Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FACTS ABOUT REGION 2

PROVINCES & CAPITAL

● BATANES - Basco    
● CAGAYAN - Tuguegarao City
● ISABELA  - Ilagan     
● NUEVA VIZCAYA - Bayombong     
● QUIRINO - Cabarroguis

● The name Cagayan Valley is derived from the famous Cagayan river.
● Second biggest region in the country
● 3.640 million hectares
● The largest and longest river in the Philippines is found in this region and that is
Cagayan River
● INDIGENOUS PEOPLE/NATIVES OF REGION 2
● Gadang/Gaddang

● Isinay
● Ilongot/Ilungot
● Ivatan
● Ibanag

THE LEGEND OF MAGAT RIVER

Magat was a handsome and strong-willed young man who save a lovely maiden
bathing in a stream from the clutches of python. He proposed marriage to the woman,
who consented on condition that Magat would swear not to see her at noon. 
One day, Magat could no longer contain his curiosity and broke into his wife’s
seclusion. In place of his wife, he saw a crocodile, who turned into his wife. “You broke
your promise,” lamented the woman. “ I can no longer be happy. Thus, I must now die.”
Having said this, she slowly turned once more into crocodile and died. 
After burying his crocodile-wife in his frontyard, Magat drowned himself in the
same stream where he first espied her.
Over time, the stream grew into the mighty Magat River. It widens and grows, it is
said,  because Magat wants to claim the remain of the wife he buried in the heart of
town.
Excerpted from the Philippine Encyclopedia, p.254

HUDHUD HI ALIGUYON

 Once upon a time, in a village called Hannanga, a boy was born to the couple
named Amtalao and Dumulao.  He was called Aliguyon.  He was an intelligent, eager
young man who wanted to learn many things, and indeed he learned many useful things
from the stories and teachings of his father.  He learned how to fight well and chant a
few magic spells.  Even as a child, he was a leader for the other children of his village
looked up to him with awe.

Upon leaving childhood, Aliguyon betook himself to gather forces to fight against
his father’s enemy, who was Pangaiwan of the Village of Daligdigan.  But his challenge
was not answered by Pangaiwan.  Instead, he faced Pangaiwan’s fierce son,
Pumbakhayon.  Pumbakhayon was just as skilled in the arts of war and magic as
Aliguyon.  The two of them battled each other for three years, and neither of them
showed signs of defeat.

Their battle was a tedious one, and it has been said that they both used only one
spear.  Aliguyon had thrown a spear to his opponent at the start of their match, but the
fair Pumbakhayon had caught it deftly with one hand.  And then Pumbakhayon threw
the spear back to Aliguyon who picked it just as neatly from the air.

At length, Aliguyon and Pumbakhayon came to respect each other, and then
eventually they came to admire each other’s talents.  Their fighting stopped suddenly. 
The two of them drafted a peace treaty between Hannanga and Daligdigan, which their
peoples readily agreed to.  It was fine to behold two majestic heroes finally side by
side.  Aliguyon and Pumbakhayon became good friends, as peace between their
villages flourished.  When the time came for Aliguyon to choose a mate, he chose
Pumbakhayon’s youngest sister, Bugan who was little more than a baby.  He took
Bugan into his household and cared for her until she grew to be beautiful. 
Pumbakhayon, in his turn, took for his wife Aliguyon’s youngest sister, Aginaya.  The
two couples became wealthy and respected in all Ifugao.
Region 3: PROVINCES & CAPITAL
● AURORA - Baler     
● BATAAN - Balanga City     
● BULACAN - Malolos City
● PAMPANGA - San Fernando City     
● NUEVA ECIJA - Palayan City
● TARLAC - Tarlac City     
● ZAMBALES – Iba

SOME FACT ABOUT REGION 3


● Different regions have different names for them, such as “Pugut”, the Ilocano
term for someone dark-skinned. However, some Aeta groups may find some
names termed by non-aeta groups insulting such as “Ita”. On the other hand,
some Aeta groups find the term”beluga”, as a compliment, which means hybrid,
similar to that of “meztizo” for the fair-skinned Filipino, although some other Aeta
groups also find it insulting. Different regions have different names for them, in
Northern Luzon, “Aeta,” or “Agta”, in Mindanao, “Mamanua,” although they are
collectively known as Aeta.
● The traditional Aeta economy is composed of hunting and food gathering. 

