Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

Kulay ng balat: Katutubong Pananaw ukol sa kagandahan ng balat ng mga taga El Nido
Palawan
Remigio, Jan Aina
Bullecer, Ma. Fatima

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay pinagtuunan ang pananaw ukol sa katutubong pananaw sa
kagandahan ayon sa kulay ng balat ng mga taga Palawan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng
katutubong kaparaanan sa pag kuha ng mga datos sa mga kalahok. Ang tagapaniliksik ay
kumuha ng opinion ng sampu (10) katao para sa pag-aaral na ito, limang (5) lalake at limang
(5) babae, na nasa edad na 15-20, na kahit kailan ay hindi pa nakapanood ng telebisyon,
nakarinig ng radyo, at nakagamit ng kompyuter at cellphone. Ang karanasan ay nabuo sa
pananatili ng mananaliksik sa pook at sa pagkakaroon ng mga kamag-anak sa pook. Ang pag-
aaral ay nagpakita ng resulta na ang pananaw sa kagandahan ng mga tao sa pook na iyon ay
nagsasabi na magaganda ang mga taong may mapuputing kulay ng balat at ang mga tao ay
nakaranas na gumamit ng mga produktong pampaputi upang mapaputi ang kulay ng kanilang
mga balat.
Mga susing salita: binukot, pagpapaputi, pagtatanong-tanong

Ang kulay ng balat ay nakikita na isang malaking parte ng panlabas na kagandahan ng


isang tao. Madaming indibidwal ay naiisip na ang mas maputing kulay ng balat ay
nakakapagpataas ng kanilang kagandahan at iba pang aspeto sa buhay kagaya ng paghanap ng
pag-ibig at pag hanap ng disenteng trabaho. Marahil naging perspektibo na ng mga Pilipino iyon
simula nang masakop tayo ng mga Espanyol ng 333 taon, tumatak na sa ating isipan na mas
maganda ang mga taong may maputi o matingkad na kulay na balat. Hindi man ang mga Pilipino
ang nag nais ng mas maputi na kulay ng balat, ngunit mas nais nilang maging kahalintulad sa
mga tao na nasa altasosyalidad, ang mga mestizo.
Ngunit bago pa man dumating ang mga kastila mayroon na tayong tradisyon kung saan
ang mga kababaihan ay itinago para maprotektahan. Ang Binukot ay grupo ng mga kababaihan
nakatago, kahit sa mga kalalakihan sa lugar na iyon, kung kaya’t ang mga tao ay itinatago rin ito
sa mga dayuhan. Ngunit, may iilang mga nakakita na ng mga ito, ilang mga sulat ng mga prayle
ay nag-sasaad sa mga ito. Ang pag hahanap sa mga kababaihang ito ay maari lamang mahanap sa
mga pasalitang mga kasabihan. Hindi din masasabi na ang binukot ay ginagawa ng lahat ng mga
katutubo ngunit hindi din masasabi na hindi nila ito isinasagawa. Ang mga binukot ay may
kaputian at makinis na balat dahil sa kanilang pamumuhay. At dahil sa kanilang kakaibang itsura
sila ang mas napipili upang gawing asawa ng mga datu, kung kaya’t ang naging persepsyon ng
kagandahan para kanila ay ang maganda at ang makinis na balat. (Abrera, 2009)
Ang mga palabas na ipinapakita ng lokal na telebisyon ay nagpapakita ng hindi patas na
pagtingin sa taong hindi maputi ang kulay ng kanilang balat. Sa industriya ng entertainment, ang
mga aktor sa pelikula and mga sikat na singer ay kadalasang may maputing kulay ng balat at
mga bilugang mga mata. Isang magazine cover na nagpapakita ng mga maiitim na modelo
kasama ang isang maputing artista ay nag papahiwatig ng mensaheng Isang magazine cover na
nagpapakita ng mga maiitim na modelo kasama ang isang maputing artista ay nag papahiwatig
ng mensaheng “stepping out of the shadows" Pinapakita nito na mas maganda ang mga taong
may maputing balat keysa sa maiitim (Norwood, 2014). Malakihang media campaigns ay
malakawang ginagamit upang magbigay ng mga impormasyon sa maraming tao, sa pag gamit ng
telebisyon, radyo, pahayagan at ang internet. Ang pagiging mulat sa ganitong pamumuhay at

