Filipino q1 Mod17 NakasusulatNgLiham v1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

4

Filipino
Markahan 1 – Module 17:
Nakasusulat ng Liham na Nagbibigay ng
Karanasan/Pangyayari sa Nabasang
Kuwento.
Filipino – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 17: Nakasusulat ng liham na nagbibigay ng
karanasan/pangyayari sa nabasang kuwento.
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang


8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang
magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elsa C. Ines, Divina A. Maybituin
Editor: Celia P. Ellana, Rebecca B. Ocampo , , Delvin B. Fabrero
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Mary Anne A. Barrientos,
Mary Joy D. Bautista, Yusof A. Aliudin
Tagaguhit: Jake D. Bana-ay, Danilo D. Bana-ay
Tagalapat: Jake D. Bana-ay, Danilo D. Bana-ay
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad C. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi- Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 17:
Nakasusulat ng Liham na Nagbibigay ng
Karanasan/Pangyayari sa Nabasang
Kuwento.
Paunang Salita
Para sa Magulang/Tagapagdaloy:

Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module (SLM)


tungkol sa Pagsulat ng liham na nagbibigay ng karanasan/pangyayari sa nabasang
kuwento!

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa


mga publiko at pribadong paaralan upang gabayan kayo, mga guro o
tagapagdaloy/facilitator na matulungan ang mga mag-aaral at matugunan ang
kanilang pangangailangang pansarili, panlipunan at pangkabuhayan alinsunod sa
K to 12 Enhanced Basic Education Program.

Ang mga gawain sa kagamitang ito ay maingat na inihanda upang maging angkop
sa kaalaman, kakayahan, kalinangan at interes ng mga mag-aaral. Ito rin ay
naglalayong malinang nang lubos ang kanilang mga kasanayan sa ika-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan maging ang mga
pangyayaring kinakaharap nila sa araw-araw.

Kalakip ng materyal na ito ay ang mga paalala sa guro/tagapagdaloy katulad ng


nakikita mo sa ibaba bilang mahalagang bahagi ng nilalaman ng modyul.

Paalala sa Guro:

Magandang araw! Mapalad kayo na nagkaroon ng kagamitang


pampagtuturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak
at malinang ang kanilang kasanayan tungkol sa pagsulat ng lihan na
nagbibigay ng karanasan/pangyayari sa nabasang kuwento. Ang inyong
tamang paggalang ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang
ating mga layunin sa pag-aaral.
Ipaalaala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila
nang tama ang lahat ng mga gawain at katanungn dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at
hangarin para sa ating mga mag-aaral; Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo!

Bilang tagapagdaloy/facilitator, ikaw ay inaasahang mabigyang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan mo ring
masubaybayan ang kanilang pag-unlad habang pinahihintulutan silang
pangasiwaan ang kanilang sariling pag-aaral.

Ikaw rin ay inaasahang mahikayat at matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa


ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
ii
Para sa Mag-aaral:

Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module (SLM)


tungkol sa Pagsulat ng liham na nagbibigay ng karanasan/pangyayari sa nabasang
kuwento

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mabisa, malikhain at masining na


pag-aaral mo ng wika, pagbasa at pagsulat sa ikaapat na baitang na inihahain ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Gagabayan ka nito sa iyong pag-aaral upang higit na maakit at maisulong ang iyong
mabisang pagkatuto dahil isinasaalang-alang dito ang iyong kawilihan at antas ng
kahirapan sa paglalahad ng mga gawain.

Ang bawat gawain sa modyul na ito ay may kaukulang icon at nahahati sa sampung
bahagi.

Alamin Sa bahaging ito inilalahad ang mga


layunin at kasanayang tatalakayin o
kakayahang inaasahan mong
malaman sa modyul.

Subukin Ang bahaging ito ay naglalayong suriin


ang nalalaman mo na tungkol sa
araling gagawin. Dito masusukat at
malalaman kung kinakailangan mong
laktawan o ipagpatuloy ang mga
gawain sa modyul.

Balikan Ito ay binubuo ng isang maikling drill


o pagsusuri upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
nauna.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa iba’t ibang paraan
tulad ng isang kuwento, sanaysay,
isang awit, tula, poster, sitwasyon o
iba pang uri ng teksto na magsisilbing
paghahanda para sa aralin.

Suriin Ang bahaging ito ay nagbibigay ng


isang maikling talakayan ng aralin na
naglalayong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.

iv
Pagyamanin Binubuo ito ng mga pansariling
pagsasanay upang mapalakas ang
iyong pang-unawa at kasanayan sa
paksa. Malilinang din dito ang iyong
natatanging kakayahan lalo na sa
pagbasa at pagsulat.

