Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagtukoy sa Bahagi ng Binasang
Kuwento-
Simula, Kasukdulan, Katapusan
Filipino – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Pagtukoy sa Bahagi ng Binasang Kuwento (Simula,
Kasukdulan, Katapusan)
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Natividad V. Gonzales, Eva T. Sausal, Myra O. Nietes
Editor: Celia P. Ellana, Rebecca B. Ocampo, Delvin B. Fabrero
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Mary Anne A. Barientos, Mary Joy D. Bautista,
Yusof A. Aliudin
Tagaguhit: Jake D. Banaay, Danilo D. Banaay
Tagalapat: Jake D. Banaay, Danilo D. Banaay
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - Division EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi – Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Filipino
Unang Markahan – Module 4:
Pagtukoy sa Bahagi ng Binasang
Kuwento-
Simula, Kasukdulan, Katapusan
Paunang Salita

Para sa Magulang/Tagapagdaloy:
Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module (SLM)
tungkol sa “Mga Bahagi ng Binasang Kuwento”!

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa


mga publiko at pribadong paaralan upang gabayan kayo, mga guro o
tagapagdaloy/facilitator na matulungan ang mga mag-aaral at matugunan ang
kanilang pangangailangang pansarili, panlipunan at pangkabuhayan alinsunod sa
K to 12 Enhanced Basic Education Program.

Ang mga gawain sa kagamitang ito ay maingat na inihanda upang maging angkop
sa kaalaman, kakayahan, kalinangan at interes ng mga mag-aaral. Ito rin ay
naglalayong malinang nang lubos ang kanilang mga kasanayan sa ika-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan maging ang mga
pangyayaring kinakaharap nila sa araw-araw.

Kalakip ng materyal na ito ay ang mga paalala sa guro/tagapagdaloy katulad ng


nakikita mo sa ibaba bilang mahalagang bahagi ng nilalaman ng modyul.

Paalala sa Guro:

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang


pampagtuturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang
mapalawak at malinang ang kanilang kasanayan tungkol sa Pagtukoy sa
Bahagi ng Binasang Kuwento – simula, kasukdulan, katapusan. Ang inyong
tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang
ating mga layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila
ng tama ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin
at hangarin para sa ating mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pagkatuto.
Maligayang pagtuturo!

Bilang tagapagdaloy/facilitator, ikaw ay inaasahang mabigyang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan mo ring
masubaybayan ang kanilang pag-unlad habang pinahihintulutan silang
pangasiwaan ang kanilang sariling pag-aaral.

Ikaw rin ay inaasahang mahikayat at matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa


ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

ii
Para sa Mag-aaral:

Maligayang paglalakbay at pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning


Module (SLM) tungkol sa “Mga Bahagi ng Binasang Kuwento”!

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mabisa, malikhain at masining na


pag-aaral mo ng wika, pagbasa at pagsulat sa ikaapat na baitang na inihahain ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Gagabayan ka nito sa iyong pag-aaral upang higit na maakit at maisulong ang iyong
mabisang pagkatuto dahil isinasaalang-alang dito ang iyong kawilihan at antas ng
kahirapan sa paglalahad ng mga gawain.

Ang bawat gawain sa modyul na ito ay may kaukulang icon at nahahati sa sampung
bahagi:

Alamin
Sa bahaging ito inilalahad ang mga
layunin at kasanayang tatalakayin o
kakayahang inaasahan mong
malaman sa modyul.

Subukin
Ang bahaging ito ay naglalayong suriin
ang nalalaman mo na tungkol sa
araling gagawin. Dito masusukat at
malalaman kung kinakailangan mong
laktawan o ipagpatuloy ang mga
gawain sa modyul.

Balikan Ito ay binubuo ng isang maikling drill


o pagsusuri upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
nauna.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa iba’t ibang paraan
tulad ng isang kuwento, sanaysay,
isang awit, tula, poster, sitwasyon o
iba pang uri ng teksto na magsisilbing
paghahanda para sa aralin.

iii
Suriin Ang bahaging ito ay nagbibigay ng
isang maikling talakayan ng aralin na
naglalayong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga pansariling


pagsasanay upang mapalakas ang
iyong pang-unawa at kasanayan sa
paksa. Malilinang din dito ang iyong
natatanging kakayahan lalo na sa
pagbasa at pagsulat.