● Skilled with the use of bows and arrows, it is still the primary weapon today of the
Aeta. 
● They are very good hunters day or night and are very effective with the bow and
arrow. 
● Often employing a variety of techniques, they are also agile in using traps to
capture animals for food such as spear traps and pit traps. 
● Aeta also practice scarification from tradition, which consists of elaborate scars
from all over the body as a form of bodily ornament. 
● They also chip their teeth fro decorative purposes; and also boring (making of
holes) of the nose, which is decorated by a silver or bamboo. They also produce
necklaces, anklets, and bracelets to be used as jewelry.
● Aeta’s literary arts are limited to legends, riddles, narratives, and myths. 

● Some of their riddles take the forms of our “bugtong” which are structured in two
lines and rhymed. 
● These are used to describe some things found in Aeta culture. 
● A riddle recorded among the Aeta of Northern Cagayan Province comes in two
lines with assonantal rhyme (rime).
● Mumin
uddukum ● It wears a crown but it isn’t a
queen.
A ningngijitam. (Pinnia)
It has scales but it isn’t a fish.
(Pineapples)
● Assini nga pinasco ni Apu
Nga magismagel you ulo na. (Simu)
● There is a cave with a bolo in it.
Full of bones it isn’t grave. (Mouth)

● Lijar tangapakking nga niuk


Awayya ipagalliuk (Danum) ● When you cut it,
It is mended without a scar. (Water)

● Legends and myths are used by Aeta to describe the origin of their environment.
With a central cause and effect theme, this legends and myths are taken as fact
by the Aeta.

● Since Aeta are skilled craftsmen, they also produce their own musical
instruments, which accompany their dances. Among the Aeta groups, instruments
vary in name, and construction, but all serve the same purpose. They make harps
and guitars from bamboo joints, flutes from mountain cane, and the coconut
resonator. The most common type of the bamboo flute is the nose flute. Some
instruments are made from metal such as brass and metal plates and basins. The
Aeta also have produced several songs and chants used from courtship to
religious ceremonies. These songs and chants are usually traditional with fixed
verses syllables, tones, and pitch. Passed on from generations to generations,
these songs and chants are done in rituals, which are usually accompanied by
dancing. 
● Dances of the Aeta come in two forms:
● Festive dancing is usually held when meeting friends, after a good hunt, and other
festivities. 
● Ceremonial dances are usually religious and always held during a full moon.
Combined together, music and dancing form a ritual for good luck and mourning
the dead.

The kakanap is a question and answer game song sung by two Agta. 
Each musical phrase of the kakanap has six syllables. Performer 1 and performer 2 sing
the phrases alternately, but the last phrase is sung together.
Example of a Christian kakanap:

   Eeyoy, eeeyoy My friend, my friend


Anu oy, anu oy What? What?
Itta at kofun ko I have a new friend
Had en o, had en o Where? Where?
Awem ay maita This one you can’t see.
Atsi o, atsi o Why? Why?
Te itta in teyak He is with me here
Had en o, had en o Where? Where?
Apagam, apagam Try to look for him
On mina, on mina When then? When then?
Petta kofun hapa Now you can call him I wish I could
Anu kan ngagan na So you can be friends too.
Hesus kan, hesus kan What’s his name? Jesus is his name
Onay o, onay o Is it? Is it?
Kofum tam hapala Jesus is our friend
Onay o, onay o O yes! O yes!

SI AMA
Edgardo M. Reyes

Si Ama ay may ugaling kanyang-kanya, isang dahilan upang siya’y maging


malimit na paksa ng usapan. At sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko –narinig
ko mula kay Ina, mula sa mga kapatid ni Ama, mula sa mga kapitbahay, mula kung
kani-kanino – ay para ko na ring nasaksihan ang buhay niya na hindi ko nasaksihan.