126
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

nagbigay ng ibang perspekitibo sa pamumuhay. Ang media ay nakapagbigay ng isang malaking


impluwensya sa merkado, at pamumuhay ng isang tao. (Wakefield, Loken, & Hornik, 2010).
Kung kaya’t dito sa Pilipinas maraming tao ang tumatangkilik ng mga produkto na
nagpapaputi ng kulay ng kanilang balata at ang iba ay sumasailalim pa sa “skin bleaching”
upang makamit ang mas maputi na kulay ng balat. Ang Synovate ay nagpakita ng mga resulta ng
kanilang pag-aaral na nagsasad na ang Pilipinas ang malakihang kumukonsumo ng mga
produktong ito pagitan sa mga kasamang mga bansa nito sa pag-aaral na naganap, kung saan
nagsasaad na ang 1 sa 2 Pilipina ang gumagamit ng mga produktong pampaputi, kasunod ng
Pilipinas ay ang Hongkong sa 45%, Malaysia sa 41% at Taiwan sa 37%. (Arceo - Dumlao,
2008). Ngunit ang mga taong hindi namulat sa isang buhay na hindi malaki ang impluwensya ng
media sa kanilang buhay ay nagbago rin ba ang kanilang perspektibo sa kagandahan ng isang
indibidwal pagdating sa kanilang kulay ng balat.
Katutubong pananaw ukol sa kagandahan
Bago pa man dumating ang mga kastila mayroon na tayong tradisyon kung saan ang mga
kababaihan ay itinago upang maprotektahan. Ang Binukot ay grupo ng mga kababaihan
nakatago, kahit sa mga kalalakihan sa lugar na iyon, kung kaya’t ang mga tao ay itinatago rin ito
sa mga dayuhan. Ngunit, may iilang mga nakakita na ng mga ito, ilang mga sulat ng mga prayle
ay nag-sasaad sa mga ito. Ang pag hahanap sa mga kababaihang ito ay maari lamang mahanap sa
mga pasalitang mga kasabihan. Hindi din masasabi na ang binukot ay ginagawa ng lahat ng mga
katutubo ngunit hindi din masasabi na hindi nila ito isinasagawa. Ang mga binukot ay may
kaputian at makinis na balat dahil sa kanilang pamumuhay. At dahil sa kanilang kakaibang itsura
sila ang mas napipili upang gawing asawa ng mga datu, kung kaya’t ang naging persepsyon ng
kagandahan para kanila ay ang maganda at ang makinis na balat. (Abrera, 2009)
Kagandahan para sa mga kababaihan kaugnay ang kulay ng balat
Sa isang pag-aaral na Hussein (2010), kultura at media portrayals ang nagpapakita na isa