Isaisip Ito ay binubuo ng mga katanungan,


pangungusap, o mga talatang
sasagutan upang maproseso ang iyong
natutunan mula sa aralin.

Isagawa Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga


gawaing makakatulong sa iyo na ilipat
ang iyong bagong kaalaman o
kasanayan sa totoong mga sitwasyon
sa buhay.

Tayahin Ito ay isang gawain na naglalayong


suriin ang iyong antas ng kasanayan
sa pagkamit ng kakayahang matuto.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, isa pang gawain ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
araling natutunan.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa dulo ng modyul na ito ay makikita mo rin ang:

Mga Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng mga


mapagkukunan ng impormasyong ginamit
sa pagbuo ng modyul.

iv
Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng kahit anong
marka ang iba’t ibang bahagi nito. Gumamit ng ibang papel o worksheet sa
pagsagot sa mga pagsasanay dito.
2. Huwag kalimutang sagutin muna ang mga tanong sa “Subukin” bago
magpatuloy sa iba pang mga gawain na makikita sa modyul na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang mga gawain.
4. Maging matapat at may integridad sa paggawa ng mga gawain at pagsusuri
ng iyong mga sagot.
5. Tapusin ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod na gawain.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro pagkatapos masagutan ito.

Kung ikaw ay nahihirapan o may hindi naiintindihan sa modyul na ito, huwag


mag-aatubiling magtanong sa iyong guro o magulang upang ikaw ay matulungan.
Laging isaisip na hindi ka nag-iisa.

Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay iyong maiintindihan ang mga


kaalamang nakapaloob dito at nawa’y labis kang masiyahan sa paggawa ng mga
gawain.

Kayang-kaya mo iyan!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda at inilaan para sa


iyo. Binubuo ito ng pinagsanib na mga kasanayan para sa
pagpapalawak ng iyong karunungan at kahusayan sa natatanging
panitikan.
Nililinang din nito ang iyong kakayahang komunikatibo at
maiaangat ang antas ng nasabing kakayahan sa
pakikipagtalastasan sa wikang Filipino.
Inaasahang makatutugon ito sa paglinang ng mga
kasanayang batay sa mga pangangailangan at kaalamang angkop
sa iyong antas bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang.
Sa pamamagitan din ng araling ito, matutulungan kang
maisagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto,
mapalawak ang iyong talasalitaan at maisalaysay muli ang
nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-
sunod ng mga bahagi nito.
Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang iba’t ibang bahagi ng
binasang kuwento at mabigyang-diin ang sumusunod na
mahalagang kasanayan sa pagkatuto:

Most Essential Learning Competency o MELC


 Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento - simula,
kasukdulan, katapusan ( F4PB-Ii-24)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw rin


ay inaasahang maisasagawa ang layuning:
Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento - simula,
kasukdulan, katapusan
Maligayang paglalakbay patungo sa iyong kalinangan at
katalinuhan!

1
Subukin

Paunang Pagtataya:
PANUTO: Basahin ang sumusunod na bahagi ng mga
maikling kuwentong tatalakayin ngayon. Alamin at punan ang
patlang kung ang bahagi ng kuwentong tinutukoy ay simula,
kasukdulan o katapusan. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang
papel (worksheet).

