neuropsychological tests at anger management classes upang kahit papano
ay maibsan ang ating pag-aalala, at matuto sila ng tamang disiplina at pag-iisip bilang mga tagaprotekta
ng bansa. Hindi lamang ang mga kaso na mayroong bidyo ang nararapat na mabigyang-pansin.
Kailangang mabigyan ng hustisya ng lahat ng sasailalim sa pag-abuso ng kapangyarihan ng mga pulis,
mayroon man o walang

https://www.washingtonpost.com/world/asia_pacific/philippines-police-brutality-mother-
shot/2020/12/21/0a5f9762-4358-11eb-ac2a-3ac0f2b8ceeb_story.html

https://www.manilatimes.net/2021/01/11/news/top-stories/nuezca-pleads-not-guilty/826282

https://www.rappler.com/nation/jonel-nuezca-cop-killed-mother-son-tarlac-dismissed-from-pnp

https://www.gmanetwork.com/news/specials/content/24/the-kian-delos-santos-case-a-timeline/

https://www.rappler.com/nation/nbi-conclusion-cop-murdered-winston-ragos-evidence-planted

https://www.philstar.com/headlines/2021/05/25/2100771/pwd-group-condemns-shooting-18-year-old-
special-needs

https://thediplomat.com/2021/06/police-killing-leads-to-calls-for-reform-in-the-philippines/

https://interaksyon.philstar.com/politics-issues/2021/03/08/187061/dutertes-shoot-to-kill-threat-
being-linked-to-bloody-calabarzon-crackdown/

You might also like