sa malaking paktor sa pag-aasam sa kagandahan upang maging perpekto at kung ano ang
paunang kinakailangan para sa magandang buhay ay makamit sa mga rehiyon. Upang siyasatin
ang kasanayan si Hussein ay nakapagsimula isang Foucauldian talaangkanan ng kasanayan sa
rehiyon. Sinimulan niya sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaugnayan ng pagkaputi ng kulay balat
sa kagandahan at pag-unlad. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng siyentipikong kapootang
panlahi at imperyal na diin sa mga pagbubukod batay sa racist na ideolohiya na ito trend ng pag-
uugnay ng kaputian ng balat sa kagandahan at pag-unlad ay nag-aral sa kolonyal Indya.
Pagkatapos ang mga symbolic ng kaputian ng balat ay nagsiwalat sa pamamagitan ng isang
bokabularyong tone ng balat sa rehiyon, na kumakatawan sa mga micro-uriin antas ng racist na
idelohiya mula sa kolonyal na doktrina macro-level. ng pag-aaral na ito ang mga resulta na
mayroon South Asian isang batayan sa kulay ng balat sa paghusga sa balat ng tungkol sa mga
nakamit sa buhay ng indibidwal.
Ang mga babaeng may maitim na kulay ng balat ay mas apektado sa karaniwang
pamantayan sa kagandahan, dahil ang mga pamantayang ito ay malaki ang pagtingin sa kulay ng
balat at sa uri ng buhok na meron sila at hindi kasama dun ang maiitim na babae. Sa pag gamit
ng mga sosyal na mga paktor kagaya ng pamilya, kaibigan, medya at ang sosayidad. Napapa-
loob ditto ang paningin nila sa sarili nila, kanilang pag-aasawa at malusog na mentalidad. Ang
pag-aaral na naganap na nag sasabi na madaming kababaihan ang umaayaw sa sarili nila dahil sa
kanilang kulay ng balat. Eto ang epekto ng European na pamantayan ng kagandahan. (Bryant,
2013)
Epekto ng medya sa persepsyon sa kagandahan ng isang tao kaugnay sa kulay ng balat
Karagdagan sa pamantayan ng kagandahan, ang medya ay isa sa mga nagbibigay ng
signipikong pagganap sa pagpapalawak ng mga pamantayang ito. Ang mga maiitim na bata ay
ang naapektohan ng todo ng medya dahil sa pag taas ng pag-gamit ng medya ng mga tao. Sa
muwestra ng 176 na batang babae na may maitim na kulay ng balat na nag-iidad sa 13 hanggang