1. Bago pa man lumubog ang araw ay takot na takot si Hipon


na lumabas ng kanilang lungga. Muntikan pa itong makain
ng dolphin at pawikan. ____________________________
2. Naglakbay naman si Biya upang makahanap ng bagong
lungga ngunit bigo sapagkat ang lahat ng nakikita niya ay
mayroon nang nakatirang ibang hipon at biya.
____________________________
3. Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si
Armando. Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan
ang lahat. Ang tapang ni Armando! Hindi nila napansin ang
malaking along dumarating. _____________________________

4. Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa


bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak
at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas
at pagbaba ng alon. ___________________________

5. Sa puting buhangin ng tangrib, dito ay magkasamang


namumuhay ang magkaibigang Hipon at Biya.
______________________________
6. Hindi natiis ni Biya ang mga inuutos ni Hipon kaya’t siya ay
lumabas na ng kanilang lungga. Walang nagawa si Hipon
upang siya ay pigilan. _____________________________

2
7. Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila
ng pagsisikap ng mag-asawa, na pagalingin ang anak,
lumubha pa rin ang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y
binawian na ng buhay. ______________________________
8. Mula noon ay payapang namuhay sina Hipon at Biya.
______________________________
9. Ang mag-asawa ay naging mga paru-paro na aalialigid sa
mga bulaklak. ________________________________

10. May mag-asawang pumasok sa hardin at pumitas ng mga


bulaklak nang walang pahintulot. ____________________________

Balikan

PANUTO: Tukuyin kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay


tauhan, tagpuan o banghay. Isulat sa iyong sagutang papel
(worksheet) ang titik ng tamang sagot.
1. “Sa maliit na nayon ng San Gabriel sa panahon ng mga
Kastila”. Anong elemento ng maikling kuwento ang nakasaad
dito?
A. banghay
B. suliranin
C. tagpuan
D. tauhan

2. Si Joan ang mabuting maybahay; si John ang


masunuring anak; si Juan ang masigasig na tatay at ang
pamilyang Jurnado na ubod ng damot. Anong elemento ng
maikling kuwento ang mga nabanggit?
A. banghay
B. suiranin
C. tagpuan
D. tauhan

3
3. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
A. banghay
B. suliranin
C. tagpuan
D. tauhan

4. Ito ang lugar o pook kung saan nangyari ang kuwento.


A. banghay
B. suliranin
C. tagpuan
D. tauhan
5. Ito ang mga tao o minsan hayop na gumagawa ng kilos o
aksyon ng isang kuwento.
A. banghay
B. suliranin
C. tagpuan
D. tauhan

Tuklasin

 Basahin mo ang isang maikli ngunit napakagandang


kuwento tungkol sa magkaibigang Hipon at Biya. Sila ang
mga bida sa kuwentong babasahin mo ngayon.

 Ngunit bago mo simulan ang pagbabasa, bigyang-kahulugan


mo muna ang mga mahihirap na salitang matatagpuan sa
kuwento.

PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Alamin at isulat sa


iyong sagutang papel ang kasingkahulugan ng mga salitang
nasalungguhitan mula sa grupo ng mga salita pagkatapos ng
bawat pangungusap.

4
1. Ang pagpilantik ng buntot ni Biya ang senyas
upang bumalik si Hipon sa kanilang lungga.
pagpitik paglabas pagtago paglangoy
2. Lumabas na si Biya sa kanilang lungga.
kainan palaruan taguan inuman
3. Sa puting buhangin ng tangrib namuhay sina
Hipon at Biya.
palaruan batuhan kainan inuman
4. Ang senyas upang bumalik si Hipon sa kanilang
lungga ay ang pagpilantik ng buntot ni Biya.
babala sigaw awit pahintulot

 Ngayon, subukan mo namang bigyang-katangian sina Hipon


at Biya. Alamin mo rin kung paano sila naging mabuting
magkaibigan sa kuwento.

Hipon at Biya
Akda ni Carla Pacis

Sa puting buhangin ng tangrib, dito ay magkasamang


namumuhay ang magkaibigang Hipon at Biya. Kahit di sila
magkauri ay magkasama silang namumuhay.
Trabaho ni Hipon ang bungkalin ang buhangin upang
mapanatiling maayos ang kanilang lungga. Dahil sa kanyang
sampung binti ay walang kahirap hirap si Hipon na linisin ito.
Sinisiguro din ni Hipon na si Biya ay nakakakain nang maayos.
Trabaho naman ni Biya ang bantayan ang lungga laban sa
mga malalaking isda dahil malabo ang mata ni Hipon. Ang
pagpilantik ng buntot ni Biya ang senyas upang bumalik si Hipon
sa kanilang lungga.
Dahil sa ilang araw na pagbagyo ay nag-away sina Hipon at
Biya. “Wag ka namang lumangoy langoy lang dyan, kumilos ka
din,” saad ni Hipon kay Biya. “Ano namang magagawa ko. Wala
namang makakapasok sa ating lungga,” sabat naman ni Biya.
Alam ni Hipon na tama si Biya ngunit bakit lagi na lamang
siya ang kumikilos. “Ikuha mo ako ng pagkain”, “Kamutin mo ang
likod ko!”

