Online Concert Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Froilan & BJ: Viva Mahal na Poong Sta. Krus!

Magandang Gabi po sa
Inyong lahat!

Froilan: Malugod po namin kayong wine-welcome dito sa aming online


concert: Ang Gabi ng Pasasalamat ng Kapatiran ng Mahal na Poong Sta.
Krus!

BJ: Tama ka Froilan! Ito ay gabi ng punong puno ng pasasalamat. Pero


ano nga ba ang ipinagpapasalamat natin ngayong gabi Froilan?

Froilan: Ipinagpapasalamat po natin ngayong gabi na sa kabila ng


pandemyang ating nararanasan ay patuloy pa din po ang ating
pagpaparangal sa Mahal na Poong Sta. Krus at patuloy ang Kapatiran na
ating samahan, sa pagpapalaganap ng Debosyon sa Mahal na Poon.

BJ: Natatangi ang araw na ito, September 14 dahil ipinagdiriwang natin


ang Exaltation of the Cross o Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na
Krus, na sa kasaysayan ng ating Inang Simbahan, maraming himala ang
ginawa ng Krus lalong lalo na dito sa ating bayan ng Bauan at sa buong
Batangas.

Froilan: Sobrang kagalakan din po ang ating nararamdaman, tayo pong


mga Katoliko, sapagkat kasalukuyan nating ipinagbubunyi ang 500 Years
of Christianity dito sa ating bansang Pilipinas.

BJ: Kasama din sa ating ipinagdiriwang ay ang Pagpaparangal sa Mahal


na Birheng Maria, na alam naman natin na Buwan din ng Mahal na Ina ang
Setyembre. September 8 ay kanyang kaarawan at bukas September 15 ay
Kapistahan naman ng Birhen ng Dolorosa.

Froilan: Talaga namang Gabi ng pasasalamat ang gabing ito dahil sa ating
mga selebrasyon. Kaya para pormal na simulan ang ating concert, tawagin
natin si G. Lezter Bernabe upang pangunahan ang ating panalangin.

Panalangin ni Lezter.

Froilan: Papurihan natin ang Mahal na Birheng Maria. Kaya naman narito
si G. BJ Giman upang handugan ng awit ang Mahal na Birheng Maria.

(Live song number ni BJ - Awit ng Pagsuyo)


Robin: Ang Kapatiran ng Mahal na Poong Sta. Krus ay masasabing
mapagmahal sa musika. Ito ang naging daan upang mabuo ang Himig
Kapatiran Band o mas kilala sa HK Band. Kaya naman ang HK Band ang
tampok na performer sa gabing ito. Tunghayan po natin ang kanilang mga
papuring awitin Para sa Panginoon.
Aawitin ng HK Band ang:
Christ is enough, Who am I, at True Colors

Jelo: Ang ating bayan ay masasabing lugmok na sa panahong ito ng


pandemya. Marami tayong mga kababayan ang patuloy na naghihirap.
Subalit, alam nating hihilom din ang lahat ng mga pasakit na ating
nararanasan sapagkat ang Panginoong Diyos ay nariyan lamang upang
tayo ay gabayan. Kaya naman nais kong ibahagi sa inyo si Ms. Louriene
Dimaunahan upang maghandog ng awiting Heal our Land.

Ayen’s video (Heal Our Land)

Froilan: Sa kasaysayan, ang samahan ng Kapatiran ay dumaan sa


makulay na mga karanasan at napakaraming pagsubok. At upang
magbigay ng inspirasyon, sa kabila ng mga nararanasang unos ng aming
samahan, narito pong muli ang HK Band upang awitin ang:

Puso, Bitiw, at Liwanag sa Dilim

BJ: Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Gabi ng Pasasalamat ng


Kapatiran, Ipinagmamalaki ko pong ibahagi sa inyong lahat ang isa sa
ipinagmamalaki ng Batangas. Siya ay Mutya ng San Pascual 2019, at isa
sa mga Barako PH Ambassadress, walang iba kundi si Ms. Jeica
Dimalibot para sa kanyang awitin.

Jeica’s video (If I Ain’t Got You)

Robin: Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay talagang nakakaranas ng


mga suliranin sa panahong ito ng pandemya. At upang magbigay ng
inspirasyon, narito pong muli ang HK Band upang awitin ang:

Kaleidescope World, Umagang Kay Ganda at Bagong Umaga


Froilan: Ang bawat Pilipino ay masasabing matatag at hindi basta natitibag
sa kahit ano mang hamon ng buhay. At upang ilarawan ang katatagan ng
mga Pinoy, narito ang Synco Band sa kanilang awiting

Noypi

Jelo: Likas na sa atin ang magkamali sa buhay lalo na sa ating Panginoon.


Subalit sa kabila ng mga pagkakamaling ito, babalik at babali tayo sa ating
Diyos. Kaya naman narito pong muli ang ating HK Band upang
magahandog ng mga inspirational songs. Aawitin nila ang
Ex at Fix you

BJ: Bago po natin tapusin ang ating programa sa gabing ito, nais po
naming basahin ang ilan sa mga shout outs ninyo, mga giliw naming mga
manonood. Froilan simulan mo ng batiin o basahin ang mga pahatid na
mensahe nila.

