Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Atin pong alalahanin na tayo ay nasa harapan ng ating Panginoon.

Ilagay po natin ang ating mga sarili sa


banal na presensiya ng Panginoon. (pause for 10 seconds)

Sa ngalan ng Ama…..

Panginoon naming Diyos, dakila ang Iyong Pangalan. Ikaw ang lumikha ng sanlibutan at lahat ng bagay,
ikaw ang daluyan ng buhay at palaging nagkakaloob ng mga biyaya sa amin. Ipinagdiriwang po namin
ngayon ang Araw ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesukristo na siyang dahilan ng amin pong
selebrasyon at pagsasama sama sa araw na ito. Maraming Salamat po sa araw na ito at sa lahat ng mga
biyaya. Maraming Salamat po sa kalakasan ng katawan at isip at biyaya ng pamilya sa panahong kami ay
dumaranas ng paghihirap ngayong panahon ng pandemya. Humihingi din po kami ng kapatawaran sa
lahat ng aming mga kasalanan.

Hinihiling po namin na patuloy ninyo kaming kalingain at buhusan ng iyong pagmamahal. Dalangin din
po namin ang pagkakaisa ng aming section at ang buong komunidad ng Sta. Teresa College. Biyayaan
nyo po kami ng kalakasan ng loob sa patuloy na pagharap sa hamon ng Covid-19.

Ama naming makapangyarihan, sa iyong kagandahang-loob kami’y iyong nilikha, at sa iyong


pagtatangkilik kami’y iyong pinadakila. Sa pagkakatawang-tao ng iyong Anak na Si Hesus, kami’y iyong
itinuring na hindi na iba sa iyo. Makapamuhay nawa kami bilang mga kapatid niya na totoong
maipagkakapuri mo sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen

Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami!

Sta. Teresa de Avila, ipanalangin mo kami!

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami!

San (pangalan ng section nyo), ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama…..

You might also like