Isaisip Ito ay binubuo ng mga katanungan,


pangungusap, o mga talatang
sasagutan upang maproseso ang iyong
natutunan mula sa aralin.

Isagawa Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga


gawaing makakatulong sa iyo na ilipat
ang iyong bagong kaalaman o
kasanayan sa totoong mga sitwasyon
sa buhay.

Tayahin Ito ay isang gawain na naglalayong


suriin ang iyong antas ng kasanayan
sa pagkamit ng kakayahang matuto.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, isa pang gawain ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
araling natutunan.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa dulo ng modyul na ito ay makikita mo rin ang:

Mga Sanggunian Ito ay alaan ng lahat ng mga mapagkukunan


ng impormasyong ginamit sa pagbuo ng
modyul.

v
Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng kahit anong
marka ang iba’t ibang bahagi nito. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay dito.
2. Huwag kalimutang sagutin muna ang mga tanong sa “Subukin” bago
magpatuloy sa iba pang mga gawain na makikita sa modyul na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang mga gawain.
4. Maging matapat at may integridad sa paggawa ng mga gawain at pagsusuri
ng iyong mga sagot.
5. Tapusin ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod na gawain.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro pagkatapos masagutan ito.
Kung ikaw ay nahihirapan o may hindi naiintindihan sa modyul na ito, huwag
mag-aatubiling magtanong sa iyong guro o magulang upang ikaw ay matulungan.
Laging isaisip na hindi ka nag-iisa.

Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay iyong maiintindihan ang mga


kaalamang nakapaloob dito at nawa’y lubos kang masiyahan sa paggawa ng mga
gawain. Kayang-kaya mo iyan

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda at inilaan upang mas lalo pa
nating mabigyan ng pagpapahalaga ang pakikipagtalastasan. Ang
pakikipagtalastasan ay isang paraan upang mapahayag ang ating
mga saloobin.
Sa modyul na ito ating matatalakay ang isang paraan ng
pakikipagtasan na ginagamit natin sa ating mga kaibigang o mga
mahal sa buhay na nasa malayo. Ito ang paggamit ng liham
pangkaibigan.
Sa modyul na ito ay matutunan nating ang mga paraan kung
paano makasusulat ng isang liham pangkaibigan.

Most Essential Learning Compenetency (MELC)


 Nakasusulat ng liham na nagbibigay ng
karanasan/pangyayari sa nabasang kuwento. F4PU-Ia-2

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang maisasagawa ang layuning
Nakasusulat ng liham na nagbibigay karanasan/pangyayari
sa nabasang kuwento.

1
Subukin

Panuto: Ayusin ang liham na ito. Isulat sa iyong sagutang papel


ang tamang pagkakasuno-sunod ng mga bahagi ng
liham na ating napag-aralan. Ang bawat bahagi ng
liham ay may tig-dadalawang puntos (10 puntos)

Fey

Jose Abad Santos St.


Pob. Matalam, Cotabato
Hunyo 8, 2020

Mahal kong Stella,

Ang Iyong Kaibigan,

Kumusta ka na? Masayang masaya ako noong nakaraan Pasko


dahil isinama mo kami ni Bea sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Napakasaya ko dahil Nakita kong masayang-masaya ang mga
batang binigyan natin ng mga regalo at pagkain. Marami rin akong
napulot na mga aral sa buhay dahil sa nakaranasang iyon. Sana
marami pang pagkakataon na makabahagi pa tayong muli sa mga
batang naalila sa bahay ampunan. Sa muling pagkikita.

Balikan

2
Tukuyin ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang liham?
A. isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman,
balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa
kanyang kapwa.
B. listahan ng mga salita na may mga kahulugan
C. isang pahayagan
D. isang nobela

2. Ano ang naiiba sa kahulugan ng liham pangkaibigan?


A. A. Isang pagpapahayag ng pagbati sa isang nagwagi o
may kaarawan
B. Isang sulat na nangungumusta
C. Karaniwang pagbabalitaan
D. Ito ay isang bahagi ng aklat

3. Ito ay bahagi ng liham na naglalaman ng pambungad na


pagbati.
A. Bating Panimula
B. Katawan ng liham
C. Pamuhatan
D. Lagda

4. Ito ay bahagi ng liham na naglalaman ng petsa at adres


kung kailan at saan isinulat ang liham.
A. Pamuhatan
B. Katawan ng liham
C. Bating Panimula
D. Lagda

