AP9 YearEnd2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Pangkatapusan ng Taon na Pagsusulit

ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2020– 2021
Pangalan: _________________________________________________________ Iskor: __________________
Guro: _____________________________________________________________ Petsa: __________________

BASAHING MABUTI ANG BAWAT TANONG AT SUNDIN ANG BAWAT PANUTO.


I. A. MARAMING PAGPIPILIAN. Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakasentrong suliranin ng ekonomiks?
a. Paglaki ng populasyon ng bansa
b. Pang-aabuso at pag-aaksaya ng mga tao sa mga pinagkukunang-yaman
c. Maling prayoridad at patakaran sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
d. Limitadong pinagkukunang-yaman laban sa walang hanggang pangangailangan ng tao
2. Anong uri ng negosyo ang pinakapayak at pinakakaraniwang negosyo na itinatatag ng karamihan?
a. Sosyohan b. Solong Propitaryo c. Kooperatiba d. Korporasyon
3. Ano ang dalawang mahalagang sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
a. bahay-kalakal at pamahalaan c. pamahalaan at panlabas na sektor
b. bahay-kalakal at sambahayan d. sambahayan at pamahalaan
4. Ano ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan?
a. patakarang piskal b. paggastos c. pagbubuwis d. progresibo
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paglalaan at pangangasiwa sa alokasyon, gastusin, at pagbubuwis ng
pamahalaan upang mapatatag at mapalago ang gawaing pang-ekonomiya?
a. Patakarang pananalapi c. Patakarang politikal
b. Patakarang piskal d. Patakarang panlipunan
6. Anong uri ng patakarang piskal ang nagpapahiwatig ng balanseng badyet sa gastusin ng pamahalaan at nakolektang
buwis nito?
a. contractionary b. expansionary c. neutral d. progresibo
7. Ito ay tumutukoy sa ano mang bagay na pangkalahatang tinatanggap bilang isang instrument o midyum na ginagamit
pambayad sa mga produkto o serbisyo.
a. alfonsos b. barter ring c. piloncitos d. salapi o pera
8. Ano ang tawag sa unang pilak na barya na ginawa para lamang sa Pilipinas na may nakalagay na Islas Filipinas?
a. alfonsos b. barter ring c. piloncitos d. salapi o pera
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng salapi?
a. kakaunti b. mabubuhat c. matibay d. nasisira
10. Anong gamit ng salapi ang nagbibigay ng halaga sa isang bagay upang malaman ang tunay na halaga nito?
a. lagakan ng halaga c. perang nakadeposito sa bangko
b. pamantayan ng halaga d. pamantayan ng maaantalang pagbabayad
11. Ito ay katangian ng salapi kung saan napapanatili nito ang hugis, anyo, at sangkap ng salapi sa mahabang panahon.
a. kakaunti b. mabubuhat c. matibay d. nasisira
12. Nakuha ni Joy ang kaniyang sweldo kahapon na pamalit sa ginawa niyag serbisyo sa hacienda. Anong gamit ng salapi
ang tinutukoy ng pangungusap.
a. lagakan ng halaga c. midyum ng palitan
b. pamantayan ng halaga d. pamantayan ng maaantalang pagbabayad
13. Ang proseso ng pagbabadyet ay dumadaan sa apat na yugto. Alin sa mga sumusunod ang tamang prosesong
Pinagdadaanan nito?
1. paghahanda ng badyet (budget preparation)
2. pagsasagawa ng badyet (budget execution)
3. pagsasabatas ng badyet (budget legislation)
4. pananagot sa badyet (budget accountability)
a. 1-2-3-4 b. 1-3-2-4 c. 1-3-4-2 d. 4-3-2-1
14. Kailan natin masasabing may depisit ang badyet ng ating pamahalaan?
a. Kapag ang kita at gastusin ng pamahalaan ay parehong mababa.
b. Kapag ang kita ng pamahalaan ay katumbas ng kaniyang mga gastusin.
c. Kapag ang kita ng pamahalaan ay mas mataas kumpara sa gastusin ng pamahalaan.
d. Kapag ang kita ng pamahalaan ay mas mababa kumpara sa gastusin ng pamahalaan.
15. Ang buwis ay sapilitang kontribusyon mula sa mga mamamayan at mga negosyante. Alin sa sumusunod ang
maaaring mangyari kapag hindi nagbayad ng tamang buwis ang mga tao sa pamahalaan?
a. Marami ang mawawalan ng trabaho.
b. Magkakaroon ng kaguluhang political sa pamahalaan
c. Magkakahati-hati ang mga mamamayan tungkol sa mga usaping pampolitika
d. Ang mga pampublikong paglilingkod ng pamahalaan ay hindi maisasagawa nang maayos.
16. Si Henry ay isang dayuhang may negosyo sa Pilipinas. Bawat taon ay kumikita siya ng mahigit 1,890,000 Php. Sa
anong panukat sinasali ang kita ni Henry?
a. Gross Dometic Product c. GND Deflator
b. Gross National Product d. Per Capita GNP
17. Kung ang iyong taunang sweldo ay tumaas ng 5% samantalang ang presyo ng mga bagay na iyong binili ay tumaas ng
10%, ano ang magiging epekto nito sa iyo?
a. Hindi ka maapektuhan.
b. Ang iyong kakayahang bumili ay tataas.
c. Ang iyong kakayahang bumili ay bababa.
d. Makakaya mo pang bilhin ang iyong mga pangangailangan.
18. Si Kaye ay isang OFW sa bansang Japan na kumikita ng 500,000 Php sa isang taon. Sa anong panukat sinasali ang kita
ni Kaye?
a. Gross Dometic Product c. GND Deflator
b. Gross National Product d. Per Capita GNP
19. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa Batas ng Demand?
a. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang demand.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas ang demand.
c. Hindi nakaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng demand.
d. May direkta at positibong ugnayan ang presyo sa quantity demanded.
20. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa Batas ng Suplay?
a. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang suplay.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas ang suplay.
c. Hindi nakaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng suplay.