5
Ngunit di naman magawa ni Biya ang inuutos sapagkat wala
siyang mga kamay. Hindi natiis ni Biya ang mga inuutos ni Hipon
kaya’t siya ay lumabas na ng kanilang lungga.
Walang nagawa si Hipon upang siya ay pigilan. Bago pa man
lumubog ang araw ay takot na takot si Hipon na lumabas ng
kanilang lungga. Muntikan pa itong makain ng dolphin at
pawikan.
Naglakbay naman si Biya upang makahanap ng bagong
lungga ngunit bigo sapagkat ang lahat ng nakikita niya ay
mayroon nang nakatirang ibang hipon at biya. Gutom na gutom
na bumalik si Biya sa kanilang lungga.
Pagsikat ng araw ay nagbungkal si Hipon ng makakain at
nakita niya sa labas ang gutom na gutom na si Biya. “Kailangan
kita upang bantayan ako, Ipinapangako ko na magiging mabait at
hindi ko na ipapagawa ang mga bagay na alam kong hindi mo
kayang gawin.
Mula noon payapang namuhay sina Hipon at Biya.

Suriin

A. PANUTO: Batay sa nabasa mong maikling kuwento, sikapin


mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa
worksheet ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Dolphin at Pawikan
B. Hipon at Dikya
C. Dolphin at Biya
D. Hipon at Biya

6
2. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
Ilarawan sila.
A. Sina Dolphin at pawikan na laging masaya
B. Sina Hipon at Biya na magkaibigan
C. Sina Dolphin at Biya na makukulit
D. Sina Hipon at Dikya na mababait

3. Ano ang simula ng kuwento?


A. Sa maitim na buhangin ng tangrib, dito magkasamang
naninirahan sina Hipon at Biya.
B. Sa maruming buhangin ng tangrib, dito magkasamang
naninirahan sina Hipon at Biya.
C. Sa puting buhangin ng tangrib, dito magkasamang
naninirahan sina Hipon at Biya.
D. Sa malinis na dalampasigan, dito magkasamang
naninirahan sina Hipon at Biya.

4. Ano ang kasukdulan o problema sa kuwento?


A. Hindi natiis ni Biya ang mga inuutos ni Hipon kaya
siya ay lumabas ng kanilang lungga.
B. Inaway ni Biya si Hipon kaya iniwan siya nitong nag-
iisa sa lungga.
C. Naghanap ng pagkain si Biya kaya iniwan niya si
Hipon.
D. Kinain si Hipon ng malaking isda.

5. Ano naman ang katapusan o wakas ng kuwento?


A. Mula noon ay naghiwalay na ang magkaibigang Hipon
at Biya.
B. Mula noon hindi na nagkasundo sina Hipon at Biya.
C. Mula noon payapang namuhay sina Hipon at Biya.
D. Mula noon hindi na nagkita sina Hipon at Biya.

6. Katulad nina Hipon at Biya, paano mo rin kaya


pahalagahan ang iyong kaibigan?
A. Handa ko siyang awayin kapag may di
pagkakaintindihan.
B. Handa ko siyang patawarin at tanggapin kapag
nagkamali.
C. Handa ko siyang iwanan sa oras ng pangangailangan.
D. Handa ko siyang ipahiya sa mga kaklase.

7
 Narito ang iba’t ibang bahagi ng maikling kuwento:

 May tatlong elemento ang maikling kuwento.


 Ito ay ang tauhan, tagpuan at banghay. Ano-ano ba ang
tinutukoy ng mga ito?
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa bida o panauhin sa
kuwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap o
nangyari ang kuwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento.

