Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL UKOL SA MAAGANG

PAGKAKAKULONG NG MGA MENOR DE EDAD, RA 9344 O


JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OF 2006
Patibayin ang batas na RA 9344 na nauukol sa
maagang pagkakakulong ng menor de edad, 15 anyos
pataas. Ang pagbaba ng criminal age of liability ay
maaaring magsanhi ng kasiraan nang kinabukasan para sa
mga kabataan.

Isang 15 anyos na babae, sangkot sa pagkakapatay sa isang lalaki. Sa ilalim ng Republic


Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, hindi maaaring panagutin sa batas ang mga
nakagawa ng krimen sa edad na 15 anyos pababa. Nababatid ng nakakarami na nangunguna ang
mga opisyal ng gobyerno ang naghahain o nagmumungkahi na ibaba ang edad ng criminal
liability. Isa sa mga naghain ng panukalang batas ay ang Senate President na si Vicente “Tito”
Sotto III na layong ibaba sa 13 anyos ang edad ng pananagutan mula sa 15 anyos. Dagdag pa
rito, taong 2017, iminungkahi ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na ibaba ang edad ng
pnanagutan sa edad na 9 taong gulang. Sinasabi na dapat itong ibaba dahil dumadami na ang
kabataang gumagawa ng krimen. Paano na ang pangarap ng isang batang nakagawa ng mababaw
na krimen na dahil sa pagkakababa ng minimum age of criminal liability? Sila rin ay may mataas
na pangarap para sa kanilang sarili. Paano ang kanilang pangarap nang dahil sa kahirapan silay’y
nakakagawa ng krimen? Bawat kabataan mahirap ma on mayaman ang estado sa buhay, may
kani-kaniyang pangarap ito sa buhay na nais nilang makamit hinggil sa kanilang estado. Hindi
ito simpleng problema, bakit kailangang ibaba sa 9-13 anyos ang pananagutan?
Kamakailan, binatikus ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba ang minimum age of
criminal liability. Sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati, ang naturang batas ang dahilan kung
bakit marami sa kabataan ang sangkot sa mga krimen. Kung iisipin, marami sa 15 anyos pababa
ang sangkot sa mga krimen; magmula sa simpleng snatching, hanggang sa mapangahas na
pagnanakaw, panghahalay at maging pagpatay. Sinasabi ng nakararami alam nang mga kabataan
ngayon ang tama sa mali ngunit hindi atin alam na hindi pa ganap ang pag-unlad ng kanilang
pag-iisip. Ang mga batang sangkot sa krimen ay kalimitang ginagamit ng sindikato ayon sa mga
pagsusuri. Ang dapat tugisin ng gobyerno ay mga sindikato na nagpapalakad sa hindi magandang
gawain para sa mga kabataan hindi ang mga batang .walang kamuwang-muwang.
Kung iisiping mabuti, paano kung nautusan kang manguha o magnakaw ng mas
nakakatanda sayo na kumuha ng bagay ng hindi sayo para lang makuha ang kapalit na kendi.
Dahil sa batang pag-iisip madaling maloko ang mga kabataan. Hindi pa tiyak ang kanilang mga
abilidad. Hindi katulad ng mga matatanda ang pag-iisip, kakayahang makisalamuha sa kapwa at
pagpapasya ng mga bata. Batay sa Pyschological Association of the Philippines, ang mga isip ng
mga bata ay nasa progreso pa ng pag-unlad. Sa panahong ito, may mga mahahalagang
pagbabago sa kanilan utak, na may kinalaman sa pagpigil ng mga udyok ng sarili, pagpapasya,
pagpaplano nang pangmatagalan, sa pagkontrol ng damdamin at pagtitimbang ng mga panganib
at mabubuting bunga ng kanilang gawain. Ang mga abilidad na ito ay hindi pa ganap na nabuo
bilang isang menor de edad. Dahil ditto, mas nahihimok silang gumawawa ng mga bagay na
mapanganib at labag sa batas. Malaki pa rin ang epekto ng kanilang lipunang ginagalawan.
Sa halip na maghain ng mga panukalang batas ukol sa pagbababa ng edad ng criminal
liability bakit hindi pagtuonan ng pansin ang ka hirapan ng bansa. Ito ay isa sa pagunahing sanhi
kung bakit maraming kabataan ang gumagawa ng krimen. Ang kahirapan ay isang malaking
problema noon pa lamang, ito ang sanhi kung bakit marami sa atin ang nagtatangkang
magnakaw, pumatay atbp. Ayon sa grupong Salinlahi Allaince for Children’s Concerns, hindi
edad kung hindi kahirapan sa buhay ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Dahil ito ang
nagtutulak sa ilang bata upang gumawa ng krimen. Sa kanilang pag-aaral tinatayang 10,000 bata
ang nasangkot sa krimen. Karamihan sa mga batang ito ay lalaki, hindi nakapagtapos ng ikaanim
na baiting sa pag-aaral, galing sa mahirap na pamilya at nahuli sa pagnanakaw. Paano
mababawasan ang biling mga batang sangkot sa krimen kung ang puno’t dulo lahat ng ito ay ang
kahirapan at ang tanging kailangan nila ay isang proteksyon.
Marami pa rin sa mga kabataan ang nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral at
maitaguyod ang kanilang pamilya sa hirap. Ngunit kung dahil sa kanilang maagang
pagkakakulong mawawalan ng saysay ang kanilang pangarap. Ang maaga nilang
pagkakakulong ay maarai ring magsanhi ng kanilang pagrerebelde sa murang edad. Ang
pangarap din nilang makapag-aaral ay mabubura na hahantong sa mga batang walang
pinag-aralan. Kaya hindi talaga dapat ibaba ang minimum age sa edad na 9 anyos. Sinabi ni
Commission on Human Rights Commissioner Gwendolyn Pimentel- Gana, kapag ibinaba ang
edad ng criminal liability, masisira ang kinabukasan ng kabataan. Sa pagkawala rin ng kanilang
pangarap para na ring nawala ang kinakabukasan ng ating bansa.
Kailangang patibayin at hindi baguhin ang minimum age of criminal liability, hindi ito
kailangang baguhin dahil lang sa mas marami sa 15 anyos ang sangkot sa krimen. Kung hindi
matatahimik ang opisyal ng gobyerno sa paghahain ng mga panukalang batas ukol sa pagbaba ng
edad ng dapat ikulong. Dapat unahin at solusyonan ang kahirap sa bansa, kahirapan ang puno’t
dulo ng lahat. Kailangang pagtuusan ng pansin ang mga batang nasa murang edad na pagala-gala
sa lansangan dahil ito ang madalas na nabibiktma ng sindikato. Mahalaga ang mga kabataan sa
isang bansa sila ang susunod na mamumuno at magpapalakad.

You might also like