d. May direkta at positibong ugnayan ang presyo sa quantity demanded.
21. Mataas ang demand ng cell phone kahit mataas ang halaga nito. Nangangahulugang ang pagkakaroon nito ay
indikasyon na_____.
a. Mataas na ang kita ng mga tao sa bansa
b. Matatag na ang kalagayan sa buhay ng tao
c. Maipakita lamang ang katayuan sa buhay
d. Mulat na ang mga tao sa kahalagahan ng makabagong teknolohiya
22. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga
gampanin ng kasapi sa sistemang ito?
a. Ang aking katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
b. Sama-sama naming isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa mga pinagkukunang-yaman.
c. Bilang mamamayan, ako ay may kalayaan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain ko.
d. Malaya akong kumikilos ayon sa aking interes nang walang pakialam sa pamahalaang aking kinabibilangan.
23. Sa iyong palagay, bakit may mga bansang salat sa pinagkukunang-yaman ngunit maunlad?
a. Dahil ang bansang iyon ay may mga disiplinadong mga mamamayan.
b. Dahil maganda ang batas pangkaunlaran ng bansang iyon.
c. Dahil maganda ang tradisyon ng bawat bansa tungkol sa pinagkukunan.
d. Dahil wasto ang paggamit at pangangalaga sa salat na pinagkukunan.
24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging matalinong mamimili?
a. Si Jennie ay gumagamit ng credit card sa pagbili ng produkto.
b. Sinusuri ni Lisa ang sangkap, kalidad, at presyo ng mga produktong kaniyang bibilhin.
c. Bumili si Rosѐ ng sapatos na imported dahil naniniwala siyang mas matibay ito.
d. Namili si Jisoo ng maraming produkto dahil nabalitaan niyang tataas ang presyo nito sa susunod na araw.
25. Ang patakarang piskal o fiscal ay galing sa salitang Latin na fisc na ang ibig sabihin ay “basket” o “bag”. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI tamang dahilan?
a. Sapagkat ipinalalagay na ang basket o bag ay nagsisilbing lagayan ng pamahalaan ng kanilang buwis na
kinokolekta
b. Sapagkat dito rin nanggagaling ang paggastos ng pamahalaan para sa kaniyang mga proyektong pangkaunlaran.
c. Sapagkat ipinalalagay na ang basket o bag ay kahalintulad ng pitaka na pinaglalagyan ng salapi ng pamahalaan.
d. Sapagkat ang basket o bag ay maaaring paglagyan ng kahit anong kailangan ng mga tao
26. Ang malaking kita o pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa sistema ng pagbubuwis upang maisakatuparan ang
kaniyang mga pampublikong paglilingkod. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng sistema ng pagbubuwis?
a. Ito ay sapilitang konribusyon na nagmumula sa lahat ng mamamayan at negosyo.
b. Ito ang paraan upang proteksiyunan ang mga lokal na produkto mula sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
c. Ang pagbabayad ng buwis ay nakabatay sa kakayahan ng bawat mamamayan. Mas malaki ang kita, mas malaki
ang buwis na binabayaran.
d. Ang lahat ay boluntaryong nagbabayad ng buwis upang tulungan ang pamahalaan na maisagawa ang kaniyang
pampublikong paglilingkod.
27. Alin sa mga sumusunod ang nangyayari sa yugto ng pagsasagawa ng badyet?
a. Minomonitor ng DBM ang pagiging mabisa ng paggamit ng pondo sa pamamagitan ng pagtatama at pagrerebisa
ng Komisyon sa Pagsusuri.
b. Ang lahat ng ahensiya ay kailangang magsumite ng kanilang Budget Execution Documents (BEDs) upang
maipakita ang kanilang plano at nais makamit.
c. Matapos masiyasat ng DBM ang panukalang badyet ng bawat ahensiya, ito ay ipapasa sa Mababang Kapulungan
upang makabuo ng General Approriations Bill
d. Ang DBM ay nag-iisyu sa lahat ng ahensiya ng corporate budget call na naglalaman ng kanilang panukalang
badyet para sa kanilang mga proyekto at programang gagawin.
28. Sa araw-araw, ang tao ay bumibili ng mga produkto at serbisyo upang makatugon sa kaniyang mga pangangailangan
at kagustuhan. Ang ginagamit ninyo bilang pamalit sa mga ito ay tinatawag na salapi o pera. ALin sa mga sumusunod
ang hindi gamit ng salapi?
a. lagakan ng halaga c. perang nakadeposito sa bangko
b. pamantayan ng halaga d. pamantayan ng maaantalang pagbabayad
29. Sa paanong paraan naaapektuhan ng implasyon ang mga mamimili?
a. Bababa ang demand ng mga mamimili dahil sa mababang produksiyon.
b. Kapag may implasyon, ang mga mamimili ay natutuwa sapagkat mas marami silang nabibili.
c. Marami ang nawawalan ng kakayahang bumili ng kanilang mga pangangailangan dahil sa mataas na presyo ng
mga bilihin.
d. Ang demand ng mga mamimili ay tumataas dahil maraming mga produkto ang mabibili dahil naeenganyo ang
mga prodyuser na magtinda dahil sa mataas na presyo.
30. Bakit mahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa paikot na daloy?
a. Dahil ito ang nagbibigay sa sambahayan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa.
b. Dahil ito ang gumagawa ng mga produktong inaangkat at bumibili ng mga produktong iniluluwas naman ng
bansa.
c. Dahil ito ang nangongolekta ng buwis sa bahay-kalakal at sambahayan na ginagamit sa pampublikong
paglilingkod.
d. Dahil ito ang nagmamay-ari ng salik ng produksiyon at tumatanggap ng kabayaran tulad ng suweldo para sa
mga manggagawa, interes para sa kapital at tubo para sa entreprenyur.
31. Sa tuwing magkakaroon ng bagyo, inaasahan ang pagkasira ng mga pananim dahilan para bumaba ang suplay sa
pamilihan. Ano ang mangyayari sa suplay sa ganitong pangyayari?
a. Bababa ang suplay, tataas ang presyo.
b. Ang suplay ay lalong dadami, tataas ang presyo.
c. Dadami ang konsumo, bababa ang presyo ng bilihin.
d. Magkapareho lamang ang dami ng suplay kaya walang pagbabago sa presyo.