127
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

17, si Gordon ay nag saliksik ukol sa pagkakakonekta ng medya at ang pagkonsumo ng mga
babae na may maitim na kulay ng balat – lalong lalo na sa medya na naglalaman ng sensual na
mga imahe – at ang pokus sa kagandahan at itsura. Natagpuan ni Gordon na ang mga babaeng
may maiitim na kulay na balat na mahilig sa mga musika na rap at mga palabas na ang itsura ng
buhok, kulay ng balat a yang sentro ng mga babae sa mga palabas na naipapakita. Ang pag-aaral
na ito ay nag-sasabi na ang pagkakalantad nito at ang identipikasyon sa mga pagpapakita na ang
mga babae na ito ay gamit lamang para sa seks, at patuloy ito na nag papakita ng lugar ng mga
babae na may hindi kaputiang kulay ng balat base sa kanilang kulay ng balat ang takbo ng
kanilang buhay. (Gordon, 2008)
Iba pang pag-aaral ukol sa kagandahan ayon sa kulay ng balat at pagpapaputi
Isinulat ni Arceo-Dumlao (2008) na ang mga lokal na mga kumpanya sa Asia ay isa sa
mga naglagay ng whitening segment of the skin care sa pamilihan noong kahulihan ng 1980s at
simula ng 1990s. Ngunit multinational na mga kumpanya ay agarang sumali noong nakita nila
ang mahigit sa doble ng taas ng benta na pinakikinabangan ng mga kumpanyang nauna sa kanila.
2 sa 5 babae sa Hong Kong, Korea, Malaysia, Philippines at Taiwan nararamdaman na mas
maganda sila pag mayroon silang maputi na kulay ng balat. Ang Synovate ay nagpakita ng mga
resulta ng kanilang pag-aaral na nagsasad na ang Pilipinas ang malakihang kumukonsumo ng
mga produktong ito pagitan sa mga kasamang mga bansa nito sa pag-aaral na naganap, kung
saan nagsasaad na ang 1 sa 2 Pilipina ang gumagamit ng mga produktong pampaputi, kasunod ng
Pilipinas ay ang Hongkong sa 45%, Malaysia sa 41% at Taiwan sa 37%. Sa Pilipinas, ang mga
produktong tinatangkilik ng mga tao ay gumagamit na ng sachet.
Pagbubuo
Sa madaling salita, ang ilang mga tao, lalo na mga babae, ang mas malakihang
naapektuhan ng kulay ng kanilang balat at ikinukumpara ang kanilang mga sarili sa iba pang
mga tao na bahagi ng kanilang parehong pangkat na panlahi. Naiugnay rito ang pagpapalit ng
kulay ng balat ng karamihan sa mga ito, dahil malaki na rin ang impluwensya ng medya sa
pagnanais nito. Ang mga literaturang nabanggit sa pag-aaral na ito ay nagmula sa wikang ingles
at isinalin laman sa wikang Pilipino. Ninanais ng pag-aaral na ito makuha ang datos na
nagmumula sa perspektibong Pilipino at kunin ito gamit ang metodong sikolohiyang pilipino o
pangkatutubong metodo.
Karamihan sa mga pananaliksik at pag-aaral na ginawa sa mga nakaraang taon ay ginawa
na sa America, Europe at Timog-Silangang Asya. Karamihan ng mga sample ng kalahok babae
at ilang lalaki kalahok. Ang pinaka-naapektuhan ng presepsyon ng kagandahan pagdating sa
kulay ng balat ay ang mga babae, mga lalaki sa pangkalahatan ay mas minsan lamang na
magdusa sa kulay na diskriminasyon, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi sila nagdusa sa
lahat. Diskriminasyon ng kalalakihan ukol sa kulay ng balat. Tulad ng pag-aaral nila Wigerfelt,
Wigerfelt, & Kiiskinen (2014) na nagsaad na ang mga tao na may maitim na balat ay ang mga
kriminal sa mata ng ibang tao. Higit pang mga pag-aaral ay kinakailangan upang makita ang mga
punto ng lalaki sa colorism. Mayroong ilang mga pag-aaral kasama na ang mga Filipino upang
maging kasangkap sa mga tuntunin ng colorism. Naririto ang mga katanungang pananaliksik: (1)
Ano ang pananaw ng mga katutubong tao ukol sa kagandahan ayon sa kulay ng balat?, (2) Ano
ang katutubong persepsyon sa mga produktong pampaputi at ano ang kanilang ginamit at ano
ang kanilang karanasan sa pag gamit ng mga produktong pampaputi?
Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ng pag-aaral na ito ay kwalitatibong disenyo. Ito ay gagamit
ng Indigenous Method o pang-katutubong pamamaraan ng pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay
malinaw na maiihahayag ang nais sabihin ng mga kalahok ukol sa kung ang kulay ng balat ay
may kaugnayan sa perpektong kagandahan. Ang mananaliksik ay gumamit ng pagtatanong-
tanong, paninirahan, pagmamasidmasid at pakikisama dahil sa pamamaraan na ito makakakuha

