Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

9

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Bilang Isang Salik ng Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pag-iimpok at Pamumuhunan Bilang Isang Salik ng
Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Pitzie Dianne L. Cabanilla


Editor: Rosanna Palispis-Querijero
Emelita T. Angara
Tagasuri: Rosanna Palispis-Querijero
Rebecca K. Sotto PhD
Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit: Pitzie Dianne L. Cabanilla
Tagalapat: Milky Joy B. Anasan
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Robert E. Osongco EdD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagpadaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagpadaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upag masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ag bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangagailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamag ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnaya agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng


ekonomiya.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakatutukoy ng kahulugan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang
salik ng ekonomiya.
2. Nakasusuri ng pagkakaiba ng mga institusyong bangko at mga institusyong
di-bangko.
3. Nakasusulat ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.
4. Nakapagpapahalaga sa pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng
ekonomiya.

Subukin

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.

Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Makatutulong ka upang maging malusog ang ekonomiya ng ating bansa sa


pamamagitan ng _______________________.
A. pag-iimpok
B. pamumuhunan
C. pagnenegosyo
D. pag-iinvest

1
2. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao
ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. pagreretiro
B. proteksyon sa buhay
C. mga hangarin sa buhay
D. maging inspirasyon sa buhay
3. Kung ang kabuuang kita ni Nicole ay Php20,000.00 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php17,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa
pag-iimpok?
A. Php2,000.00
B. Php3,000.00
C. Php4,000.00
D. Php1,000.00
4. Kung ikaw ay nagnanais na makaipon ng sapat na salapi para sa hinaharap,
ipagpapaliban mo ang paggastos sa pamamagitan ng _____________________.
A. investment
B. pamumuhunan
C. economic investment
D. savings
5. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito
pamamahalaan?
A. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
B. Bibili ako ng bago at magarang kotse
C. Magtatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimpok ng pera
sa bangko
D. Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain
6. Si Alvin ay matalino at matipid na guro. Buwan-buwan siyang nagdedeposit ng
limang libong piso (P 5,000.00) sa LANDBANK. Ginagawa niya ito upang
______________________.
A. makapag-impok ng salapi para sa hinaharap
B. magkaroon ng pambayad sa utang
C. may panggastos sa kasalukuyan
D. may maipautang sa kapitbahay
7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit may taong hindi nagagawang
mag-impok MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng isang tao ng disiplina sa kanyang sarili
B. Pagiging mahilig magluto sa bahay kaysa kumain sa restaurant
C. Inuuna ang bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal
D. Pagiging maluho sa mga bagay kahit hindi pa kailangan
8. Sinabi ni Laica sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO -
____________ = GASTOS upang makapag-imbak ng pera sa bangko.
A. BANKING
B. DEPOSIT
C. INTEREST
D. SAVINGS

2
9. Mahalaga ang pag-iimpok ng pera para ___________________________________.
A. makabili ng kotse at bahay
B. sa bakasyon at luho
C. sa hinaharap tulad ng emergencies at retirement
D. may maipagmalaki sa iba
10. Ang mga ito ay mga paraan kung papaano ka makapag-iimpok MALIBAN sa isa.
A. Magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
B. Matutong sumabay sa uso
C. Gumastos lamang ng naaayon sa iyong mga pangangailangan
D. Magbukas ka ng bank account sa bangko
11. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay
upang mayroong ______________________________.
A. magamit sa oras ng sakuna o emergency
B. pambili ng mga makabagong gadget
C. panglibre sa mga barkada
D. pangload at pang-internet
12. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat tandaan ng isang tao na nais mag-
impok sa bangko MALIBAN sa isa.
A. Kilalanin ang iyong bangko
B. Alamin ang produkto ng iyong bangko
C. Ingatan ang iyong bank records
D. Makipagtransaksiyon sa loob at labas ng bangko
13. Lumalago ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko dahil sa
_____________________.
A. insurance sa deposito
B. interes sa deposito
C. investment sa deposito
D. sektor ng pananalapi
14. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang ng pagkakaroon ng savings account
MALIBAN sa pagkakaroon ng _____________________________.
A. siguradong pera
B. magandang credit rating
C. maliit na utang
D. magandang investment

3
15. Paano mo paghahambingin ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik
ng ekonomiya?
A. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
B. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
C. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
D. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang


natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito.