B. 32-37. Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa mga sumusunod na tanong. Bawat sagot ay may karampatang puntos.
32-33. Kung tayo ay mapagmasid sa ating paligid, maoobserbahan natin na kung saan-saan na lamang nagtitinda ang
mga kababayan natin ng mga produkto nila. Bilang isang Hearter, ano ang maaaring mong gawin upang
makatulong sa mga tindero/a na nagtitinda sa kalsada/lansangan?
a. Bibigyan ko sila ng regalo dahil nalalapit na ang pasko.
b. Bibili ako ng kanilang paninda dahil sa ganitong kaliit na paraan matutulungan ko sila.
c. Tatawag ako sa kinauukulan at isusumbong dahil hindi puwede ang magbenta sa kalsada
d. Tutulungan ko silang magbitbit ng kanilang mga paninda kapag hinuhuli sila ng kinauukulan.
34-35. Bilang isang mag-aaral ng ekonomiks, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
a. Ako ay bibili lamang kung bagsak presyo ang mga bilihin sa pamilihan.
b. Ako ay bibili lamang sa mga kakilala kong manininda upang makahingi ako nang tawad at upang masiguro na
de kalidad ang nabili kong mga produkto.
c. Bibili lamang ako ng sapat sa aming pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan sa suplay at
upang mabigyang pagkakataon ang iba na makabili.
d. Ako ay bibili sa mga grocery store at supermarket upang matiyak ang presyo ng mga produkto na aking
bibilhin at para na rin mas ligtas para sa kalusugan ng aking pamilya.
36-37. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay
sa iyo ng iyong mga magulang?
a. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
b. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
c. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
d. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.

