Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAHABANG PAGSUSULIT SA ASIGNATURANG PAGSULAT SA FILIPINO SA

LARANGAN NG TECH-VOC
MODULAR
( SEMI-PINAL NA PAGSUSULIT )
(SECOND QUARTER)
FINALS
PANGALAN: PETSA:
SEKSYON: GURO:

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN

PANUTO: Basahin at Unawain ang mga sumusunod na pahayag o tanong, matalinong sagutin ang bawat aytem
at ilagay ang titik ng tamang sagot sa gilid bago ang bilang.

1. Isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon. Itinuturing din ito na
isa sa mga anyon ng ng komunikasyong teknikal na kinakailangang pag-aralan upang higit na
mapagbuti ang kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyonal?

A. KATITIKAN NG PULONG C. LIHAM PANGNEGOSYO


B. KOMUNIKASYONG TEKNIKAL D. KORESPONDENSIYA

2. Ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa puong?

A. MEMORANDUM C. PAGSULAT
B. ADYENDA D MENU

3. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak
na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong?

A. KATITIKAN NG PULONG C. LIHAM PANGNEGOSYO


B. ADYENDA D. MEMORANDUM

4. Isang maikling sulatin na ginagawa para sa sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo?

A. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO C. MARKETING STRATEGY


B. NEGOSYO D. BRAND NAME

5. Sa larangan ng negosyo, ipinapalagay palagi na ang mga mababasa o mamimili ay walang panahon
para magbasa ng mahahabang teksto?

A. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili


B. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepiso
C. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
D. Iwasan ang mga gasgas na pahayag

6. May iba’t ibang buyer or persona ang bawat produkto, ito ay kung para kanino ibebenta ang isang
produkto?

A. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili


B. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepiso
C. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
D. Iwasan ang mga gasgas na pahayag

7. Binibigyang-diin dito ang mga benepisyong makukuha ng mamimili mula sa produkto?

A. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili


B. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepiso
C. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
D. Iwasan ang mga gasgas na pahayag

8. Gumagamit ng mga larawan na magbibigay ng impresyon ng kalidad?

A. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili


B. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepiso
C. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
D. Iwasan ang mga gasgas na pahayag

9. Kung gagamit ng mga salitang magpapakita ng pagiging pinakamahusay o pinakamabisa, magbigay


ng espesipikong patunay kung bakit?
A. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa
B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

10. Maging malikhain sa paglalarawan, mag-isip ng mga senaryong pamilyar at malapit sa kanila?

A. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

11. Mahusay na estratehiya ng mga kilalang produkto ang paglalarawan ng mga kompanya nito sa
pamamagitan ng pagkukuwento sa pinagmulan nito?

A. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

12. Gumamit ng mga pang-uri pandama?

A. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

13. Nagiging personal at mas kaakit-akit kapag may ibang mga taong nagkukuwento tungkol sa iyong
produkto?

A. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

14. Tinatawag na scannable format kapag madaling basahin ang isang pahina?

A. Gumamit ng pormat na madaling i-scan


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

15. Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensiyon ng target na mamimili?

A. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto


B. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
C. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
D. Patunayan ang paggamit ng superlatibo

16. Mga paraan ng presentasyon ng mga ideya na ginagamit upang maiparating ang mensahe tungkol sa
mas malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa?

A. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO C. LIHAM PANGNEGOSYO


B. ELEMENTONG BISWAL D KATITIKAN NG PULONG

17. Ito ang mga drowing o dibuho na nagpapakita ng mga component ng isang mekanismo, mga hakbang
ng isang proseso, o ng kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang sistema?

A. GRAP C. DAYAGRAM
B. BAR O KOLUM GRAP D. PIE TSART

18. Biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o dami at proporsiyon ng matematikal na


halaga

A. DAYAGRAM C. ILUSTRASYON
B. PROPORSIYON D. GRAP

19. Ginagamit upang Makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad, ang pag-angat, o pagbaba ng mga
datos?

A. BAR O KOLUM GRAP C. LINYANG GRAP


B. PIE TSART D. ILUSTRASYON

20. Mahusay na kagamitan para sa paghahambing ng mga baryabol tulad ng sukat, halaga ng aytem, at
iba pa.?

A. BAR O KOLUM GRAP C. LINYANG GRAP


B. PIE TSART D. ILUSTRASYON

21. Ginagamit ito upang maipakita ang magkakaugnay na pagkakahati-hati ng mga bahagi ng isang buo
na tumutukoy sa particular na datos?

A. BAR O KOLUM GRAP C. LINYANG GRAP


B. PIE TSART D. ILUSTRASYON

22. Layunin nito na paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masigurong pipiliin ng tagatangkilik ang
pagkain na kaniyang nakikita?