 Samantala, may tatlong mahahalagang bahagi naman ang


banghay.
 Ito ay naglalaman ng simula, kasukdulan, at katapusan.

a. Simula – Ito ay tumutukoy kung saan at paano


nagsimula ang kuwento.
b. Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema
sa kuwento.
c. Wakas/Katapusan – Ito ay tumutukoy kung
paano nagwakas o natapos ang kuwento.

 Ang mga bahagi o mga pangyayari sa kuwento ay tulad din


ng mga bahagi ng pyramid. Tingnan mo ang mga ito sa
larawan bilang ilustrasyon:

Ano ang kasukdulan ng


kuwento?

Ano ang pamagat


ng kuwento?

Paano nagsimula ang Paano nagtapos ang


kuwento? kuwento?
8
 Sa ibabang bahagi ng pyramid sa gawing kaliwa ay ang
pagsisimula o simula ng kuwento. Dito matatagpuan ang
tauhan, tagpuan o panahon sa kuwento
 Sa pagpapatuloy ng kuwento habang papataas at nagiging
kapana-panabik ang mga pangyayari ay mararating ang
pinakamahalagang bahagi sa gawing dulo o tuktok ng
pyramid. Dito na nangyayari ang problema o suliranin sa
kuwento. Ito ay tinatawag na kasukdulan ng kuwento.
 Pagkatapos mabigyang solusyon ang mga suliranin sa
kuwento at habang pababa na ang aksyon ay magpapatuloy
ito sa ibabang bahagi sa gawing kanan. Ito naman ang
katapusan o wakas ng kuwento.

 Gawin mo ang mga sumusunod na gawain upang lalo mong


maiintindihan ang mga bahaging ito ng kuwento.
B. PANUTO: Punan ang graphic organizer sa ibaba upang
maisa-isa ang mga bahagi ng maikling kuwento. Piliin sa
kahon at isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.

-dolphin –Biya -Sa puting buhangin ng tangrib

-Hipon -pawikan -Hipon at Biya

- Mula noon payapang namuhay sina Hipon at Biya.

-Sa puting buhangin ng tangrib, dito magkasamang


namumuhay ang magkaibigang Hipon at Biya.

-Hindi natiis ni Biya ang mga inuutos ni Hipon kaya


siya ay lumabas ng kanilang lungga.

9
PAMAGAT

TAUHAN TAUHAN

TAGPUAN

Pagyamanin

 Magbabasa kang muli ng isa pang kuwento na pinamagatang


“Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae” ni Levi
Antoy.

10
 Nakakita na ba kayo ng hardin ng bulaklak sa tabi ng lawa?
 Ano kaya ang gagawin niyo kapag matanda at pangit ang
may-ari ng hardin?
 Alamin natin kung ano ang nangyari sa mag-asawang
bumisita sa hardin?

Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae


Ni Levy Antoy

Noong unang panahon ay may isang matandang babae


na may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa.
Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang
naninirahan sa katapat n baryo.
Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang
kani-kanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay
ng isda kapalit ng ilang magaganda at mababangong
bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking
kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging
nagliliwanag ang kapaligiran at may kasamang magandang
babae at duwending tumutulong sa pag-aalaga ng tanim.
Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng
matanda na wala siyang kasama.
Isang araw ay may isang mag-asawang bumibisita sa
baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila ta
pumitas ng bulaklak na walang pahintulot. Nakita sila ng
matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan
lamang nila dahil sa pangit nitong anyo.
Dahil sa kalapastangan ng dalawa, ginawa silang
magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng
dalawa na naging paru-paro. Nakita na lamang ng
taumbayan na may kakaibang kulisap na aalialigid sa mga
bulaklak.

11
A. PANUTO: Punan ang talaan ng mga bahagi ng nabasang
kuwento. Piliin at salungguhitan ang tamang sagot sa
inyong worksheet.

Pamagat: Alin ang pamagat ng kuwento?

-Ang Matandang Babae


-Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

Tagpuan: Saan nangyari ang kuwento?