5. Dito makikita ang pinakapaksa ng liham.


A. Bating Panimula
B. Katawan ng liham
C. Pamuhutan

3
D. Lagda

6. Ito ang bahagi ng liham kung saan makikita mo ang


pangalan at lagda ng sumulat.
A. Bating Panimula
B. Katawan ng liham
C. Pamuhatan
D. Lagda

7. Dito mababasa ang magalang na pamamaalam ng sumulat


halimbawa “Iyong Kaibigan” Labis na Nagmamahal” Labis
na Umasa”
A. Bating Pangwakas
B. Bating Panimula
C. Katawan ng liham
D. Pamuhatan

Tuklasin

A. Pagbasa ng Kuwento:
Panuto: Basahin ang kuwento.

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”


Ni Sandy Ghaz
Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang
lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal
sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora
Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang
nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito

4
lalong-lalo na sa mga mahirap na tao. Tuwing Pasko, niyayaya ni
Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang
mga regalo sa mga bata doon. “Stella, matanong ko lang, bakit dito
tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik
na kaibigan ng dalagita. “Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa
bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon
ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita. “Hindi isang beses
sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila
sa’yo friend,” sabi ni Bea sa kaibigan. Masayang-masaya ang mga
bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella
ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad.
Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa
nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan,


biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit
malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera. “Alam
niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay
natin sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya
natin. Habang, sila doon na bumuo ng pamilya dahil marami sa
kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang
iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang
nila,” pagpapaliwanag ni Stella. Hindi naka-imik sina Bea at Fey
sa narinig nila.

Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila lubusang


naintindihan ang kanilang kaibigan. “Laking-ampunan si Mommy
pero marami ang hindi alam iyon.

Noong bata pa ako, palagi niyang kinukwento ang mga


naging karanasan niya. Mahirap raw ang lumaki na walang mga
magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting tao
na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.

5
Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan
ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita
ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis
ang natutunan niya sa karanasan ng

Suriin

Panuto: Sagutin natin ang sumusunod na mga katanungan.


1 . Sino-sino ang mga magkakaibigang binanggit sa kuwento?
A. Stella, Fey at Bea
B. Stella, Maria at luz
C. Stella, Eva Myralyn
D. Elsa, Divina at Stella

2. May mga kaibigan ba kayong nakatira sa malayo?


A. Hindi ko alam
B. Mayroon
C. Di-Tiyak
D. Ewan

3. Maliban sa sa tawag o teks ano ang iba pang paraan kung may
nais kang sabihin sa iyong kaibigang nasa malayo?
A. sumulat ng talaarawan
B. Sumulat ng kuwento
C. Sumulat ng liham
D. sumulat ng tula

4. Gusto ba ninyo matutunan ang liham pangkaibigan?


A. Di-tiyak
B. Hindi
C. Ewan
D. Opo
6
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham?
Kailangang taglay ng liham ang sumususnod na katangian:
1. Malinaw (clear)- ang pagiging malinaw ng isang liham ay
nakikita sa kung paano pinagsusunod-sunod ang mga ideya.
Ang isang liham ay hindi dapat na maging mahaba o maligoy.
Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging tandaan
na ang kasimplehan ay daan sa madaling pagkaunawa.
2. Wasto (correct)- laging isaisip na anumang liham ay dapat
magtaglay ng angkop at tiyak na impormasyon. Mahalaga na
wasto ang bawat pahayag o sinasabi ng liham. Kasama rin
sa kawastuhan ang tamang paggamit ng mga bantas.
3. Buo ang kaisipan (complete ideas)-buo at sapat ang mga
impormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang maging
buo ang kaisipan at ideya na nais ipabatid nito.
4. Ginamit ng tama ang mga bahagi ng liham; Pamuhatan,
Bating panimula, Katawan ng liham, Bating pangwakas at
Lagda.
5. Lagyan ng tamang puwang (proper spacing) sa bawat bahagi
ng liham at talata.

Halimbawa ng liham:

63 Gil St. Apo Subdivision


Pamuhatan Matina, Davao, City
Ika 23 Nobyembre 2017

7
Bating Panimula

Mahal kong Lily,

Katawan ng liham

Kumusta ka na? Sana ay nasa Mabuti kang kalagayan


kasama sina Tito Miguel at Tita Nelia. Nalalapit na ang Pasko. Ako
ay nasasabik na makita kayo. Alam mo ba na may bagong bukas
na parke malapit sa aming barangay?
Ipapasyal kita pagdating mo.

Bating Pangwakas Nagmamahal,

Lagda Lorenne

Pagyamanin

A. Panuto: Tukuyin ano ang tawag sa bawat bahagi ng liham.


Pumili ng sagot sa loob ng kahon
Katawan ng liham
B. Bating pangwakas Lagda
Bating panimula Katawan
8 ng liham
C.

