Professional Documents
Culture Documents
2 Jesus The Way For A Better Life
2 Jesus The Way For A Better Life
Bago tayo magsimula, hinihingi kong samahan nyo ako sa isang maikling panalangin.
Ama naming nasa langit, salamat sa paggamit Mo sa akin sa Iyong ministeryo. Salamat
sa Iyong paggabay at pagbibigay sa akin ng Iyong biyaya! Ngayon pa lang ay batid Mo
na ang aking hangarin kung bakit ako lumapit sa Iyo. Sinasabi ng Banal na Kasulatan
na kasama Ka ng Iyong mga dakilang tagapaglingkod tulad nina Moises at Joshua at
ginamit Mo sila upang mailabas ang Iyong mga anak mula sa pagkaalipin. Ngayon
Panginoon, puspusin Mo ako ng Iyong biyaya, pahiran ng kapangyarihan upang
maipangaral ko ang Iyong salita nang buong tapang na may kapangyarihan para sa
kaligtasan ng mga nasa ilalim ng pagkaalipin sa Kasalanan.
Batid kong hindi ako karapat-dapat Panginoon, ngunit gawin mo akong karapat-dapat
sa pamamagitan ng paglilinis sa akin, puspusin Mo ako ng Iyong Banal na Espiritu.
Hayaang mangusap ang Iyong Banal na Espirito at hindi ako. Batid mo ang mga
pangangailangan ng mga tao na makikinig sa mensaheng ito. Iniaalay ko ang aking
sarili sa Iyo upang gamitin sa anumang paraang nais Mo. Ikaw lamang ang aking
luluwalhatiin Panginoon! Salamat sa Iyong walang katulad na kapangyarihan at lakas
Panginoon. Inaangkin ko ang tagumpay sa Iyong makapangyarihang pangalan. Ito po
ang aking panalangin sa pangalan ni Jesus, Amen.
Ang pinaka-popular na mithiin ng ating henerasyon ay siyempre, ang "magandang
buhay". Sino ba ang ayaw nun? Sa aking palagay, lahat tayo ay sasang-ayon sa
magandang buhay.
Ang pangarap na ito ay hindi bago
Ito ang hinahangad ng bawat taong lumalakad sa buhay na ito - ng mga guro
at pilosopo, ng mga pamahalaan at pangkaraniwang tao
Ang problema, maraming tao, kung hindi man lahat ay may maling kunsepto tungkol sa
magandang buhay. Tulad ng ating paksa noong nakaraang linggo, si Jesus ang daan sa
magandang buhay! Tumutok tayo ngayong umaga upang makita natin kung gaano ito
katotoo, samantala, isaalang-alang muna natin ang pagtutuwid ng maling konsepto...
Juan 15:11 “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang
kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan.
11 These things I have spoken to you, that my joy may be in you, and
that your joy may be full.
May sinabi rin si apostol Pablo tungkol dito…basahin natin…
Colosas 3:15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni
Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang
katawan. Magpasalamat kayong lagi.
15 And let the peace of Christ rule in your hearts, to which indeed you were
called in one body. And be thankful.
Kaya, ang mailap na kapayapaang hinahanap ng tao ay hindi kayang ibigay ng
sanlibutan kailanman, sa halip, ang Panginoong Jesus lamang. Paano?
Ang mabuti ay basahin rin natin ang liham ni apostol Pablo kay…
Tito 3:3-7
3 Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin
ng makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin
ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y
kinapootan din natin.
3 For we ourselves were once foolish, disobedient, led astray, slaves to
various passions and pleasures, passing our days in malice and envy, hated
by others and hating one another.
4 Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating
Tagapagligtas,
4 But when the goodness and loving kindness of God our Savior appeared,
5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa
kanyang habag sa atin. Tayo'y ipinanganak na muli sa pamamagitan ng tubig
at tayo rin ay binago ng Espiritu Santo.
5 he saved us, not because of works done by us in righteousness,
but according to his own mercy, by the washing of regeneration
and renewal of the Holy Spirit,
6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa
pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo,
6 whom he poured out on us richly through Jesus Christ our Savior,
7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-
loob, at tayo'y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang
hanggan.
7 so that being justified by his grace we might become heirs according to
the hope of eternal life.
Ano ang nakita natin sa mga talatang aking binasa? Dahil sa kabaitan, pag-
ibig, awa at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo ay naligtas tayo at
ginawang matuwid sa Kanyang kagandahang-loob!