Nalaman ko halimbawa, na si Ama ay nakatapos ng pitong grado, isang


katangiang maipagmamalaki na kung iisiping siya’y nag –aral sa panahong bihirang-
bihira ang may hilig mag-aral. (Ipinanganak siya sa panahon nang si Rizal ay barilin sa
Luneta.) Alam ko pati pagkakapangasawahan nila ni Ina.
Labindalawang taon ang katandaan ni Ama kay Ina. Aywan ko kung bakit sa
kabila ng malaking katandaan niya kay Ina ay nagustuhan siya ni Ina, ngunit alam ko
kung bakit lumagpas siya sa akmang gulang ng pag-aasawa: panganay siya sa pitong
magkakapatid, maaga silang naulila sa ama, at natural, mangyari pa, na siya ang
magdala ng pamilya. Nang may kumikita na sa mga kapatid niya ay saka pa lamang
siya nakaisip mag-asawa.

Bago mamanhikan si Ama ay nagpundar muna siya ng bakuran at bahay. Ngunit


nang siya’y mamanhikan na (kasama ang malalapit na kamag-anak) ay hiningan siya
ng dote ng mga magulang ni Ina, bukod pa ang mga kondisyon sa kasal. Pasudlungan
daw niya ng dalawang sibi ang bahay ng kanyang bibiyenanin, at ipakumpuni ang bulok
nang batalan. Sa kasal, pinagbubuwal siya ng dalawang kalabaw. Nagpaalam sina Ama
at sabi’y iisipin ang kanilang hinihingi, ngunit hindi na nagbalik si Ama.

Sabi raw ni Ama kay Ina nang sila’y makanakaw ng pagkakataong magkausap,
“Di ko kaya ang hinihingi nila, at kaya ko ma’y di ako lokong magpapalaklak nang gayon
sa mga taong may malalaklak naman sa kanilang bahay. Dalawang manok, kaya kong
magbuwal; kung lalagpas pa roon ang gusto nila’y sabihin mong kanila ka na at akin na
ang dalawang manok ko.”
Nasakyan naman ni Ina ang punto ni Ama; katunayan, para ipakilala ni Ina na
hindi mahalaga sa kanya ang magarbong kasal, ay niyakag niya si Ama na magtanan
sila.

Kaya’t sa kanilang pagkakapangasawahan, ni ang dalawang manok ay hindi


nabuwal. Nagalit si Ingkong (ang ama ni Ina), ang pamalita’y hindi sila makapapanhik
maski kailan: itaga raw iyon sa bato. Sinubok nilang pumanhik – itinaboy sila ng mura.
Sinubok uli nila nang may apo na (si Ate Maring) sa kanila si Ingkong – minura sila
nang kaunti ngunit murang mura-murahan; nakapagmano sila.

Latero si Ama. Tumatanggap siya ng ano mang gawaing may kaugnayan sa lata,
paatip ng bahay, alulod. Ang silong ng aming bahay ay talyer na gawaan niya ng batya,
palanggana, sandok, rigadera, imbudo, kung anu-ano pa. Apat kaming anak (Si Ate
Maring, si Kuya Selmo, si Dikong Ige, at ako), at kami’y katu-katulong niya sa talyer.
May oras kami para sa laro, may oras para sa iskuwela, may oras na ukol sa
pagtatrabaho. Sa kanya’y walang bata-bataris. Mapapahiya sa kanya ang sino mang
makikihinang ng balde. Dapat siyang bayaran ng bayad na sa palagay niya’y katumbas
ng kanyang ipinagtrabaho. Hindi siya napababataris at hindi naman nambabataris.

Minsan, noo’y maliliit pa kami, si Ama ay nagkaroon ng trabaho sa malayo at


may isang linggong hindi umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di pag-uwi ay lumakas
ang hangin, walang lubay ang ulan; ang balita’y may bagyo. Sa takot ni Ina na baka
ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay tumawag siya ng isang kapitbahay at
pinadagdagan ang serga ng aming bahay. Nang umuwi si Ama ay napansin agad niya
ang bagong serga.