Door A. Raymundo St.


2. 1. Jaro, Iloilo City
Enero 16, 2020
Mahal kong Sarah,
3.

Kumusta na ang aking matalik na kaibigan? Matagal na rin


tayong hindi nagkita matapos ang ating pag-aaral sa kolehiyo.
Nabalitaan ko na nakapasa ka sa pagsusulit para sa mga bagong
inhenyero. Ako ay talagang natutuwa sa iyong bagong tagumpay.
Inaasahan ko na muli tayong magkaroon ng panahon upang
magkita at makapag-usap gaya noong tayo ay mga mag-aaral pa
lamang. Palagi kayong mag-iingat at lagi sana kayong patnubayan
ng Poong Maykapal

4. Nagmamahal,

5. Cristina

B. Panuto: Tukuyin anong bahagi ng liham ang bawat kahon,


isulat ang sagot sa loob ng kahon.

9
C. Panuto: Tukuyin ang sagot at pumili ng titik ng tamang sagot
.

1. Alin ang tamang bating panimula?


A. mahal kong Stella,
B. Mahal Kong Kate,
C. Mahal kong Kate,
D. mahal Kong Kate,

2. Alin ang tamang bating pangwakas?


A. iyong kaibigan,
B. Iyong kaibigan,
C. iyong kaibigan,
D. Kaibigan,

3. Saang bahagi lumalaktaw na mga linya?


A. Sa pagitan lamang ng katawan at bating
pangwakas
B. Sa pagitan ng bawat bahagi ng liham at mga
talata
C. Pagkatapos lamang ng pamuhatan
D. Sa pagitan ng bawat linya

4. Tukuyin anong bahagi ng liham ito?


Apolinario St.
Sta. Ana Maynila
August 14, 2017

A. Bating panimula
B. Bating pangwakas
C. Pamuhatan
D. Lagda

5.Tukuyin anong bahagi ng liham ito?


Fey
10
A. Bating panimula
B. Bating pangwakas
C. Pamuhatan
D. Lagda

Isaisip

Panuto: Sagutan ang bawat katanungan. Isulat ang Tama kung


ang pahayag ay tama at Mali naman kung ito ay mali.

_____ 1. Hindi dapat na maging mahaba o maligoy ang liham.


_____ 2. Mahalaga na wasto ang bawat ang bawat pahayag o
Sinasabi ng liham. Kasama rin sa kawastuhan ang
tamang paggamit ng bantas.
_____ 3. Gamitin ang bawat bahagi ng liham ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod nito.
_____ 4. Buo at sapat ang mga impormasyon ng liham ay
nakatutulong upang maging buo ang kaisipan at ideya
na nais ipabatid nito.
_____ 5. Laging tandaan na ang kasimplehan ay daan sa
madaling pagkaunawa.
 Dapat nating tandaan na sa pagsulat ng liham mayron
tayong dapat pahalagahan upang makabubuo tayo ng
tamang liham.
 Tandaan natin ang mga katangian nito; malinaw (clear),
Wasto (correct), Buo ang kaisipan (complete ideas), wastong
gamit ng mga bahagi ng liham at tamang gamit ng tamang
spacing.

11
Isagawa

Panuto: Ayusin ang Liham ayon sa wastong pagkakasunod nito.

2215 Road 4 Street


Sta. Ana Maynila
August 12, 2017

Fey
Mahal kong Stella,
Ang iyong kaibigan,
Magandang araw! Kumusta ka na diyan kaibigan?
Napakasaya ko dahil niyaya at isinama mo kami ni Bea sa bahay-
ampunan sa Marga Hera. Isang Napakagandang karanasan at
marami akong natutunan mula saiyo. Masarap pala sa
pakiramdam kapag nakatulong ka sa iyong kapwa. Ikinuwentu
ko rin ito sa iba nating mga kaibigan. Nagpasya silang sasama rin
sa susunod nating pagbabalik. Magdadala rin kami ng mga regalo
at pagkain para sa mga bata upang maging mas mayasa sila.
Salamat muli sa karanasang iyon, at sa muli nating
pangkikita.

Tayahin
Panuto: Panuto: Ayusin ang liham na ito. Isulat sa iyong
sagutang papel ang tamang pagkakasuno-sunod ng mga
bahagi ng liham na ating napag-aralan. Ang bawat bahagi ng
liham ay may tig-dadalawang puntos (10 puntos)

Fey

Jose Abad Santos St.

