Filipino q1 Mod13 PanghalipNaPanao v1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

4

Filipino
Unang Markahan: Modyul 13
Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng
Panghalip Panao
(Kailanan at Panauhan)
Filipino – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 13: Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng Panghalip Panao
(Kailanan at Panauhan)
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ng Pamahalaanng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rose Mary E. Pascual, Ana Bella A. Saberola, Romelle B. Sanchez
Editor: Celia P. Ellana, Delvin B. Fabrero, Rebbecca B. Ocampo
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Mary Anne A. Barrientos, Mary Joy D. Bautista,
Yusof A. Aliudin
Tagaguhit: Jake D. Bana-ay, Danilo D. Bana-ay
Tagalapat: Jake D. Bana-ay, Danilo D. Bana-ay
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz-Schools Division Superintendent
Natividad C. Ocon- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi- Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 E-mail Address:
region12@deped.gov.ph
4

Filipino
Unang Markahan: Modyul 13
Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng
Panghalip Panao
(Kailanan at Panauhan)

i
Paunang Salita
Para sa Magulang/Tagapagdaloy:

Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module (SLM)


tungkol sa Paggamit ng Iba’t-ibang Uri Panghalip na Panao- Kailanan at Panauhan!
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa
mga publiko at pribadong paaralan upang gabayan kayo, mga guro o
tagapagdaloy/facilitator na matulungan ang mga mag-aaral at matugunan ang
kanilang pangangailangang pansarili, panlipunan at pangkabuhayan alinsunod sa
K to 12 Enhanced Basic Education Program..

Ang mga gawain sa kagamitang ito ay maingat na inihanda upang maging angkop
sa kaalaman, kakayahan, kalinangan at interes ng mga mag-aaral. Ito rin ay
naglalayong malinang nang lubos ang kanilang mga kasanayan sa ika-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan maging ang mga
pangyayaring kinakaharap nila sa araw-araw.

Kalakip ng materyal na ito ay ang mga paalala sa guro/tagapagdaloy katulad ng


nakikita mo sa ibaba bilang mahalagang bahagi ng nilalaman ng modyul.

Paalala sa Guro:

Magandang araw! Mapalad kayo na nagkaroon ng kagamitang pangturo


na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahgi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang kasanayan tungkol sa paggamit ng uri ng panghalip panao, kailanan
at panauhan nito. Ang inyong tamang paggamit ay makatutulong sa mga mag-
aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag-aaral.
Ipaalaala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila
nang tama ang lahat ng mga Gawain at katanungn dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at
hangarin para sa ating mga mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy/facilitator, ikaw ay inaasahang mabigyang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan mo ring
masubaybayan ang kanilang pag-unlad habang pinahihintulutan silang
pangasiwaan ang kanilang sariling pag-aaral.

Ikaw rin ay inaasahang mahikayat at matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa


ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Para sa Mag-aaral:

ii
Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module
(SLM) tungkol sa Paggamit ng Iba’t-ibang Uri Panghalip na Panao-Kailanan
at Panauhan!
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mabisa, malikhain at
masining na pag-aaral mo ng wika, pagbasa at pagsulat sa ikaapat na baitang
na inihahain ng Kagawaran ng Edukasyon.
Gagabayan ka nito sa iyong pag-aaral upang higit na maakit at maisulong
ang iyong mabisang pagkatuto dahil isinasaalang-alang dito ang iyong
kawilihan at antas ng kahirapan sa paglalahad ng mga gawain.
Ang bawat gawain sa modyul na ito ay may kaukulang icon at nahahati sa
sampung bahagi:

Alamin
Sa bahaging ito inilalahad ang mga
layunin at kasanayang tatalakayin
o kakayahang inaasahan mong
malaman sa modyul.

Subukin Ang bahaging ito ay naglalayong


suriin ang nalalaman mo na
tungkol sa araling gagawin. Dito
masusukat at malalaman kung
kinakailangan mong laktawan o
ipagpatuloy ang mga gawain sa
modyul.

Balikan Ito ay binubuo ng isang maikling


drill o pagsusuri upang
matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa nauna.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin


ay ipakikilala sa iyo sa iba’t ibang
paraan tulad ng isang kuwento,
sanaysay, isang awit, tula, poster,
sitwasyon o iba pang uri ng teksto
na magsisilbing paghahanda para
sa aralin.

iii
Suriin Ang bahaging ito ay nagbibigay ng
isang maikling talakayan ng aralin
na naglalayong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang
mga bagong konsepto at
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga pansariling


pagsasanay upang mapalakas ang
iyong pang-unawa at kasanayan sa
paksa. Malilinang din dito ang
iyong natatanging kakayahan lalo
na sa pagbasa at pagsulat.