-hardin sa tabi ng lawa


-hardin sa tabi ng ilog

Tauhan: Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

-mga mangingisda - matandang babae

Banghay:
1. Ano ang simula ng kuwento?

-May isang matandang lalaki na nakatira sa tabi ng ilog.


-May isang matandang babae na may magandang hardin sa
tabi ng lawa.

2. Ano ang kasukdulan o problema sa kuwento?

-May mag-asawang pumasok sa hardin at pumitas ng mga


bulaklak nang walang pahintulot.
-May mga hayop na pumasok sa hardin at kinain ang mga
pananim ng matandang babae.

3. Ano ang wakas o katapusan ng kuwento?

-Ang mag-asawa ay naging mga paru-paro na aalialigid sa mga


bulaklak.
-Humingi ng paumanhin ang mag-asawa sa matanda at
maligayang umalis sa hardin.

12
 Isa pang kuwento ang babasahin mo nang malakas ngayon.
Intindihin mo nang mabuti at gawin ang mga nakahandang
gawain pagkatapos nito.

 Ito ay pinamagatang “Nanimbang sa Katig.”

Nanimbang sa Katig

Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang


may motor.
Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga paa.
Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon.
Tuwang-tuwa sila lalo kapag may malaking along sumasalpok
sa kanilang bangka.
Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si
Armando. Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan ang
lahat. Ang tapang ni Armando!
Hindi nila napansin ang malaking alon na dumarating.
Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto
na ang mga mata at tahimik na humihikbi.

Hango sa : Pagpapaunlad ng Pagbasa


St. Mary’s Publishing House

B. PANUTO: Suriing mabuti ang iba’t ibang bahagi ng


kuwentong binasa. Isulat sa inyong sagutang papel kung
ito ay pamagat, tauhan, tagpuan, simula, kasukdulan o
katapusan.

___________________1. bangkang may motor, sa dagat


___________________2. Nanimbang sa Katig
___________________3. mga bata
______________________4.
Buong pagmamalaking nanimbang sa
katig si Armando. Hindi niya napansin ang
malalaking alon na dumarating.
__________________5. Umuwi silang walang kibuan, mugto ang mga
mata at tahimik na humihikbi.
__________________6. Masayang nakasakay ang mga bata sa
bangkang may motor.

13
 Basahin mo naman ang “Alamat ng Mangga” upang matuto
sa mga magagandang aral ng kuwentong ito. Sagutin ang
mga gawain sa iyong worksheet.

Alamat ng Mangga

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben.


Mabait at matulungin siya.
Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din
naman.
Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben.
Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain.
Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang
matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din
niya ito at binigyan ng damit.
Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben.
Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa, na pagalingin ang
anak, lumubha pa rin ang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y
binawian na ng buhay.
Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.
Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak,
dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben.
Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging
punongkahoy na may bungang hugis-puso.
Marami ang nakinabang ngayon sa bungang ito.

14
C. PANUTO: Tingnan ang mga hinihinging bahagi ng
kuwento sa pyramid. Lagyan ng tsek (∕) ang kahon ng
tamang sagot at isulat ang mga ito sa inyong sagutang
papel.

Kasukdulan:

Nagkasakit si Ben hanggang sa siya ay


gumaling.

Nagkasakit si Ben hanggang sa siya ay


binawian ng buhay.

Pamagat:

Alamat ng Mangga

Alamat ng Bundok

Simula: Katapusan:

Si Ben ay kaisa-isang Hiningi ng duwende


anak nina Aling Maria at ang puso ni Ben. Ibinaon
Mang Juan. Siya ay mabait at niya ito sa gubat at naging
matulunging bata tulad ng isang malaking puno.
kanyang mga magulang.
Hiningi ng diwata
Si Ben ang ang puso ni Ben at ibinaon
pinakabunso sa limang anak sa isang bundok hanggang
nina Aling Maria at Mang sa ito’y naging isang
Juan. punongkahoy na may
bungang hugis-puso.