12
Pob. Matalam, Cotabato
Hunyo 8, 2020

Mahal kong Stella,

Ang Iyong Kaibigan,

Kumusta ka na? Masayang masaya ako noong nakaraan Pasko


dahil isinama mo kami ni Bea sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Napakasaya ko dahil Nakita kong masayang-masaya ang mga
batang binigyan natin ng mga regalo at pagkain. Marami rin akong
napulot na mga aral sa buhay dahil sa nakaranasang iyon. Sana
marami pang pagkakataon na makabahagi pa tayong muli sa mga
batang naalila sa bahay ampunan. Sa muling pagkikita.

Karagdagang Gawain
Bumuo ng liham na paumanhin (excuse letter) para sa guro sa
pagliban mo sa klase.

Susi sa Pagwawasto

Fey

Ang Iyong Kaibigan,


muli sa mga batang naalila sa bahay ampunan.Sa muling pagkikita.
buhay dahil sa nakaranasang iyon. Sana marami pang pagkakataon na makabahagi pa tayong
mga batang binigyan natin ng mga regalo at pagkain. Marami rin akong napulot na mga aral sa
Bea sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Napakasaya ko dahil Nakita kong masayang-masaya ang
Kumusta ka na? Masayang masaya ako noong nakaraan Pasko dahil isinama mo kami ni

Mahal kong Stella,


Hunyo 8, 2020
Pob. Matalam, Cotabato
Jose Abad Santos St.

Subukin
13
14
Isaisip
Pagyamanin
1. Tama 1. C
2. Tama 2. B
3. Tama 3. B
4. Tama 4. C
5. Tama 5. D
Pagyamanin
B.
Pamuhata
Bating Panimula
Katawan ng liham
Bating Pangwakas
Lagda
Pagyamanin Balikan
A. 1. A
2. D
1. Pamuhatan 3. A
2. Bating Panimula 4. A
3. Katawan ng Liham 5. B
4. Bating Pangwakas 6. D
5. Lagda 7. A
15
Tayakin
Jose Abad Santos St.
Pob. Matalam, Cotabato
Hunyo 8, 2020
Mahal kong Stella,
Kumusta ka na? Masayang masaya ako noong nakaraan Pasko dahil isinama mo kami ni Bea sa
bahay-ampunan sa Marga Hera. Napakasaya ko dahil Nakita kong masayang-masaya ang mga batang
binigyan natin ng mga regalo at pagkain. Marami rin akong napulot na mga aral sa buhay dahil sa
nakaranasang iyon. Sana marami pang pagkakataon na makabahagi pa tayong muli sa mga batang
naalila sa bahay ampunan. Sa muling pagkikita.
Ang Iyong Kaibigan,
Fey
Isagawa
2215 Road 4 Street
Sta. Ana Maynila
August 12, 2017
Mahal kong Stella,
Magandang araw! Kumusta ka na diyan kaibigan? Napakasaya ko dahil niyaya at isinama mo kami
ni Bea sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Isang Napakagandang karanasan at marami akong
natutunan mula saiyo. Masarap pala sa pakiramdam kapag nakatulong ka sa iyong kapwa. Ikinuwentu
ko rin ito sa iba nating mga kaibigan. Nagpasya silang sasama rin sa susunod nating pagbabalik.
Magdadala rin kami ng mga regalo at pagkain para sa mga bata upang maging mas mayasa sila.
Salamat muli sa karanasang iyon, at sa muli nating pangkikita.
Ang iyong kaibigan,
Fey
Sanggunian

Yaman ng Lahi 4. (n.d.). In Yaman ng Lahi 4, Wika at Pagbasa


(Gabay sa Pgtuturo) (pp. 82-83).
Yaman ng Lahi 4. (n.d.). In Yaman ng Lahi 4, Wika at Pagbasa
(Kagamitan ng Mag-aaral) (pp. 37-42).
google.com. (n.d.). Retrieved from 3.
www.google.com/https://philnews.ph/2018/11/24/maikli
ng-kwento-stella-kaibigan-araw-pasko/: 3.
www.google.com/https://philnews.ph/2018/11/24/maikli
ng-kwento-stella-kaibigan-araw-pasko/
google.com. (n.d.). Retrieved from https://brainy-
ph/question/113070: https://brainy-ph/question/113070
google.com. (n.d.). Retrieved from
https://www.homeschoolmanila.com.

16
PAHATID-LIHAM

Ang sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential learning Compentencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan ompuna, sumulat ontumawag


sa:
Kagawaran ng Edukasyon - SOCCSKSARGEN
Email
Learning
Address:
Resource
region12@deped.gov.ph
Management System (LRMDS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No. : (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like