128
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

ang mananaliksik upang makuha ng datos ng hindi nagbabago o pinapaganda ang mga sagot ng
mga kalahok.
Ang mga kalahok
Ang mga kalahok na ang tagapagpananaliksik ay magtatanong-tanong ng sampung (10)
katao. limang (5) babae at limang (5) lalaki. Sa edad na grupo ng mga 15-20 taong gulang.
Naisip ng mananaliksik na ang edad na ito ang madalas na napapansin ng pansariling
kagandahan. Ayon kay O'Connell& Martin (2012) ang positibong pagtingin sa body image ay
mabilisang bumababa sa kalahatang taon ng adolescent. Sa pag-aaral na naganap ang mga taong
nasa edad 15 ay ang hindi masaya sa kanilang body image.
Kinailangan din sa pag-aaral na ito ang demograpikong impormasyon ng mga kalahok.
Kinailangan sa pag-aaral na ito ang mga kalahok na hindi naimpluwensyahan ng medya. Medya
na kagaya ng telebisyon, radyo, pahayagan at internet. Hinihiling ng mananaliksik na may
trabaho at kahit papaano may pinag-aralan ang mga kalahok upang maayos na magkaintindihan
ang mananaliksik at ang kalahok.
Ang ginamit ng mananaliksik ay purposive random sampling sa pagkuha ng mga kalahok
sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kaginhawaan ng pagsa-sample sa El
Nido, Palawan. Ang mga kalahok ay mga naninirahan sa kabundukan sa El Nido, Palawan. Sila
ay lahat hindi pa nakababa sa bayan, ngunit may mga kakilala sila na bumababa sa bayan upang
magtrabaho.
Mga Instrumento
Sa pag-aaral na ito gumamit ang mananaliksik ng pagmamasid-masid, upang makita kung
ung pasok ba sila sa krayteria na hinahanap ng mananaliksik para sa naturang pag-aaral. Gagamit
din ng pakikipag-kwentuhan, dito malalaman ng mananaliksik upang malaman ang kanilang
perspektibo sa kulay ng balat. Upang makakuha ng maganda at eksakto ang sinasabi ng kalahok,
gagamit ang mananaliksik ng rekorder upang marinig ng maayos ang kanilang
pakikipanayaman. Maaring gumamit ng mga larawan ang mananaliksik upang malaman kung
ano ang eksaktong maputi at maitim sa kanila at kung nakikita ba nila ito bilang kaaya-aya o
hindi.
Taga pagpananaliksik ay gumamit din ang paghahambing ng kulay ng balat ng mga
kilalang tao upang makuha ang eksaktong larawan ng kung ano ang kulay ng balat ay mas
maputi o mas maitim. Sa pagsasaliksik na ito, ang palatanungan na maaaring gamitin ay
katutubo. Patanong-tanong, Pagmamasid-masid at Pakikipagkwentuhan.
Kaparaanan
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon at nakabase sa perspektibo ng mga tao sa El Nido,
Palawan na hindi pa sanay sa modernong panahon ng media. Ang El Nido, Palawan ay isa sa
mga urban na lugar ng Palawan ngunit sa kadulo-dulohan nito ay may mga rural pa na lugar,
sapagkat ang mga kalahok na maaring makuha ng mananaliksik dito ay hindi pa nakasasagot ng
surbey o ano mang mga instrumento ng pananaliksik. Dahil dito, mas nanaising gumamit ng
mananaliksik ng katutubong pamamaraan ng pagkuha ng impormasyong mula sa mga kalahok.
Sa pamamagitan ng katutubong pamamaraan ng pananaliksik, kinakailangan ng mananaliksik
manirahan sa lugar na iyon sapagkat hindi tubong Palawan ang mananaliksik kung kaya’t
kinakailangan nyang maobserbahan ang kabuhayan at pamumuhay ng mga tao doon. Nanirahan
ang mananaliksik sa kanyang mga kamag-anak na nakatira sa pook upang makatulong sa
kanyang pakikipagpanayaman at pakikipalagayan ng loob sa mga taong nakatira roon upang
makuha ang eksakto at taos-pusong sagot ng mga kalahok.
Ang unang gagawing ng mananaliksik ay magpapakita ng pagiging pagkapantay nya sa
mga taong nakatira sa puok na iyon, upang hindi mang-iwas o manibago ang mga tao sa kanya.
Gagamit ng disente at simpleng damit ang mananaliksik. Hindi sya gagamit ng magagarbong
kadamitan. Ang pangalawang gagawin ng mananaliksik ay ang makipagkwentuhan sa mga
nakatira sa pook na iyon. Kasama ang kanyang Lola na doon nakatira, ipakikilala sya sa mga