15
Isaisip

 Dapat mong tandaan na may tatlong mahalagang elemento


ang maikling kuwento: tauhan, tagpuan at banghay.
 Samantala, ang banghay naman ay may tatlong bahagi:
simula, kasukdulan, katapusan.

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang puwang bago ang bilang sa


iyong worksheet. Hanapin sa kahon ang tamang bahagi ng
kuwentong inilalarawan.

Katapusan Tagpuan Tauhan


Banghay Simula Kasukdulan
Suliranin Kalutasan

___________________1. Dito nangyayari ang problema o suliranin


sa kuwento.
___________________ 2. Ito ay tumutukoy sa bida o panauhin sa
kuwento.
___________________3. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
___________________4. Ito ay tumutukoy kung saan naganap o
nangyari ang kuwento.
___________________5. Ito ay tumutukoy kung paano natapos
ang kuwento.
___________________6. Ito ay tumutukoy kung saan at paano
nagsimula ang kuwento.

16
Isagawa

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong


worksheet. Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang tamang sagot.

1. Paano naging mabuting magkaibigan sina Hipon at Biya?

Lagi silang nag-aaway. Nagtutulungan sila sa isa’t isa.

2. Paano nila pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan?

Pinapatawad nila ang Lagi silang may di pag-


pagkakamali ng isa’t isa. kakaunawaan sa isa’t isa

3. Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ng magkaibigang


Hipon at Biya ang nagustuhan mo? Isulat sa kahon ang
iyong sagot.

4. Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ng magkaibigang


Hipon at Biya ang hindi mo naman nagustuhan? Isulat sa
kahon ang iyong sagot.

5. Para sa iyo, paano mo rin kaya bigyang-halaga ang iyong


kaibigan? Isulat sa kahon ang iyong sagot.

17
Tayahin

Panghuling Pagtataya
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na bahagi ng
maikling kuwento. Alamin kung ang bahagi ng kuwento ay simula,
kasukdulan o katapusan. Isulat sa patlang sa iyong sagutang
papel ang tamang sagot.

1. Ang mag-asawa ay naging mga paru-paro na aalialigid sa


mga bulaklak. ___________________________

2. Sa puting buhangin ng tangrib, dito ay magkasamang


namumuhay ang magkaibigang Hipon at Biya.
_________________________

3. Hindi natiis ni Biya ang mga iniuutos ni Hipon kaya’t siya


ay lumabas na ng kanilang lungga. Walang nagawa si
Hipon upang siya ay pigilan. _________________________

4. Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay


mugto na ang mga mata at tahimik na humihikbi.
___________________________

5. Mula noon ay payapang namuhay sina Hipon at Biya.


__________________________

6. Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben.


Mabait at matulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga
magulang na mababait din naman.
__________________________

18
7. May mag-asawang pumasok sa hardin at pumitas ng mga
bulaklak nang walang pahintulot.
____________________________

8. Hiningi nito ang puso ni Ben. Ibinaon ng diwata ang puso


sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may
bungang hugis-puso. Marami ang nakinabang ngayon sa
bungang ito. ____________________________

9. Mayamaya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si


Armando. Tumayo siya nang walang hawak.
Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni Armando! Hindi
nila pinansin ang malaking alon na dumarating.
_____________________________

10. Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa


bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng
palakpak at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay
ng pagtaas at pagbaba ng alon.
_______________________________

19
Karagdagang Gawain

PANUTO: Magbasa ng iyong paboritong kuwento. Isulat ang


pamagat, tauhan at tagpuan sa kuwento pagkatapos basahin.
 Sa unang hanay naman, sumulat ng pangungusap tungkol
sa simula, kasukdulan at katapusan ng kuwento. Sa tapat
nito, iguhit ang sinasabi ng pangungusap.