II. 38-44.BINAGONG TAMA O MALI. Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Kung wasto ang pahayag, isulat ang
TAMA, at kung hindi, tukuyin ang salitang nagpapamali sa pahayag at isulat ang
tamang sagot.
a. Gumagamit ang mga tao noong unang panahon ng sistemang barter upang makipagpalitan ng kanilang mga
produkto at serbisyo.
b. Kapag bumibili ang mga tao, dinadala nila ang salapi sa pamilihan.
c. Madaling nabubulok, nasisira, o nagbabago ang anyo ng mga salapi.
d. Bahagi na ng buhay ng tao ang salapi dahil ito ang instrumento upang mabili ang mga produkto at serbisyo na
tutugon sa mga pangangailangan.
e. Ang puwersa ng mga Hapon ay nag-isyu ng “Mickey Mouse money” na parang laruan lamang dahil sa taas ng
halaga nito sa pamilihan.

VI. SANAYSAY: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa patalatang paraan. Isulat ang sagot sa inilaang espasyo.

45-47. Para sa iyo, ano ang mabuti at di-mabuting dulot ng salapi? Paano mo ito maihahalintulad sa mga pangyayari na
nagaganap sa ating bansa ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

48-50. Bilang isang mag-aaral ng Ekonomiks, paano mo maipapalaganap sa iba ang kaalaman at pag-unawa mo tungkol sa
asignaturang ito?

Rubrics: 3 2 1 0
Ang sagot ay binubuo ng Ang sagot ay binubuo ng Ang sagot walang Walang
tatlo/apat na makabuluhang dalawang makabuluhang makabuluhang pangungusap naisulat o
pangungusap at ang mga ito ay pangungusap ngunit walang at walang pagkakaugnay. naisagot
may kaugnayan pagkakaugnay

PAGPALAIN NAWA KAYO NG PANGINOON!

You might also like