Isaisip Ito ay binubuo ng mga


katanungan, pangungusap, o mga
talatang sasagutan upang
maproseso ang iyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ang bahaging ito ay nagbibigay ng


mga gawaing makakatulong sa iyo
na ilipat ang iyong bagong
kaalaman o kasanayan sa totoong
mga sitwasyon sa buhay.

Tayahin Ito ay isang gawain na naglalayong


suriin ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng
kakayahang matuto.

Karagdagang Sa bahaging ito, isa pang gawain


Gawain ang ibibigay sa iyo upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa araling natutunan.

Susi sa Naglalaman ito ng mga sagot sa


Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa dulo ng modyul na ito ay makikita mo rin ang:

Mga Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng mga


mapagkukunan ng impormasyong
ginamit sa pagbuo ng modyul.

Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng
kahit anong marka ang iba’t ibang bahagi nito. Gumamit ng
ibang papel sa pagsagot sa mga pagsasanay dito.
2. Huwag kalimutang sagutin muna ang mga tanong sa
“Subukin” bago magpatuloy sa iba pang mga gawain na
makikita sa modyul na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang mga
gawain.
4. Maging matapat at may integridad sa paggawa ng mga
gawain at pagsusuri ng iyong mga sagot.
5. Tapusin ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod na
gawain.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro pagkatapos
masagutan ito.
Kung ikaw ay nahihirapan o may hindi naiintindihan sa modyul
na ito, huwag mag-aatubiling magtanong sa iyong guro o
magulang upang ikaw ay matulungan. Laging isaisip na hindi ka
nag-iisa.
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay iyong
maiintindihan ang mga kaalamang nakapaloob dito at nawa’y
lubos kang masiyahan sa paggawa ng mga gawain. Kayang-kaya
mo iyan!

v
Alamin

Ang materyal na ito ay sadyang inihanda at nakalaan para

sa iyo. Binubuo ito ng pinagsanib na mga kasanayan para sa

pagpapalawak ng iyong karunungan at kahusayan sa natatanging

panitikan, malinang ang iyong kakayahang komunikatibo at

maiangat ang antas ng nasabing kakayahan sa

pakikipagtalastasan sa wikang Filipino.

Most Essential Learning Competency (MELC)

 Natutukoy dito ang iba’t-ibang uri ng panghalip na panao sa

usapan at pagsasabi tungkoy sa sariling karanasan

F4WG-lf-3

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo

ang sumusunod na layunin:

Natutukoy dito ang iba’t-ibang uri ng panghalip na panao sa

usapan at pagsasabi tungkoy sa sariling karanasan

1
Subukin

Magandang Araw!
Ako ang iyong guro sa Filipino… Handa ka na ba sa ating
aralin ngayong araw? Halika na at ating pag-aaralan ngayon
ang tungkol sa panghalip na panao, ang kailanan at panauhan
nito.
Bilang paunang gawain, sagutin ang paunang pagsubok sa
ibaba.

Paunang Pagsubok

Panuto
A. Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang panghalip panao at isulat sa
sagutang papel.

1. Ako ay isang Pilipino.


2. Ganon ka rin ba?
3. Tayo ba ay parehong tagaprobinsiya?
4. Sila rin ay mga Pilipino.
5. Mahalin natin ang bansang Pilipinas.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

6. Alin ang panghalip na panao na nasa unangpanauhan?


A. ako
B. sila
C. siya
D. kayo

2
7. Inayos mo ba ang mga gamit niya? Anong panghalip ang nasa
ikatlong panauhan?
A. mo
B. niya
C. siya
D. kayo

8. Sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay magigiting.


____ ay dapat nating tularan.
A. kami
B. siya
C. sila
D. tayo

9. ___________ ay dapat magsumikap. Dahil nag-iisa kitang


anak.
A. kami
B. ikaw
C. tayo
D. sila

10. Sina Sandra at Mark ay magaling kumanta. _____ ay anak


ng isang guro.
A. kami
B. siya
C. sila
D. tayo

Balikan:

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Alamin


kung anong uri ng salita ang may salungguhit.

1. Si Celia ay pumunta sa palengke.

3
2. Sina Luis, Carlos at Bong ay masayang naglalaro.

Ano-ano ang mga salitang may salungguhitan sa


pangungusap?

Ano ang tawag sa mga salitang ito? Tama! Ang mga ito
ay pangngalan.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang usapan ng magkakaibigan at sagutin ang


kasunod na mga katanungan.
Maria: Saan kayo pupunta?
Ana: Napag-utusan kami ni Nanay na pumunta sa
palengke. Inutusan niya si Ana na bumili ng gamot sa
botika at ako naman ay bibili ng isda sa palengke.
Maria: Saan kayo pupunta?
Nema: Mamayang hapon ko pa siya pupuntahan, Maria.