4
Aralin
Pag-iimpok at
1 Pamumuhunan
Mahalagang maunawan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya upang magkaroon ng kaalaman
tungkol sa gampanin nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay bahagi ng buhay pang-ekonomiko ng mga tao sapagkat ito ang
ilan sa mga paraan upang makabili at makapagbenta ng mga produkto at serbisyo
na karaniwang kinokonsumo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mapapansin rin
na ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagsisilbing motibasyon ng mga
sambahayan at bahay-kalakal upang matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan. Ang pag-iimpok ay ang pag-iipon ng salapi upang may magamit sa mga
posibleng pangangailangan sa hinaharap. Ang pamumuhunan naman ay maaaring
pera, oras, enerhiya o bagay na iginagastos ng isang tao upang ito ay magbunga sa
nakatakdang panahon sa hinaharap.

Balikan

PATAKARANG PANANALAPI

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang patakarang pananalapi na kung saan ang


pangunahing pokus ay ang layunin at pamamaraan nito. Ang Patakaran sa
Pananalapi ay sistemang pinaiiral na may kinalaman sa pagkontrol ng Bangko
Sentral ng Pilipinas sa dami ng salapi sa sirkulasyon.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ito ay FACT or BLUFF.
FACT kung ang pahayag ay totoo, at BLUFF naman kung ang pahayag ay
biro. Itala ang wastong kasagutan sa sagutang papel.

1. Ang Patakarang Pananalapi o Monetary Policy ay ang paggamit o pagkontrol ng


suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang ekonomiya at
mapatatag ang presyo sa pamilihan.

2. Ang batayan ng palitan ay ginagamit ng mga mamimili at nagbebenta na batay


sa bentahan ng mga produkto at serbisyo.

3. Gawain ng Land Bank of the Philippines (LBP) na gumawa ng salapi, magtago ng


pondo ng pamahalaan, at magpautang sa mga bangko.

4. Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang


makontrol ang suplay ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito maaari silang
magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.
5
5. Kapag ang layunin ng pamahalaan ay makahikayat ng mga negosyante na
magbukas ng bagong negosyo, pinatutupad nito ang contractionary money policy
sa pamamagitan ng pagbababa ng interes sa pagpapautang kaya mas maraming
mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa
kanilang puhunan.

6. Subalit kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa produksyon tataas ang
presyo, kapag tumaas ang presyo ang mga mangagawa at mga empleyado ay
hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng mga bilihin upang
maiwasan ang kondisyon na ito karaniwang nagpapatupad ng expansionary
money policy upang mabawasan ang paggasta ng sambayanan at ng mga
namumuhunan.

7. Ang Bangkong Komersiyal ang pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa


puhunan at ari-arian.

8. Ang Bangko ng Pag-iimpok ay may pangunahing gawain na tumanggap ng mga


impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila
ay tumubo.

9. Ang Development Bank of the Philippines (DBP) ay naitatag ng pamahalaan upang


magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran, lalung lalo na sa larangan ng
pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng bansa.

10. Ang Land Bank of the Philippines (LBP) ay itinatag bilang katuwang ng programa
sa repormang agraryo ng bansa at ito ang pinanggagalingan ng pondo ng
programa at nagbibigay ng pautang at tulong sa mga magsasakang nakasama sa
repormang agraryo.

6
Tuklasin

Panuto: Basahin mong mabuti ang isang maikling tula at sagutan ang mga tanong
sa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Katha ni: Pitzie Dianne L. Cabanilla

Isinuksok ko ang isang barya


Sa aking malaking alkansya
Mapapiso man o lima
Basta’t mapuno lang kita
Sa tuwing tatanggap ng pera kay Ina
Hindi bumibili sapagkat nakatabi na
Ang bumuo ng isang tahanan
Ay pangarap kong makamtan

Pangarap na edukasyon
Ay aking mahahayon
Pangarap na negosyo
Ay aking maitatayo
Kinabukasan ko’y makakamtan
Halaga na di matatawaran
Ito’y mabuting gawi na aking namana
Ang mag-impok upang maging masagana

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang pamagat ng tula?


________________________________________________________________________

2. Ano ang nais ipahiwatig ng tula?


________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga bagay na pumukaw sa iyong isipan?


________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa tao ang pag-iimpok ng salapi?


________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang pag-iimpok sa pang-araw-araw


na pangangailangan mo? Bakit? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
7
Suriin

Matapos mong masuri ang maikling tula na iyong binasa ay nagkaroon ka


ng pahapyaw na kaalaman batay sa konsepto at kahalagahan ng pag-iimpok.
Ngayon naman ay mababasa sa bahaging ito kung ano nga ba ang kahalagahan ng
Pag-iimpok at Pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya na magiging daan
sa mas malalim na kaalaman.

