Gawain 1 A.P

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Gawain 2

Mga dapat gawin bago ang kalamidad:

 I-follow ang social media accounts ng PAGASA at PHIVOLCS upang


madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga kalamidad
 Unti-unting bumili ng mga imbak na pagkain, inumin, at gamot
 Maghanda ng isang bag na may lamang pagkain, tubig, gamot, at iba
pang mahahalagang kagamitan na pwede mong bitbitin kapag tumama ang
isang emergency

Mga dapat gawin habang may kalamidad:

 Huwag magpanic habang nagaganap ang isang kalamidad


 Kung may baha o tsunami, umakyat sa mataas na bahagi ng isang
gusali
 Kung may bagyo, sumilong sa isang matibay na istruktura
 Kung gumuho ang lupa, lumayo muna sa mga lugar na pwedeng
madamay
 Kung lumilindol, magtago sa ilalim ng isang matibay na mesa

Mga dapat gawin matapos ang kalamidad:

 Lumikas kaagad palabas ng gusali kung lumindol


 Magparescue sa mga otoridad kung kinakailangan
 Manatili muna sa isang evacuation center at huwag munang bumalik sa
inyong mga tahanan lalo na kung delikado pa itong gawin
 Tawagan ang iyong mga kamag-anak at kaibigan at ipaalam na ikaw ay
ayos lang

Gawain 3

1 ang nakikita ko sa larawan ay may isang lalaki at ang kanyang shield ay ang
quotation na "kahandaan sa sakunat peligro para sa tunay na pagbabago"
mula sa mga sakuna at peligro typhoon,floods, tsunami, landslide,
earthquake.
2. Nagpapahiwatig ito na ang kailangan nating pagbabago ay ay pagiging
handa ito ang magiging sandata natin mula sa peligro at sakuna.
3. Mahalaga ito sa atin upang hindi tayo masyadong maapektuhan ng mga
nasabing peligro at sakuna.
Paksa 1
Pamprosesong tanong

1. Ano ang masasabi mo sa artikulong iyong binasa? Tumimo sa akin


ang marubdob na sinapit ng ating mga kababayan sa kabisayaan sa
paghaguit ng bagyong Yolanda. Tila isang masamang panaginip ito subalit ito
ay totoong nangyari
2. Paano hinagupit ng bagyong Yolanda ang mga taga Bisaya?
Binaha at inanod ang mga kabahayan, ang mga tao at hayop. Marami ang
nalunod, ang natabunan ng mga gumuhong lupa at nasirang kalsada at
nawalan ng buhay. Dagdag pa rito ang hirap ng daloy ng komunikasyon dahil
sa kawalan ng kuryente ang mga bumagsak na poste ng linya ng
komunikasyon.
3. Anong mga pinsala ang iniwan ng bagyong Yolanda sa mga
Kabisayaan? Milyong halaga ng mga ari-arian ang nawala at libong buhay
ang nasawi. Dagdag pa rito ang pang istrukturang pinsala ng bagyo.
4. Anong aksiyon naman ang isinagawa ng mga awtoridad para
matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda? Nagbigay ng mga
ayuda at mga search and rescue and retrieval operations ang pamahalaan.
5. Mula sa artikulong binasa, paano ipinakita ng mga mamamayan
ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa hagupit ng
bagyong Yolanda? Sa artikulong aking nabasa, napukaw sa akin ang
kahalagahan ng pakikinig sa mga awtoridad at eksperto sa tuwing may
paparating na mga sakuna.
6. Bakit nga ba karapat-dapat na ituring na pambansang kalamidad
ang bagyong Yolanda? Dahil sa dami ng buhay na nawala dulot ng bagyong
Yolanda at naisiwalat nito ang kahandaan ng ating pamahalaan sa paghawak
ng mga siwasyon ng kalamidad.

Pamprosesong tanong

1. Dapat ay maging handa tayo at huwag maging pabaya sa kalikasan.


2. Pagiging pabaya at walang disiplinang mga tao.
3. Dahil tayo ang mahihirapan kung hindi natin ito aaksyunan. Tayo rin ang
makikinabang kung ang paligid ay aalagaan natin.
4. Dapat maging handa dahil hindi sa lahat ng oras ay ligtas ka sa panganib
na dala ng kapabayaan ng mga mamamayan.
5. Hindi ako magtatapon kung saan-saan ng mga basura at didisiplinahin ko
ang sarili na maging malinis sa paligid. Sasama rin ako sa mga programa na
naghahangad ng kaayusan at kalinisan sa aming lugar.