A. TEKSTURA C. LASA
B. HITSURA D. PRESYO

23. Ito ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilik ng produkto?

A. HITSURA C. LASA
B. PRESYO D. TEKSTURA

24. Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi at gaano kaartistiko ang pagkakahain upang maging kapana-
panabik sa tagatangkilik nito?

A. TEKSTURA C. LASA
B. HITSURA D. PRESYO

25. Tinatawag din ito na paglalarawan sa pagkain upang magabayan ang mga tagatangkilik nito?

A. SANGKAP NG PAGKAIN C. LUGAR NG PAGKAIN


B. MENU NG PAGKAIN D. KOSTUMER NG KAINAN

26. Ano ang pangunahing sangkap sa Adobong Manok?

A. TOYO C. MANOK
B. SUKA D. PAMPALASA

27. Ang pakikipag-usap sa pasulat na paraan ay tinatawag na?

A. KORESPONDENSIYA C. LIHAM PANGNEGOSYO


B. MEMORANDUM D. EMAIL

28. Ano ang mainam na tema ng menu?

A. BUMABATAY SA MAY-ARI C. BUMABATAY SA RESTAWRAN


B. BUMABATAY SA LUGAR D. BUMABATAY SA PRESYO

29. Ano ang mga salitang dapat iwasan sa pagbuo ng menu ng pagkain?

A. PANGNGALAN C. PANGHALIP
B. PANDIWA D. PANG-UGNAY

30. Ano ang dapat ipakita sa pagkaing inilalarawan?

A. PERSONALIDAD C. PANLABAS NA ANYO


B. KAUGALIAN D. KASANAYAN

II. TAMA O MALI

PANUTO: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung wasto ang pahayag. Kung di-wasto ang pahayag isulat ang
MALI

31. Sa paunang pagpaplano nakapaloob ang isang planadong pulong ay nagdudulot ng mainam na
resulta sa samahan at sa buong miyembro nito.

32. Sa pagsulat ng napag-usapan o transaksiyon nakapaloob ang isksedyul at oras ng pulong.

33. Ang pagrerekord ng mga napag-usapan, dito nakapaloob ang pag-alam kung ano-anong
impormasyon o datos ang kinakailangang maitala.

34. Sa pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong nakapaloob ang opisyal na tagapagtala, bahagi ng
reesponsibilidad ng kalihim ang pamamahagi ng katitikan ng pulong sa mga opisyal na samahan.
35. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring responsibilidad ng tagapagtala- ang
makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap.

36. Sa iwasan ang mga gasgas na pahayag binibigyang-diin ang mga benepisyong makukuha ng
mamimili mula sa produkto.

37. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo gumagamit ng mga paglalarawan ng magbibigay ng


impresyon ng kalidad.

38. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaaki-akit ito sa mga mamimili.

39. Hindi dapat gumagamit ng mga salita para sa pandama sa pagsulat ng deskripsiyon.

40. Binibigyang-diin sa deskripsiyon ng produkto ang mga benepisyong makukuha ng mamimili mula rito.

41. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsiyon ng produkto.

42. Kailangang nakatuon ang isip ng nagsusulat ng deskripsiyon sa kung ano ang target na mamimili.

43. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.

44. Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.

45. Gawan ng tamang pagkilala ang mga elementong biswal na may copyright o iyong mga nagtataglay
ng mga ideyang hiniram .

46. Ang mga dayagram ay maaaring maglarawan ng normal cutaway o exploded views ng isang
mekanismo.

47. Ang mga pamagat ng mga elementong biswal ay nararapat na akma sa tinatalakay sa diskusyon.

48. Magtala lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung may dahilan at kung bakit
kailangan ang mga ito.

49. Mahalaga ang adyenda upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

50. Sa tiyak at payak nakapaloob ang marapat na sundin ang paggamit ng mga salita.

SUSING SAGOT:

1. A 21. B 41. MALI


2. B 22. B 42. TAMA
3. D 23. C 43. TAMA
4. A 24. A 44. TAMA
5. C 25. B 45. MALI
6. A 26. C 46. TAMA
7. B 27. A 47. TAMA
8. D 28. C 48. MALI
9. D 29. D 49. TAMA
10. A 30. A 50. TAMA
11. B 31. TAMA
12. C 32. MALI
13. C 33. TAMA
14. A 34. TAMA
15. A 35. TAMA
16. B 36. MALI
17. C 37. MALI
18. D 38. TAMA
19. C 39. MALI
20. A 40. TAMA

You might also like