“Mabuti,” sabi ni Ama. “E, sino’ng pinagkabit mo nire?”


“Si Omeng,” sabi ni Ina.

“O, e, magkano’ng ibinigay mo?”

Atubili ang sagot ni Ina.

“Nalimutan ko, e.”

Nagalit si Ama. “Naghirap ‘yong tao’y di mo binayaran? Hala, padalhan mo ng


sampiseta.”

Kung ang ugali ni Ama ay hindi kabisado ng aming kapitbahay, walang


pagsalang marami siyang makakasumangan.

Si Ama ay hindi nangungutang at hindi mauutangan. Noong panahon ng Hapon,


natatandaan ko, ay nagkahirapan sa bigas. Mapera kami (perang Hapon), ngunit ang
mabibili ang wala. Naghanda ng isang bayong na pera si Ama.

“Titingin ako sa San Rafael,” sabi ni Ama.

Umaga nang umalis si Ama at nang bumalik ay gabi na; ang bayong ay may
lamang apat na salop na bigas.

“Gutom na’ng mga bata kaya nanghiram muna ‘ko ng sanggatang kina Iska at
siya kong inilugaw,” balita ni Ina kay Ama. Nagalit si Ama. Masakit din ang salitang
sinabi niya kay Ina.

“Uli-uli, ke mamatay kayo sa gutom, huwag kayong mangungutang. Ang


problema nati’y problema natin, huwag n’yong idamay ang mga kapitbahay. Hala,
palitan mo’ng kinuha mo ‘ke Iska; patubuan mo ng sandakot.”

Si Ama ay hindi nagsisimba, ngunit kami ay hindi niya pinagbabawalang


magsimba. Kapag pista sa aming baryo, kahit paano’y tumutulong siya sa abuluyan,
ngunit hindi siya pumapayag na kami’y maghanda.

“Pano po kung magkabisita tayo?” minsan’y nasabi ni Ate Maring kay Ama.
“Baka po magdatingan dito ang mga kaklase ko.”

“Harapin mo, tapos!” sabi ni Ama. “Di baleng magpakain tayo ng iba kung hindi
makagigipit sa’tin, pero sa’tin lang e di magkahusto ‘ng kabuhayan natin, paanong
gagawin mo?’’

Sa pag-aasawa ng mga anak ay liberal si Ama.

“Di ko kayo pakikialaman,” sabi niya sa amin. “Ke Hudas at Hudesa ang mapili
n’yo, bahala kayo. Me mga isip naman kayo. Isang bagay lang, pag-aasawa n’yo ‘y
magsasarili kayo. At sa kasal, ayoko nang mangungutang kayo, o hihingi ng
pangpakasal sa’kin.”

Pagkaraan ng giyera ay sumigabo ang nagpapagawa ng bahay at si Ama ay


tumanggap ng maraming trabaho. Maestrolatero siya at kaming tatlo nina Kuya Selmo
at Dikong Ige ang piyon. Sinusulwelduhan niya kami ng arawan. Ang sahod namin ay
aming-amin; hindi bumabahagi si Ina, at iyon ay sa kagustuhan na rin ni Ama.

“Gastahin n’yo para sa inyong sarili,” sabi ni Ama. “Ipag-aral n’yo.”


Kaya’t sa tulong ng paglalatero, lahat kami ay nakakarera. Naging sikat kami sa
aming baryo. Sino ang maniniwalang sa baryo namin na ang halos lahat ay nabubuhay
sa pagsasaka ay may isang pamilyang lahat ng anak ay titulado?

Sa naging kapalaran namin, hindi lahat ay pumupuri kay Ama; nariyan din ang
mga pumupula.

“Kuripot kasi, e.”

“Walang kapuwa tao.’’

“Animo’y kung sinong Poncio Pilato.”

Sunud-sunod ang taon ng aming pag-aasawa kayat sa loob lamang ng apat na


taon ay nawalan sina Ama ng anak na walang asawa. At bilang pagsunod sa
kagustuhan ni Ama, bawat mag-aasawa sa ami’y nagsasarili.