Mga Tanong:

1. Anong mga salita ang may salungguhit sa usapan?


 ko, kayo, kami, siya, niya, at mo
2. Sa usapan, sino-sino ang tinutukoy ng salitang kayo?
 Ana at Nema
3. Ilang tao ang tinutukoy nito?
 dalawa
4. Ang ako, ko, at siya, ilang tao ang tinutukoy dito?
 Isang tao

4
Suriin

Basahing muli ang mga panghalip panao na ginamit sa


usapan.

kayo kami
siya niya
ako ko mo

Ang mga salitang ginamit sa usapan at iyong binasa ay


tinatawag na Panghalip na Panao.
Ang Panghalip Panao ay mga salitang inihahalili o ipinapalit
natin sa pangngalang ang tinutukoy ay tao.

Panuto: Pag-aralan ang tsart ng panghalip na panao sa ibaba.


Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A at Hanay B.
Alamin kung paano ginamit ang mga nasalungguhitang
salita sa Hanay A sa mga pangungusap sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Si Maribel ay isang mabait 1. Siya ay mabait na guro.
na guro.
2. Sina Anton,Celia, at Nena 2. Sila ay magkakaibigan.
ay magkakaibigan.

Sa unang pangungusap, ang pangngalang Maribel ay


hinahalilihan ng panghalip na panao na Siya sa hanay B.

5
Ganun din sa pangalawang pangngusap sa hanay A, ang
mga pangalang Celia, Anton at Nena ay pinalitan ng salitang
Sila. Ang tawag sa mga salitang humahalili sa pngngalan ay
tinatawag na Panghalip na Panao.
Ang panghalip na panao ay maaring isahan o maramihan.
Isahan kapag ang pinapalitan nitong pangngalan ay iisa lamang,
Maramihan naman kapag dalawa o higit pang bilang ng
pangngalan ang hinahalilihan. Basahin natin ang tsart:

Isahan Maramihan
Ako, ikaw, ka, ko, mo, kami, kayo, tayo, sila,
iyo, akin, kanya inyo, kanila, amin

Ang panghalip na panao ay maari ding gamitin sa ibat ibang


panauhan.

Unang Ikalawang Ikatlong


Panauhan Panauhan Panauhan
ako,ko, akin ikaw, ka , siya, niya,
mo, iyo kaniya

Panuto: Piliin ang panghalip na panao sa bawat pangungusap.


Isulat sa sagutang papel.

1. Aalis tayo ng maaga bukas.


2. Sila ay handa na sa pasukan.
3. Mag- ingat ka sa pagtawid sa daan.
4. Ikaw ay susundo sa istasyon ng bus.
5. Tatapusin muna nila ang takdang-aralin.

6
Pagyamanin

GAWAIN 1
Panuto: Punan ang patlang ng tamang panghalip upan
mabuo ang usapan. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng panaklong.
Karla: Kuya, saan ____ (ka, kami) pupunta?
Carlo: Pupunta ____ (ako, akin) sa paaralan. Magpapalista
____(tayo, ako) sa Paligsahan ng Pagbigkas ng Tula
para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Karla: Puwede rin ba _____ (ako, kita) sumali?
Carlo: Itatanong ____ (naming, ko) kay Gng. Pascual kung
maaari ka ring sumali. Handa ka na ba?
Karla: Syempre naman!
GAWAIN 2
Panuto: Suriin ang larawan at piliin ang tamang gamit ng
panghalip panao sa kailanang isahan sa
pangungsusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.
A. Si Jom ay masayang sumasayaw.
B. Ako ay naglalakad papuntang paaralan.
C. Tayo ay masayang naglalakad papuntang paaralan.
D. Ang bata ay masayang naglalakad papuntang paaralan.

7
2.
A. Nagluluto siya ng tanghalian.
B. Si Mel ay nanonood ng telebisyon.
C. Tutok na tutok sila sa paglalaro sa kompyuter.
D. Tutok na tutok siya sa paglalaro sa kompyuter.

3.
A. Siya ay naliligo.
B. Siya ay nanonood ng telebisyon.
C. Tayo ay nanonood ng telebisyon.
D. Siya ay naglalaba ng kanyang mga damit.

4.
A. Siya ay hindi makatulog.
B. Mahimbing siyang natutulog.
C. Mahimbing tayong natutulog.
D.Si Peping ay mahimbing na natutulog.

8
5.

A. Sila ay maglalaro ng basketbol.


B. Tayo ay maglalaro ng basketbol.
C. Siya ay mahilig maglaro ng basketbol.
D. Mahilig maglaro ng basketbol si Tonio.

GAWAIN 3
Panuto: Suriin ang larawan at piliin ang tamang gamit ng
panghalip panao sa kailanang maramihan sa
pangungsusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.
A. Ako ay nagsasalita.
B. Sila ay sabay na nagsasalita.
C. Sila ay sabay-sabay na kumakain.
D. Sila ay sabay-sabay na nagtatawanan.