129
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

nakatira roon at sisikaping makuha ang loob ng mga taga-roon ng mananaliksik. Sasabihin na
siya ay kanyang apo at nandirito upang magbakasyon. Hindi dapat malaman ng mga kalahok na
nagsasagawa ng pag-aaral ang mananaliksik dahil maaring manipulahin nila ang kanilang mga
kasagutan pagdating sa naturang paksa.
Ang pangatlong gagawin ng mananaliksik ay ang pakikipagkwentuhan. Pag nakuha na ng
mananaliksik ang loob ng mga taga pook na iyon, isasagawa na ng mananaliksik ang
pakikipagkwentuhan. Pag-uusapan na nila ang kanilang perspektibo ng kagandahan pagdating sa
kulay ng balat. Maari na ring gumamit ng pagtatanong-tanong ang mananaliksik. Magtatanong-
tanong na sya ukol sa paksa na pinag-uusapan. Hindi kailangan maging pormal ang kanilang
mga sagot dahil ito ang nais malikom ng mananaliksik. Kasama sa pakikipagkwentuhan ng
mananaliksik sa kanyang mga kalahok ang kanyang kamag-anak upang mas mapalagay at mas
eksakto ang mga sagot na maaring makuha ng mananaliksik. Habang nagsasalita ang mga
kalahok sikretong inihanda ng mananaliksik ang rekorder upang malikom ang mga kasagutan ng
mga kalahok ng walang pagbabago sa kanilang mga kasagutan dahil sa lantad na prisensya ng
rekorder.
Ang huling gagawin ng mananaliksik ang dokementasyon ng mga larawan na ipapakita
sa mga kalahok upang makakuha ng malinaw ng mananaliksik ang kanilang perspektibo sa kulay
ng balat ng isang indibidwal.Ang mananaliksik ay nanirahan sa pook ng dalawang linggo. Maikli
lamang ang panahon na itinagal ng mananaliksik dahil ipit sa oras, ngunit nakuha ng
mananaliksik ang tiwala ng mga taga pook, dahil sa kanyang mga kamag-anak at sa paraaan ng
pakikisama ng mananaliksik.
Resulta at Diskusyon
Katutubong metodo ang ginamit ng mananaliksik upang makuha ng mga impormasyong
kinailangan, hindi ito maaring isukat o ikategorya. Sampung kalahok ang nakausap ng
mananaliksik. Sa usapan nagsilbing kausap at tagapakinig sa mga kalahok. Sa pamamagitan ng
pakikipagrelasyon, pakikinig at pakikitungo sa mga kalahok, nabigyan ng kabuluhan ang
pananaliuksik na ginawa ng mananaliksik. Sa pagtatangi ng tema na isinalaysay, masasagutan
ang mga tanong na pananaliksik na: (1) Ano ang katutubong pananaw sa kagandahan ayon sa
kulay ng balat ng balat? (2) Ano ang katutubong persepsyon sa mga produktong pampaputi at
ano ang kanilang ginamit at ano ang kanilang karanasan sa pag gamit ng mga produktong
pampaputi? Gamit ang mga nalikom na pahayag ng mga kalahok patungkol sa kagandahan at
pag-gamit ng mga pampaputi ito ay nagsisilbing patibay sa paglatag ng resulta ng pag-aaral. Ang
mga kalahok ay natatawag na babae (B) at lalake (L).
Ano ang katutubong pananaw sa kagandahan ayon sa kulay ng balat ng balat?
Ayon sa mga kalahok ang magandang kulay ng balat ang tipo ng balat na naayon sa
kanilang itsura. Ang hindi kaputiang balat ang naayon para sa kanila ay ang magandang kulay ng
balat. Ito ay ayon sa mga kalahok sa parehong kasarian, ngunit para sa ilang mga kababaihan
naiiba ang kanilang mga sagot, nais nila nang mas maputi pang kulay ng balat.
“Tama naman si Kalahok 2 eh, hindi rin naman maganda sa babae ang todong puti, pag
tingin ko sa morena malinis naman din tingnan, para sa akin ang morena kahit anong damit
maganda”. - Kalahok 4, B
“Malinis daw tingnan ang taong may maputing kulay na balat keysa sa may maitim na
kulay ng balat”, “Kahit na daw na bagong ligo ang maiitim ang kulay ng balat nagmumukha pa
rin silang madumi or marungis”, “Mas nakakakuha kasi ng atensyon ang maputi”. Kalahok 1, L
“Hindi naman sa ayaw ko sa mga maiitim, kaso kasi mas gusto ko pa rin ang mapuputi.”
Kasi pag sa babae, ang mapuputi mas mayaman tingnan dahil naalagaan nila ung balat nila,
kahit na may magandang babae dyan pero maitim ang balat, hindi ko pa rin sya papansinin kasi
maitim sya.” - Kalahok 3, L
“Ako lang naman ata ung may gusto ko ng tamang kulay ng balat eh. Kayo kasi gusto
nyo yung hindi nyo maabot, tama na ako sa maabot ko (tawa)” - Kalahok 8, L