Handa ka na bang matuto sa bagong aralin? Ngayon ay


tutukuyin natin ang kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN


BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA

Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan ang


mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa
bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kita
para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang
gawain ng sambahayan na kailangan ng ekonomiya.

Samantala, ang mamumuhunan naman ay maaaring


utangin ang perang ito upang makapaglikha ng maraming
trabaho para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang
ekonomiya. May mga gawain ang sambahayan at bahay-
kalakal na nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas at paloob
na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ginagastos ng
sambahayan ang kanilang mga kita ngunit hindi lahat ng
kanilang kita ay kanilang ginagastos dahil bahagi nito ay
itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-iimpok.

8
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos ng
sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa
kinabukasan. Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang
palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang
bahay-kalakal naman ay palaging may layuning palaguin
ang kanilang produksiyon kung kaya’t madalas silang
nangangailangan ng karagdagang puhunan. Sila ay
umuutang sa mga bangko upang mamuhunan at
makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Kung
ganoon, ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Ang pag-iimpok ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon


para may magamit sa hinaharap. Maaari tayong mag-impok sa
bangko o sa alkansya. Maaari din tayong bumili o magbayad ng
mga insurances. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino,
ang magtago ng “savings” o ipon sa bangko.

Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay


lumalago dahil sa interes sa deposito. Kaya naman mas
hinihikayat ng gobyerno na mag-ipon sa bangko kaysa
gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay
at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok na salapi,
ilagay ito sa mga bangko o institusyong pampinansyal.

Ang pamumuhunan o pagdaragdag ng istak


para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang
produksiyon. Ang pagbili ng mga makinarya,
paglalaan ng pondo para sa depresasyon ng mga
kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng
pamumuhunan na ang layunin ay para sa hinaharap.
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na
salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan,
mga salik ng produksiyon at iba pa.

9
Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit
ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa
bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang
hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa
inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi
tulad ng bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng
mga tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante
upang gamitin sa pamumuhunan. Ang pamumuhunan ay
isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming
negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring
magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng bangko


na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga
sumusunod:

Mga Institusyong Bangko – ito ang mga institusyong


tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at
pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o
tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay
lumalago.

10
Uri ng mga Bangko

1. Commercial Banks - ito ang malalaking bangko. Nakapangangalap sila ng


deposito sa higit na maraming tao.

2. Thrift Banks - ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay


ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa
kanilang mga negosyo.

3. Rural Banks- nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba


pang mga mamamayan sa kanayunan.

4. Specialized Government Banks- mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na


itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.

a. LBP (Land Bank of the Philippines) – layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo
sa mga programang pansakahan.
b. DBP (Development Bank of the Philippines) – layunin ng DBP ang tustusan ang
mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines) – layunin
nito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Mga Institusyong Di-Bangko – tumatanggap sila ng


kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.

Uri ng mga Di-Bangko

1. Kooperatiba- isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang


panlipunan o pangkabuhayang layunin. Ang perang inambag ng mga kasapi ay
kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba.

2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan- nagpapautang sa mga taong madalas


mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
3. Pension Funds

a. GSIS (Government Service Insurance System) – ahensiyang nagbibigay ng life


insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal
na pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikng paaralan.
b. SSS (Social Security System) – ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro
sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
c. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno) – itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.

4. Registered Companies – kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at


Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC) matapos magsumite ng basic
at additional documentary requirements, at magbayad ng filing fee.

11
5. Pre-Need- kompanya na rehistrdo sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need.
6. Insurance Companies- rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng
karapaatan ng Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.

Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance


Corporation ay isang korporasyong pag-aari ng
pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa ilalim ng
Batas Republika Blg. 3591. Ito rin ay malayang
institusyong pampananalapi na nag-uugnay sa
Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Ang PDIC ay
ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas
ang pag-iimpok sa Pilipinas.

Kapag maraming tao ang nag-impok,


maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan
sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa
ang mataas na antas ng pag-iimpok. Ang PDIC ay
gumagarantiya ng hanggang Php500,000.00 sa
deposito ng bawat depositor. Ang investment product,
fraudulent account, laundered money, at depositong
produkto na nagmula sa hindi ligtas at unsound
banking practices ay hindi kabilang sa segurong
ibinibigay ng PDIC.