2.
A. Masaya silang naglalaro.
B. Masaya akong naglalaro.
C. Masaya silang naglalakad.
D. Masaya silang namamasyal.

9
3.
A. Seryoso silang nag-aaral.
B. Tahimik silang kumakain.
C. Mataimtim silang nagdarsal.
D. Mataimtim akong nagdarasal.

4.
A. Sila ay naglalakad sa parke.
C. Sila ay namamasyal sa palengke.
B. Ako ay naglalakad sa dalampasigan.
D. Sila ay naglalakad sa dalampasigan.

5.
A. Sama-sama at masaya tayong naglalaro.
B. Sama-sama at masaya tayong naglilinis.
C. Ako ay masayang nanonood ng telebisyon.
D. Sama-sama at masaya tayong nanonood ng telebisyon.

10
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng panghalip na panao upang


makompleto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang _________ mga magulang ay nagtatrabaho sa pabrika.


2. Ang bahay na malapit sa kanto ay _______.
3. Ito ang ______bagong libro sa Filipino.
4. Pumasok _______ sa silid ng punong-guro.
5. Darating ________ sa party mo Maria.

Isagawa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba. Piliin ang panghalip panaong ginamit at tukuyin
ang kailanan at panauhan nito. Kopyahin ang tsart sa
inyong papel at punan ng tamang sagot.

1. Siya ang makakasama ni Lola sa pagpunta sa pamilihan


2. Ikaw na lamang ang manguna sa paglilinis sa palaruan.
3. Masayang napabilang ako sa mga ganitong gawain.
4. “Ssshhh. Huwag ng malakas ang boses, natutulog na ang
kapatid mo.”
5. Napagkwentuhan namin ang masasayang araw
noong bakasyon.

11
Panghalip na Kailanan Panauhan
Panao
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin
Panuto
A. Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang panghalip panao at isulat sa
sagutang papel.

1. Ako ay isang Pilipino.


2. Ganon ka rin ba?
3. Tayo ba ay parehong tagaprobinsiya?
4. Sila rin ay mga Pilipino.
5.Mahalin natin ang bansang Pilipinas.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

6. Alin ang panghalip na panao na nasa unang panauhan?


A. ako
B. sila
C. siya
D. kayo

12
7. Inayos mo ba ang mga gamit niya? Anong panghalip
ang nasa ikatlong panauhan?
A. mo
B. niya
C. siya
D. kayo

8. Sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay


magigiting. ____ ay dapat nating tularan.
A. kami
B. siya
C. sila
D. tayo

9. ___________ ay dapat magsumikap. Dahil nag-iisa


kitang anak.
A. kami
B. ikaw
C. tayo
D. sila

10. Sina Sandra at Mark ay magaling kumanta. _____ ay


anak ng isang guro.
A. kami
B. siya
C. sila
D. tayo

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na


panghalip na panao. Isulat sa inyong papel.

1. ako
2. ikaw
3. siya
4. tayo
5. inyo

Rubrik sa Pagsulat ng Pangungusap


Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan
(2 pts.) pang
( 3pts.) Magsanay
(1 pt.)
Paglalahad at Tiyak at Di-gaanong Hindi malinaw
Nilalaman malinaw ang tiyak at ang
gamit ng malinaw ang pagkakalahad
panghalip sa gamit ng ng sagot
pangungusap panghalip sa
pangungusap
Puntos Kahusayan
11 – 15 Napakahusay
6 – 10 Mahusay
1–5 Kailangan pang magsanay

14
Mga Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian

Alab sa Filipinos 5. (2015). In M. L. Patricia Jo C. Agarrado, Alab


sa Filipinos 5 (p. 8).
Curriculum Guide Filipino 4. (2016). Pasig City: DepEd Complex,
Meralco Avenue Pasig City.
Hiyas sa Pgbasa 4. (1983). In P. M. Lydia P. Lalunio, Hiyas sa
Pgbasa 4 (pp. 165-169).
Hiyas sa Wika at Pagbasa 4. (1983). In Hiyas sa Wika at Pagbasa
4 (pp. 125-127).
Yaman sa Lahi 4. (2015). In Yaman sa Lahi 4 (pp. 18-19, 21-22,
27-28, ). Pasig City: Philippines Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc.
google.com. (1998, September 4). Retrieved from
www.google.com:
https://quizizz.com/admin/quiz/57e8752ec963f8d35accc9
4a/pagsasanay-sa-uri-ng-mga-panghalip
google.com. (1998, September 4). Retrieved from www.google.com:
https://www.scribd.com/document/275961701/Panghalip-
Panao-Set-B-pdf

16
PAHATID-LIHAM

Ang sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
naihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential learning
Compentencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong
nakagamitan na gagamitin ng bawat mag-aara sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education–SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/(083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like