130
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

Lahat ng mga mga kalahok ay sumasang-ayon sa pag gusto nila sa sarili nilang kulay ng
balat. Ang kulay ng balat na hindi kaputian. Ngunit noong tumagal pa ang kanilang usapan
lumabas na karamihan sa mga kalahok ang nag-nanais na palitan o mapaputi ang kanilang mga
balat. Mas mataas sa mga kababaihan na magnais na wag nang umitim at mapanatili ang
maputing kulay ng kanilang balat. Sumasang-ayon ang mga pahiwatig ng mga kababaihan sa
mga pag-aaral na naisagawa. Ang mga babaeng may maitim na kulay ng balat ay mas apektado
sa karaniwang pamantayan sa kagandahan, dahil ang mga pamantayang ito ay malaki ang
pagtingin sa kulay ng balat at sa uri ng buhok na meron sila at hindi kasama dun ang maiitim na
babae. Sa pag gamit ng mga sosyal na mga paktor kagaya ng pamilya, kaibigan, medya at ang
sosayidad. Napapa-loob dito ang paningin nila sa sarili nila, kanilang pag-aasawa at malusog na
mentalidad. Ang pag-aaral na naganap na nag sasabi na madaming kababaihan ang umaayaw sa
sarili nila dahil sa kanilang kulay ng balat. Eto ang epekto ng European na pamantayan ng
kagandahan. (Bryant, 2013).
Ayon sa mga lalake nagmumukhang malinis ang isang tao dahil sa kanilang kulay ng
balat at ayon naman sa mga babae ito ay nagbibigay ng malaking tsansa na makapag-bigay ito sa
kanila ng isang asawa. Mga Kababaihan na maputi nang bahagya ang kulay ng balat ay may mas
mataas na mga tsansa ng kasal. Ito ay ang aming mga social tradisyon na ang mga tao makipag-
usap tungkol sa kulay ng balat ng babaing bagong kasal at ang buong pamilya ay
makakaramdam ng pagmamalaki. Mga kababaihan na maputi nang bahagya kulay ng balat ay
nakita na maging mas maganda sa lipunan kung ihahambing sa mga may mas maitim na kulay
ng balat. Tungkol sa paghahanap ng trabaho, sa aspeto muli doon ay malinaw na may
kagustuhan sa kulay. Maputi nang bahagya babae ay mas katiwa-tiwala sa kanilang mga
pakikipag-ugnayan.
Ano ang katutubong persepsyon sa mga produktong pampaputi at ano ang kanilang ginamit
at ano ang kanilang karanasan sa pag gamit ng mga produktong pampaputi?
Kung ako naman ung nabibili ni _____ sa bayan, ung sabon. Maganda iyon gamitin kasi
pumuti sya kaagad, nais ko ring pumuti dahil wala nang nanliligaw sa akin dahil nga nagbabad
na ako sa dagat. Kalahok 5, B
Ayaw ko namang umitim, kung ano-ano ginagawa ko para pumuti ako. Kasi madaming
pumupuri sa kulay ng balat ko. - Kalahok 4, B
Ayon sa mga kalahok ang produktong pampaputi ay mga produkto na tutulong sa kanila
upang makuha ang kulay ng balat na nais nilang makamit, ito ang kulay ng balat na sa paningin
nila na makapagbibigay sa kanila ng mataas na tsansa sa pag-ibig. Ang kanilang karanasan sa
pag gamit ng mga pampaputi ay natataoon pa rin sa natural na paraan na pag gamit ng kalamansi
sa pampaligo, ngunit sa ibang mga kalahok ang pag gamit ng mga sabong nakukuha nila sa
bayan ang kanilang ginagamit. Ilan sa mga kalahok ay may mga kamag-anak na bumababa sa
bayan upang magtrabaho kung kaya’t nakabibili sila ng mga produktong pampaputi. Nagusuthan
nila ang pag gamit nila ng mga pampaputi. Maraming mga Pilipino ang gagawin ang lahat upang
makamit ang maputing kulay ng balat. Kung kaya’t ang ating mga pamilihan ay puno ng mga
produktong pampaputi – mula sa sabon, creams, and mga pulbos at glutathione. Ang pagiging
maputi ay pagiging maganda. Ito ang sinasabi ng mga advertisments sa atin. Ngunit hindi lamang
natin pwede sisihin ang mga advertisments. Sinasabi na nga na nasa kultura na ng mga Pilipino
na ang ating pamantayan pagdating sa kagandahan ay laging naka pabor sa maputing kulay ng
balat. Ito ay ang mestiza madness na naipasok sa ating mga isipan simula pa noong ang mga
Espanyol ay sinakop tayo. Mayroon silang mahigit sa tatlong siglo na mapaniwala tayo na ang
mas maputing kulay ng balat ay mas maganda. Mahigit isang daang taon na simula ng umalis
ang mga Espanyo sa ating bansa, ngunit ngayon dahil sa mga palabas na ipinapakita ng mga
Amerikano, marami pa ring mga Pilipino ang nagnanais makamit ang maputing kulay ng balat.
(Lapeña, 2010).