Mga gawi na dapat isaalang-alang ng mga mag-iimpok sa bangko:

1. Kilalanin ang iyong bangko.


2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
7. Maging maingat.

Ang pera o salapi ay ginagamit sa pagbili ng mga


bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang
pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng
matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang
mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.

12
Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit
ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Maaari
itong itabi o itago bilang savings o ipon. Ang savings ay
isang paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ang ipon
na ginamit upang kumita ay tinatawag na investment.
Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa
negosyo. Maaari ring maglagay ng ipon sa mga financial
asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.

Mahalaga ang savings sapagkat ang pera na iyong naipon bilang savings
ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang
mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan
sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.

Ang umuutang o borrower ay maaaring


gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset o
pagmamay-ari na may ekonomikong halaga o
gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera
na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay
maaaring kumita ng interes o dibidendo.

Pero kung itatago mo nang matagal na panahon sa


alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang
lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Maaari ding magdulot
ito ng kakulangan sa suplay ng salapi sa pamilihan. Mas
makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko
upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

Sadyang napakahalaga ang mag-impok sapagkat kapag tayo ay may


trabaho ay may kita rin tayong matatanggap bilang kabayaran sa ating
serbisyo. Bahagi din ng kita na hindi dapat gastahin ang lahat ng kita at sa
halip ay iipunin na lang ito o ilalagay sa bangko at kung sakali mang may
problemang dumating sa atin o pangangailangan sa hinaharap may
mapagkukuhanan tayong pera.

Ang pamumuhunan ay kinakailangan lalong


lalo na sa mga negosyante dahil kung ang isang tao
ay may balak magtayo ng negosyo kinakailangan niya
muna ng puhunan nang sa ganoon ay magsilbi itong
dahilan upang muling pumasok ang nailabas niyang
pera sa paikot nitong daloy.

13
Pagyamanin

A. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang ipinapahayag ng mga pangungusap.


Isulat ang tsek (√) kung tama at ekis (X) naman kung mali sa iyong sagutang
papel.

1. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may


nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.

2. Sa Rural Banks ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay


ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito
sa kanilang mga negosyo.

3. Ang Thrift Banks ay nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na


negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan.

4. Layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.

5. Ang Kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may


nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.

6. Ang SSS ay ahensiyang nagbibigay ng life insurance sa mga kawaning


nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga
guro sa mga pampublikong paaralan.

7. Ang Pre-Need ay isang kompanya na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng


nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-
need.

8. Maaari ring maglagay ng ipon sa mga financial asset katulad ng stocks,


bonds, o mutual funds.

9. Ang GSIS ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani


ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan.

10. Layunin ng DBP ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa
sektor ng agrikultura at industriya.

14
B. Panuto: Ngayon naman ay suriin mo ang pagkakaiba ng mga institusyong bangko
at di-bangko. Ang gawaing ito ay magiging sukatan ng guro sa antas ng kaalaman
o pagkakaunawa batay sa pagkakaiba ng mga bangko at di-bangko. Pagkatapos
ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Institusyong Bangko Institusyong Di-Bangko

Mga Tanong:

1. Paano nagkakaiba ang institusyong bangko at di-bangko?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay mag-iimpok, saang bangko mo dapat ilagak ang iyong pera?
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyong


bangko at di-bangko sa lipunan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga institusyong bangko? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga institusyong di-bangko?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

15
C. Panuto: Sa gawaing ito ay kinakailangan suriin ang mga salita na nasa Hanay A
at hanapin ang katambal nito sa Hanay B upang mapag-ugnay ang dalawang (2)
hanay. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Pamumuhunan A. halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o
serbisyong kanilang ibinibigay.
2. Pag-iimpok B. tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais
umutang o mag-loan.
3. Pera C. pagdaragdag ng istak para sa hinaharap
4. Kita D. pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa
kanilang mga pangangailangan sa kinabukasan.
5. Bangko E. ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan
upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.
6. GSIS F. korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag
noong 1963.
7. SSS G. nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong
kompanya.
8. LBP H. layunin nito na tustusan ang mga proyektong
pangkaunlaran.
9. DBP I. nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng ahensiya ng
gobyerno.
10. PDIC J. layunin nito na magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan.

D. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng mga impormasyong tinutukoy ng


may salungguhit na salita sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.

A. Kita D. Pamumuhunan
B. Pag-iimpok E. Bangko
C. Deposit Insurance F. Interes

1. Si Mae ay naglalagak ng pera sa LBP Baler tuwing siya ay sasahod.

2. Nagbukas ng bagong savings account sa DBP si PO1 Alexander dahil alam niya
na may dibidendo sa idedeposit niyang pera pagkalipas ng mahabang panahon.

3. Dahil sa virus na Covid19 ay naapektohan ang pagtatrabaho ng mga tao, kaya


naman wala silang halagang natatanggap dahil sa lockdown.

4. Dahil sa kagustuhan ni Angel na makapagpatayo ng malaking grocery store


napilitan siyang maghiram ng pera sa bangko.

5. Maraming mga negosyante sa probinsiya ng Aurora ang nag-iimpok ng pera sa


bangko dahil sa seguro sa kanilang deposito.

16
E. Panuto: Suriin ang pigura na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng
kaalamang natutunan tungkol sa istruktura ng pag-iimpok at pamumuhunan.
Upang higit na maunawaan sagutin ang mga tanong na susukat sa antas ng
iyong kaalaman at pang-unawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Naimpok Utang

Financial Intermediaries
Nag-iimpok Commercial Banks Nangungutang
Savings and Loans
Credit Unions
Finance Companies
Mutual Funds
Pension Funds

Interes at Dibidendo Pag-aari

Mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga financial intermediaries sa nag-iimpok at


namumuhunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay mamumuhunan, ano naman ang maaaring pakinabang mo dito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang umunlad ang ating


ekonomiya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

17
F. Panuto: Matapos mong mapag-aralan ang mga istruktura ng pag-iimpok at
pamumuhunan, ngayon ay paghambingin mo ang pag-iimpok at pamumuhunan
sa pamamagitan ng paglalagay sa Venn Diagram ng pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga katangian ng bawat isa. Gamiting gabay ang sagot sa
katatapos na gawain at sagutin ang mga tanong upang mapunan mo ng wasto
ang dayagram. Itala ang wastong sagot sa sagutang papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba

PAG-IIMPOK PAMUMUHUNAN

Pagkakapareho

Mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang


salik ng ekonomiya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano ang magiging epekto ng mataas na antas ng pag-iimpok at pamumuhunan


sa ekonomiya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang kahihinatnan ng matatag na sistema ng pagbabangko sa bansa?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay mamumuhunan, paano mo pamamahalaan ang iyong negosyo


upang maging matagumpay ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasagawa nang tama ang pag-iimpok?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

18
Isaisip

Panuto: Ibigay ang sagot na hinihingi sa bawat bilang at isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang ___________ ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera
ng gobyerno ay iniimbak sa bangko.

2. Ang pag-iimpok ay isang ____________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

3. Ang ____________ naman ay palaging may layuning palaguhin ang kanilang


produksiyon kung kaya’t madalas silang nangangailangan ng karagdagang
puhunan.

4. Ang pamumuhunan ay ____________ na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.


5. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng “___________” sa
bangko.

6. Ang _________________ o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan


upang palawakin ang produksiyon.

7. Ang ___________ ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-


iimpok sa Pilipinas.

8. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang _________________ sa deposito ng bawat


depositor.

9. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng ________ at sa awtorisadong tauhan nito.

10. Ang ___________ ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang


mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

11-13. Magbigay ng tatlong uri ng mga institusyong bangko at ipaliwanag ang


kahalagahan ng mga ito.

14-15. Magbigay ng dalawang uri ng mga institusyong di-bangko at ipaliwanag ang


kahalagahan ng mga ito.

19
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang kwento sa ibaba. Sagutin ang mga gawain at
katanungan sa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

PAG-IIMPOK NG SALAPI: ANG TANGING PUHUNAN!

Sulat ni Pitzie Dianne L. Cabanilla

Si Shiela at si Dianne ay parehong mag-aaral sa Dinadiawan National High


School. Mayroon silang baon na Php50.00 bawat araw. Malayo ang kanilang bahay
sa paaralan. Si Shiela ay namamasahe papunta sa paaralan samantalang si Dianne
naman ay naglalakad lamang papunta sa paaralan at pauwi sa kanilang bahay para
hindi na siya mamasahe. Mahilig si Shiela na bumili ng mga makabagong damit na
nakikita niya sa online. Madali din siyang matukso sa mga beauty products kaya
naman makinis ang kanyang balat. Si Dianne ay hindi mahilig bumili ng mga bagay
na hindi naman niya kailangan bagkus inilalagak na lang niya ito sa alkansiya.