Pamprosesong tanong

1. Sa pagyanig ng lupa at mga gusali sa ilang bahagi ng Mindanao, ano


ang inisyal na reaksyon at hakbang na ginawa ng mga awtoridad at
residente sa lugar?
Ang mga awtoridad at mga residente ay sinubukan munang lisanin ang mga
gusali matapos ang lindol, at makalipas ang ilang sandali ay sinimulan ng
hanapin ang ilan pang nawawala. Tumulong din ang mga rescue team upang
mailigtas ang ilang mga natrap sa mga gusali.
2. Bakit kailangang maging kalmado kapag may lindol?
Dahil kung ikaw ay magpapanic, maaari kang mapahamak. Kailangan na
kalmado ang ating isip kapag nagkakaroon ng malalakas na pagyanig para
malaman mo ang mga tamang gagawin.
3. Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang kahandaan, disiplina at
kooperasyon habang may lindol?
Ang mga tao ay ginawa ang “drop, cover, and hold.” Sila ay pumailalim muna
sa mga lamesa, at pagkatapos ay hinantay na humupa ang lindol.
4. Sa iyong palagay, bakit kaya "Ligtas ang may alam" sa panahon ng
kalamidad?
Sapagkat kung marami kang alam sa mga sakuna, malalaman mo kung
paano makasurvive dito.

Pamprosesong tanong
1.dahil delikado ang mga lugar na malalapit sa bulkan at maaring magdulot ito
ng kapahamakan
2.ipinalilikas sa kanilang tahanan
3.maraming pamilya ang natutugunan ang pangangailangan

4.Nag tulungan ang lahat ng risedente upang lahat ay makaailis ng ligatas


dahil sa pag sabog ng bulkan taal.

Pamprosesong tanong

1.Nakakalungkot para sa isang minerong namatay dahil sa pagguho ng lupa


2.Pag putol ng mga puno/Deforestation
3.Nag reready at nabibigay ng babala
4Hindi nag kulang ang mga awtoridad ng babala sa mga miners na natabulan
ng lupa dahil ang iba dito ay ilegal naman.
5. upang hindi sila mapunta sa bingit ng kamatayan
6. ipapakita nila ito sa pamamagitan ng mga sinasabi ng owtoridad

Gawain 4

1.Ang masasabi ko ay dapat ding tayo ay maghanda at magipon ng pera para


pag may ganitong kalamidad may pambili tayo ng ating pangangailangan at
dapat hwag iasa lahat sa pamahalaan.
2.Marami Ang epekto nito kagaya lamang ng pagkawala o pagkasira ng mga
pananim na nagsisilbing pinagkukunan ng pagkain araw araw.Pagsuspende
ng mga klase dahil sa baha.Pagbaba ng mga mamimili.Pagkasira ng mga
ariarian.
3.Sa paraang,tipon tipon nila Ang mga nasirang gamit at kinuha nila ang mga
puwedeng maibenta o mapakinabangan at tulong tulong silang ayusin ang
mga bahay na nasira.
4.Mahalaga ito para maging handa,maging ligtas at para makapaghanda ng
mga unang kinakailangan tulad ng tubig,pagkiain,damit at radio para matukoy
o malaman Ang maaaring mangyaring sakuna.
5.Sa aking palagay,Kung handa Ang bawat Tao sa panahon ng
kalamidad,mabawasan ang pag gastos ng ating gobyerno at maaaring kung
Ito ay ating magawa tataas ang ating sistema.
Pamprosesong tanong

1. Ang mga balitang aking nabasa ay tungkol sa paghahanda para sa mga


papalapit na sakuna.
2. Ang mga taong hindi handa sa pagdating ng mga kalamidad ay
kadalasang napapahamak, o hindi naman kaya ay namamatay dahil sa
epekto ng mga sakuna.
3. Ang paghahanda na maaari nating gawin ay ang pakikinig sa abiso ng
PHIVOLCS at PAGASA, pagtalima sa utos ng barangay na lumikas na, at ang
pagtatabi ng mga emergency kit.
4. Maipapakita ko ang aking disiplina at kooperasyon sa pamamagitan ng
pakikinig sa mga opisyal ng aming barangay. Ako ay tatalima sa mga iniuutos
nila upang mailigtas ang aking buhay.
5. Mahalaga na lagi tayong handa upang hindi tayo mapa-ano kapag
tumama na ang isang sakuna.

