Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FIL 316 (2654): Malikhaing Pagsusulat

Gawain 3

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Gng. Alma B. Cuevas, EdD
Nobyembre 01, 2021
1. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makasulat ng isa sa mga anyo ng
malikhaing sulatin, pipiliin ko ang makasulat ng isang tula dahil ito ay nakikita ng mata,
nauunawaan ng isip at tumutuloy sa damdamin. Sa pagbubuo ng tula, pinagsasama-
sama ang mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga at kaisipan. Bilang isang
makata dapat isaalang-alang ang pagtataglay ng mayamang imahinasyon, malikot na
pag-iisip, sensitibong pandama at matayog na kaisipan.

Katulad ng ibang manunuat, ang mga makata ay maituturing na tagapagbudbod o


tagapaghasik ng mga binhing salita at ang produkto ng kanyang mga panulat ay ang
kanyang mga gawang tula. Sining ang mundo ng mga makata at ang layuning
makapukaw ng kamalayan at damhin ang kaluluwa ng mga mambabasa ang
pangunahin niyang mithi.

Samakatuwid, nais kong makasulat ng isang tula upang tumayong isa sa mga
tagapagtaguyod ng panitik ng ating bansa. At ganito na lamang kalaki ang papel na
ginagampanan ng mga makata sa ating lipunan sapagkat nakasalalay sa kanilang mga
kamay at tinta ang kasaganaan sa literatura at mga babasahing maaaring sumalamin
sa kasaysayan, kultura, tradisyon, paniniwala at pagkakakilanlan ng mga mamamayan.

2. Kung pag-uusapan naman ang teknikal na anyo ng pagsulat, pipiliin kong isulat ang
isang akademikong sanaysay sa kadahilanang ito ang pinakamalapit sa nakasanayan
ko noong isulat na pangulong-tudling o editoryal. Bilang mga mag-aaral sa kolehiyo,
hindi naman lingid sa ating kaalaman na kadalasan sa mga pinapagawa sa ating mga
gawain ay mga sanaysay. Kung minsan pa, ito ay bahagi ng ating pagsusulit na kung
saan may layuning tayahin ang lawak ng pagkaunawa nating mga mag-aaral.

Sa kabilang banda, nais kong makasulat ng sanaysay na tumatalakay sa ating


kasalukuyang sigalot at bigyang pagkilala ang mga tao sa likod ng ating kaligtasan at
kalusugan. Sa gitna ng ating nakaririmarim na sitwasyon sa kasalukuyan, nararapat na
sila’y bigyang parangal sa buong puso nilang serbisyo at dedikasyon sa kanilang
trabaho.

You might also like