Nangyari ito nang maranasan natin ang "kapanganakang muli” at binago tayo
ng Banal na Espiritu" (tinutukoy dito ang gawa ng bautismo, kung saan ang
isang nanampalataya kay Jesus ay tunay na ipinanganak sa tubig at Espiritu!
Basahin pa natin ang pahayag ng ating Panginoong Jesus sa…
Juan 3:5 Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay
ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa
kaharian ng Diyos.
5 Jesus answered, “Truly, truly, I say to you, unless one is born of water and
the Spirit, he cannot enter the kingdom of God.
Sa madaling salita, binigyan ng solusyon ni Jesus ang problema ng
kalungkutan at kawalan ng panloob na kapayapaan sa pamamagitan ng pag-
aalis ng sanhi nito: ang mga kasalanan na binasa natin kanina! Meron pa…
JESUS LEADS THE WAY TO A BETTER LIFE
B. BY TEACHING US TO SEEK NEW GOALS IN LIFE...
Mga Awit 37:4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap
mo'y iyong makakamtan.
4 Delight yourself in the Lord, and he will give you the desires of your heart.
Filipos 3:14 Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan
ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo
Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
4 I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ
Jesus.
Katunayan, nagbabala ang Dios tungkol sa pag-iimpok ng kayamanan -
Kawikaan 21:5 Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang
dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.
5 The plans of the diligent lead surely to abundance, but everyone who
is hasty comes only to poverty.
Bakit? Kasi…
Nasisira ang mga ito ayon sa Panginoon, hindi lang yan:
Bukas rin ito sa magnanakaw kaya,
Tinuturuan niya tayong ilagay ang ating kayamanan sa langit. Basahin natin
ang payo Niya mula sa aklat ng…
Mateo 6:19-21
19 “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may
naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.
19 “Do not lay up for yourselves treasures on earth, where moth and
rust destroy and where thieves break in and steal,
20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang
naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.
20 but lay up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor
rust destroys and where thieves do not break in and steal.
21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang
iyong puso.”
21 For where your treasure is, there your heart will be also.
Kung saan hindi ito masisira
Kung saan doon ay ligtas –
Ano naman ang sinasabi ni apostol Pedro tungkol kayamanan?
1Pedro 1:3-5
3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong
buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa
libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa.
3 Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ! According to his
great mercy, he has caused us to be born again to a living hope through the
resurrection of Jesus Christ from the dead,
4 Makakamit natin ang isang kayamanang di masisira, walang kapintasan, at
di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.
4 to an inheritance that is imperishable, undefiled, and unfading, kept in
heaven for you,
5 Sapagkat kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng
Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang iyan na ihahayag sa
katapusan ng panahon.
5 who by God’s power are being guarded through faith for a salvation ready
to be revealed in the last time.
Paano nga ba tayo mag-iipon ng kayamanan sa langit?
Sundin natin ang kalooban ng Panginoon, kahit na tayo ay nasa ilalim ng
mabibigat na pag-uusig at masamang kalagayan, hindi tayo dapat na mag-alala.
Huwag nating kalimutan ang payo ng Panginoon sa…
Lucas 6:22-23
22 “Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay
kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at
pinagbibintangang kayo ay masama.
22 “Blessed are you when people hate you and when they exclude you and
revile you and spurn your name as evil, on account of the Son of Man!
23 Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo,
sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng
kanilang mga ninuno sa mga propeta.
23 Rejoice in that day, and leap for joy, for behold, your reward is great in
heaven; for so their fathers did to the prophets.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga aral, malaki ang ating gantimpala sa
langit – kaya mahalaga ito at palagi kong binabanggit sa aking mga mensahe. Kung
hindi tayo mag-aaral at susunod, saan mapupunta ang lahing ito?
Halimbawa, may mga aral na mahirap tanggapin at mabigat para sa marami… hindi sila
papayag sa aral na ito. Kagaya halimbawa nito, basahin natin…
Lucas 6:35a Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa
kayo ng mabuti.
Sabi ng iba, bakit ko mamahalin ang kaaway, dapat sa kanila mamatay na! heto pa…
35b Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran.
What? Eh yung utang na bente pesos nga, kahit matagal na, hindi malimot-limutan
samantalang dalawang taon na ang nakakalipas. Kita mo na?
Ngunit kung susunod tayo sa aral na ibinigay ng Panginoon, ano ang mapapala natin?
Basahin natin ang karugtong na talata…
35c Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging
mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa
masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
35 But love your enemies, and do good, and lend, expecting nothing in
return, and your reward will be great, and you will be sons of the Most High,
for he is kind to the ungrateful and the evil.
Kita mo na? Maliwanag ‘di ba? Puntahan naman natin ang…