131
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

Konklusyon at Rekomendasyon
Ayon sa karamihan ng mga kalalakihan ay nagsasabi na para sa kanila maganda ang
maputi, at iilan lamang sa mga kababaihan ang nagsasabi na mas maganda ang maputi keysa sa
maiitim. Lumalabas din sa mga resultang nakalap na para sa mga lalake, maganda na para sa
kanila tingnan ang katam-taman o maitim na kulay ng balat. Karamihan sa kanila na hindi na
nag-nanais ng iba pang kulay ng balat, samantalang ang mga babae naman ay maaring magpalit
pa ng kulay ng balat, at ayaw nilang umitim. Ang mga taong may hindi kaputiang kulay ng balat
ay kinukampara ang kanilang mga sarili sa mga tao na may maputing kulay ng balat pagdating sa
relasyon, trabaho at mga pribelehiyo. Ito ay isa sa mga naging problema na ikinahaharap ng ating
modernong komyunidad. Ang kakabaihan ang karaniwang nakararanas ng mataas na kagustuhan
pumuti. Naitatak na ito sa atin isipan na natin na ang babaeng may maputi na kulay ng balat ay
mas kaaya-aya. Ang maputing kulay ng balat ay naging malaking parte ng buhay ng mga
tagapamili dito sa Asia. Hindi lamang ang maputing kulay ng balat ang nakaka-apekto sa pag
tingin sa kagandahan ng isang babae, ngunit naapektuhan din nito ang kanyang tsansa sa pag-
aasawa, trabaho, antas ng pamumuhay at kanyang sahod.
Ang maaring gawing ng lokal na pamahalaan ay mag-sagawa ng isang seminar ukol sa
kagandahan. Upang maipaliwanag na kahit na hindi kaputian ang kulay ng balat ng isang tao ay
maganda pa rin sila. Ito lamang ang naiisip kong paraan upang matanggap ng mga tao sa pook na
iyon ang tunay na kagandahan. Maari ring magpakita ng mga masama at mabuting epekto ng
mga pampaputi upang maliwanagan ang mga tao na ito sa mga produkto na pampaputi.
Ninanaism na mairekomenda ng mananaliksik na sa mga susunod pang gagawa ng katulad na
pag-aaral ay mas palawakin pa ang mga datos na kukunin sa mga kalahok. Ninanais na
mairekomenda rin ng mananaliksik na kumuha pa ng mas maraming kalahok upang makakuha
pa ng mas maraming impormasyon. Naninanais na mairekomenda rin ng mananaliksik na
gumamit pa rin ng katutubong metodo upang mas mapalawak at mapatibay ang pagkuha sa mga
datos at upang mas maging makabuluhan ang resulta.

Sanggunian:
Abrera, M. (2009). Seclusion and Veiling of Women. UP Diliman Journals of Philippine Social
Sciences Review, 60(1), P 43-65. Retrieved August 14, 2015, from http://journals.upd
.edu.ph/index.php/pssr/article/viewFile/1274/1630
Arceo - Dumlao, T. (2008). A Whiter Shade of Pale: Skin Whitening Products in Asia. B2-4.
Retrieved September 24, 2015, from news.google.com/newspapers?nid=2479
Bryant, S. (2013). The Beauty Ideal: The Effects of European Standards of Beauty on Black
Women. Columbia Social Work Review, IV (2013), 80-91.
Gordon, M. K. (2008). Media contributions to African American girls’ focus on beauty and
appearance: Exploring the con Bryant Columbia Social Work Review, Volume IV 90
sequences of sexual objectification. Psychology of Women Quarterly, 32, 245-256.
Hussein, N. (2010). Colour Of Life Achievements: Historical And Media Influence Of Identity
NorwoFormation Based On Skin Colour In South Asia. Journal of Intercultural Studies,
Lapeña, C. (2010). Dissecting the Pinoy white skin obsession. Retrieved October 23, 2015, from
www.gmanetwork.com/news/story/182773/lifestyle/dissecting-the-pinoy-white-skin-
Norwood, K. (2014). Color matters: Skin tone bias and the myth of a post-racial America.
Choice Reviews Online, 13-13. doi:131781956X, 9781317819561
O'Connell, A., & Martin, S. (2012). How we see it. Report of a Survey on Young People's Body
Image, 1-1. doi:978-1-4064-2710-3
Wakefield, M., Loken, B., & Hornik, R. (2010). Use of mass media campaigns to change health
behaviour. The Lancet, 376(9748), 1261-1271. doi:10.1016/S0140-6736(10)60809-4
Wigerfelt, B., Wigerfelt, A. S., & Kiiskinen, J. (2014). When Colour Matters: Policing and Hate
Crime. Social Inclusion, 2(1), 1-11.

132

You might also like