PAMAGAT:

TAUHAN:

TAGPUAN:

SIMULA:

GITNA/KASUKDULAN:

Susi sa Pagwawasto
WAKAS/KATAPUSAN:

20
TAYAHIN (Panghuling Pagtataya)
1. Wakas/katapusan 6. simula
21
2. Simula 7. kasukdulan
3. Kasukdulan 8. katapusan
4. Wakas/Katapusan 9. kasukdulan
5. Wakas/Katapusan 10. simula
SUBUKIN (Paunang BALIKAN SURIIN A.
Pagtataya)
1. c. tagpuan 1. d.
1. Kasukdulan
2. a. tauhan 2. b.
2. Kasukdulan
3. b. banghay 3. a.
3. Kasukdulan
4. c. tagpuan 4. a.
4. Simula
5. a. tauhan 5. c.
5. Simula
PAGHAHAWAN NG 6. b.
6. Kasukdulan BALAKID
7. Kasukdulan 1. pagpilantik
2. taguan
8. Katapusan 3. batuhan
4. babala
9. Katapusan
10.Katapusan
SURIIN B.
22
Pamagat: Alin ang pamagat ng kuwento? PAGYAMANIN B.
-Ang Mahiwagang Bulaklak ng
Matandang Babae 1. Tagpuan
Tagpuan: Saan nangyari ang kuwento? 2. Pamagat
-hardin sa tabi ng lawa 3. Tauhan
Tauhan: Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 4. Kasukdulan
- matandang babae
5. Katapusan
Banghay:
1. Ano ang simula ng kuwento? -May isang 6. Simula
matandang babae na may magandang hardin sa
tabi ng lawa.
ISAISIP
2. Ano ang kasukdulan o problema sa kuwento?-
Kasukdulan 1.
May mag-asawang pumasok sa hardin at pumitas
ng mga bulaklak nang walang pahintulot. Tauhan 2.
3. Ano ang wakas o katapusan ng kuwento? -Ang
mag-asawa ay naging mga paru-paro na Banghay 3.
aalialigid sa mga bulaklak.
Tagpuan 4.
PAGYAMANIN C. Kasukdulan: Nagkasakit si Ben Katapusan 5.
hanggang sa siya ay binawian ng buhay.
Simula 6
Pamagat: Alamat ng Mangga ISAGAWA
A. Mga Posibleng
Simula: Katapusan: Sagot:
Si Ben ay kaisa-isang Hiningi ng diwata ang
1. Nagtutulungan sila
anak nina Aling Maria at puso ni Ben at ibinaon sa
sa isa’t isa.
Mang Juan. Siya ay mabait isang bundok hanggang sa
at matulunging bata tulad ito’y naging isang 2. P inapatawad nila
ng kanyang mga magulang. punongkahoy na may
ang pagkakamali ng isa’t
bungang hugis-puso.
isa.
3-5. (Iba-iba ang
maaaring sagot dito)
Mga Sanggunian
1. Adarna. (n.d.). Retrieved from https://www.adarna.com.
2. Aguda, P. (n.d.). Scribd.
3. Aguda, P. (n.d.). Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc.
4. Antoy, L. (n.d.). Prezi. Retrieved from
https://www.prezi.com.
5. Araling Pilipino. (n.d.). Retrieved from
www.aralingpilipino.com.
6. Brainly. (n.d.). Retrieved from
https://www.brainly.ph/question/793454.
7. Diego, J. (n.d.). SlideShare. Retrieved from
https://www.slideshare.net.
8. Ghaz, S. (n.d.). PhilNews. Retrieved from
htttps://philnews.ph/2018.
9. M., M. (n.d.). SlideShare. Retrieved from
htpps://www.slideshare.net.
10. Mangindla, F. (n.d.). SlideShare. Retrieved from
https://pt.slideshare.net.
11. Marvicrm. (n.d.). Retrieved from
https://www.marvicrm.com.
12. Surabasquez, G. (n.d.). SlideShare. Retrieved from
https://slideshare.net.
13. XD, H. (n.d.). SlideShare. Retrieved from
https://www.slideshare.net.
14. Yaman ng Lahi: Wika at Pagbasa sa Filipino 4. (2015). In A.
D. Jabines. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City:
Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
15. Yamang ng Lahi: Wika at Pagbasa (Gabay sa Pagtuturo) 4.
(2015). In A. D. Jabines. DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines, 1600: Sunshine Interlinks Publishing
House, Inc.

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay
sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

24

You might also like