Sa mga may pinagtapusan ay hindi mahirap ang pagsulong. Ilang taon lamang at
si Kuya Selmo, empleyado sa bangko, ay nakapagpatayo ng bahay sa Makati. Si
Dikong Ige, kimiko sa habihan ng tela, ay nagkakotse at nagkabahay sa Pasig. Si Ate
Maring, maestra sa haiskul, ay may bahay na rin sa Caloocan. Ako’y nangungupahan
ng “apartment” sa Quezon City, ngunit may hinuhulugan na akong lote at nagbabalak
na ring magpatayo ng bahay.

Samantala’y matanda na rin si Ama; sila ni Ina ay naroroon pa rin sa luma


naming bahay, na gayong latero siya ay pawid ang bubong. Sa buhay nila ni Ina, ang
pinakamalaking pagbabagong mapapansin ay ang patuloy na pagdami ng puti sa
kanilang mga buhok.

Kung lilingunin ang pinagmulan naming magkakapatid ay malalayo na rin ang


aming nararating. Ang bagay na ito ay nauugnay sa bali-balitang  nahihigingan namin:
umano, kaming magkakapatid ay walang turing na mga anak. Pagkatapos daw na
maiangat kami ni Ama ay pinabayaan na namin sila sa ibaba. Sa aming kawalang-
utang na loob, marahil ay kami lamang ang makauunawa.

Ang kalagayan nina Ama ay napag-usapan na naming magkakapatid. Kukunin


namin sila. Nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo, pag-aagawan, pagkat dalawa lamang
silang kukunin namin at kami’y apat na kukuha. Napagkayarian na lang namin na kung
sino ang gustong samahan nina Ama ay siyang mananalo.

Umuwi kami at ang aming napag-usapan ay sinabi namin kina Ama. Inaasahan
naming matutuwa si Ama, ngunit nagkamali kami.

“Magtigil nga kayo,” sabi sa amin ni Ama. “Handa kami sa pagtanda namin ng
ina n’yo, anong’kala n’yo? At kayo ba’y papagsarilinin ko ng ano?”

At ang pagpupumilit namin at ang pagpapaliwanag ay hindi pinakinggan ni Ama.


Ibang balak naman ang sumaisip namin.

“Ipagiba natin ang bahay na pawid at ipagpagawa natin sila ng bago,” mungkahi
ni Kuya Selmo, at iyon ay sinang-ayunan namin.

Ngunit muling binigo ni Ama ang aming pagmamagandang-loob.

“Tama ne’tong bahay ne’to sa’min ng ina n’yo,” sabi ni Ama. “Tama na sa tao
yaong pagtulog ay hindi nahahamugan.”

Basta’t may pagkakataon din lamang ay umuuwi kami sa lalawigan at dinadalaw


namin sina Ama. Nagpapasalubong kami ng damit, pagkain, kagamitan sa bahay,
ngunit hindi kami nagbibigay ng pera pagkat tiyak namang hindi tatanggapin ni Ama.
“Hindi pa naman kayo kayamanan, a,” sasabihin ni Ama.

Mahina na si Ama. Malabo na ang kanyang mata at makupad na siyang kumilos.


Wala na ang dating bilis niya sa pagsisinsil ng lata, ang dating bilis niya sa paghihinang.
Maluwag na ang balat sa maugat niyang bisig at parang mabigat na para sa kanya ang
soldador, ang istanyo. Paggawa ng lababo ang inaatupag niya, at iyon ay ipinagbibili ni
Ina sa palengke.

Minsan, sa awa ko, ay nilihim ko si Ina. Inaabutan ko ng pera si Ina, ngunit iyon
ay ayaw niyang kunin.

“Magagalit ang ama mo,” sabi ni Ina.

“Di huwag po n’yong sabihing binigyan ko kayo,” sabi ko.

“Hindi ko magagawa, anak,” sabi ni Ina. “Hindi nga niya malalaman, pero ang
kaso’y di ko kayang maglihim sa kanya. Di ko kayang magtago ng ano man sa kanya.
Saka di naman namin masyadong kailangan ang pera. Pagkain lang naman ang
pinagkakagastahan namin.”