Gawain 5
Gawain 6
(ILAGAY MO RITO ANG ADDRES MO)
(ISULAT MO RITO ANG ADDRES NG PADADALHAN MO)
Mahal kong kaibigan,
Para sa hinaharap at sa aking komunidad kailangan nating maging handa
ngayon para sa kinabukasan ng ating mga kabataan at sa mga susunod na
henerasyon. Sana ay matulungan mo akong ipaalam ang aking mungkahi sa
iyong mga kaibigan diyan. Simulan natin sa pagtatanim ng mga punongkahoy
upang sa hinaharap ay may masilungan ang mga hayop at may magamit ang
mga tao sa paggawa ng tirahan.Nakakatulong din ito upang maging malinis
ang kapaligiran. Hindi lamang natin ito gagawin kundi ituro rin sa mga mas
bata sa atin upang patuloy rin nila itong ituturo sa mga susunod sa kanila at
maiwas sa natural disaster ang mundo.  Gawin nating ligtas ang mundo para
sa atin at sa mga susunod pang henerasyon sa hinaharap nitong ating
komunidad.  
Lubos na umaasa,
Pedro
Gawain 7
KAHANDAAN -Makinig sa mga ulat ng radyo o tv para makakuha ng totoo at
importanteng mga impormasyon. Maghanda ng backpack na may laman
kagaya ng flashlight,peto, easily open can goods o ready to eat, inumin,damit
(good for 1-2days) ,mga gamot / emergency kit at pera. Alamin ang mga
contacts na maari mong mapagkunan ng tulong.
DISIPLINA- Ang disiplina ay magsisimulasa ating ikakabuti. Dapat nating e apply kagaya ng
maging kalamado para alam natin ang gagawin sa halip na mag panic. Sundin ang payo ng
magulang at mga alituntunin ng awtoridad para maging alerto sa lahat ng oras. Huwav
maging pasaway na ang ang dahilan ng ikakapahamak ng sarili o ng iba

KOOPERASYON- Maging matulungon na may kawanggawa (charity)at mag bigay serbisyo


sa lipunan. Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng mag donate ng mga bagay na hindi na
magagamit sa amin ngunit maaaring gamiton ng iba.Mag bigay donasyon sa mas
nangangailanganna nasalanta o nakaranas ng kalamidad.

Batay sa aking mga natutunan, masasabi ko na ang pagtugon sa mga


suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat na gawan ng aksyon sa
lalong madaling panahon, dahil kung ipagkikibit-balikat lamang natin ang
mga nangyayari sa ating paligid ay lalong lalala ang sitwasyon, at baka hindi
na ito masolusyunan pa.
Gawain 8
1.Ang kahandaan ng mga tao sa pagtugon sahamong pangkapaligiran ay
napakahalaga sapagkat nailalayo tayo nito sa mga mas malalala pang
suliranin.
2.Sa panahon ng kalamidad napakahalaga ang maging disiplinado sapagkat
ito ang tutulong sa mga tao upang makaligtas sa kapahamakan.
3.dito naipapakita ang pagkakaisa at ang pgtutulong sa ikakaayos
Gawain 9
Kailangan ko silang paintindihin sa kung anu ang nangyayari sa ating
Communication.
Para malaman nila na karapatdapat pala maging disiplinado,maghanda at
may kooperasyon sa bawat pagsubok.
Kailangan din na mag isip para malaman kung anu ang gagawin sa tuwing
may kalamidad na mangyayari.
Maging handa lalong lalo na ngayung may COVID-19.

Karagdagang Gawain
Ang aking natutunan tungkol sa kahalagahan ng kahandaan ay ito ay naka
katulong sa atin upang tayo ay maging handa sa mga pangyayari na dadati
ng sa atin gaya ng mga sakuna,Disiplina at kooperasyon ay dapat taglayin 
hindi lang sa komunidad kundi sa buong mundo upang ang hamon ng pang
kapaligiran gaya ng bagyo,baha,lindol,ay ating malalagpasan.

You might also like