Sa loob ng isang taon, si Dianne ay nakaipon ng Php5,000.00 samantalang si


Shiela ay walang naipon bagkus nagkautang pa siya dahil sa dami niyang luho.
Pagkalipas ng ilang taon nagdesisyon si Dianne na ilagay ang lahat ng kanyang ipon
sa bangko. Kaya naman siya ay nagtungo sa LBP na matatagpuan sa bayan ng Baler.
Samantalang si Shiela naman ay nagdesisyon na mamuhunan at mag-online selling
para kumita. Subalit wala siyang pera dahil wala siyang naipon. Kaya nagtungo siya
sa bangko ng LBP at nangutang ng pangpuhunan. Nagpatuloy si Dianne sa pag-
iimpok sa bangko hanggang sa umabot na ito ng Php500,000.00. Dahil sa mga ipon
ni Dianne, nakapagtapos siya ng pag-aaral at ngayon ay isa na siyang ganap na guro
ng Dinadiawan National High School.

DAPAT GAWIN HINDI DAPAT GAWIN


BILANG ISANG MAG-AARAL BILANG ISANG MAG-AARAL

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

20
Mga Tanong:

1. Base sa iyong mga naitala sa dapat gawin, bakit nga ba mahalaga na gawin ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Base sa iyong mga naitala sa hindi dapat gawin, ano sa iyong palagay ang
mangyayari kapag ito ay patuloy na ginawa ng mga tao?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay may naipon na pera, saan mo ito iimpok sa alkansiya o sa


bangko? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano ang maaaring mangyari kapag sa alkansiya ka mag-iimpok?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral paano mo isasabuhay ang iyong mga natutunan sa kwento?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin ang
mga impormasyon sa ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik
ng wastong sagot at itala ito sa iyong sagutang papel.
1. Makatutulong ka upang maging malusog ang ekonomiya ng ating bansa sa
pamamagitan ng _________________________________.
A. pamumuhunan
B. pag-iimpok
C. pagnenegosyo
D. pag-iinvest

2. Kung ang kabuuang kita ni Nicole ay Php20,000.00 at ang kanya namang


kabuuang gastusin ay Php17,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa
pag-iimpok?
A. Php2,000.00
B. Php3,000.00
C. Php4,000.00
D. Php1,000.00

21
3. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao
ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. pagreretiro
B. proteksyon sa buhay
C. mga hangarin sa buhay
D. maging inspirasyon sa buhay

4. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito
pamamahalaan?
A. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
B. Bibili ako ng bago at magarang kotse
C. Magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimbak ng pera
sa bangko
D. Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain

5. Kung ikaw ay nagnanais na makaipon ng sapat na salapi para sa hinaharap,


ipagpapaliban mo ang paggastos sa pamamagitan ng ______________________.
A. investment
B. pamumuhunan
C. economic investment
D. savings

6. Si Alvin ay isang matalino at matipid na guro kaya naman, buwan-buwan siyang


nagdedeposit ng limang libong piso (P 5,000.00) sa LANDBANK. Ginagawa niya
ito upang _________________________________.
A. makapag-impok ng salapi para sa hinaharap
B. magkaroon ng pangbayad sa utang
C. may panggastos sa kasalukuyan
D. may maipautang sa kapit-bahay

7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit may taong hindi nagagawang
mag-impok MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng isang tao ng disiplina sa kanyang sarili
B. Pagiging mahilig magluto sa bahay kaysa kumain sa restaurant
C. Inuuna ang bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal
D. Pagiging maluho sa mga bagay kahit hindi pa kailangan

8. Sinabi ni Laica sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO -


____________ = GASTOS upang makapag-imbak ng pera sa bangko.
A. BANKING
B. SAVINGS
C. INTEREST
D. DEPOSIT

9. Mahalaga ang pag-iimpok ng pera para __________________________________.


A. makabili ng kotse at bahay
B. sa bakasyon at luho
C. sa hinaharap tulad ng emergencies at retirement
D. may maipagmalaki sa iba

22
10. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung papaano ka makapag-iimpok
MALIBAN sa isa.
A. Magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
B. Matutong sumabay sa uso
C. Gumastos lamang ng naaayon sa iyong mga pangangailangan
D. Magbukas ka ng bank account sa bangko

11. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay


upang mayroong ____________________________________.
A. magamit sa oras ng sakuna o emergency
B. pambili ng mga makabagong gadget
C. panglibre sa mga barkada
D. pangload at pang-internet

12. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat tandaan ng isang tao na nais mag-
impok sa bangko MALIBAN sa isa.
A. Kilalanin ang iyong bangko
B. Alamin ang produkto ng iyong bangko
C. Ingatan ang iyong bank records
D. Makipagtransaksiyon sa loob at labas ng bangko

13. Lumalago ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko dahil sa
__________________________.
A. insurance sa deposito
B. interes sa deposito
C. investment sa deposito
D. sektor ng pananalapi

14. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang ng pagkakaroon ng savings account


MALIBAN sa pagkakaroon ng __________________________________.
A. siguradong pera
B. magandang credit rating
C. maliit na utang
D. magandang investment

15. Paano mo paghahambingin ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik


ng ekonomiya?
A. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
B. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
C. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
D. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya samantalang ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

23
Karagdagang Gawain

Tinalakay natin ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang


isang salik ng ekonomiya. Nalaman mo na may malaking gampanin sa buhay ng mga
tao ang pag-iimpok at pamumuhunan. Ngayon naman ay aatasan kitang gumawa
ng isang plano upang maipahayag ang pagpapahalaga sa natapos na gawain.

Panuto: Gumawa ng isang simpleng plano kung paano mo isasakatuparan ang pag-
iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya. Gawing batayan
ang talahanayan sa ibaba bilang gabay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

PLANO KO UPANG MAKAPAG-IMPOK AT MAKAPAGPUHUNAN

PAG-IIMPOK PAMUMUHUNAN

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

6. 6.

7. 7.

8. 8.

9. 9.

10. 10.

Nawa’y marami kang natutuhan sa paksang ating tinalakay. Ngayon ay


maaari mo ng iwasto ang iyong mga sagot sa iba’t ibang gawain na iyong sinagutan.
Inaasahan ko pa rin ang iyong pagiging tapat sa pagwawasto.

Hangad ko ang iyong tagumpay. Tanggapin mo ang aking mainit na pagbati


sapagkat napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Hanggang sa muli
nating pagtalakay ng panibagong paksa. Mabuhay ka!

24
25
Balikan
Subukin Tuklasin Pagyamanin
1. Fact A.
1. A 1. √
1. Pag-iimpok
2. D 2. Fact 2. X
2. Pera
3. B 3. X
3. Bluff 3. Kita
4. D 4. √
4. Ipon/Savings
5. C 5. √
4. Fact 5. Investment 6. X
6. A
6. Economic Investment 7. √
7. B 5. Bluff
7. Personal Investment 8. √
8. D 9. X
6. Bluff 8. PDIC
9. C 10. √
9. Pamumuhunan
10. B 7. Fact
10. Mamumuhunan
11. A
8. Fact 11. Bangko
12. D
12. BSP
13. B 9. Fact 13. SEC
14. C
14. Interes
15. A 10. Fact
15. Kooperatiba
Pagyamanin Isaisip Tayahin
C. 1. Pag-iimpok 1. B
1. C
2. Palabas 2. B
2. D
3. E 3. Bahay-kalakal 3. D
4. A 4. Papasok 4. C
5. B 5. Savings 5. D
6. I 6. Pamumuhunan 6. A
7. G 7. PDIC 7. B
8. J 8. Php500,000.00 8. B
9. H
9. Bangko 9. C
10. F
10. Pera 10. B
D. 11. A
1. B 12. D
2. F 13. B
3. A 14. C
4. D
15. A
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B.
Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila, Philippines: Rex
Bookstore, Inc.

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De


Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group
Inc.

Balitao, Bernard R., Meriam dR. Cervantes, Liberty I. Nolasco, Jerome A. Ong, John
N. Ponsaran, at Julia D. Rillo. 2012. Ekonomiks Araling Panlipunan (Mga
Konsepto at Aplikasyon). Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

Guinto, Mae N., 2016. “Pag-iimpok ng Salapi: Alamin ang Kahalagahan!”


Webpress. Binuksan noong July 22, 2020.
https://nmaeguinto.wordpress.com/pag-iimpok-ng-salapi-alaminang-
kahalagahan/

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DEPED-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

27

You might also like