Froilan: Alright Sir! Basahin po natin ang sinabi ni…… (blah blah matapos
makabasa ng mga lima, sisingit si Sir Giman)

BJ: Okay… sabi naman ni… (mentioning series of messages)

Froilan: Nagpapasalamat po kaming lahat sa lahat ng mga nakiisa sa


Siyam na Araw na Nobena parangal sa Pagtatampok sa Mahal na Poong
Sta. Krus hanggang ngayong Kapistahan ng Mahal na Poon.

BJ: So, pasalamatan din natin Froilan ang ilan sa mga naging partners
natin sa pagbroadcast ng ating mga FB live since day 1

Froilan: Nariyan po ang FB Page ng Deboto mula sa Malibay, Pasay.


Shout out po sa mga taga Malibay, Salamat po sa inyong lahat!

BJ: Siempre Salamat po sa FB Page ng San Roque Chapel Bauan.


Batangas na nag ere din ng ating mga nobenario

Froilan: Pasalamatan din po natin ang Parokya ni San Juan Nepomuceno


ng Malibay sa pagbroadcast din ng ating mga Nobena
BJ: Nais ko ding pasalamatan ang Brgy. San Roque, Bauan Batangas
Community sa paghihimpapawid din ng ating mga nobenario sa kanilang
FB page.

Froilan: Maraming Salamat din po sa lahat ng mga members ng Kapatiran


na may iba ibang member na namuno sa bawat araw. Shout out po kina
Lezter Bernabe, John Learry Cantos, John Roland Medrano, Sir Carlo
Africa na ilan sa mga nagdasal.

BJ: Siempre nais din nating pasalamatan si G. Martin Cita Vel sa walang
sawang pagsuporta sa Kapatiran ng Mahal na Poong Sta. Krus, at muli
Salamat po sa inyong lahat.

Froilan: At bilang pagpaparangal sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa ating


bansa, narito pong muli ang HK band upang awitin ang official theme song
ng 500 years of Christianity ang:

Live Christ, Share Christ

BJ: Bilang pagtatapos po ng ating programa, tinatawagan po natin si G.


Mark Anjelo Pasia para sa pangwakas ng panalangin.

Jelo: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.


Panalangin sa Mahal na Poong Sta. Krus
Maawain at butihing Panginoon, masintahing Hesus, na napako sa matigas na kahoy
ng krus dahil sa pagsinta sa amin, uliran ng kababaang-loob, pag-ibig, kahinhinan at
wagas na kabanalan. Maibiging Hesus, na sa malaking kaamunan at pagtitiis ay itinuro
mo sa amin na: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa
kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.” Narito kami, aming
mananakop, na nakaluhod sa mahal mong harapan at itinatalaga ang aming sarili sa
pagsunod sa iyong mga bakas: kung ikaw ay nagpakababang-loob, nais naming
tumulad sa iyo, kung pinatawad mo ang mga nagsiusig sa iyo, ganon din, pinatatawad
namin ang mga kaaway: kung binata mo ang mga pag-alimura at pag-upasala, nais din
naming tularan ka. Tulungan mo kami at alalayan ang aming kahinaan, bigyan ng sigla
ang aming mga kaluluwa at pagningasin sa apoy ng pag-ibig ang aming mga puso,
upang makasunod sa iyo ng walang sawa sa mapait na landas ng kabanal-banalang
krus, tularan ang iyong kabanalan at tumalima sa lahat mong utos. Punuin ang aming
mga puso ng masaganang awa, upang dito sa lupa’y masunod naming lagi ang iyong
kalooban, mabuhay sa kapayapaan at sa kabila ng aming kamatayan ay makamtan
namin diyan sa langit ang kaluwalhatiang walang hanggan. Amen.
Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian
Mo, Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin Mo kami sa
aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Aba, Ginoong Maria Napupuno ka ng grasya Ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo


Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala naman Ang iyong anak na si
Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y
mamamatay Amen.

Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo


Kapara noong una, ngayon at magpasawalanghanggan. Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo Amen.

BJ: Mananatili po ang Tunay na Kapatiran ng Mahal na Poong Sta. Krus!


Viva Sta. Krus! Ito po si BJ Giman. Kasama din po natin si Robin Abella na
ngayon ay operator ng live!

Jelo: Ang Mahal na Birheng Maria ay mananatiling ina ng lahat na patuloy


na sa atin ay kumukupkop! Viva La Virgen! Ito po si Mark Anjelo Pasia.

Froilan: At dito po nagtatapos ang ating programa! Happy 500 Years of


Christianity po sa lahat, ito po si Froilan Salcedo Jr!

Froilan, BJ and Jelo: Ito po ang Gabi ng Pasasalamat ng Kapatiran! Viva


Mahal na Poong Sta. Krus! Maraming Salamat po!

You might also like