Nahuhukot si Ama ay gumigiray naman ang luma naming bahay.

“Sa edad n’yong ‘yan e di na kayo dapat magtrabaho,” sinasabi namin sa kanya.
“At anong gusto n’yo, mamatay ako nang nakatunganga?’’

Bunga ng katandaan ay malimit nang dapuan ng sakit si Ama. Kayat nang isang
araw ay lumuwas ang isa naming pinsan at ibinalitang patay na si Ama, naiyak kami
ngunit ang balita’y hindi naging kagulat-gulat sa amin.

Gumayak kami sa madaliang pag-uwi, kasama ang pami-pamilya. At bago kami


nagkanya-kanyang uwi, si Kuya Selmo ay nakasama ko sa pagbili ng korona.

“Pihong aasahan sa atin ang malaking libing at isang malaking lamayan,” sabi ni
Kuya Selmo. “Kahiya-hiya sa baryo natin at sa mga kamag-anak natin kung sa ating
kalagayang ito’y hindi natin maibigay iyon sa Ama.”

“Ano’ng mainam na gawin natin?” tanong ko.

“Gastahan natin nang todo ang Ama. Antalahin natin ang libing para
maipagpagawa natin siya ng libingang marmol. Ibili natin siya ng maganda at mahal na
ataul. Kumasundo tayo ng musiko. Umarkila tayo ng mga dalawampung karitela para
walang maglakad sa mga makikipaglibing. Sa lamayan, ibigay natin ang kaya nilang
kainin.”

“Tama,” sabi ko. “Tutal, ngayon lamang naman natin pagkakagastahan ang
Ama.”

Sa luma naming bahay nang dumating kami, ang mga nakikiramay ay


nagpapayok ng galyetas na ipinaaanod sa matabang na kape. Wala ni isang manok na
pinapatay sa kusina. Sa duluhan ng bakuran ay tatlong karpintero ang gumagawa ng
ataul. (Sa aming bayan ang mayayaman lamang ang kapag namamatayan ay bumibili
nang ataul).

Si Ama ay nakaunat sa papag. Alam kong siya’y patay na ngunit aywan ko kung
bakit pilit kong isinasaisip na siya’y natutulog lamang. Ibig kong huwag umiyak pagkat
lalaki ako, ngunit sa gayong pagkakataon pala ang lalaki’y nawawala sa kanyang
pagkalalaki.

Ang napag-uusapan namin ni Kuya Selmo ay sinang-ayunan nina Dikong Ige at


Ate Maring. Malaking lamayan. Kontri-kontribusyon kami ng tig-sasandaang piso kay
Ate Maring na samahan niya ng sandaan din bago niya ibigay kay Ina.

“Para sa’n ‘to? tanong ni Ina nang ibigay na sa kanya ni Ate Maring ang pera.

At ang aming napagkayarian ay inilahad namin kay Ina.

“Magpabili na ‘gad kayo ng baboy, saka maraming manok,” sabi ni Dikong Ige.

“Patigilin na n’yo ang gumagawa ng ataul at bumili na lang tayo ng yari,” sabi ni
Kuya Selmo.
Ngunit hindi nasunod ang aming nais pagkat tumutol si Ina. 

“Hindi ko magagawa ‘yon sa ama n’yo,” sabi ni Ina. “Lalo na ngayong nanahimik
na siya”

At sa paliwanag ni Ina ay lumitaw na si Ama pala ay nag-ipon ng perang


pampalibing sa sarili nito. Kaunti lamang ang natipon ni Ama, ngunit sasapat na sa
isang aba, payak na libing, na umano’y siyang ibig ni Ama. Nais ko sanang sabihin kay
ina na ano man ang gawin namin sa libing ni Ama ay maaari pagkat wala na si Ama
upang tumutol, ngunit naisip ko na isang malaking kalapastanganan kung
magsamantala kami sa sandaling si Ama ay hindi na makapagtatanggol.

Puntod lamang ang pinaglibingan kay Ama, ngunit damang – dama ko ang
dangal at katapatan ng libing na iyon. Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama
ang kawalan ng pagkukunwari.

You might also like