Q1 Summative Fil 10

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Northern Bugasong National High School

Cubay North, Bugasong, Antique Score:

UNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan:__________________________________________________________Baitang:__________________
Petsa:____________________________Pirma ng Magulang:____________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik na nagsasaad ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay galing sa salitang Latin na Mythos na nangangahulugang kuwento.


a. Kuwento b. anekdota c. mito d. pabula

2. Ito ay agham o pag-aaral at kalipunan ng mga mito at alamat.


a. Mitolohiya b. analohiya c. pilosopiya d. etnograpiya

3. Siya ang tinaguriang Diyos ng Pag-ibig.


a. Vulcan b. Mercury c. Cupid d. Apollo

4. Ang angkop na gamit ng pandiwa na nagpapahayag ng damdamin o saloobin.


a. Kilos b. karanasan c. pangyayari d. galaw

5. Ang angkop na gamit ng pandiwa, kapag may actor o tagaganap ng aksiyon, kilos o galaw.
a. Pangyayari b. karanasan c. aksiyon d. damdamin

6. Ang Diyosa ng kagandahan at pag-ibig.


a. Venus b. Artemis c. Athena d. Psyche

7. Ang kahulugan ng Psyche.


a. Pag-ibig b. Kaluluwa c. Kagandahan d. Katalinuhan

8. Ito ang mapanganib at huling pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche.


a. Hiwalayin ang napakaraming maliliit na binhi sa loob ng gabing iyon.
b. Binigyan ng kapirasong matigas na balat at pinatulog sa lupa.
c. Kukuha ng ginintuang balahibo ng tupa.
d. Inutusan si Psyche na bumaba sa lupa dala ang isang kahon upang hilingin kay Persephone na lagyan ito
ng ilang bahagi ng kanyang kagandahan.

Para sa bilang 9 at 10

Napuno ng takot sa halip na pag-ibig ang puso ni Psyche. Nang gabing iyon nagpauna siyang matulog sa tabi ng
kama ng asawa na may matalas na patalim at lampara; at sa sandaling ang asawa ay tulog na, pupuntahan niya
ito at itatarak ang patalim sa katawan nito, na sa isip ay katawan ng isang nakahihindik na halimaw.

9. Ayon sa talata , ano ang nangingibabaw na damdamin ni Psyche?


a. Pagmamahal b. Pagkagalit c. Pagkatakot d. Pagkamangha

10. Anong aral ang isinasaad ng teksto?


a. Ang Pag-ibig ay hindi magtatagumpay kung walang pagtitiwala
b. Maging kuntento sa kung anong meron tayo
c. Magpakatatag sa lahat ng pagsubok na dumating
d. Magtiwala sa sariling kakayahan

11. Sa bahaging ito ng Salaysay, ditto ipinapakita ang mga pangunahing tauhan at tagpuan.
a. Tunggalian b. Simula c. Kakalasan d. Wakas
12. Dito binibigyang-linaw ang mga pangyayari sa tunggalian at kasukdulan. Dahan-dahang bumababa ang
pananabik ng mambabasa.
a. Tunggalian b. Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

13. Kahihinatnan ng mga tunggalian sa salaysay. Dito rin ipinapahayag ang mahahalagang kaisipan o mensahe sa
kuwento.
a. Wakas b. Kasukdulan c. Simula d. Tunggalian

14. Lalabas sa bahaging ito ang tunggalian gaya ng tao laban sa tao, tao laban sa sarili , tao sa kapaligiran.
a. Wakas b. Simula c. Kasukdulan d. Tunggalian

15. Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o dalawang sugnay.
a. Pangatnig b. Pang-ugnay c. Pandiwa d. Pang-ukol

16. Kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.
a. Pang-ugnay b. Pang-ukol c. Pang-angkop d. Pandiwa

17. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyan-kahulugan ang salitang kadena
sa loob ng pangungusap?”
a. Nagtataglay ng talinhaga
b. Maraming taglay na kahulugan
c. Taglay ang literal na kahulugan
d. Wala sa nabanggit

18. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?


a. Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
b. May mga talinhaga o nakatagong mensahe
c. Nagpapahayag ng damdamin
d. Nagpapahayag ng kabayanihan

19. Ito ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas.
A. Dula C. Nobela
B. Maikling Kuwento D. Sanaysay
20. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa nobela?

A. isang pag-aaral C. binubuo ng mga kabanata


B. B. binubuo ng mga yugto D. binubuo ng sukat at tugma

21. “Walang ibang babae akong minahal.” Anong katangian ang nangingibabaw sa pahayag?

A. pagiging matapat C. pagiging maalalahanin


B. pagiging maawain D. pagiging mapagmataas
22. “Labis na nasaktan si Quasimodo sa pagkawala ni La Esmeralda”. Anong damdamin ang namayani pahayag?

A. panlilibak C. pagkalungkot
B. agkagalit D. pagkayamot

23. Ano ang ginawa ni Quasimodo sa paring kumupkop sa kaniya nang malamang siya ang dahilan ng pagkamatay ng
babaeng kaniyang minamahal?
A. Ipinakulong niya ang pari.
B. Sinugod at sinuntok niya ang pari.
C. Inihulog niya ang pari mula sa tore.
D. Sinisi niya ang pari sa pagkamatay ni La Esmeralda.
24. Ang kuba ng Notre Dame ay tinanghal bilang ____________________.
A. Hari ng Roma C. Papa ng Notre Dame
B. Hari ng Notre Dame D. Papa ng Kahangalan

25. “Nagmakaawa siya na bigyang siya ng tubig subalit bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya.” Sinong tauhan ang
tinutukoy ng panghalip na siya?

A. Esmeralda C. Gringoire
B. Frollo D. Quasimodo

Inihanda ni:

Bb. CHARMAINE THERESE P. TRAIN


Teacher 1

You might also like