Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

"Ang kalayaan, may kasamang mga Responsibilidad"

Kalayaan ang isang bagay na taglay ng isang


tao na hindi mawawala at hindi makukuha ng sino
man. Kaakibat nito ang katagang responsibilidad.
Likas sa ating mga tao ang magdesisyon sa pang
araw- araw. Mula sa kung ano ang ating nais kainin
hanggang sa mabibigat ng gawain. Bilang isang
anak, kahit noong ako’y musmos pa lamang ay may
kalayan ng taglay ngunit may responsibilidad ding
nakaatang sa aking mga balikat. Ang maging
masunurin lagi sa magulang ay isang malayang
desisyong aking ginawa upang magampanan ko ng
mabuti ang pagiging isang responsableng anak. Ang simple, pero maayos na desisyong aking
ginawa ay nagpapakita ng kalayaang aking taglay. Masaya ang aming pagsasama bilang isang
pamilya dahil nagagampanan namin ang aming mga responsbilidad ng maayos.

Maituturing kong bayani ang aking mga


magulang. Ginagampanan nila ang kanilang
responsibilidad sa aming magkakapatid na
mabigyan ng maayos na buhay. Higit pa roon, hindi
lang sila magulang. Mayroon silang mga trabahong
dapat gampanan bilang isang parmasyutiko at
isang guro. Marami silang natutulungang tao sa
propesyong kanilang tinahak.
Ang pagtanggap ng isang responsibilidad
bilang isang anak man o mag-aaral ay maituturing
na kabayanihan kung ang responsibilidad na ito ay
isinasabuhay o ginagawa ng tama at may pananagutan sa kung ano man ang hakbangin na
kanyang napagdesisyunang gawin. Isang halimbawa nito ang bigyan ako ng aking mga magulang
ng kalayaang sumama sa field trip, responsibilidad kong pangalagan ang aking sarili at hindi sirain
ang tiwala ng aking mga magulang. Ganoon din sa mga bagay na aking nais gawin tulad ng
pumunta kami sa Bohol, kaakibat ng aming kasiyahan ang pagiging maingat at huwag
magpabaya.
Para sa akin isang bayani ang taong may pag-unawa sa
responsibilidad na may kaakibat na kalayaan. Ito ay sa
kadahilanang may kakayahang pumili ang isang tao na gawin
ang kanyang responsibilidad sa maayos at disiplinadong
paraan. May kakayahan din siyang gawin ito sa masama,
nasasakanya yan dahil may kalayaan siyang taglay.
Sa aking palagay, masasabi kong ako ay isang
responsableng tao na handang tumulong at magbigay ng higit
pa sa inaasahan ng taong nanghihingi ng tulong. Likas sa tao
ang tumulong gaano man kaliit o hanggat may maitutulong ay
handa tayong tumulong. Responsibilidad rin nating tumulong sa nangangailangan lalo na kung
may kakayahan tayong tumulong.
Ang pagiging isang huwaran na may kalayaang pumili o magdesisyon sa sarili ay may
kaakibat na responsibilidad. Isa ng halimbawa kung ako ay gagawa ng mga takdang aralin,
magiging maayos ang aking grado na makakapagbigay inspirasyon sa iba na magpursige rin sa
pag-aaral. Kung ipapakita ko na hindi ako gumagawa ng takdang aralin, siguradong babagsak
ako at responsibilidad kong tanggapin ang masamang epekto nito. Lahat ng desisyong ating
gagawin may kalayaan tayong pumili at ang kalalabasan nito ay responsibilidad nating tanggapin
at pangatawanan.

You might also like